Sulong

I Just Bought My Girlfriend from Puregold [tagalog novel] [abandoned sorry orz]

 

“Busy ka ngayong buwan na to ah,” sabi ni Yongguk sa nobya niyang si Jieun habang binabasa ang schedule niya.

Ipinatong ni Jieun ang baba niya sa balikat ni Yongguk at sumagot, “Mabuti nga eh. Ibig sabihin may perang padating. Alin ka ba dyan pwede?”

Hindi inialis ni Yongguk ang tingin niya sa schedule ni Jieun habang sinasabi ang mga araw na pwede siya. “Mukhang… mukhang pwede naman ako sa lahat.”

“Sigurado ka, baby? Baka naman kulangin ka sa tulog dahil sakin. Yung kalusugan mo rin isipin mo. Di ka pwedeng kunin sakin ni Lord,” sermon niya sa nobyo niya, sabay yakap sa kanya.

“Siyempre di pa pwede. Kailangan ko pang Makita ang baby ko na manalo sa music shows at manalo ng awards at makasal sakin,” nakaharap siya sa kanyang sumagot.

Napatigil at napatingin ang dalawa sa pag-ubo ng leader, main dancer and lead vocalist ng C-Kre2 na si Jun Hyosung.

“Ang cheesy niyo masyado. Go get a room,” sermon niya sa dalawang magkasintahan.

Siniko ni Jung Hana, rapper at lead dancer, si Hyosung. “Ateng, chill lang. Jelly masyado to. Boyfriend niya yan eh, bakit ba. Balang araw pagdating ng panahon, magkaka-syota ka rin. Tiwala lang.”

“Hoy Jun Hyosung, baka gusto mong maging pataba na lang sa lupa ang boypren mo. Ikaw itong pinakamaraming fanboy satin tapos balak mong mag boypren. Nako nako,” paalala ng maknae at visual, ang “kambal” ni Jieun na si Han Sunhwa.

Natawa na lang si Yongguk habang pinapanood ang away magkapatid (kahit hindi naman sila biologically magkapatid) nina Hyosung at Sunhwa. Pagdebut pa lang ng first most successful Philippine girl group, awayang aso at pusa na ang dalawa. Pero siyempre nagbabati rin ang dalawa sa huli. Dahil sa kanilang kakaibang relasyon, sila ang numero unong OTP ng C-Kre2 – HyoHwa o mas kilala sa tawag na Gummy (Hyosung) Pretty (Sunhwa).

Nagsimula ang OTP name ng dalawa dahil sa sikat na magilagid na ngiti ni Hyosung at sa titulong Most Beautiful Filipina of 2014 na binigay ng Okey! Magazine kay Sunhwa. Kahit na paulit-ulit na paalala ng simbahang Katoliko na ang babae ay para sa lalaki lamang, walang pakialam ang mga Victorias. Victorias ang fandom name ng C-Kre2 dahil sa tatak na Victoria’s Secret.

Tumigil ang lahat nang nag-announce ang isang coordi nooona. “Andito na nga pala yung bago niyong choreographer. Si Mr. Moon Jongup at yung assistant niyang si Ms. Elsa Letitgo.”

Umubo si Elsa at itinama ang sinabi ng coordi noona, “Hindi ako assistant choreographer, pianist ako para sa isa nilang kanta.”

Ay grabe ang sungit naman ng musician na to. Katakot, sabi ni Hyosung sa sarili habang pinagmamasdan ang pianist.

Nagbulungan sina Hana at Sunhwa tungkol sa kanilang choreographer.

“Omfg, ang cute niya no? Ilang taon na kaya yan? Nako, baka ma-blind item pa ako na pedo bear,” bulong ni Sunhwa habang nakatitig pa rin sa kanilang choreographer.

“Ewan ko ateng ah pero feeling ko boyfriend ung masungit na musician yung cutie pie. Sadness naman kung tama ang hinala ko,” sagot ni Hana nang pabulong kay Sunhwa.

Lumapit si Yongguk kay Jongup at nakipag-fistbump. “Aba, akalain mong magkikita pala tayo ditto. At kasama mo pa girlfriend mo. Hanep ah.”

Napasimangot sina Hana at Sunhwa sa narinig nila. Siniko ni Hana si Sunhwa sa narinig nila. “Sabi ko sayo girlfriend eh. Tignan mo yung tingin niya satin, hostile masyado. Bantay-sarado sa pagmamay-ari.”

Tumungo na lang habang nakabusangot si Sunhwa. Si Jieun lang may lab layp samin. Sad layp mats.

“He he… nagkataon lang na naghahanap sila ng choreographer, pianist, vocal backup tsaka models. Nagulat ako tanggap ako. Tinext ko siya pagkatapos ng klase ko tas nagkita kami sa harap ng building. Tinanong ko ba’t andun siya, nag-apply rin pala siya at natanggap. Eh ba’t andito ka?” sabay silip kay Jieun. Kumaway na may kasamang eye smile si Jieun sa kanya. “Ah, moral support ka pala,” dagdag niya.

“Aray ko naman! Hoy Junhong baka nakakalimutan mong mas matanda ako! Gago to ah!”

“E di ikaw na matanda, PO.”

“Uy, Junhong, magbigay-galang ka naman. Respeto rin naman sa lugar.”

“Buti pa syota mo mabait, ikaw hinde!”

“Parang ang bait mo naman. Lol~”

Napa-facepalm na lang si Yongguk sa mga maiingay na parating – ang maglive-in partner na sina Yoo Youngjae at Jung Daehyun at ang magkasintahang sina Choi Junhong at Cherry Kamatis.

“Anong ginagawa niyo rito?” tanong ni Jongup sa tatlo (maliban kay Cherry).

Binatukan ni Daehyun si Junhong bago sinagot ang tanong niya. “Kinuha akong vocal coach tapos naghahanap ang ABSGM5 ng lalaking singer na di sikat para i-partner kay Han Sunhwa. May solo song daw kasi siya pero naisip na mas maganda kung may ka-duet siya. E di isinama ko siya. Tapos nakasabay naming sa jeep itong dalawa  –turo kay Junhong at Cherry–. Ikinuwento sakin na kinuha sila na model para sa isang video. Tsaka trainee na rin pala si Cherry ng ABSGM5.”

“Daehyun naman eh! Epal ka kahit kelan!!!” sigaw ni Junhong habang kinamoy ang ulo. “Kinuha akong model para sa bagong station ID ng ABSGM5. Tapos baka mag-sign na rin ako ng modeling contract sa Bangkoh para sa new line ng pantaloon. Etong si Cherry kasama ko sa station ID.”

Pumalakpak na parang seal si Youngjae sa tuwa. “Wow. Si Yongguk PA ni Jeiun, kami ni Dae vocal coach ar singer, si Junhong model pati si Cherry, si Jongup choreographer, pianist si Elsa. Si Himchan na lang kulang natin!”

“Speaking of Himchan, puntahan natin siya mamaya! Surprise natin!” biglang sabi ni Daehyun.


C-Kre2 = SECRET

MWaH =MOA (Mall of Asia)

Muzik Bank = Music Bank

It!Surprise = Eat! Bulaga

MS = SM

Show the Time = It's Showtime

Nakaw sa Araw = Robinson (Rob = nakaw; in = sa; son = araw)

Ako'y Umiibig = I'm in Love (SECRET's latest single)

The Buzztop = The Buzz

Okey! = Ok!

Bangkoh = Bench

Oo na, marami akong alam. Ganun talaga pag diyosa. Heol~

Comment-comment din pag may time.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
yaminohime
Ika-labintatlong Kabanata - If I Fell

Comments

You must be logged in to comment
matoki_angel
#1
Chapter 14: Hindi ko alam kung mas kinikilig ako sa DaeJae kaysa kay Himchan at Alym pero JUSKOOOO OTORNIM UPDATE JUSEYOOO~!
Ang feels at tawa ko naguumapaw! How to be Alym?xDD update soon pooo~~~
DaeChanLeoJin
#2
Chapter 11: SHET NEKEKEKELEG EHMEGED DI KO KINAYA ANG FEELS
alymnihimchan #3
Chapter 10: Grabe yung pag describe kay himchan xD lol di ko gets yung sa Barbie xD
alymnihimchan #4
Chapter 9: WAHAHA BAKIT AKO KINIKILIG SA NAME KO WAHAHA NAHIHIYA AKO BIGLA
alymnihimchan #5
Chapter 8: Walang hiyang lotion !!! XD
alymnihimchan #6
Chapter 7: Loool mga loko ang bap xDD
alymnihimchan #7
Omooooo WAHAHA KINIKILIG AKO SHEYT !!!!
DaeChanLeoJin
#8
Chapter 8: HAHAHAH WLA DAW PERA YAN TAYO EHH
mino-ssi
#9
Chapter 4: Desperado si Herchan huhu XD