Pretend that Nothing Happened

I Just Bought My Girlfriend from Puregold [tagalog novel] [abandoned sorry orz]

 

“KIM HIM CHAAAAAN!!!” birit ni Jung Dae Hyun sa labas ng gate ng bahay ni Himchan. “Kim Him Chan igop, lumabas ka dyan! May usapan tayo!”

In-exit ni Himchan ang VLC player at nagmamadaling tumakbo papuntang gate. Nakita niya na kumpleto ang kanyang tropa: sina Bang Yong Guk, Jung Dae Hyun, Yoo Young Jae, Moon Jong Up at Choi Jun Hong.

“Musta na pre? Day-off mo ba ngayon?” tanong ni Yongguk sa kanya.

Iniling ni Himchan ang ulo niya habang binubuksan ang pink niyang gate.

“Hindi. Next week pa, sakto sa comeback ng Red Velvet,” sagot niya habang napasok ang mga kaibigan niya. “Ano nga pala dala niyo?”

Binuksan ni Daehyun ang dala niyang Jansport (Baclaran version) backpack at pinasilip ang long neck bottle ng Emperador Light at tatlong sachet ng Nestea lemon.

“May dala na akong chaser, wag kang mag-alala. Dala ni Jongup yung Tempura at Cracklings.”

“Wala kasi akong tiwala kay Daehyun pag siya yung may dala ng pagkain. Kahit naman ikaw, di ba?” singit ni Jongup sa usapan nila.

“Tama siya,” dagdag ni Youngjae.

Inakbayan ni Daehyun si Youngjae at nagdramang, “Baby naman eh. Pati ba naman ikaw.”

Tinakpan nila ang mga mata nila at sumigaw, “ANO BA!”

“Bakit ko nga ba kayo naging katropa?” bulong ni Junhong.

“Hoy Junhong. May laban ka pa sa liga mamaya ah. Bawal kang uminom!” sermon ni Youngjae.

Itinuro  ni Junhong si Jongup at sinambit, “Siya rin naman ah. E di bawal din siyang uminom.”

“Hala, pati ako dinamay?”

Sumutsot si Himchan at sinabing, “Itigil niyo na yan. Pumasok n lang tayo sa loob, pwede?”

Nagkatinginan silang lahat at pumasok na lang sa loob ng bahay ni Himchan.

 

“Oy, boss Himchan. Ba’t ganyan mukha mo?” tanong ni Yongguk sa kanyang supervisor. Bukod sa isang pagiging sikat na underground rapper, isa rin siyang call center agent sa Teleperformance Makati kung saan supervisor niya si Himchan.

Nakatulala si Himchan habang hawak ang kanyang shot glass at isang piraso ng Cracklings. Kinuha ni Daehyun ang hawak niyang piraso ng Cracklings at kinain agad, tsaka nagising ulit si Himchan mula sa pagkakatulala. Agad niyang binatukan sa ulo si Daehyun at sinagawan. “Gago ‘to ah!”

“Ano bang iniisip mo pre? Parang ang lalim masyado, di naming abot,” sabi ni Junhong sa kanya habang nanguya ng Tempura.

Siniko ni Junhong si Jongup at sinagot ang tanong niya, “Malamang love life nanaman. Kasi naman Himchan, wag mo nang ipilit ang bagay na wala ka. Basta gawin mo kung ano ang nakakapagpasaya sayo nang di ka nakakatapak sa iba, ayos na yun.”

“Hanips si Jongup ang lalim nun!” banat ni Youngjae habang hawak ang ilalim ng kanyang ilong.

“Pakyu ka Jae. Wala kang tiwala sa utak ko ah.”

Natawa na lang bigla ang lahat maliban kay Jongup.

“Wala nga kaming tiwala dyan,” turo ni Daehyun sa ulo ni Jongup.

 

Natapos ang inuman nila matapos nilang ubusin ang tatlong long neck na bote ng Emperador Light, dalawang litro ng Nestea, dalawang pack ng Tempura at isang Beer Match pack ng Cracklings.

Sa paglabas ng tropa ni Himchan sa bahay nila, rinig na rinig ang usapan ng mga lasing.

“Ba yan, sira boses natin agad nito,” kwento ni Youngjae kay Daehyun habang akbay-akbay siya. “pero di bale, ginusto rin naman natin to.”

Hinawakan ni Daehyun ang mukha ni Youngjae at ihinarap sa kanya. “Parang ikaw, ginusto rin naman kita.”

“Ang keso niyo naman!” biglang singit ni Junhong sa kanilang matamis na sandal.

“Tumigil ka nga dyan Junhong. Palibhasa kasi yang girlfriend mo kamatis na nga apelyido, kamatis din yung dibdib!” sagot ni Daehyun kay Junhong.

Nag-init ang ulo ni Junhong at biglang sinugod si Daehyun. Mabuti na lang at pinigilan siya ni Jongup.

“Oy bunso, wag mong patulan yan. Lasing na yan eh. Wag mo na lang pansinin. Tara  –inakbayan si Junhong–  balik na lang tayo sa dorm natin at magbihis para sa liga mamaya.”

Lumingon muna si Junhong sa dalawang lasing na magkasintahan tapos ay tumungo siya sa sinabi ni Jongup. “Nagiging sabog nga pala yung mga yun pag lasing.”

Kahit wala na si Junhong at Jongup sa paningin nila, inaasar pa rin sila ni Daehyun. “Kulang pa sa lamas yang girlfriend mo Junhong! Malapit na magdebut, yung katawan eh parang pang elementary! Tamnan mo ng palay yung kapatagan niya para may mapakain tayo sa mga nagugutom sa Mindanao!”

Pagkatapos magsalita ni Daehyun ay nakatulog siya. Napilitan tuloy si Youngjae na buhatin sa likod pauwi ang live-in partner niya.

 

Buti pa sila, may love life. Buti pa sila, merong ipagmamalaki sa lahat. Tapos ako wala. Ano ba naming klaseng buhay to… Kung mga walang syota yung tropa ko e di sana hindi gaanong masakit. Sarap kumanta ng Menbung bigla tuloy. How beautiful is this life, how painful is this life…

Habang nililigpit ni Himchan ang mga pinagkainan at pinag-inuman nila, pinapatugtog niya ang kantang Darling ng Girl’s Day.

“Hay… kung pwede lang bang mag-apply na darling ni Mina e di masaya…”

Tinignan niya ang kanyang itim na wall clock para malaman ang oras. Sampung minute na lang at mag-a-alas otso na ng gabi. Matapos niyang maghugas ng pinggan at magwalis ay pumunta siya diretso ng banyo para maligo.

Eto nanaman ang buhay ko… ewan. Bahala na. Basta yan na yun. Magiging hopeful nanaman tayo.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
yaminohime
Ika-labintatlong Kabanata - If I Fell

Comments

You must be logged in to comment
matoki_angel
#1
Chapter 14: Hindi ko alam kung mas kinikilig ako sa DaeJae kaysa kay Himchan at Alym pero JUSKOOOO OTORNIM UPDATE JUSEYOOO~!
Ang feels at tawa ko naguumapaw! How to be Alym?xDD update soon pooo~~~
DaeChanLeoJin
#2
Chapter 11: SHET NEKEKEKELEG EHMEGED DI KO KINAYA ANG FEELS
alymnihimchan #3
Chapter 10: Grabe yung pag describe kay himchan xD lol di ko gets yung sa Barbie xD
alymnihimchan #4
Chapter 9: WAHAHA BAKIT AKO KINIKILIG SA NAME KO WAHAHA NAHIHIYA AKO BIGLA
alymnihimchan #5
Chapter 8: Walang hiyang lotion !!! XD
alymnihimchan #6
Chapter 7: Loool mga loko ang bap xDD
alymnihimchan #7
Omooooo WAHAHA KINIKILIG AKO SHEYT !!!!
DaeChanLeoJin
#8
Chapter 8: HAHAHAH WLA DAW PERA YAN TAYO EHH
mino-ssi
#9
Chapter 4: Desperado si Herchan huhu XD