001
Magulong Buhay Pag-Ibig ng mga WuSeptember 9, 2026, Seoul International High School
Nagmamadaling naglakad sina Ao Nu at Hui Ning patungo sa unang klase nila para sa araw na iyon. Nauna kasi nilang ihatid ang kanilang bunsong kapatid na si Zhen Hua.
Medyo tinanghali sila ng gising dahil nakalimutan silang gisingin ng mommy nila. Hindi naman nila makuhang magalit sa ina dahil sa gabi ito nagta-trabaho bilang writer.
Tila ipo-ipo silang apat sa bahay kanina. Habang naliligo si Ao Nu, kumakain naman ng almusal ang dalawang nakababata. Tinulugan na lamang silang mag-ayos ng mommy nila sa gamit sa school at sa uniform nila.
“Babye mommy!” sabay na wika ni Ao Nu at Hui Ning samantalang nakatingin lang si Zhen Hua sa mommy nila.
“Ingat kayo sa school, mga baby. Hintayin ulit kayo ni mommy dito sa bus stop mamayang uwian.” At isa-isa sila nitong hinalikan.
Oo. Mga teenager na sila pero tila mga bata pa sila sa paningin ng mommy nila.
“Mommy naman, don’t kiss us na,” reklamo ng bunso. Medyo malayo ang loob nito sa ina dahil sa insidente tatlong taon ng nakararaan.
“Ay naku Zhen. Buti nga ganyan si mommy. Kesa naman yung ibang mommy.” Si Hui Ning iyon na humalik na rin sa pisngi ng ina. “Mommy, mag-rest na po kayo. Maghapon po kami ni Ate Ao Nu dahil may project pa kaming tatapusin sa library. Si bunso na lang po ang hintayin niyo dito.”
“Wag magpapagabi, Ao Nu, Hui Ning. Ao Nu, tawagan mo ako pag pauwi na kayo, okay?”
“Yes mommy. Sige na po. Andyan na po ang bus.” Wika ni Ao Nu. Huminto naman ang bus sa tapat nila. “Bye ‘my.”
Naupo na sila sa bus at kinawayan ang ina na nakatanaw pa rin sa kanila.
Tuwing aalis sila papuntang school, hindi niya maiwasan na malungkot. Mag-isa na naman kasi ang mommy nila.
Wala kasi ang daddy nila. Hindi nakatira sa kanila. Naalala pa niya noong mga bata pa sila, madalas silang isama ng daddy niya kung saang bansa ito made-destino.
Kwento ng mommy niya, pinanganak siya sa Canada, sa lugar kung saan matagal na namalagi ang daddy nila. Si Hui Ning naman sa Seoul at si Zhen Hua sa China.
Ngayon, ang mommy na lamang nila ang bumubuhay sa kanila. Ang totoo, hindi magkabati ang mommy at daddy nila. Nakakalungkot, pero dahil dalawang taon ng ganoon ang sitwasyon ng pamilya nila, tinanggap na lamang nila kahit na nami-miss na nila ang daddy Yi Fan nila.
At gabi-gabi niyang nakikitang umiiyak ang mommy nila, nakatingin sa picture ng daddy nila.
Batid niya na lubos ng nami-miss ng mommy nila ang daddy nila. Pero ano nga bang magagawa nila kung hindi pa bumabalik ang daddy nila?
Nakarating naman ng sakto sa oras sina Ao Nu at Hui Ning. Halos hinihingal pa ang dalawa ng makarating sa homeroom subject nila. Unang araw ngayon ng pasukan kaya ayaw talaga nilang mahuli sa klase.
Freshman year nila ngayon sa Senior High School. Pamilyar sa kanila ni Hui Ning ang mga kaklase nila dahil nakasama din nila ang mga ito noong nasa Junior High pa sila.
“Yun Hee, sino bang homeroom teacher natin ngayon?” kalabit ni Ao Nu sa katabi.
“Ewan. Bago lang daw. Kaka-graduate lang daw sa college at bata pa talaga. Magaling daw. Ewan.” Magulong sagot sa kanya nito.
Napasimangot naman si Ao Nu. Kahit kailan talaga hindi na naging maayos kausap ‘tong si Yun Hee oh.
Magkalayo sila ng upuan ng kapatid. Sa bandang unahan ito naupo samantalang sa pangatlong row pa siya.
Napangiti siya ng nakitang nagbuklat na ito ng libro at hindi na pinansin ang pag-aligid ng dalawang classmate nilang lalaki dito. Kahit kelan talaga itong si Zi Tao at Kai. Ginugulo si Hui Ning. Kunsabagay maganda naman talaga ang kapatid ko. Maganda si mommy, gwapo si daddy. What to expect?
Natawa lang siya sa naisip.
Matalino rin naman siya at maganda, nagkataon nga lang na mas pansinin ang kapatid niya. Pabor naman sa kanya dahil ayaw niya ng magulong mundo. Pero minsan, naisip niya, sana, mas matanda na lang siya—dahil ang totoo, may nagugustuhan siya pero sobrang layo ng edad nilang dalawa.
At sikreto lang niya yun sa mommy niya.
Tamang-tama naman ay natahimik ang klase nila. Pumasok ang isang lalaki na may dalang ipad.
Napatanga siya.
Hindi ito maari.
Sumigaw naman ang class monitor nila na si Han Na Ru para sa pagbati. Binati nila ang dumating.
“Thank you class. I’m Kim Jun Myeon, your homeroom teacher.”
Maloloka ata siya. Hindi pwede ito. Paano ako makakapag-focus sa pag-aaral kung siya ang teacher ko?
Samantala…
Nakapaglinis na si Yenne ng kabahayan nila. Kung tutuusin, hindi naman kalakihan ang bahay nila. Minana lamang niya iyon sa mga magulang niya na itinakwil siya matapos magpakasal kay Yi Fan. Antok na antok na siya pero ayaw niyang maratnan ng mga anak niya na magulo ang bahay nila.
Mamaya aalis siya para magpasa ng manuscript niya. Scriptwriter siya ng pinakasikat na Korean drama na pinapalabas sa telebisyon ngayon.
Deadline ngayon sa tv station na pinapasahan niya ng mga gawa niya, kaya minamadali
Comments