Only One Chapter 2

Only One

 

 Chapter  2

Tambay sa bahay nina Baro kasama ang bestfriend na si Jon.

“Ang tagal naman nina Sandeul” sambit ni Gongchan.

“Oh! Nandito na ang pinakagwapong pato sa balat ng Pacific Ocean!” banat ni Baro

“Loko ka! Alam ko na yun! na ako ang pinakagwapong member dito” pagmamayabang ni Sandeul.

“Hahaha! Asan si Alex?” tanong ni Gongchan

“Hello sainyo!” bati ni Alex

“O kumpleto na pala tayo tara kain muna” alok ni CNU.

Pinakilala muna ni Baro si Alex kay Jon at si  Gongchan naman sa GF na si Jek. Pagkatapos kumain kanya-kanya munang trip. Tumabi si Jinyoung kay Alex.

“Hi Alex!” bati ni Jinyoung

“Hello Jinyoung” sagot ni Alex

“Tatanungin ko sana kung pwede ka next week?”

“Hmm oo naman Bakit?” tanong ni Alex

“May pupuntahan tayo” sagot ni Jinyoung

“Excuse me pwede magjoin?” umepal at umupo sa gitna nina Alex at Jinyoung si Sandeul.

“Baliw ka talaga!” reklamo ni Alex at after few seconds dumating ang 3 magandang chicks kasama si Jiyeon.

“Hi guys!” at nagsilapitan sina Sandeul. Naiwan sa upuan sina Jinyoung at Alex. Halata sa mukha ni Alex na parang nailang at nahiya nang makita sina Jiyeon.

“Ok ka lang ba Alex?” tanong ni Jinyoung

“Ah oo” pangiting sagot ni Alex.

“Uhm.. nagka-boyfriend ka na ba?” tanong ulit ni Jinyoung

“Ako?! wala pa.. hindi pa ako nagkakaBF ever since the world begun” sagot ni Alex.

“Haha niloloko mo yata ako eh” sambit ni Jinyoung

“Totoo yun..kahit tanungin mo pa si Sandeul. Ang dami dami na nga nyan naging GF eh, ako ni isa wala pa, saka wala pang nanligaw saken” -alex

“Di ako naniniwalang wala pang nanligaw sa’yo sa ganda mong yan” parinig ni Jinyoung

“Ha.. di ako maganda ah..change topic tayo.. ikaw me GF ka ba ngayon?” tanong ni Alex

“Wala..” nangingiting sagot ni Jinyoung.  At patuloy na nagkwentuhan ang dalawa.

Sa malayo pero malapit lang naman,  nakatingin sa kanila ang beautiful eyes ni Sandeul.

“Booom!!” pa-cute na pang-gugulat ni Gongchan

“Baliw talaga to o! h’wag ka ngang dikit nang dikit na parang linta at baka mainlove ka saken. Di tayo talo pare!” pagbibiro ni Sandeul.

“Ang kapal mo talaga wala akong masabi hahaha! Pero aminin mo, nagseselos ka ano?..” pang-eechos ni Gongchan.

“Selos na ano?” pagdedeny ni Sandeul.

“Nakita mo ba yan sina Alex at Jinyoung? Parang nilalanggam na nga eh” dagdag pa ni Gongchan.

“Aba! Bakit naman ako magseselos uy!” sambit ni Sandeul.

“Kanina pa kitang nahahalata tingin nang tingin sa kanila noh! Sabihin mo totoo..May gusto ka ba kay Alex?” pangising tanong ni Gongchan.

“Wala nu..imposible yan!” palusot ni Sandeul.

“Talaga lang ha?” -gongchan

“Hahalikan kita d’yan kapag hindi ka pa tumigil Gongchan!” pananakot ni Sandeul.

“Hahaha! subukan mo lang. Lagot ka sa GF kong si Jek” sagot ni Gongchan.

Mag-gagabi na..

Ang eksena nasa labas lahat. Naliligo sa pool sina Baro at Jon. Ang tatlong magandang chicks naman kausap sina Sandeul. Sina Jek at Alex naman ang magkasama.

“Girl, may tanong ako sa’yo” pag-uumpisa ni Jek.

“Ano yun?” tanong ni Alex

“May gusto ka ba kay Sandeul?” pang-eechos din ni Jek.

Nabilaukan habang umiinom ng  juice. “Ha?! wala ah!” pagdedeny din ni Alex.

“Eh kanina ka pa tingin nang tingin sa kanila ni Jiyeon eh..nagseselos ka ba?” dagdag pa ni Jek.

“Ay imposible yun” pag-iiwas ni Alex.

“Hi Jek! pwede mahiram si Alex?” sumulpot na parang kabute si Jinyoung. Sakto rin at nilapitan ni Gongchan ang GF na si Jek kaya timing din si Jinyoung. Hinawakan niya kamay ni Alex at lumabas muna ng bahay nina Baro.

“Sa’n tayo pupunta?” tanong ni Alex.

“May alam akong magandang lugar dito. Ipapakita ko sa’yo” sagot ni Jinyoung.

Nakita sila ni Sandeul. “O saan pupunta sina Alex?” pagtatanong ni Sandeul.

“Hindi ko alam pare” sagot ni CNU.

Parang nawalan ng gana makipag-usap si Sandeul kaya kumain na lang.

 Sa labas.

Nakarating sa magandang park sina Jinyoung at Alex. “Wow!! Ang ganda naman dito Jinyoung” paghanga ni Alex.

“‘pag pupunta kami dito kina Baro, hindi pwedeng hindi ako pumunta dito” sabi ni Jinyoung.

“Ang ganda talaga dito eh” nangingiti si Alex. Nakatitig at nakangiti din sa kanya si Jinyoung.

“Alam mo ba ‘pag may nakikita ding magandang lugar si Sandeul binabalik-balikan niya yun, hindi halata sa kanya kasi aning pero marunong siyang mag-appreciate ng mga bagay-bagay” banggit ni Alex.

“Tulad mo?” dagdag ni Jinyoung.

“Ayt except saken kasi lagi akong iniinis nun eh tapos walang ibang bukambibig yun kundi si Jiyeon. Walang araw na di nya yun mababanggit” sagot ni Alex.

“Si Sandeul talaga o” natatawang sagot ni Jinyoung.

“Uhm..Alam mo Alex gusto pa kitang makilala nang lubusan” seryosong pag-amin ni Jinyoung.

“Ako din Jinyoung..” pangiting sagot ni Alex. “Alam mo ba sobrang dami ng nagkakagusto sa’yo sa school namin.. ‘di ko sila masisisi, talented at gwapo ka na, sobrang bait mo pa” pagmamalaki pa ni Alex kay Jinyoung.

“Salamat Alex…”nagbablush si Jinyoung at nagpatuloy sila sa ginagawa.

Matapos ang kwentuhan ng dalawa ay bumalik na sila sa bahay ninia Baro. Lumapit agad si Sandeul kay Alex.

“Sa’n kayo galing ni Jinyoung?” tanong ni Sandeul.

“Sa may park” nakangiting sagot ni Alex.

“Anong ginawa n’yo dun?” unlimited na tanong ulit ni Sandeul.

“Nagkwentuhan” sagot ulit ni Alex.

“Ah k’wentuhan….” at pabulong na sinabi “Baka ligawan..”

“Ano?” tanong ni Alex.

“Wala! Sabi ko gusto ko na umuwi tara uwi na tayo!” sambit ni Sandeul. Lumapit si Sandeul kay Baro at nagpaalam “Salamat Bro! kita-kits sa singkit nating mata bukas!” paalam ni Sandeul.

“Sige pare always remember that I love you..pa-kiss” malanding biro ni Baro. At nagpaalam din si Alex kay Jinyoung. “Tatawagan nalang kita Alex. Salamat sa oras mo” sabi ni Jinyoung.

“Ikaw din Jinyoung…Salamat”

Habang nasa kotse, walang imik sina Sandeul at Alex. Hindi nakatiis si Sandeul at binasag na ang katahimikan. “Nahahalata ko dumidikit sayo si Jinyoung ah” pambungad ni Sandeul.

“Gusto n’ya ng kakwentuhan eh” sagot ni Alex.

“Type mo ba si Jinyoung?” tanong ni Sandeul.

“Kahit type ko yun ‘di ako magugustuhan nu’n noh! Walang magkakagusto saken” sagot ni Alex.

“Weh! ikaw na babae ka wag ka nang magkaila pa d’yan! ang dami mo nang pinauwing pusong luhaan at sugatan” pangungulit pa ni Sandeul. Hindi siya pinansin ni Alex. Kinuha ni Sandeul ang kamay ni Alex at may isinuot na Bracelet.

“Ano ‘to?” gulat na tanong ni Alex.

“Eh di Bracelet” pamimilosopong sagot ni Sandeul. Kinurot ni Alex si Sandeul. “Baliw ka! Para sa’n to? Ibibigay mo ba kay Jiyeon, pinapasukat mo lang saken?” tanong ulit ni Alex.

“Para sa’yo yan noh! Hindi yan para kay Jiyeon or anybody and anyone” sagot ni Sandeul.

Nasa harap na na bahay nina Alex ang kotse ni Sandeul. Nang makababa na at malapit sa gate, niyakap ni Alex si Sandeul. “Salamat dito sa Bracelet, ang ganda..” at tinugunan din ni Sandeul ang yakap na ‘yon. At pagkatapos pumasok na ng bahay si Alex. Pabulong na sinambit ni Sandeul, “Mahal na mahal kita…”

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet