Only One

Description

Best Friends fall in love with each other...

Foreword

 

B1A4 Only One Fan Fiction by Angelica Alexis L. Veloso

Chapters: 5

MAIN CASTS:

  B1A4

  Lee Jung Hwan (이정환)- Sandeul

 Jung Jin Young (정진영)- Jinyoung

Gong Chan Shik (공찬식)- Gongchan

Cha Sun Woo (차선우) – Baro

 Shin Dong Woo (신동우)- CNU

Angelica Alexis L. Veloso- Alex

   Chapter 1

“Alex! Bilisan mo na!”Sigaw ni Sandeul na naghihintay sa sala.

  “Eto na! atat ka masyado ano, hindi ka naman halatang excited” sambit ni Alex habang papalapit kay sandeul.

“Eh kasi isang oras mo lang naman ako pinaghintay ano” reklamo ni Sandeul.

“Bakit kasi kailangan mo pa akong isama sa recording studio nyo?”tanong ni Alex. “Ipapakilala kita sa mga papa ko…ayee..” Malakas na batok inabot ni Sandeul bago nakalabas ng bahay.

         Sa loob ng 20 minuto narating nila ang MBC Bldg. “Pare!” may sumigaw somewhere. “Oh pareng Gongchan beybe! hehe” sabay apir ang dalawa. “Sino yang cute chick na kasama mo? Girlfriend mo ba?”tanong ni Gongchan. Namula sina Alex at Sandeul.”Ayt pare si Alex nga pala bestfriend ko, haha baliw ka talagang palaka ka ano? kumusta naman kayo ni Jek?” tanong ni Sandeul. “Ayon OK naman, we’re happy, Nice to meet you Alex^^”sabi ni Gongchan. “Nice to meet you too Gongchan”. Dumating na rin sina Baro at CNU at ganon din ang nangyari. Pinakilala ni Sandeul si Alex sa dalawa at pagkatapos, “Si Jinyoung pala asan?” tanong ni Baro. “Kanina pa nandito ang Leader nating cute” sagot ni Gongchan. Kaya pumasok na silang lima. Pasimpleng kinurot ni Alex si Sandeul.

“Ouch!,Bakit?” tanong ng nag-iinarteng si Sandeul

“Pinapaalala ko lang, sabi mo diba lilibrehin mo ako after natin dito?”sabi ni Alex

“Ay sinabi ko ba yun? Pwede bang bawiin?” panloloko ni Sandeul

“Ah ganun ha jinojoke mo lang ako?” at kinurot ulit ni Alex si Sandeul.

“Wah~ sige hindi na talaga kita lilibrehin” ganti ni Sandeul

“Sige uuwi na ako”-alex

“Joke lang Alex, Peace na tayo please?”

“Eh bakit parang natatawa ka, niloloko mo yata talaga ako eh.Gusto mo ba sabihin ko kay Jiyeon lahat ng kalokohan mo?”-alex

“Uy, bati na tayo, wag mo akong siraan dun”-sandeul

“Ahemm!” singit ni Baro

“May naamoy akong isda” banat ni Gongchan

“Loko ka pala eh! nasa opisina tayo, hindi to palengke” makabuluhang sagot ni Sandeul

“O asan na si Jinyoung?”tanong ni CNU

“Hi guys!” bati ng papasok na si Jinyoung

“O pare lumabas ka pala!” sabi ni Gongchan

“Oo, tagal nyo eh, kumain lang ako” sagot ni Jinyoung at napatingin sa kasama ni Sandeul.

“Pare, bestfriend ko pala, si Alex” pakilala ni Sandeul

“Hello Nice to meet you Jinyoung” bati ni Alex

Hindi kaagad nakasagot si Jinyoung pero agad niyang inabot ang kamay niya kay Alex.”Nice to meet you too, Alex”

   “O s’ya game na!” at nagpractice na nga ang mga gwapong members ng B1A4. Nakaupo habang naghihintay si Alex. Matapos ang recording, inalok na papunta ng mall ni Sandeul si Alex. “Oras na para tuparin ang pangako” “O  sige tara na”

“WAIT!!” sigaw nina Gongchan. “Sama kami!”

“Hindi pwede!” sigaw ni Sandeul

“Ang damot mo talagang pato ka!” reklamo ni Baro

“Sige na Sandeul sama mo na sila” sambit ni Alex at nagsiunahan ang apat na pumasok sa kotse.

“Aba hinay-hinay lang kayo, baka magcollapse ang brand new car ko!” reklamo ni Sandeul

“Ser, sa Lotte World po ba tayo?” extra ng driver

“Ay hindi hindi manong! sa langit…dun tayo sa langit pupunta”  pamimilosopo ni Sandeul at siniko ni Alex si Sandeul. “Baliw ka talaga! Bata pa ako, di ako pwedeng sumama sayo” sagot ni Alex at nangingiti si Jinyoung. “Parang di kita bestfriend ah! dapat magkasama tayo noh!” pangungulit pa ni Sandeul.

“Ayee…ang sweet niyo naman, pwede na kayong bida sa next koreanovela” banat ni Baro at nagpatuloy ang asaran sa loob ng kotse.

Pagdating sa Mall, sa Food Court agad dumiretso. Inalok ng Ice Cream si Alex ni Gongchan at di rin nagpatalo si Baro at Ice Cream din ang kinulit. “Anong gusto mo Alex?” tanong ni Gongchan. “Ha? lilibrehin mo ako?” tanong ni Alex. Sumingit si Baro “Oo Alex libre kita..”

“Oy ako nauna ah!” reklamo ni Gongchan

“Hephep! para walang away, ako nalang librehin niyo!” pambibiro ni Sandeul at nagpatuloy ang tatlo sa diskusyon. Pasimpleng kinalabit sa likod si Alex ni CNU at inabutan ng strawberry shake. “Ha? saken to? Salamat CNU” at ngumiti si Alex.

“Ba, inunahan tayo o,” parinig ni Baro. Habang magkakasama sila palihim na binibigyan ng mga tingin ni Jinyoung si Alex. Dumating ang oras ng uwian, hiningi ng apat ang cp # ni Alex at natapos ang araw nang masaya.

Sa school…

“Alex Sis!” sigaw ni Jing

“O bakit?” tanong ni Alex

“Haler!!” Sikat ka na ha! kasama mo raw mga members ng B1A4 kahapon! ang bongga mo sis!!” At biglang may kumalampag sa pinto, Ang tatlong babaeng tinaguriang Jinyoung #1 FANS! , sina Blue, Red at Pink. Sigawan. At niyakap nila si Alex.

“Please Alex, gagawin namin ang lahat makagawa ka lang ng paraan para makasama namin si Jinyoung!”

“Ha?! hindi kami close nun noh!” sambit ni Alex

“Eh kahit na di ba bestfriend mo si Sandeul? Sige na sis! promise! kapag nakasama namin si Jinyoung hindi na kami magkacutting class at magtitino na kami” pagmamakaawa ni Blue.

“Wala pa bang mas deep don?” -alex

“Alex!!!”

“O s’ya bahala na si Batman at Robin Hood” sambit ni Alex

Breaktime. May tumatawag sa cellphone ni Alex. Si Jinyoung.

“Hello?”

“Hi!”

“Jinyoung bakit napatawag ka?”

“Gusto lang kita kumustahin”

“Ah hehe Ok naman ako, ikaw?” tanong ni Alex

“Ako din” sagot ni Jinyoung

“Ahmm Jinyoung pwede ka daw ba sa Friday night?” tanong ulit ni Alex

“Hmm siguro bakit?” sagot ulit ni Jinyoung. At nagpatuloy sa pag-uusap ang dalawa.

“Sige papayag ako pero may isang kondisyon” sabi ni Jinyoung

“Ano yun?” -alex

“”Dapat kasama ka…”

Dumating ang Friday night. Naunang dumating syempre sina Red, Blue at Pink at pagkalipas ng ilang minuto dumating na rin sina Alex at Jinyoung. Sigawan at tilian ang eksena. “JINYOUNG!!!!!!!!!”. Matapos magkakilala dumiretso na sila sa World of Fun. Halos hindi magkamayaw ang tatlo at parang naiilang na din si Jinyoung.

“Girls, behave..” pabulong na sabi ni Alex sa tatlo.

“Eh kasi naman ang cute cute ni Jinyoung eh!”. pabulong din na sagot ni Blue.

Bumili ng mga tokens ang lima. Nahiwalay si Alex sa apat. “Asan na yung apat na yun?” tanong ni Alex.

Sa rollercoaster ride nandun ang apat.

“Asan na si Alex?” tanong ni Jinyoung

“Baka naglalaro lang yun somewhere” sagot ni Pink

“Sasakay kayo sa rollercoaster?” tanong ulit ni Jinyoung

“Oo, eto na tickets o.” pacute na sabi ni Blue

“Ah eh hindi ako pwede sa mga ganyang rides eh” palusot ni Jinyoung

“Sayang naman nito papa Jin” pangungulit ni Red.

“Sige na kayo nalang 3 sumakay dyan. Maghihintay nalang ako sa Food Court” sabi ni Jinyoung.

At walang nagawa ang tatlo.

Hinanap ni Jinyoung si Alex at nakita niya ito na naglalaro sa stuff toy machine. Nagtago muna siya at tinignan si Alex.

“Wah Please!! Bumigay ka na! pang siyam na token na to eh!” sambit ni Alex sa pink teddy bear na gusto niyang  makuha. Umabot sa tatlong token at di nya parin nakuha kaya dumiretso muna siya sa CR. Pinalipas ni Jinyoung ang isang minuto at at naglaro din sa Stuff toy Machine. Unang subok palang sablay na. “Mahirap talaga pala to” Pero nang umabot sa pang-pitong token nakuha niya ang Pink Teddy Bear. Sobrang tuwa niya at nilagay niya sa bag.

 Muling nagkasama ang lima at kumain muna. “Uhm Alex punta muna kami sa CR.” sabi ni Red.

“Sige lang”

At natira ang dalawa sa table. Speechless pareho. Nagpapakiramdaman. At di nagtagal kinuha ni Jinyoung ang Pink teddy bear sa bag niya at kinaway-kaway sa table sa harap ni Alex. Ngumiti si Alex. “Wow! nakuha mo pala yan?”

“Oo at para sayo to.” sagot ni Jinyoung

“Nagbibiro ka ba Jinyoung?”

“Hindi ah” pangiting sagot ni Jinyoung.  At kinuha na rin ni Alex. “Salamat Jinyoung ah, Ang cute nito masyado, gustong-gusto ko talaga ‘to” nangingiting sabi ni Alex.

At uwian time na. Di na naman maawat ang tatlo.

“Jinyoung, sayo lang ang puso namin” banat ni Blue.

“Kami #1 Fans mo forever!” dagdag ni Pink.

“Mahal na mahal ka namin” pagtatapos ni Red.

Naiwan sina Alex at Jinyoung

“Uhm pwede ba kitang ihatid Alex?” tanong ni Jinyoung

“Ha?! nakakahiya na sayo Jinyoung, dapat nga eh nagpapahinga ka ngayon pero pinagbigyan mo pa ako” sabi ni Alex.

“Ok lang yun” sagot ni Jinyoung.

“Wah Jinyoung ok lang , medyo malayo kasi samen eh, uhmm.. salamat ulit ha, hindi ko makakalimutan ang araw na to” sambit ni Alex. Ngumingiti si Jinyoung “Ako rin Alex. Mag-ingat ka ha.” At umuwi na sila pareho.

 Sa bahay nina Alex.

“Bakit ngayon ka lang? Saan ka galing?” tanong ni Detective Sandeul

“Ayon sinamahan yung tatlong baliw na makasama si Jinyoung” sagot ni Alex.

“Oh kasama mo pala siya”

“Yah”

At makalipas ang isang oras. “Hmm sige uwi na ako Alex, bukas susunduin kita ha..” sambit ni Sandeul.

 Chapter 2

Tambay sa bahay nina Baro kasama ang bestfriend na si Jon.

“Ang tagal naman nina Sandeul” sambit ni Gongchan.

“Oh! Nandito na ang pinakagwapong pato sa balat ng Pacific Ocean!” banat ni Baro

“Loko ka! Alam ko na yun! na ako ang pinakagwapong member dito” pagmamayabang ni Sandeul.

“Hahaha! Asan si Alex?” tanong ni Gongchan

“Hello sainyo!” bati ni Alex

“O kumpleto na pala tayo tara kain muna” alok ni CNU.

Pinakilala muna ni Baro si Alex kay Jon at si  Gongchan naman sa GF na si Jek. Pagkatapos kumain kanya-kanya munang trip. Tumabi si Jinyoung kay Alex.

“Hi Alex!” bati ni Jinyoung

“Hello Jinyoung” sagot ni Alex

“Tatanungin ko sana kung pwede ka next week?”

“Hmm oo naman Bakit?” tanong ni Alex

“May pupuntahan tayo” sagot ni Jinyoung

“Excuse me pwede magjoin?” umepal at umupo sa gitna nina Alex at Jinyoung si Sandeul.

“Baliw ka talaga!” reklamo ni Alex at after few seconds dumating ang 3 magandang chicks kasama si Jiyeon.

“Hi guys!” at nagsilapitan sina Sandeul. Naiwan sa upuan sina Jinyoung at Alex. Halata sa mukha ni Alex na parang nailang at nahiya nang makita sina Jiyeon.

“Ok ka lang ba Alex?” tanong ni Jinyoung

“Ah oo” pangiting sagot ni Alex.

“Uhm.. nagka-boyfriend ka na ba?” tanong ulit ni Jinyoung

“Ako?! wala pa.. hindi pa ako nagkakaBF ever since the world begun” sagot ni Alex.

“Haha niloloko mo yata ako eh” sambit ni Jinyoung

“Totoo yun..kahit tanungin mo pa si Sandeul. Ang dami dami na nga nyan naging GF eh, ako ni isa wala pa, saka wala pang nanligaw saken” -alex

“Di ako naniniwalang wala pang nanligaw sa’yo sa ganda mong yan” parinig ni Jinyoung

“Ha.. di ako maganda ah..change topic tayo.. ikaw me GF ka ba ngayon?” tanong ni Alex

“Wala..” nangingiting sagot ni Jinyoung.  At patuloy na nagkwentuhan ang dalawa.

Sa malayo pero malapit lang naman,  nakatingin sa kanila ang beautiful eyes ni Sandeul.

“Booom!!” pa-cute na pang-gugulat ni Gongchan

“Baliw talaga to o! h’wag ka ngang dikit nang dikit na parang linta at baka mainlove ka saken. Di tayo talo pare!” pagbibiro ni Sandeul.

“Ang kapal mo talaga wala akong masabi hahaha! Pero aminin mo, nagseselos ka ano?..” pang-eechos ni Gongchan.

“Selos na ano?” pagdedeny ni Sandeul.

“Nakita mo ba yan sina Alex at Jinyoung? Parang nilalanggam na nga eh” dagdag pa ni Gongchan.

“Aba! Bakit naman ako magseselos uy!” sambit ni Sandeul.

“Kanina pa kitang nahahalata tingin nang tingin sa kanila noh! Sabihin mo totoo..May gusto ka ba kay Alex?” pangising tanong ni Gongchan.

“Wala nu..imposible yan!” palusot ni Sandeul.

“Talaga lang ha?” -gongchan

“Hahalikan kita d’yan kapag hindi ka pa tumigil Gongchan!” pananakot ni Sandeul.

“Hahaha! subukan mo lang. Lagot ka sa GF kong si Jek” sagot ni Gongchan.

Mag-gagabi na..

Ang eksena nasa labas lahat. Naliligo sa pool sina Baro at Jon. Ang tatlong magandang chicks naman kausap sina Sandeul. Sina Jek at Alex naman ang magkasama.

“Girl, may tanong ako sa’yo” pag-uumpisa ni Jek.

“Ano yun?” tanong ni Alex

“May gusto ka ba kay Sandeul?” pang-eechos din ni Jek.

Nabilaukan habang umiinom ng  juice. “Ha?! wala ah!” pagdedeny din ni Alex.

“Eh kanina ka pa tingin nang tingin sa kanila ni Jiyeon eh..nagseselos ka ba?” dagdag pa ni Jek.

“Ay imposible yun” pag-iiwas ni Alex.

“Hi Jek! pwede mahiram si Alex?” sumulpot na parang kabute si Jinyoung. Sakto rin at nilapitan ni Gongchan ang GF na si Jek kaya timing din si Jinyoung. Hinawakan niya kamay ni Alex at lumabas muna ng bahay nina Baro.

“Sa’n tayo pupunta?” tanong ni Alex.

“May alam akong magandang lugar dito. Ipapakita ko sa’yo” sagot ni Jinyoung.

Nakita sila ni Sandeul. “O saan pupunta sina Alex?” pagtatanong ni Sandeul.

“Hindi ko alam pare” sagot ni CNU.

Parang nawalan ng gana makipag-usap si Sandeul kaya kumain na lang.

 Sa labas.

Nakarating sa magandang park sina Jinyoung at Alex. “Wow!! Ang ganda naman dito Jinyoung” paghanga ni Alex.

“‘pag pupunta kami dito kina Baro, hindi pwedeng hindi ako pumunta dito” sabi ni Jinyoung.

“Ang ganda talaga dito eh” nangingiti si Alex. Nakatitig at nakangiti din sa kanya si Jinyoung.

“Alam mo ba ‘pag may nakikita ding magandang lugar si Sandeul binabalik-balikan niya yun, hindi halata sa kanya kasi aning pero marunong siyang mag-appreciate ng mga bagay-bagay” banggit ni Alex.

“Tulad mo?” dagdag ni Jinyoung.

“Ayt except saken kasi lagi akong iniinis nun eh tapos walang ibang bukambibig yun kundi si Jiyeon. Walang araw na di nya yun mababanggit” sagot ni Alex.

“Si Sandeul talaga o” natatawang sagot ni Jinyoung.

“Uhm..Alam mo Alex gusto pa kitang makilala nang lubusan” seryosong pag-amin ni Jinyoung.

“Ako din Jinyoung..” pangiting sagot ni Alex. “Alam mo ba sobrang dami ng nagkakagusto sa’yo sa school namin.. ‘di ko sila masisisi, talented at gwapo ka na, sobrang bait mo pa” pagmamalaki pa ni Alex kay Jinyoung.

“Salamat Alex…”nagbablush si Jinyoung at nagpatuloy sila sa ginagawa.

Matapos ang kwentuhan ng dalawa ay bumalik na sila sa bahay ninia Baro. Lumapit agad si Sandeul kay Alex.

“Sa’n kayo galing ni Jinyoung?” tanong ni Sandeul.

“Sa may park” nakangiting sagot ni Alex.

“Anong ginawa n’yo dun?” unlimited na tanong ulit ni Sandeul.

“Nagkwentuhan” sagot ulit ni Alex.

“Ah k’wentuhan….” at pabulong na sinabi “Baka ligawan..”

“Ano?” tanong ni Alex.

“Wala! Sabi ko gusto ko na umuwi tara uwi na tayo!” sambit ni Sandeul. Lumapit si Sandeul kay Baro at nagpaalam “Salamat Bro! kita-kits sa singkit nating mata bukas!” paalam ni Sandeul.

“Sige pare always remember that I love you..pa-kiss” malanding biro ni Baro. At nagpaalam din si Alex kay Jinyoung. “Tatawagan nalang kita Alex. Salamat sa oras mo” sabi ni Jinyoung.

“Ikaw din Jinyoung…Salamat”

Habang nasa kotse, walang imik sina Sandeul at Alex. Hindi nakatiis si Sandeul at binasag na ang katahimikan. “Nahahalata ko dumidikit sayo si Jinyoung ah” pambungad ni Sandeul.

“Gusto n’ya ng kakwentuhan eh” sagot ni Alex.

“Type mo ba si Jinyoung?” tanong ni Sandeul.

“Kahit type ko yun ‘di ako magugustuhan nu’n noh! Walang magkakagusto saken” sagot ni Alex.

“Weh! ikaw na babae ka wag ka nang magkaila pa d’yan! ang dami mo nang pinauwing pusong luhaan at sugatan” pangungulit pa ni Sandeul. Hindi siya pinansin ni Alex. Kinuha ni Sandeul ang kamay ni Alex at may isinuot na Bracelet.

“Ano ‘to?” gulat na tanong ni Alex.

“Eh di Bracelet” pamimilosopong sagot ni Sandeul. Kinurot ni Alex si Sandeul. “Baliw ka! Para sa’n to? Ibibigay mo ba kay Jiyeon, pinapasukat mo lang saken?” tanong ulit ni Alex.

“Para sa’yo yan noh! Hindi yan para kay Jiyeon or anybody and anyone” sagot ni Sandeul.

Nasa harap na na bahay nina Alex ang kotse ni Sandeul. Nang makababa na at malapit sa gate, niyakap ni Alex si Sandeul. “Salamat dito sa Bracelet, ang ganda..” at tinugunan din ni Sandeul ang yakap na ‘yon. At pagkatapos pumasok na ng bahay si Alex. Pabulong na sinambit ni Sandeul, “Mahal na mahal kita…”

 Chapter 3

Sa higaan. Hindi makatulog si Alex. Suot-suot pa rin ang Bracelet na bigay ni Sandeul. “Ano kayang nakain nung lokong yun? Baka nakakain ng panis na tokwa” pag-iisip ni Alex. Kung pwede nga lang binigay yun ni Sandeul dahil may feelings sa kanya pero imposible yun sa tingin niya. Wala siyang binatbat kumpara kay Jiyeon at mas lalong hindi siya Ideal girl ni Sandeul. Lalo lang s’yang nanlumo.

Nag-ring ang phone. Si Jinyoung tumatawag.

“Hi gising ka pa pala?” Bati ni Jinyoung.

“Hindi pa makatulog eh, ikaw bakit ‘di ka pa natutulog?” tanong ni Alex.

“Eto may iniisip” sagot ni Jinyoung.

“Sino? crush mo noh?” pang-eechos ni Alex.

“Parang…. pero sa tingin ko hindi lang crush ang nararamdaman ko para sa kanya” makabuluhang sabi ni Jinyoung.

“Wow..inlove ka pala..” Sambit ni Alex.

“Baka nga…”-Jinyoung

“Gusto mo tulungan kita?” pagmamagandang loob ni Alex.

“Ay ‘wag Alex. Ako nang bahala dito. Gagawin ko lahat para sa kanya” -Jinyoung

“Pwede ko bang malaman kung sino siya?”-Alex

“Malapit mo nang malaman kung sino s’ya. Sasabihin ko sa’yo next week” sambit ni Jinyoung.

“Bakit next week pa?”

“Basta hehe..”

“Sige. Mukhang ipapakilala mo s’ya saken ah..”

At inabot sila ng magdamag sa pag-uusap.

Sa school. Late dumating si Alex.

“Sis! Si Sandeul pumunta pala dito kanina” sabi ni Jing

“Asan na siya?”

“Pinasabi n’ya lang na punta ka daw mamaya sa tambayan n’yo.”

“Ah sige..”

At labasan na. Nagmadaling pumunta si Alex sa tambayan nila ni Sandeul. Mukhang may party na magaganap at may karaoke pa. “Alex!!!” sigaw ni Sandeul.

“O anung meron?” tanong ni Alex.

“Ayun jam daw mamaya. Andito rin mamaya sina Jiyeon” pangiting banggit ni Sandeul.

“Ayt bakit pati ako kasama?” tanong ulit ni Alex.

“Syempre noh! Bestfriend kita saka gusto ka rin nilang kasama..O siya mamaya, 7pm ah” sabi ni Sandeul.

“Ok”

At 7pm nagsidatingan na. Kumpleto ang tropa. Ang mga dating pumunta sa bahay nina Baro nandun.

“Game! Kantahan na!”  nagpalakpakan lahat nang si Sandeul naunang kumanta “I pray no tears in your dreams….I know you’ll fly high in your life…i sesangeun jageun nuneuro tto geudael boryeogo hajiman
boran deusi dangdanghage malhal su isseo You are the only one”

At pasimpleng tumitingin kay Alex. Hindi tumitingin si Alex kay Sandeul habang kumakanta..para kasing mahuhulog ang puso niya. Ngumingiti si Gongchan. May naaamoy na naman. Pagkatapos kumanta ni Sandeul tumayo si Jiyeon at niyakap siya. “Ang galing mo talaga Sandeul” sambit ni Jiyeon. Ngumiti si Sandeul pero kay Alex nakatingin. Umiwas ng tingin si Alex kay Sandeul. Sunod na kumanta si Jinyoung. “My only hope it is you Naye soneul jabajwo I will love you forever Naye mameul badajwo

Wonhae neoye mam, whoa..Ttok gateun mam, gateun mal
Loving you…”at nakatingin din kay Alex habang kumakanta. Nginitian siya ni Alex. At matapos kumanta ni Jinyoung tumayo si Baro at niyakap si Jinyoung. Xerox na xerox copy kapareho ng ginawa ni Jiyeon at tipong hahalikan pa si Jinyoung. Tawanan.

Matapos ang kantahan, lumapit si Gongchan kay Alex. “Alex, may tanong ako sa’yo” pag-uumpisa ni Gongchan.

“Ano yun?” tanong ni Alex

“May nahahalata ka ba kay Jinyoung?” tanong ni Gongchan.

“Nahahalatang ano?” tanong din ni Alex.

“Hephep!! Gongchan hinahanap ka ni Jek” singit ni Jinyoung na biglang sumulpot sa likod ni Gongchan.

“Kailan ka pa…”

“Dali na puntahan mo na GF mo” at muli na namang nagkasama sina Alex at Jinyoung.

“Alex wag kang gagalaw” sabi ni Jinyoung.

“Ha bakit?” tanong ni Alex. Pumunta sa likod ni Alex si Jinyoung at may isinuot na kwintas. “Ano ‘to? para saan ‘to?” tanong ng gulat na si Alex.

“Hmm gusto ko lang Alex” nangingiting sabi ni Jinyoung. Nagulat pero nagbablush din si Alex.

“ALEX!!!” pang-iistorbo ni Sandeul. “Tara nuod tayo Bunshinsaba!” palokong alok ni Sandeul.

“Huwaa..nasa party tayo tapos gusto mo manuod ng horror” sagot ni Alex at natatawa na naman si Jinyoung. Halos madaling araw na nang umuwi ang lahat.

Dumaan ang lunes, martes, miyerkules at ngayon ay huwebes. Oras na para may puntahan sina Jinyoung at Alex. Sinundo  ni Jinyoung si Alex at pumunta sa napakaganda at nakakarelax na lugar.”Wow!! ang ganda!!” sambit ni Alex.

“Tara Alex sakay tayo dun sa bangka” alok ni Jinyoung at yun nga sumakay sila. Si Jinyoung ang nagsagwan at habang ginagawa yun nagsalita si Jinyoung.

“Sabi nila ‘pag dinala mo daw dito yung taong mahal mo, magkakatuluyan daw kayo” pangiting pahayag ni Jinyoung. Tumingin si Alex kay Jinyoung at ngumiti. “So..dito mo pala dadalhin yung girl na gusto mo at kinonfess mo saken?” tanong ni Alex.

“Nagawa ko na nga eh” ngumingiti pa din si Jinyoung at tinitigan si Alex.

“Ha?” gulat na reaksyon ni Alex.

“Alex…   gusto kita..” seryosong pag-amin ni Jinyoung kay Alex. Natigilan si Alex at nagulat sa narinig.

“Lalo kitang nagugustuhan..’di ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko kapag kasama kita.” pag-amin ni Jinyoung.

“Teka Jinyoung, nagpapractice ka ba para dun sa pag-aaminan mo ng feelings mo?” pag-iiwas ni Alex.

“”Alex…seryoso ako. Hindi kita niloloko..Isa lang talaga ang bagay na alam kong sigurado ako….na Mahal kita” sambit ni Jinyoung. Mas nawindang si Alex sa narinig.’Di n’ya alam ang gagawin..Tumakbo? Haler! sa tubig tatakbo?

“Alex.. sa ayaw mo at gusto, walang makakapagpigil sa’kin na ligawan ka” sabi ni Jinyoung.

“Jinyoung….”

“Please Alex ‘wag mo akong pigilan” dagdag pa ni Jinyoung. Bumilis ang tibok ng puso ni Alex. Ano ba ‘tong nararamdaman n’ya? May feelings din ba s’ya para kay Jinyoung kaya gano’n?

“Alex sorry kung nabigla kita pero sana pagbigyan mo ako” sabay hawak sa kamay ni Alex. Speechless si Alex. Nashock talaga sa revelations nila ni Jinyoung. No choice din s’ya kasi ayaw magpaawat ni Jinyoung. Pero inisip nya rin na baka mas makakabuti nga yon para mawala feelings n’ya para kay Sandeul. “Ok lang Jinyoung, ‘di kita pipigilan” sambit ni Alex at kaagad s’yang niyakap ni Jinyoung. Yakap na puno ng pagmamahal at ramdam yun ni Alex.

“Salamat Alex…”

Habang naglalakad ang dalawa pasimpleng hinolding hands ni Jinyoung si Alex at ‘di mawala ang ngiti sa mukha niya. Bagay na gusto din ni Alex kay Jinyoung dahil lalo ‘tong gumagwapo at nakakawala ng stress. Madaming ginawa ang dalawa at matapos yun hinatid na ni Jinyoung si Alex pauwi. “Uhm again salamat Alex sa gabing ‘to. Asahan mong gagawin ko lahat makamit ko lang ang matamis mong oo” sabi ni Jinyoung. Mahinang tapik ang binigay ni Alex. “Ikaw talaga Jinyoung.. Good Luck nalang sa’yo…makakahanap ka rin ng iba” sambit ni Alex. Kinuha ni Jinyoung ang kamay ni Alex at nilagay sa dibdib n’ya sabay sabing “Hawak mo ang puso ko Alex” sambit ni Jinyoung. Ngumiti si Alex at binigyan ng kiss sa cheeks si Jinyoung.

“Mag-iingat ka Jinyoung”

Umabot hanggang tenga ngiti ni Jinyoung at saka lang s’ya umalis nang nakapasok na sa bahay si Alex.

Sa malayo pero walking distance lang naman ng ilang segundo, nasaksihan lahat ni Sandeul ang mga naganap. Nililigawan ba ni Jinyoung si Alex? “Aigoo!! hindi p’wede yun!!” sa isip-isip ni Sandeul.

  Chapter 4

Nag-aayos si Alex nang may nag-doorbell. Si Sandeul.

“O Sandeul napaaga ka yata ngayon ah?” sabi ni Alex. Seryoso mukha ni Sandeul na ala Poker Face.

“Huy!” sabay tapik si Alex kay Sandeul.

“Nililigawan ka ba ni Jinyoung?” seryosong tanong ni Sandeul.

“Ha?…ah..eh..oo Sandeul” paputol-putol na sagot ni Alex.

“Bakit pumayag ka?” parang naiinis na tanong ni Sandeul.

“Ayaw n’ya magpaawat eh” depensa ni Alex.

“Gusto mo na ba s’ya?” unlimited na tanong ulit ni Sandeul.

“Sandeul teka bakit ba ‘di ka mapakali kakatanong?”-alex

“Eh kasi hindi pwedeng maging kayo!” sambit ni Sandeul.

“At bakit?” tanong ni Alex.

“Wala lang” sagot ni Sandeul at tinapik s’ya ni Alex.

“Ewan ko sa’yo!” dismayang sambit ni Alex at may nag-doorbell ulit. Si Jinyoung. May dalang flowers para kay Alex.

“Good morning Alex. Flowers for you” pangiting sabi ni Jinyoung at nang kukunin na ni Alex ang flowers inagaw yun ni Sandeul.

“Oh thank you Jinyoung my love!” parang baliw na sabi ni Sandeul. Kinurot ni Alex si Sandeul.

“Tara Jinyoung tuloy ka” alok ni Alex.

“Salamat Alex” sagot ni Jinyoung.

Naloka sa Sandeul sa kuwentuhan ng dalawa. ‘Di nya alam kung naiinis s’ya o nagseselos na. Para kasing sasabog ang puso n’ya.

“Alex!!!!” epal na naman ni Sandeul.

“O?”

“Di ba sobrang gusto mo c Donghae? Alam mo ang gwapo-gwapo talaga nun! Bagay kayong dalawa!” sabi niya kay Alex at nang sasagot na si Alex nagsalita na naman si Sandeul kay Jinyoung naman. “Di ba Jinyoung Ideal girl mo si Suzy? Ang ganda ganda ni Suzy! Mas bagay kayo nun!” pang-iinis pa ni Sandeul.

Sasagot na sana si Jinyoung nang magsalita ulit si Sandeul.

“Alex, ‘pag ikaw nakita ni Donghae” siguradong magiging kayo nun kaya dapat hindi ka muna mag-BF at ikaw naman Jinyoung sigurado ako crush ka din nun ni Suzy kaya maghintay ka lang!” dagdag pa ni  Sandeul.

“Teka Sandeul take a break, may sakit ka ba?” tanong ni Alex.

“Buti naman alam mo..Oo may sakit ako…sa puso! Ang sakit nga eh! kanina pa!” makahulugang sagot ni Sandeul.

“Pare ok ka lang?” malasakit ni Jinyoung.

“Ay hindi hindi..ang saya ko nga ngayon eh! Sige gusto n’yo date tayong tatlo ngayon! libre ko!” parang wala sa loob na alok ni Sandeul.

“Sandeul, kanina ka pa ganyan ah, ano ba nangyayari sa’yo?” tanong ni Alex.

“Wala! Sige alis na lang ako baka nakakaistorbo na ako sainyong dalawa eh!” walang paliguy-ligoy at umalis nga si Sandeul.

“San….”

“Hayaan mo na siya Alex” sambit ni Jinyoung.

“Ano kayang nangyari dun?”

“Kakausapin ko siya mamaya, ‘wag kang mag-alala Alex” sabi ni Jinyoung.

Sa Studio…

Naghaharutan sina Gongchan at Baro. Si Sandeul nagmumukmok.

“What’s the matter with you rubber duckie Sandeul?” palokong tanong ni Baro.

“Matter is anything that has mass and occupies space!” sagot ni Sandeul.

Tawa na naman si Gongchan.

Kanina ka pa mukhang engot d’yan ah!” pambibiro ulit ni Baro.

“Oo alam ko gwapo ako..’wag mo nang sabihin ng paulit-ulit, pinupulikat na ako eh!” ang layong sagot ni Sandeul.

“O pare ano ba kasing nangyari sa’yo?” tanong ni Gongchan.

“Ayon masaya..wala namang nangyari saken, malamang patay na ako kung meron!” sagot ni Sandeul.

“Basted ka ba p’re?” tanong ni CNU.

Hindi kumibo si Sandeul.

“Ayeee….problemang puso nga!” pang-ookray pa ni Gongchan.

“Naman! inlababo ka pala eh! Quack Quack Quack!” dagdag pa ni Baro.

“Ah ganyan kayo ah! Salamat sa concern n’yo ano! nakakaiyak naman! na-touch talaga ang beauty ko!” sagot ni Sandeul sa tatlong tumatawa.

“Hi guys!” papasok na si Jinyoung.

“O pare pano ba tayo makakapagpractice nito, may brokenhearted dito eh!” pangungulit na naman ni Baro.

“Che! Tumigil ka nga! Sige labas muna ako..I can’t take it anymore” walkout ang drama ni Sandeul.

“Taray ng patong yun ah!”sambit pa ni Baro.

“Wait lang guys, kausapin ko muna si Sandeul” sabi ni Jinyoung.

“Ano ba kasing nangyayari?” tanong ni Gongchan.

“Guys, nililigawan ko si Alex…” pag-amin pa ni Jinyoung.

“Huwaa! sinasabi ko na nga ba eh! i feel it in the air~~ na gusto mo talaga si Alex” sambit pa ni Gongchan.

“At di yun tanggap ni Sandeul, ganun ba?” dagdag ni Baro.

“Parang ganun na nga” sagot ni Jinyoung.

“Feeling ko kasi talaga may feelings si Sandeul para kay Alex eh” dagdag din ni Gongchan.

“Ako din, ganun ang nararamdaman ko kaya kailangan ko siyang kausapin” sabi ni Jinyoung at lumabas nga siya. Hinanap si Sandeul pero mukhang nakaalis na ng building nila. Tinatawagan niya pero unattended ang phone.

Gumabi na. Si Sandeul wala pa rin sa sarili. “Mababaliw na talaga ako! Peste naman kasi eh! Kainis!” reklamo pa sa sarili ni Sandeul. Nang umuwi may nadatnan siyang bisita. Si Alex.

“Sandeul…ok ka lang ba? Tinatawagan kita pero naka-off cellphone mo” sabi ni Alex.

“Ayoko lang na maistorbo ako” pagsusungit pa ni Sandeul.

“Ano bang nangyayari sa’yo?” parang inis ni din na tanong ni Alex.

“Wala nga!” sagot ni Sandeul.

“Bakit ang sungit-sungit mo?” tanong ni Alex.

“Nakakainis eh! Dun ka na nga lang kay Jinyoung mo!” pagtataray ulit ni Sandeul.

“Ano ka ba hindi ka naman ganyan ah” reklamo ni Alex.

“Layuan mo nalang ako Alex at lalayo din ako sa’yo” sambit ni Sandeul.

“Layuan?…”

“Oo! layuan natin ang isa’t-isa para sumaya ka pati na ako!” pagsusungit ulit ni Sandeul.

“Ha? Layuan? Hindi ko alam kung ano rason mo pero sige mukhang yan ang gusto mo eh” at dali-daling lumabas si Alex. Naiiyak. Ang sakit kasi ng mga sinabi ni Sandeul.

Natigilan si Sandeul.. Gusto n’yang sundan si Alex pero hindi n’ya magawa. Alam n’yang nasaktan si Alex sa mga sinabi n’ya. At ‘di n’ya kayang humarap. Sinuntok n’ya ang pader na katabi n’ya sa sobrang pagkabadtrip.

Pauwi na si Alex pero apektado pa rin sa mga sinabi ni Sandeul. Naabutan n’ya pag-uwi si Jinyoung na naghihintay. Napansin ni Jinyoung ang pamamaga ng mata ni Alex.

“Alex anong nangyari? Umiyak ka ba?” Nag-aalalang tanong ni Jinyoung.

“Ay hindi napuwing lang ako Jinyoung” palusot ni Alex.

Hinawakan ni Jinyoung kamay ni Alex at lumabas sila. Pumunta sila sa isang open field. Tumingin si Jinyoung sa orasan niya.

“Alex, countdown tayo ah 1 to 10..” sabi ni Jinyoung.

“Ha? Sige” sagot ni Alex.

Nagsimulang magbilang ang dalawa at nang umabot sa sampu nagsilitawan sa taas ang mga nag-gagandahang fireworks. Ngumiti si Alex. Sobrang gusto kasi niya ang fireworks at napakaganda ng mga nakita niya. Pasimpleng hinawakan ni Jinyoung kamay niya.

“I love you Alex…”

“Aning ka talaga Jinyoung” sagot ni Alex pero kinikilig naman. Niyakap ni Alex si Jinyoung.

“Jinyoung, lagi mo na lang pinapagaan pakiramdam ko at di ka ba naiinip maghintay?” tanong ni Alex.

“Kahit ga’no pa katagal yan Alex, hindi naman ako atat eh” sagot ni Jinyoung.

“Pakiramdam ko kasi nahuhulog na ako sa’yo ng paunti-unti Jinyoung” pag-amin ni Alex.

“Alex? Tama ba narining ko o nabingi lang ako?”

  Chapter 5

Lumipas ang mga araw pero tuliro pa rin si Sandeul. ‘Di alam ang gagawin. Gusto n’ya magsorry kay Alex pero lalo lang siyang naduduwag kapag naiisip niya na baka magkaboyfriend na ‘to. Buti kung siya yun wala sanang problema. May nag-doorbell sa bahay niya. Si Jinyoung.

“Pare…”

“Jinyoung anong kailangan mo? Hindi mo makikita si Alex dito.” sabi ni Sandeul.

“Pare alam kong may gusto ka kay Alex” diretsong sabi ni Jinyoung.

“Oo na! Sige na! Aamin na ako! Gusto ko siya! Mahal ko siya! Nagseselos ako sainyo!” umamin si Sandeul.

“Bakit kasi hindi mo sinasabi sa kanya?” tanong ni Jinyoung.

“Natatakot akong mawala siya…Jinyoung magbestfriend turingan namin”

“Pero mas lalo siyang mawawala sa’yo. Sorry Sandeul pero hindi ko kayang pakawalan si Alex” sambit ni Jinyoung.

“Bahala ka…” lang ang nasagot ni Sandeul.

Nang umalis na si Jinyoung. Umalis din si Sandeul. Pupunta sa Bar. Gusto niyang magpakalasing. At yun nga ang nangyari. Laklak ang drama ni Sandeul. At nang lasing na lasing na binabanggit niya lagi si Alex.

“Alex…Alex…”

Malapit na magclose ang Bar at nag-alala na ang Waiter dun.

“Boss, magsasara na po kami” paalala ng waiter pero ayaw paawat ni Sandeul.

“Gusto ko pa ng beer gwapong waiter” wala na sa sarili si Sandeul at si Alex na naman ang bukambibig.

‘Di nakatiis ang waiter at pinakialaman na ang cellphone ni Sandeul. Alex ang pinakauna niyang nakita sa phonebook at yun ang tinawagan niya.

Nag-ring ang phone ni Alex. Hindi pa siya natutulog kaya agad sinagot ang phone.

“Hello Sandeul?”

“Mam sensya na po pero lasing na lasing na ang nagmamay-ari ng cp na ‘to” sabi ng waiter. Agad-agad na nag-ayos si Alex at pinuntahan ang Bar na ‘yon.

“Mam!” sigaw ng waiter. “Kayo po ba si Alex?”

“Oo…”

“Ku….kanina pa paulit-ulit na sinasambit niyan ang pangalan niyo” sabi ng waiter.

“Pasensya ka na ah sige ako nang bahala sa kanya” at nagpasalamat ulit si Alex.

Ang sunod na eksena ay sa sala nina Sandeul. Nang hawakan niya ang noo nito mainit yun. “Aba may sakit pala talaga ‘to” nag-alala si Alex. Kumuha ng towel at medyo mainit na tubig. Inasikaso niya si Sandeul at nang matapos sa ginagawa bigla itong nagsalita.

“Alex….”

“Sandeul nandito ako” sagot ni Alex.

“Miss kahawig mo si Alex ah…” lasing na lasing pa din sa Sandeul. Nang magsasalita na si Alex nagsalita ulit si Sandeul. “Alam mo ba mahal na mahal ko yun si Alex” napaamin bigla si Sandeul nang di niya namamalayan. “Galit yata siya saken ngayon..Ang sakit..ang sama ko kasi eh..” natatawa si Sandeul.

“Sandeul?” Nagulat si Alex.

“Mahal ko si Alex, hindi lang best friend ang nararamdaman ko para sa kanya..pag sinabi ko ito baka mawala siya..ayoko…”

“Sandeul…”

Hinawakan ni Sandeul at magkabilang pisngi ni Alex at bigla nitong hinalikan si Alex. Windang si Alex sa ginawa ni Sandeul. Pinipilit niya makawala pero ‘di siya pinapayagan nito. Ilan minuto din ang tinagal ng kissing scene nila. At nang matapos..

“Mahal na mahal kita Alex…” at nakatulog na si Sandeul.

Natulala si Alex sa nangyari. Sobrang nagulat. “Baliw ka talaga Sandeul… nadala lang siguro sa dami ng kanyang nainom. Pinipilit ni Alex kalimutan ang nangyari pero parang sasabog ang puso niya nang maring yun. Pero malay ba niya baka nagloloko lang si Sandeul pero pa’no kung totoo yun?

Kinabukasan nagising si Sandeul. Ang sakit ng ulo niya. Pinilit niyang marefresh ang nakaraan hanggang sa sumagi sa kanya ang ginawa niya kagabi.

“Alex?..” at dali-dali siyang nag-ayos at pumunta sa bahay nina Alex.

Sunod na eksena nasa sala na ang dalawa.

“Hindi ka na ba galit sa akin?” tanong ni Alex.

“Bakit naman ako magagalit…kahit kailan hindi ako nagalit sa’yo” sabi ni Sandeul. Ngumiti si Alex at nagsalita ulit si Sandeul.

“Ikaw pala nag-alaga saken kagabi..sinundo mo pa talaga ako..Salamat Alex” sambit ni Sandeul

“Syempre noh alangan namang pabayaan kita” sagot ni Alex. Biglang niyakap ni Sandeul si Alex.

“Alex..sorry sa mga nasabi ko..Ang totoo kasi sobrang nasasaktan lang ako. Mas masakit pala ‘pag wala ka..pakiramdam ko gusto ko nang mamatay”

“Sandeul”

“Alex nasabi ko na pala sa’yo ang totoo…Oo matagal na akong umiibig sa’yo”

Nagulat ulit si Alex. Lalo niyang hinigpitan ang pagkakayakap ni Sandeul sa kanya.

“Baka kasi layuan mo ako kaya natakot ang sabihin sa’yo ang nararamdaman ko” dagdag pa ni Sandeul.

“Baliw ka talaga Sandeul eh Mahal din naman kita” sabi nin Alex at nagulat si Sandeul.

“Mahal din kita Sandeul. Natakot din ako umamin kasi ang alam ko si Jiyeon talaga ang gusto mo at hindi rin ako ang tipo mo”

Ngumiti si Sandeul. “S’yempre kailangan ko magpalusot eh para ‘di mo mahalata. Hinawakan at hinalikan ni Sandeul ang kamay ni Alex.

“Pano ba yan hindi na pala tayo mag-best friend” sabi ni Sandeul.

“Ha?”

“Kasi manliligaw mo na ako..liligawan na kita Alex” pangiting sabi ni Sandeul.

“Ikaw talaga Sandeul…pero si Jinyoung kasi eh”

“Bakit kayo na ba?” nalungkot bigla si Sandeul.

“Hindi noh! Kasi naman parang nagugustuhan ko na siya…ikaw kasi eh!” paninisi pa ni Alex.

“Ayt ‘wag mo na siyang gustuhin. Pa’no na ako niyan?” sambit ni Sandeul.

“Pasaway ka talaga..”

“Mamaya pala punta ka sa bahay ko Alex” alok ni Sandeul.

“Sige..”

At gumabi na. Pumunta si Alex sa bahay ni Sandeul.

“Mam! Punta daw po kayo sa garden” sabi ng dakilang driver ni Sandeul.

“Ah sige ano bang meron?” tanong ni Alex pero hindi siya sinagot ng Driver pero nangingiti.. Nadatnan ni Alex sa daan ang mga rose petals at patungo yun sa nakaayos na table para sa dalawa.

“Talagang may mga lanterns pa ah..ang gaganda..” sambit ni Alex.

At biglang lumabas si Sandeul, may hawak na mic at bulaklak. Nasa kalagitnaan palang si Alex at nagsalita si Sandeul. “Alex para sa’yo ‘to” (At pinatugtog ng driver ang audio) Kumanta si Sandeul.

“ulgo sipeul ttae ureoyo seulpeumdeureul aesseo chamji marayo..
geudaega dasi useul su itge naega anajulgeyo……” at nang malapit na matapos ang kanta paunti-unti na siyang lumalapit kay Alex.

“nae gyeote isseo You are the only one….”

At pagkatapos kumanta binigay ni Sandeul ang flowers kay Alex. Pumalakpak si Alex at parang naiiyak.

“May paganyan-ganyan ka na ah” parang naluluha na sambit ni Alex.

“Mahal na mahal kita Alex” at matapos yun naupo ang dalawa sa table. Masayang nagkasama ang dalawa hanggang madaling araw.

Kinabukasan, kinausap ni Alex si Jinyoung.

“Ayaw kitang paghintayin at umasa ngayon sa wala” sabi ni Alex.

“Pinahihinto mo ba ako sa panliligaw ko sa’yo?” tanong ni Jinyoung.

“Ang totoo kasi Jinyoung, mahal ko din si Sandeul. I’m very sorry Jinyoung” pag-amin ni Alex.

Niyakap ni Jinyoung si Alex.

“H’wag kang mag-alala Alex, hindi naman ako magagalit” sabi ni Jinyoung.

“Hindi ka mahirap mahalin Jinyoung, minahal din kita pero si Sandeul hindi pa rin mawala sa puso ko..” Tinignan ni Jinyoung si Alex at hinalikan. Pagkatapos.

“Siguraduhin lang ni Sandeul na hindi ka niya sasaktan kasi ‘pag ginawa niya yun hindi ako magdadalawang-isip na agawin ka sa kanya” sabi ni Jinyoung.

“Jinyoung, sobrang swerte sa’yo ng babaeng mamahalin mo..”

“Lalo ka na Alex…”

Nag-date sina Sandeul At Alex.

“I love you, Alex..” sabi ni Sandeul.

“I love you too, Sandeul” sagot ni Alex.

“Sinasagot mo na ba ako?” nangingiting tanong ni Sandeul.

“Pa’no kung oo?” sagot ni Alex.

“Tayo na?….” tanong ulit ni Sandeul.

“Sa’n pa nga ba patungo ‘to?” nangingiti rin si Alex.

Niyakap ni Sandeul si Alex ng napakahigpit.

Ayon! Ending na tayo. Si Jinyoung naghihintay pa rin sa kanyang Ms.Right at pinapangarap pa ring si Alex yun. Sina Baro at CNU naman masaya din sa bagong lovelife at si Gongchan going strong pa rin ang relasyon nila ni Jek.

Habang tumatagal lalong minahal ni Sandeul at Alex ang isa’t-isa. Natapos ang kwentong ‘to sa isang Chu~ <3

Sa mga nagbasa nito MARAMING MARAMING  SALAMAT^^

  I LOVE YOU~

  Tara SPROUT DANCE TAYO

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet