Prologue
Magulong Buhay Pag-Ibig ng mga Wu“Mommy, bakit po kayo umiiyak?” tanong ng batang si Ao Nu. Nagtutubig na rin ang mga mata ng makita ang ina na umiiyak sa tabi ng computer nito na kapiling lagi dahil sa trabaho.
“Wala ito baby, kakatapos lang ni mommy manood ng Korean drama, eto, naiyak,” palusot ni Yenne sa labing-tatlong taong gulang na anak na nakatitig sa kanya.
Naupo si Au No sa tabi ng ina at niyakap ito. “Mommy, di ba, sabi mo sa amin nila Hui Ning, ‘wag kaming magsisinungaling. Mommy, you’re hurting. You can tell me why.”
Iniwas ni Yenne ang mukha sa anak. “Wala ito. Matulog ka na ulit. Mommy’s working.”
“Mommy, I’ll stay with you here. Sasamahan kitang hintayin ang pag-uwi ni daddy.” Sukat sabihin iyon ng anak ay mas lalong napaiyak si Yenne. “Mommy…si daddy po ba ang dahilan?” tila may nabuong konklusyon sa isip ng bata.
“Wag mong sasabihin sa mga kapatid mo. ‘Wag ka rin magagalit kay daddy. Pero si dad mo kasi…may babae siya.”
* * *
“Ah! Walang daddy! Walang daddy!” pang-aasar ng batang si Zi Tao kay Zhen Hua. Mag-isa lang siyang umuwi ng panahong iyon dahil maghapon ang klase ng mga ate niya.
Naiiyak na siya pero hindi niya ito pinansin kahit na kanina pa siya nito dinudurog sa pang-aasar.
May daddy ako. Hindi pa lang siya bumabalik. Ewan ba naman niya kung bakit napakasama ng batang iyon sa kanya. Simula ng lumipat sila sa Seoul ng pamilya nila, hindi na siya
Comments