002
Magulong Buhay Pag-Ibig ng mga WuNagulat si Zhen Hua ng makita ang daddy niya sa labas ng school nila. Sa pagkakaalala niya, hindi pa ngayon ang pagdalaw nito sa kanila.
Oo, may communication siya at ng ama. Siya lamang ang close rito samantalang ang ate Ao Nu niya sa mommy niya at ang ate Hui Ning naman niya ay balanse lang.
“Daddy,” humalik siya sa pisngi nito. “Bakit andito ka? Di ba, sabi mo, may mga medical mission ka pang pupuntahan?”
“Ayaw na ba akong makita ng bunso ko?” kunway nagtatampong wika ni Yi Fan.
“Hindi naman sa ganoon daddy. Nami-miss ka na namin nila ate. Saka…ni mommy.”
Mapait na ngumiti si Yi Fan. “Sa tingin ko hindi naman ako na-miss ng mommy niyo. Pinagtabuyan ako kanina sa bahay.”
Nanlaki ang mata ni Zhen Hua. “Imposible yan dad. Na-miss ka na nun. Nagkita kayo ni mommy?”
Kinuha ni Yi Fan ang bag niya saka naglakad patungo sa kotse nito. “Oo. At buti na lang hindi ako nahuli. Inatake na naman siya ng sakit niya.”
“Hala! Dad, bilisan nating umuwi, walang kasama si mommy,” agad na sumakay si Zhen Hua sa kotse. Napansin na andun din ang mommy niya at natutulog. “Dad, bakit andito si mommy?”
“Kinikidnap ko bunso. Hindi ko maiwan. Nakainom na siya ng gamot. Saka sinamahan ko magsubmit ng scripts niya.”
Napangiti si Zhen Hua. “Yiiie. Si daddy. Mahal pa si mommy.”
Nahawa naman si Yi Fan sa ngiti ng anak. “Mahal ko naman talaga ang mommy niyo. May kasalanan lang talaga ako kaya ganyan si Yenne sa akin.”
“Wala ka bang balak na makasama kami dad?”
“Meron. Kelangan ko lang suyuin ang mommy niyo.”
“Ay game! Daddy, ligawan mo ulit si mommy.” Suhestiyon ni Zhen Hua. Gusto na talaga niyang magkabalikan ang mommy at daddy niya. Lumaki silang magkakapatid na nasasaksihan ang pagmamahalan ng mga ito.
Napangiti lang si Yi Fan at bahgyang ginulo ang buhok ng bunso. “Liligawan ko naman talaga yang mommy niyo. Tulungan niyo ako ha?”
“Sige dad!”
“Hala, andami ko palang nahiram na libro,” reklamo ni Ao Nu na dala-dala ang mga nahiram na aklat mula sa library. Nagmamadali siya dahil hinihintay siya ni Hui Ning sa looby gate at sinabi niya lang dito na naiwan lang niya ang folder niya.
Sana makita ko si Sir Jun Myeon…kahit silay lang.
Nagtext si Hui Ning na susunduin pala sila ng daddy nila.
Hindi naman siya yung tipong makakapaglakad ng mabilis dahil may takong ang sapatos niya. Malapit lang sila sa Junior High School gate, pero dahil nasa kabilang gate pa ang kapatid niya, doon siya pupunta.
Dalawang makakapal na libro sa history, isa sa Korean Language book at isang libro ng biology ang dala niya.
May sukbit pa siyang backpack na mabigat na rin dahil sa mga notebook at libro niya.
Kargador mode. Sa isip niya. Sa sobrang tuon ng atensyon niya sa mga dala, hindi niya napansin ang papalapit na si Jun Myeon na nakatuon naman ang atensyon sa binabasang libro.
Nagliparan ang mga libro nila ng magkabunggo sila. Napatili si Ao Nu dahil natumba siya. Si Jun Myeon naman ay nagulat dahil hindi niya alam na sumalpok sa kanya ang estudyante niya.
“Aray ko,” daing ni Ao Nu dahil naunang bumagsak ang pang-upo niya. Nagkalat na ang mga libro sa paligid niya.
Napatingin sa kanya si Jun Myeon na agad siyang tinulungang makatayo. “Ah…sorry. Hindi kita nakita,” dinampot nito ang mga libro ni Ao Nu. Windang naman siya ng mapagtanto kung sino ang nakabangga niya. “Okay ka lang?” tanong ni Jun Myeon sa kanya na ikinatulala niya.
Dub dub dub dub. Sabi ng puso ni Ao Nu. Si Sir Jun Myeon…
Iniabot na ni Jun Myeon ang mga libro sa kanya. Napakunot-noo naman ang binata ng makitang nakatulala ang dalaga.
Napatingin siya sa name plate nito. Wu Ao Nu.Pamilyar sa akin.Sa homeroom class ko ito. “Miss Wu.?”
Doon naman tila nagising si Ao Nu. “Ah…eh salamat sir,”
“Sorry ulit. Hindi ako nakatingin…” napatingin ang binata sa mga dala niyang libro. “Saan mo yan dadalhin?”
“Ah. Kasi sir hiniram ko sa library para basahin sa bahay. Magsasara na kasi kaya ipinakiusap ko na lang po.” Nahihiyang wika ni Ao Nu.
“Pamilyar sa akin ang apilyido mo. Kilala mo si Mrs. Yenne Wu?”
Naman Sir. Paanong hindi eh magkalapit bahay lang tayo. “Mommy ko po siya. Ako po ang panganay niya.”
“Ah. Hindi ko kasi kayo madalas makita. Pauwi na ako, baka gusto mong sumabay? Tutal magkapit-bahay lang pala tayo, at marami ka ring dala.” alok ni Jun Myeon.
Sir. Kahit saan pa tayo pumunta sasama ako kaso yung kapatid ko. Shet. Anu ba yung chance pinapalagpas ko. Litsi.Tapos ngayon ko lang ulit makikita ang dads.Wrong timing, huhuhu.
Alanganin na napangiti si Ao Nu. “Ah. Pasensya na sir. Kasi…kasabay ko po umuwi si Hui Ning, yung kapatid ko at susunduin din kami ni daddy.”
Kinuha naman ni Jun Myeon ang mga dalang aklat ni Ao Nu. “Ihahatid na lang kita sa gate. Sige na. Pambawi ko man lang at nabunggo kita. Mabigat din itong mga dala mo.”
“Salamat sir.”
Tumango si Jun Myeon. Magkasabay silang tahimik na naglakad.
Magkukwento na talaga ako kila mommy. Kinikilig ako. Imagine? Si Sir Jun Myeon? Kasabay ko ngayon. Ay grabe. Amabait niya sa akin.
“Nagsusulat pa rin ba si Mrs. Wu?” kaswal na tanong ni Jun Myeon sa kanya ng makababa sila ng hagdanan.
“Opo Sir. Bakit niyo po kilala si mommy?”
“Tutor ko siya noong high school pa ako. Bata pa siya noon. Tapos nag-asawa siyang bigla. At ngayon nga, kapitbahay na.”
Kala ko may gusto kay mommy. Sa isip ni Ao Nu. Natanaw naman niya ang nakababatang kapatid sa gate. Huminto siya saka tumango dito. “Dito na lang po sir. Salamat sa paghatid. Minsan po ay dumalaw kayo sa bahay para magkausap ni mommy.” Wika niya saka kinuha ang mga aklat.
“Mag-ingat kayo.” Yun lang at tumalikod na si Jun Myeon.
Halos mabanat naman ang pisngi ni Ao Nu sa pagngiti. Sa loob ng dalawang taon na pagsilay niya sa binata, ngayon lang niya ito nakausap.
At siya pa rin ang anghel ko. Sa loob-loob niya. Sa wakas. Tapos mukhang close pa sila ni mommy. OMG.Pwede na talaga.
Napabusangot si Hui Ning. Hindi niya talaga nagustuhan ang sinabi ng Mr. Jacket na iyon.
Kelangan talaga, yun ang itawag niya sa akin? Miss Tagos? Ano bang malay ko na magkakaroon pala ako ng araw na yun?
Please Subscribe to read the full chapter
Comments