Only One Chapter 5

Only One

 

  Chapter 5

Lumipas ang mga araw pero tuliro pa rin si Sandeul. ‘Di alam ang gagawin. Gusto n’ya magsorry kay Alex pero lalo lang siyang naduduwag kapag naiisip niya na baka magkaboyfriend na ‘to. Buti kung siya yun wala sanang problema. May nag-doorbell sa bahay niya. Si Jinyoung.

“Pare…”

“Jinyoung anong kailangan mo? Hindi mo makikita si Alex dito.” sabi ni Sandeul.

“Pare alam kong may gusto ka kay Alex” diretsong sabi ni Jinyoung.

“Oo na! Sige na! Aamin na ako! Gusto ko siya! Mahal ko siya! Nagseselos ako sainyo!” umamin si Sandeul.

“Bakit kasi hindi mo sinasabi sa kanya?” tanong ni Jinyoung.

“Natatakot akong mawala siya…Jinyoung magbestfriend turingan namin”

“Pero mas lalo siyang mawawala sa’yo. Sorry Sandeul pero hindi ko kayang pakawalan si Alex” sambit ni Jinyoung.

“Bahala ka…” lang ang nasagot ni Sandeul.

Nang umalis na si Jinyoung. Umalis din si Sandeul. Pupunta sa Bar. Gusto niyang magpakalasing. At yun nga ang nangyari. Laklak ang drama ni Sandeul. At nang lasing na lasing na binabanggit niya lagi si Alex.

“Alex…Alex…”

Malapit na magclose ang Bar at nag-alala na ang Waiter dun.

“Boss, magsasara na po kami” paalala ng waiter pero ayaw paawat ni Sandeul.

“Gusto ko pa ng beer gwapong waiter” wala na sa sarili si Sandeul at si Alex na naman ang bukambibig.

‘Di nakatiis ang waiter at pinakialaman na ang cellphone ni Sandeul. Alex ang pinakauna niyang nakita sa phonebook at yun ang tinawagan niya.

Nag-ring ang phone ni Alex. Hindi pa siya natutulog kaya agad sinagot ang phone.

“Hello Sandeul?”

“Mam sensya na po pero lasing na lasing na ang nagmamay-ari ng cp na ‘to” sabi ng waiter. Agad-agad na nag-ayos si Alex at pinuntahan ang Bar na ‘yon.

“Mam!” sigaw ng waiter. “Kayo po ba si Alex?”

“Oo…”

“Ku….kanina pa paulit-ulit na sinasambit niyan ang pangalan niyo” sabi ng waiter.

“Pasensya ka na ah sige ako nang bahala sa kanya” at nagpasalamat ulit si Alex.

Ang sunod na eksena ay sa sala nina Sandeul. Nang hawakan niya ang noo nito mainit yun. “Aba may sakit pala talaga ‘to” nag-alala si Alex. Kumuha ng towel at medyo mainit na tubig. Inasikaso niya si Sandeul at nang matapos sa ginagawa bigla itong nagsalita.

“Alex….”

“Sandeul nandito ako” sagot ni Alex.

“Miss kahawig mo si Alex ah…” lasing na lasing pa din sa Sandeul. Nang magsasalita na si Alex nagsalita ulit si Sandeul. “Alam mo ba mahal na mahal ko yun si Alex” napaamin bigla si Sandeul nang di niya namamalayan. “Galit yata siya saken ngayon..Ang sakit..ang sama ko kasi eh..” natatawa si Sandeul.

“Sandeul?” Nagulat si Alex.

“Mahal ko si Alex, hindi lang best friend ang nararamdaman ko para sa kanya..pag sinabi ko ito baka mawala siya..ayoko…”

“Sandeul…”

Hinawakan ni Sandeul at magkabilang pisngi ni Alex at bigla nitong hinalikan si Alex. Windang si Alex sa ginawa ni Sandeul. Pinipilit niya makawala pero ‘di siya pinapayagan nito. Ilan minuto din ang tinagal ng kissing scene nila. At nang matapos..

“Mahal na mahal kita Alex…” at nakatulog na si Sandeul.

Natulala si Alex sa nangyari. Sobrang nagulat. “Baliw ka talaga Sandeul… nadala lang siguro sa dami ng kanyang nainom. Pinipilit ni Alex kalimutan ang nangyari pero parang sasabog ang puso niya nang maring yun. Pero malay ba niya baka nagloloko lang si Sandeul pero pa’no kung totoo yun?

Kinabukasan nagising si Sandeul. Ang sakit ng ulo niya. Pinilit niyang marefresh ang nakaraan hanggang sa sumagi sa kanya ang ginawa niya kagabi.

“Alex?..” at dali-dali siyang nag-ayos at pumunta sa bahay nina Alex.

Sunod na eksena nasa sala na ang dalawa.

“Hindi ka na ba galit sa akin?” tanong ni Alex.

“Bakit naman ako magagalit…kahit kailan hindi ako nagalit sa’yo” sabi ni Sandeul. Ngumiti si Alex at nagsalita ulit si Sandeul.

“Ikaw pala nag-alaga saken kagabi..sinundo mo pa talaga ako..Salamat Alex” sambit ni Sandeul

“Syempre noh alangan namang pabayaan kita” sagot ni Alex. Biglang niyakap ni Sandeul si Alex.

“Alex..sorry sa mga nasabi ko..Ang totoo kasi sobrang nasasaktan lang ako. Mas masakit pala ‘pag wala ka..pakiramdam ko gusto ko nang mamatay”

“Sandeul”

“Alex nasabi ko na pala sa’yo ang totoo…Oo matagal na akong umiibig sa’yo”

Nagulat ulit si Alex. Lalo niyang hinigpitan ang pagkakayakap ni Sandeul sa kanya.

“Baka kasi layuan mo ako kaya natakot ang sabihin sa’yo ang nararamdaman ko” dagdag pa ni Sandeul.

“Baliw ka talaga Sandeul eh Mahal din naman kita” sabi nin Alex at nagulat si Sandeul.

“Mahal din kita Sandeul. Natakot din ako umamin kasi ang alam ko si Jiyeon talaga ang gusto mo at hindi rin ako ang tipo mo”

Ngumiti si Sandeul. “S’yempre kailangan ko magpalusot eh para ‘di mo mahalata. Hinawakan at hinalikan ni Sandeul ang kamay ni Alex.

“Pano ba yan hindi na pala tayo mag-best friend” sabi ni Sandeul.

“Ha?”

“Kasi manliligaw mo na ako..liligawan na kita Alex” pangiting sabi ni Sandeul.

“Ikaw talaga Sandeul…pero si Jinyoung kasi eh”

“Bakit kayo na ba?” nalungkot bigla si Sandeul.

“Hindi noh! Kasi naman parang nagugustuhan ko na siya…ikaw kasi eh!” paninisi pa ni Alex.

“Ayt ‘wag mo na siyang gustuhin. Pa’no na ako niyan?” sambit ni Sandeul.

“Pasaway ka talaga..”

“Mamaya pala punta ka sa bahay ko Alex” alok ni Sandeul.

“Sige..”

At gumabi na. Pumunta si Alex sa bahay ni Sandeul.

“Mam! Punta daw po kayo sa garden” sabi ng dakilang driver ni Sandeul.

“Ah sige ano bang meron?” tanong ni Alex pero hindi siya sinagot ng Driver pero nangingiti.. Nadatnan ni Alex sa daan ang mga rose petals at patungo yun sa nakaayos na table para sa dalawa.

“Talagang may mga lanterns pa ah..ang gaganda..” sambit ni Alex.

At biglang lumabas si Sandeul, may hawak na mic at bulaklak. Nasa kalagitnaan palang si Alex at nagsalita si Sandeul. “Alex para sa’yo ‘to” (At pinatugtog ng driver ang audio) Kumanta si Sandeul.

“ulgo sipeul ttae ureoyo seulpeumdeureul aesseo chamji marayo..
geudaega dasi useul su itge naega anajulgeyo……” at nang malapit na matapos ang kanta paunti-unti na siyang lumalapit kay Alex.

“nae gyeote isseo You are the only one….”

At pagkatapos kumanta binigay ni Sandeul ang flowers kay Alex. Pumalakpak si Alex at parang naiiyak.

“May paganyan-ganyan ka na ah” parang naluluha na sambit ni Alex.

“Mahal na mahal kita Alex” at matapos yun naupo ang dalawa sa table. Masayang nagkasama ang dalawa hanggang madaling araw.

Kinabukasan, kinausap ni Alex si Jinyoung.

“Ayaw kitang paghintayin at umasa ngayon sa wala” sabi ni Alex.

“Pinahihinto mo ba ako sa panliligaw ko sa’yo?” tanong ni Jinyoung.

“Ang totoo kasi Jinyoung, mahal ko din si Sandeul. I’m very sorry Jinyoung” pag-amin ni Alex.

Niyakap ni Jinyoung si Alex.

“H’wag kang mag-alala Alex, hindi naman ako magagalit” sabi ni Jinyoung.

“Hindi ka mahirap mahalin Jinyoung, minahal din kita pero si Sandeul hindi pa rin mawala sa puso ko..” Tinignan ni Jinyoung si Alex at hinalikan. Pagkatapos.

“Siguraduhin lang ni Sandeul na hindi ka niya sasaktan kasi ‘pag ginawa niya yun hindi ako magdadalawang-isip na agawin ka sa kanya” sabi ni Jinyoung.

“Jinyoung, sobrang swerte sa’yo ng babaeng mamahalin mo..”

“Lalo ka na Alex…”

Nag-date sina Sandeul At Alex.

“I love you, Alex..” sabi ni Sandeul.

“I love you too, Sandeul” sagot ni Alex.

“Sinasagot mo na ba ako?” nangingiting tanong ni Sandeul.

“Pa’no kung oo?” sagot ni Alex.

“Tayo na?….” tanong ulit ni Sandeul.

“Sa’n pa nga ba patungo ‘to?” nangingiti rin si Alex.

Niyakap ni Sandeul si Alex ng napakahigpit.

Ayon! Ending na tayo. Si Jinyoung naghihintay pa rin sa kanyang Ms.Right at pinapangarap pa ring si Alex yun. Sina Baro at CNU naman masaya din sa bagong lovelife at si Gongchan going strong pa rin ang relasyon nila ni Jek.

Habang tumatagal lalong minahal ni Sandeul at Alex ang isa’t-isa. Natapos ang kwentong ‘to sa isang Chu~ <3

Sa mga nagbasa nito MARAMING MARAMING  SALAMAT^^

  I LOVE YOU~

  Tara SPROUT DANCE TAYO

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet