Romantikill

I Just Bought My Girlfriend from Puregold [tagalog novel] [abandoned sorry orz]

 

Binuksan ni Yongguk ang switch ng ilaw dahil madilim sa loob ng bahay.

“Mukhang tulog nang mahimbing si Himchan ah. Patay pa lahat ng ilaw. Di kaya may sakit yun?”

Umupo sina Junhong at Jongup sa sofa. Bago pa makadiretso sa kusina si Daehyun ay hinila siya ni Yongguk sa likod ng t-shirt niya.

“Samahan mo akong puntahan si Himchan sa kwarto niya. Jae, abangan niyo yung pizza natin.”

Lumapit si Youngjae kay Yongguk at nagmakaawa, “Sama ako, plis?”

“Okey…”

 

“Daehyun walang pagkain dito, tumigil ka nga nang kakahanap nang makakain!” sermon ni Youngjae habang naglalakad sila patungi sa kwarto ni Himchan sa 2nd floor.

Kumatok si Yongguk sa pinto ng kwarto ni Himchan na may nakasabit na “Gwapo Inside” sign.

“Hoy Kim Himchan, labas na! Nagugutom na ako!”

Binatukan ni Youngjae si Daehyun at pinatahimik siya.

“Himchan bubuksan ko na ang pinto ha,” paalala ni Yongguk bago buksan ang pinto.

Nagulantang ang tatlo sa kanilang nakita. Napasigaw si Daehyun sa gulat. Narinig nina Jongup at Junhong kaya nagmadali silang umakyat. Natulala na lang silang lima. Hindi sila makapaniwala na may katabing magandang babaeng naka-French maid uniform ang kanilang NGSB na katropa.

“May g-girlfriend na si Hi-Himchan…” utal na sinabi ni Youngjae.

Dagdag ni Daehyun, “At may pa sila…”

“Jongup, bumaba na kayo ni Junhong. Hindi niyo dapat makita to,” utos ni Yongguk.

“Ay daya…”

“Choi Junhong.” Tinignan ni Yongguk nang masama si Junhong. Sumunod din ang dalawa sa utos niya.

Pumasok ang tatlo sa kwarto at pinagmasdan ang isang eksenang di nila aakalaing makikita nila.

Nilabas ni Youngjae ang kanyang magarang Oppo N1 at kinuhaan ng picture sina Himchan at ang misteryosong babae.

May narinig silang ungol mula sa babaeng katabi ni Himchan kaya maingat silang umalis na parang walang nangyari. Pagkalabas ay kumatok sila sa isinara nilang pinto.

“Himchan!  –katok sa pinto–  Labas na dyan oy! Nagpadeliver kami ng pizza. May celebration kasi tayo!” sigaw ni Yongguk sa pinto.

“Dalian mo nagugutom na ako! Gising na Himuchan~” dagdag ni Daehyun habang nakahawak sa kumakalam na sikmura.

“Gising na kundi bubuksan naming yung pinto.”

Biglang nagising si Himchan sa gulat at sumagot, “SANDALAI LANG MAGBIBIHIS MUNA AKO! HINTAYIN NIYO NA LANG AKO SA BABA!”

“Oh sige~” sabay bumaba ang tatlo habang tawa nang tawa.

Nagmamadaling nagpalit ng damit si Himchan at tinakpan ng dalawang kumot ang robot. Pagkalabas niya ay ni-lock niya ang kwarto.

 

“Umm… anong meron? Daming pagkain ah, at di lahat galing sa ref ko,” sabi ni Himchan sa kanila habang pinagmamasdan ang kanyang hapagkainang puno ng isang Pizzaville combination 70” pizza, dalawang chicken bucket, tatlong case ng beer, isang planggana ng French fries at isang baking pan ng spaghetti.

Sumagot si Daehyun habang ngumunguya, “Kashi lahut kami may bagong t-trabaho  –umubo–”

Hinimas ni Youngjae ang likod ng nabilaukang si Daehyun.

“Model na kasi ako ngayon, tapos si Jongup bagong choreographer ng C-Kre2, si Daehyun vocal coach nila, si Youngjae ka-partner yung Sunhwa sa isang kanta tapos si Cherry trainee na ng ABSGM5, si ate Elsa pianist tapos malapit nang magcomeback ang C-Kre2!” tapos inabutan ni Junhong si Himchan ng isang plato mula sa kusina niya.

Lumapit si Yongguk kay Himchan at sinabi, “Maswerte tayo, walang pasok sa office. Nasira yung kuryente sa buong building, kaya kumuha ako ng beer.”

“Teka nga, dito ba kayo matutulog?”

Nagsikohan sina Jongup at Junhong.

“Wala naman kaming pasok bukas ah,”paliwanag ni Jongup.

“Eh si Junhong? Hindi ba’t nagbabantay sayo si Hyuna?”

Palusot ni Junhong, “Nagsabi akong di ako makakauwi. He he…”

“Eh kayong dalawa?” turo ni Himchan sa magkasintahan.

Nag-jak en poy ang dalawa kung sino ang sasagot. Nanalo si Youngjae dahil bato ang sa kanya, gunting naman ang kay Daehyun. Tinulak ni Youngjae si Daehyun palapit kay Himchan.

“Ngayon lang naman kami aabsent ah. Sige na Himuchan~” na may kasama pang pa-cute. “Tsaka kasya naman tayong lahat sa kwarto mo ah.”

Nanlaki ang mga mata ni Himchan at dumepensa, “Hindi kaya! Tsaka marami naming kwarto sa bahay na to!”

“May tinatago ka sa kwarto mo no?” kindat ni Youngjae.

Paulit-ulit na umiling si Himchan at ipinilit na “Wala nga akong tinatago! Di naman kasi talaga tayo kasya sa kwarto! Tsaka sisirain niyo lang mga gamit ko. At uubusin niyo lotion ko!”

“Ang precious lotion ni Himchan…” bulong ni Jongup.

“Mahal mga lotion ni Himchan uy. Puro galing ng France at Germany. Lalo na yung Nivea!” sabi ni Daehyun.

“Wala raw pera pero imported mga lotion. Yan tayo eh…” sambit ni Junhong.

“Kumain na lang tayo guys,” sabi ni Yongguk habang isa-isa silang inabutan ng bote ng beer.


Nag-update kahit may sakit. Chyeah. Wala na atang nagbabasa. Sad layp nu.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
yaminohime
Ika-labintatlong Kabanata - If I Fell

Comments

You must be logged in to comment
matoki_angel
#1
Chapter 14: Hindi ko alam kung mas kinikilig ako sa DaeJae kaysa kay Himchan at Alym pero JUSKOOOO OTORNIM UPDATE JUSEYOOO~!
Ang feels at tawa ko naguumapaw! How to be Alym?xDD update soon pooo~~~
DaeChanLeoJin
#2
Chapter 11: SHET NEKEKEKELEG EHMEGED DI KO KINAYA ANG FEELS
alymnihimchan #3
Chapter 10: Grabe yung pag describe kay himchan xD lol di ko gets yung sa Barbie xD
alymnihimchan #4
Chapter 9: WAHAHA BAKIT AKO KINIKILIG SA NAME KO WAHAHA NAHIHIYA AKO BIGLA
alymnihimchan #5
Chapter 8: Walang hiyang lotion !!! XD
alymnihimchan #6
Chapter 7: Loool mga loko ang bap xDD
alymnihimchan #7
Omooooo WAHAHA KINIKILIG AKO SHEYT !!!!
DaeChanLeoJin
#8
Chapter 8: HAHAHAH WLA DAW PERA YAN TAYO EHH
mino-ssi
#9
Chapter 4: Desperado si Herchan huhu XD