003
Magulong Buhay Pag-Ibig ng mga WuKinagabihan, magkakasama silang lahat sa hapag. Nanatiling tahimik si Yenne sa asawa, bagay na ikinailang nito. Abala namang nagdaldalan sina Yumi at ang mga bata.
“Tita Yumi, bakit hanggang ngayon wala ka pa ring boyfriend?” tanong ni Ao Nu habang nilalagyan ng ketchup ang fried chicken niya.
Napatigil sa pagngata ng gulay si Yumi at napatingin sa pamangkin. Pati kuya Yi Fan niya, si Yenne at mga bata ay nakatingin sa kanya.
“Ay oo nga, Yumi, bakit nga ba?” gatong ni Yi Fan sa tanong ng anak. “Wala ka bang balak mag-asawa? Nahuhuli ka na sa biyahe ah.”
Bakit? Bakit kayo nagtatanong ng ganyan? Gusto tuloy mapalo ni Yumi si Ao Nu. Ayaw niya kasing napag-uusapan ang love life niyang non-existent.
“Bata pa ang twenty-eight. Saka tanungin mo sarili mo. Ayaw mo ng mga lalaking dumadalaw sa bahay natin dati.”
“Hindi ka pa pwede noon. Ngayon pwede na dahil matanda ka na.”—Yi Fan.
“Si kuya ang lakas maka-matanda. Ate Yenne oh.” Napasimangot siya.
Nangiti naman si Yenne ng makita ang reaksyon ng hipag. “Dapat kasi sinagot mo na lang si Tae Min noong nililigawan ka pa niya. Di sana hindi ka na kinukulit ng mga ‘to.”
“Ay! Totoo pala na sina Tita Yumi at Sir Tae Min? OMG!” –Zhen Hua.
“Boto pa naman kami sa kanya, Tita Yumi. Kasi naman bakit di mo sinagot?” paninisi ni Hui Ning.
“Kawawa naman si Sir Tae Min. Sawi pala siya sa iyo, tita,” simpatya ni Ao Nu.
“Nambasted ka na naman Yumi? Pambihira ka. Pang-ilan na siya sa mga binasted mo?”pati kuya niya, nakisali sa pangongonsenya sa kanya.
Kumuha siya ng fried chicken at binuhusan iyon ng maraming ketchup saka kumagat. “Wag niyo ngang mabanggit-banggit yung taong yun at naaalibadbaran ako. Baka maimpatso na ako dahil sa kanya.” Tinawanan siya ng mga tao sa paligid niya.
“Hayaan niyo na si Tita Yumi niyo mga anak,” at hindi pa rin pinansin ni Yenne ang asawang nakatingin sa kanya. “Kailangan niya pa ng time.”
“Magiging matandang dalaga si Tita Yumi?” inosenteng tanong ni Zhen Hua.
“Blessing daw ang pagiging single sabi sa church,” singit ni Ao Nu. “Pero kung ganon, hindi na tayo magkakapinsan.”
At natigilan sa pagkain ang tatlong bata. Napatingin si Yumi sa kanila.
“Wag niyo na intindihin ang lovelife ko. Mga batang ito, masyado.” Saway ni Yumi. “Saka baka hindi na talaga ako matunawan sa mga pinagtatanong niyo.”
“Pati ang mama, tinatanong kung kelan ka daw mag-aasawa.” Kulit ni Yi Fan sa nakababatang kapatid.
“Sabihin mo kuya pag binigyan na ako ni mama ng lupain.”
“Sabi ko na nga ba yun ang sasabihin mo eh.”
Kinabukasan…
Nagulat si Hui Ning pagbukas ng locker niya. Pangatlong araw na may nagbibigay sa kanya ng white roses—at nilalagay sa locker niya.
Nakakatuwa pero wala siyang ideya kung kanino nagmumula iyon. Wala naman dedication o kahit ano na nagsasabi ng pagkakakilanlan ng nagbigay.
Pa-mystery pa.
Sinamyo niya ang mga bulaklak. Natutuwa siya pero sana kilala niya ang nagbibigay.
“Kanino galing?” tanong ng Ate Ao Nu niya.
“Walang nakalagay ate. Pero nakakakilig.”
“Mamaya niyan pangit nagbigay, masuya ka lang. “
“Malay mo naman gwapo siyang nilalang ate. Wag ka munang eps sa kilig chuchu ko. Hihihi”
Mahinang hinila ni Ao Nu ang buhok ng kapatid. “Sumbong kita kay mommy eh.”
“Porket wala ka lang manliligaw eh.” Buska ni HuiNing.
“Kung ganyan lang din manliligaw ko, yung patago-tago, wag na lang. Di ko kelangan ng torpe.” Isinukbit ni Ao Nu ang bag sa balikat. “Lika na, may klase pa tayo.”
Tumahimk naman si Hui Ning. Pag ganitong seryoso ang mood ng ate niya, mas gusto niyang manahimik.
“Hi,” nagulat siya ng biglang may kumuha ng dala niyang mga libro kaya napatingala siya. Si Kim Jong In o mas kilala sa tawag na Kai.
“Ako na,” tanggi niya. Medyo naiilang siya sa binata, sa totoo lang.
“Ako na Hui Ning.” At ngumiti ito sa kanya. Gusto niyang masakal ito.
“May kamay naman ako,”kontra niya. Makita tayo dito ni Na Ru. Ayokong magkagulo kami dahil lang sa iyo.
“Kai, wag mo na guluhin si Hui Ning,” saway ng ate niya.
Ngumiti naman si Kai. “Ate Ao Nu—“
Hindi na naituloy ni Kai ang sasabihin dahil nasapok ito ni Ao Nu ng dalang libro. “Excuse me, dalawa lang ang kapatid ko. Wala akong natatandaan na may mas nakababatang kapatid akong lalaki, o kaedad. Magtigil ka Jong In.” wika ni Ao Nu saka hinaltak si Hui Ning papalayo sa binata.
“Salamat ate.”
“Feeler masyado. Maka-ate lang, wagas. “ tiningnan siya ng ate niya. “Kung ayaw mo sa kanya, bakit di mo sabihin sa kanya?”
“Sinabi ko naman na, ang kaso, ayaw tumigil. May gusto pa naman sa kanya si Na Ru. Mahirap naman na mag-away kami ng kaibigan ko diba?”
Tumango-tango naman si Ao Nu. “Boy magnet talaga ang kapatid ko.”
“Naku ate, mas maganda kung di na lang. Masakit sa ulo.”
“Si Huang Zi Tao, mukhang gusto ka rin ah,” kwento ni Ao Nu. Papasok na sila ng klase nila at napatingin siya sa direksyon ni Tao. Nakita niya kung paanong umiwas ito ng tingin sa kanya.
“Sa pagkakaalala ko ate, gustong-gusto niyang inaasar si bunso,” bulong ni Hui Ning kay Ao Nu.
“Yun na nga. Tapos sabay sa iyo, tameme peg?” Napailing na lang si Ao Nu saka tinungo ang upuan. Sa bandang unahan ito samantalang si Hui Ning ay sa ikatlong hanay pa, at katabi si Zi Tao.
Maya-maya ay dumating na ang Homeroom Teacher nila na si Jun Myeon, kasama ang isa pang estudyante. Nagitla si Hui Ning ng makilala ang dumating na lalaki. At yung tinatamad na mga mata na naman na iyon.
Naririnig naman niya sa paligid ang mga paghanga ng mga babae niyang kaklase sa dumating.
“Shet, ang gwapo niya.”
“Ang cute ng buhok niya.”
“Magiging classmate natin? OMG. Dapat dito na yan!”
Napayuko si Hui Ning. Shet. Kung magiging classmate ko siya, nakakahiya. Tatawagin niya akong Miss Tagos ulit.
“Class,” saway ni Jun Myeon sa mga kaklase niya. “Siya si Oh Se Hun. Dito na siya sa klase natin mapupunta. Maging mabait kayo sa kanya.” Nilinga naman ni Jun Myeon and binata. “Pumili ka ng magiging pwesto mo.”
Inikot ni Se Hun ang tingin sa buong classroom. Lihim siyang napangiti.
“Sir, gusto ko po sa tabi niya umupo,” wika ni Se Hun na napangiti na lamang.
Napa-angat ng tingin si Hui Ning. Nakatingin sa kanya ang lahat ng mga kaklase niya, pati ate niya.
“Ha?!” react niya. Pati katabi niyang si Tao, napatayo.
“Sir?” tanong ni Tao.
“Sige na Tao, pagbigyan mo na si Se Hun, tutal bago niyo lang siyang kaklase. Maupo ka muna dito sa harap,” payo ni Jun Myeon, saka humarap sa pisara para isulat na ang magiging aralin nila para sa araw na iyon.
Naglakad na si Se Hun patungo sa dating pwesto ni Tao, at sinalubong naman siya ng huli. Nagbangga ang kanilang mga balikat pero hindi iyon ininda ni Se Hun na mas lalong ikinaiinis ni Tao.
Tinapik lang ni Se Hun ang balikat ni Tao at may binulong. Nangunot lang ang noo ni Tao sa binulong ni Se Hun at sinabi, “Kung kaya mo siyang maging iyo.”
Ngumiti lang si Se Hun at naupo sa tabi ni Hui Ning.
“Paano kita naging classmate?” pabulong na tanong ng dalaga.
Nakatingin naman sa harap si Se Hun. “Nagpalipat ako dito.”
“Pero…di ba, sa section 1 ka?” bulong pa ni Hui Ning. “Bakit andito ka?”
Nanatili pa rin na nakatingin sa harap si Se Hun. “Gusto ko dito.”
“Pero…sayang yun.” Napatingin na din si Hui Ning sa harap. “Siguro magagaling ang mga classmates—“
Hindi na naituloy ni Hui Ning ang sinasabi, ang alam niya lang, nakalapat na ang labi ni Se Hun sa mga labi niya, sa panggilalas niya.
Nanlaki ang mga mata niya. Hindi naman nakapikit si Se Hun kung kaya’t nakita niya kung paanong naging kakaiba ang tingin nito sa kanya.
“Miss Wu, Mr. Oh, out of the room!” napahiwalay na lamang siya sa binata ng marinig ang boses ni Jun Myeon. Napatingin siya sa ate niya na nakatingin din sa kanila at bakas ang pagkabigla.
Si Se Hun pa ang humila sa kanya palabas ng classroom nila. Naguguluhan siya.
“Ang ingay mo kasi, Wu Hui Ning,” bulong sa kanya ng binata ng lumabas na sila.
Sa faculty room…
From: Ao Nu
Tita Yumi, si Hui Ning, nasa disciplinary committee room po. Puntahan niyo na po, please. Wag na natin ipaalam kay mommy. Bawal po yun magalit.
Nawindang si Yumi sa natanggap na text mula sa pamangkin. Kagagaling lang niya sa klase niya ng Korean Language at eto ang matatanggap niya.
At si Hui Ning pa talaga, sa lahat. Kung si Zhen Hua yan, baka hindi ko na pagtakhan. Sa isip niya. Madalas kasing napapaaway ang bunsong anak ng kuya niya na dahil sa mga bully.
Tiningnan niya kung anong araw na iyon. Kapag minamalas ka naman talaga. Si Tae Min buset pa ang guidance counselor sa araw na ito.
Kinuha niya ang make-up kit niya at nag-retouch. Baka may masabi na naman ang letse.
Madali lang niyang inayos ang sarili saka nagtungo sa guidance room na nasa unang pa
Comments