Mr. Suave

I Just Bought My Girlfriend from Puregold [tagalog novel] [abandoned sorry orz]

 

UHMIGAHD ANG GWAPO NIYA‼! ang nasa isip ni Alym pagpasok niya sa kwarto ni Himchan. Nagtatatalon siya sa kama sa tuwa. Ano bang ginawa ko at napunta ako sa isang gwapo at mabuting lalaki tulad niya? Mabuti na lang ay dahil robot ako, otomatik na nagsasalin sa wikang naiintindihan ko. Pero paano pag naging tao na ako? Baka walang mangyari samin dahil sa language barrier. Teka nga, di ko nga alam kung magiging tao pa ako. Hay…

Napatigil siya sa pagtalon at umupo sa dulo ng kama. Mukha nga akong tao, may isip ng isang tao, pero puro bakal at turnilyo lang ako sa loob. Naririnig ko yung mga prosesor sa ulo ko. Hay ewan! Habambuhay na akong robot, e di habambuhay na rin akong birhen. Ano ba naming buhay to. Basta may kasamang tulad niya okey na. Sa gwapo at bait niyang yun wala siyang nobya? Sobrang taas ba ng pamantayan ng mga tao ditto? Teka… Pwede ba akong maligo?

Pinagmasdan niya ang itsura niya. Suot niya ang isang medium na putting graphic tee na galing ng Bench at itim na tokong na maluwag ang pundyo. Sinilip niya ang katawan niya sa loob ng t-shirt at nagulat dahil katulad na katulad ito ng katawan ng tao ngunit pagdating sa dibdib ay parang dibdib ni Barbie. Bago pa niya masilip ang nakatago sa tokong niya ay pumasok si Himchan sa kwarto na bagong ligo.

Agad tumayo at tumalikod si Alym na ikinagulat ni Himchan. Naalala niya na nakabalot lang ng towel ang baywang niya pababa. Nagmadali siyang nagbihis at nagpahid ng lotion sa balat at conditioner sa buhok.

“Umm… tapos na akong magbihis,” sabi ni Himchan pagkakalabit sa balikat ni Alym.

Lumingon si Alym at natulala sa kanyang amo. Pinagmasdan niya ang kanyang hazelnut na buhok, malapad na noo, ahit na kilay, mapungaw na mga mata, matangos na ilong at makintab na labi (kasalanan ng lipbalm).

“Bibili muna tayo ng damit mo. Hindi mo naman pwede na hiramin na lang palagi ang mga damit ko. Pagpasensyahan mo na at hindi tayo sa mall mamimili. Tight budget ngayon eh, ilang araw kaming walang pasok dahil may problema sa kuryente ang building naming. Bawat araw na walang pasok, bawas sa sweldo yun. Tsaka…”

Daldal nang daldal si Himchan tungkol sa pamimili ng damit pero walang pakialam si Alym dahil nakatitig lang siya sa mukha niya. Inobserbahan niya ang bawat galaw ng bibig, mata, panga, kilay, kamay at katawan ng lalaking nasa harapan niya.

Alam niya kaya ang nararamdaman ko nung hinawakan niya yung kamay ko. Tsaka nung natulog siya nang magkatabi kami. Hay… ano bang alam niya bukod sa robot maid lang ako. Pero bakit niya kaya ako binili? Kelangan niya ng yaya o–

Naputol ang mga nasa isip ni Alym nang hilahin siya ni Himchan palabas ng bahay.

 

Habang hila-hila ni Himchan si Alym papunta sa pinakamalapit na ukay-ukay sa kanto, narinig ni Alym ang pinapatugtog ng magpi-fishball.

Magkahawak ang ating kamay at walang kamalay-malay/Na tinuruan mo ang puso ko na umibig na tunay

Damang-dama niya ang background music habang slow-mo sa isip niya ang paglalakad nilang dalawa. Nagtataka siya bakit di sila pinagtitinginan ng mga tao. Wala man lang nakatingin sa kanila na may halong inggit.

Wow ha. Ang taas nga ng pamantayan ng mga tao ditto. Gusto ba nila yung mala-Kim Woobin?

Nakarating sila sa isang lumang three-story building sa kabilang kanto. Sa ground floor ng building sa kabilang kanto. Sa ground floor ng building ay nandun ang isang maliit na ukay-ukay na may pangalang King Bhats. Hinila pakaliwa ni Himchan ang sliding door at pumasok. Sumalubong sa kanila ang amoy ng mga lumang damit at matandang aircon.

Ang weird naman ng amoy dito, parang ewan. Dito kami bibili ng damit? Dito ba talaga? Kakaloka. Baka naman galing naman sa mga bangkay to,  sabi ni ALym sa sarili habang nagmamasid sa mga nakasampay na damit sa mga rack. May dalawang rack na may nakalagay na “Sleeveless P20,” apat na rack na may nakalagay na “Blouse P50” at isang rack na may nakalagay na “Bags P150” sa kanan nila. Sa kaliwa naman nila ay may tatlong rack na may nakalagay na “Pantalon P200,” dalawang rack na may nakalagay na “Palda P175” at cash register na may dalawang babaeng naka-green t-shirt at nagdadaldalan. Nakapaligid sa apat na sulok ng tindahan ang mga nakasabit na backpacks, gowns at jackets. Sa isang sulok ay andun ang dalawang makeshift na dressing rooms na gawa sa lumang blackboard at tarpaulin.

Walang kamalay-malay si Alym na habang inoobserbahan niya ang tindahan ay namili na si Himchan ng mga damit niya. Kinalabit siya ni Himchan at hinila papuntang dressing room. Inabot sa kanya ang limang pang-itaas, dalawang pantaloon, dalawang shorts at isang floral dress.

“Subukan mo muna tong mga to. Hanggang sampu lang ang pwedeng sukatin dyan. Pag nasuot mo, labas ka para makita ko kung bagay at di mahalay tignan,” sabi ni Himchan pagkaturo niya sa isang bakanteng dressing room.

Tumungo si Alym bilang tugon at pumasok sa loob ng dressing room. Pagkasara niya ng pinto ay isinabit niya ang mga damit sa sabitan. Hinubad niya ang t-shirt at tokong ni Himchan. Bigla siyang napatingin sa tsinelas na pink ni Himchan. Dalawang pulgadang mas malaki ang tsinelas sa paa niya. Tapos pag tingala niya ay naobserbahan niya ang sarili niya mula ulo hanggang paa. Taong-tao siya sa bawat parte ng katawan niya maliban sa dibdib at sa puson pababa. Parang katulad ng kay Barbie o isang mannequin. Napabuntong hininga na lang siya at sinuot ang floral dress.

Pagbukas niya ng pinto at kinalabit si Himchan na naglalaro ng Zombie Smash sa cellphone. Pinause ni Himchan ang laro at lumingon. Napanganga na lang siya sa gulat. Nabighani siya sa ganda ni Alym. Pero biglang sumagi sa kanya ang katotohanan na robot lang ang magandang babae sa harapan niya at napaatras ng ilang hakbang. Napailang si Alym dahil nararamdaman niya ang init sa mga pisngi niya.

 

Natapos ang shopping galore ng dalawa sa King Bhats sa limang pantaloon, pitong pang-itaas, dalawang tokong at isang floral dress.

Sa lahat ng robot, ito ang malaki ang bewang. Grabe 28 inches ang waistline. Sabagay para mukhang makatotohanan, sabi ni Himchan sa sarili habang pinapanood si Alym na labhan ang kanilang pinamili.

Hindi niya alam na nakikita ni Alym na nakatingin siya sa kanya. Wala siyang kamalay-malay na namamatay na si Alym sa sobrang kilig.

Susmaryosep tama na, matutunaw na ako. Please lang baka di ako makatapos ng labahin. Hay… ba’t kasi ang gwapo niya, tapos ang bait pa. Ang swerte ko nga naman. Bigla tuloy akong lalong nagkaroon ng motibasyon para maging tao.

Sumilip si Alym nang saglit sa amo niya nang paalis na siya. Isang ngiti ang lumitaw sa kanyang mga labi.


Halur halur! Nag-update na sawakas! <3

Comment naman kayo :(

Nakakaiyak talaga yung AM 4:44, bwisit ka Yongguk T-T

Aylabyoo dark devotees XD ayun feeler gumawa ng sariling fanbase XD

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
yaminohime
Ika-labintatlong Kabanata - If I Fell

Comments

You must be logged in to comment
matoki_angel
#1
Chapter 14: Hindi ko alam kung mas kinikilig ako sa DaeJae kaysa kay Himchan at Alym pero JUSKOOOO OTORNIM UPDATE JUSEYOOO~!
Ang feels at tawa ko naguumapaw! How to be Alym?xDD update soon pooo~~~
DaeChanLeoJin
#2
Chapter 11: SHET NEKEKEKELEG EHMEGED DI KO KINAYA ANG FEELS
alymnihimchan #3
Chapter 10: Grabe yung pag describe kay himchan xD lol di ko gets yung sa Barbie xD
alymnihimchan #4
Chapter 9: WAHAHA BAKIT AKO KINIKILIG SA NAME KO WAHAHA NAHIHIYA AKO BIGLA
alymnihimchan #5
Chapter 8: Walang hiyang lotion !!! XD
alymnihimchan #6
Chapter 7: Loool mga loko ang bap xDD
alymnihimchan #7
Omooooo WAHAHA KINIKILIG AKO SHEYT !!!!
DaeChanLeoJin
#8
Chapter 8: HAHAHAH WLA DAW PERA YAN TAYO EHH
mino-ssi
#9
Chapter 4: Desperado si Herchan huhu XD