Only One Chapter 3

Only One

 

 Chapter 3

Sa higaan. Hindi makatulog si Alex. Suot-suot pa rin ang Bracelet na bigay ni Sandeul. “Ano kayang nakain nung lokong yun? Baka nakakain ng panis na tokwa” pag-iisip ni Alex. Kung pwede nga lang binigay yun ni Sandeul dahil may feelings sa kanya pero imposible yun sa tingin niya. Wala siyang binatbat kumpara kay Jiyeon at mas lalong hindi siya Ideal girl ni Sandeul. Lalo lang s’yang nanlumo.

Nag-ring ang phone. Si Jinyoung tumatawag.

“Hi gising ka pa pala?” Bati ni Jinyoung.

“Hindi pa makatulog eh, ikaw bakit ‘di ka pa natutulog?” tanong ni Alex.

“Eto may iniisip” sagot ni Jinyoung.

“Sino? crush mo noh?” pang-eechos ni Alex.

“Parang…. pero sa tingin ko hindi lang crush ang nararamdaman ko para sa kanya” makabuluhang sabi ni Jinyoung.

“Wow..inlove ka pala..” Sambit ni Alex.

“Baka nga…”-Jinyoung

“Gusto mo tulungan kita?” pagmamagandang loob ni Alex.

“Ay ‘wag Alex. Ako nang bahala dito. Gagawin ko lahat para sa kanya” -Jinyoung

“Pwede ko bang malaman kung sino siya?”-Alex

“Malapit mo nang malaman kung sino s’ya. Sasabihin ko sa’yo next week” sambit ni Jinyoung.

“Bakit next week pa?”

“Basta hehe..”

“Sige. Mukhang ipapakilala mo s’ya saken ah..”

At inabot sila ng magdamag sa pag-uusap.

Sa school. Late dumating si Alex.

“Sis! Si Sandeul pumunta pala dito kanina” sabi ni Jing

“Asan na siya?”

“Pinasabi n’ya lang na punta ka daw mamaya sa tambayan n’yo.”

“Ah sige..”

At labasan na. Nagmadaling pumunta si Alex sa tambayan nila ni Sandeul. Mukhang may party na magaganap at may karaoke pa. “Alex!!!” sigaw ni Sandeul.

“O anung meron?” tanong ni Alex.

“Ayun jam daw mamaya. Andito rin mamaya sina Jiyeon” pangiting banggit ni Sandeul.

“Ayt bakit pati ako kasama?” tanong ulit ni Alex.

“Syempre noh! Bestfriend kita saka gusto ka rin nilang kasama..O siya mamaya, 7pm ah” sabi ni Sandeul.

“Ok”

At 7pm nagsidatingan na. Kumpleto ang tropa. Ang mga dating pumunta sa bahay nina Baro nandun.

“Game! Kantahan na!”  nagpalakpakan lahat nang si Sandeul naunang kumanta “I pray no tears in your dreams….I know you’ll fly high in your life…i sesangeun jageun nuneuro tto geudael boryeogo hajiman
boran deusi dangdanghage malhal su isseo You are the only one”

At pasimpleng tumitingin kay Alex. Hindi tumitingin si Alex kay Sandeul habang kumakanta..para kasing mahuhulog ang puso niya. Ngumingiti si Gongchan. May naaamoy na naman. Pagkatapos kumanta ni Sandeul tumayo si Jiyeon at niyakap siya. “Ang galing mo talaga Sandeul” sambit ni Jiyeon. Ngumiti si Sandeul pero kay Alex nakatingin. Umiwas ng tingin si Alex kay Sandeul. Sunod na kumanta si Jinyoung. “My only hope it is you Naye soneul jabajwo I will love you forever Naye mameul badajwo

Wonhae neoye mam, whoa..Ttok gateun mam, gateun mal
Loving you…”at nakatingin din kay Alex habang kumakanta. Nginitian siya ni Alex. At matapos kumanta ni Jinyoung tumayo si Baro at niyakap si Jinyoung. Xerox na xerox copy kapareho ng ginawa ni Jiyeon at tipong hahalikan pa si Jinyoung. Tawanan.

Matapos ang kantahan, lumapit si Gongchan kay Alex. “Alex, may tanong ako sa’yo” pag-uumpisa ni Gongchan.

“Ano yun?” tanong ni Alex

“May nahahalata ka ba kay Jinyoung?” tanong ni Gongchan.

“Nahahalatang ano?” tanong din ni Alex.

“Hephep!! Gongchan hinahanap ka ni Jek” singit ni Jinyoung na biglang sumulpot sa likod ni Gongchan.

“Kailan ka pa…”

“Dali na puntahan mo na GF mo” at muli na namang nagkasama sina Alex at Jinyoung.

“Alex wag kang gagalaw” sabi ni Jinyoung.

“Ha bakit?” tanong ni Alex. Pumunta sa likod ni Alex si Jinyoung at may isinuot na kwintas. “Ano ‘to? para saan ‘to?” tanong ng gulat na si Alex.

“Hmm gusto ko lang Alex” nangingiting sabi ni Jinyoung. Nagulat pero nagbablush din si Alex.

“ALEX!!!” pang-iistorbo ni Sandeul. “Tara nuod tayo Bunshinsaba!” palokong alok ni Sandeul.

“Huwaa..nasa party tayo tapos gusto mo manuod ng horror” sagot ni Alex at natatawa na naman si Jinyoung. Halos madaling araw na nang umuwi ang lahat.

Dumaan ang lunes, martes, miyerkules at ngayon ay huwebes. Oras na para may puntahan sina Jinyoung at Alex. Sinundo  ni Jinyoung si Alex at pumunta sa napakaganda at nakakarelax na lugar.”Wow!! ang ganda!!” sambit ni Alex.

“Tara Alex sakay tayo dun sa bangka” alok ni Jinyoung at yun nga sumakay sila. Si Jinyoung ang nagsagwan at habang ginagawa yun nagsalita si Jinyoung.

“Sabi nila ‘pag dinala mo daw dito yung taong mahal mo, magkakatuluyan daw kayo” pangiting pahayag ni Jinyoung. Tumingin si Alex kay Jinyoung at ngumiti. “So..dito mo pala dadalhin yung girl na gusto mo at kinonfess mo saken?” tanong ni Alex.

“Nagawa ko na nga eh” ngumingiti pa din si Jinyoung at tinitigan si Alex.

“Ha?” gulat na reaksyon ni Alex.

“Alex…   gusto kita..” seryosong pag-amin ni Jinyoung kay Alex. Natigilan si Alex at nagulat sa narinig.

“Lalo kitang nagugustuhan..’di ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko kapag kasama kita.” pag-amin ni Jinyoung.

“Teka Jinyoung, nagpapractice ka ba para dun sa pag-aaminan mo ng feelings mo?” pag-iiwas ni Alex.

“”Alex…seryoso ako. Hindi kita niloloko..Isa lang talaga ang bagay na alam kong sigurado ako….na Mahal kita” sambit ni Jinyoung. Mas nawindang si Alex sa narinig.’Di n’ya alam ang gagawin..Tumakbo? Haler! sa tubig tatakbo?

“Alex.. sa ayaw mo at gusto, walang makakapagpigil sa’kin na ligawan ka” sabi ni Jinyoung.

“Jinyoung….”

“Please Alex ‘wag mo akong pigilan” dagdag pa ni Jinyoung. Bumilis ang tibok ng puso ni Alex. Ano ba ‘tong nararamdaman n’ya? May feelings din ba s’ya para kay Jinyoung kaya gano’n?

“Alex sorry kung nabigla kita pero sana pagbigyan mo ako” sabay hawak sa kamay ni Alex. Speechless si Alex. Nashock talaga sa revelations nila ni Jinyoung. No choice din s’ya kasi ayaw magpaawat ni Jinyoung. Pero inisip nya rin na baka mas makakabuti nga yon para mawala feelings n’ya para kay Sandeul. “Ok lang Jinyoung, ‘di kita pipigilan” sambit ni Alex at kaagad s’yang niyakap ni Jinyoung. Yakap na puno ng pagmamahal at ramdam yun ni Alex.

“Salamat Alex…”

Habang naglalakad ang dalawa pasimpleng hinolding hands ni Jinyoung si Alex at ‘di mawala ang ngiti sa mukha niya. Bagay na gusto din ni Alex kay Jinyoung dahil lalo ‘tong gumagwapo at nakakawala ng stress. Madaming ginawa ang dalawa at matapos yun hinatid na ni Jinyoung si Alex pauwi. “Uhm again salamat Alex sa gabing ‘to. Asahan mong gagawin ko lahat makamit ko lang ang matamis mong oo” sabi ni Jinyoung. Mahinang tapik ang binigay ni Alex. “Ikaw talaga Jinyoung.. Good Luck nalang sa’yo…makakahanap ka rin ng iba” sambit ni Alex. Kinuha ni Jinyoung ang kamay ni Alex at nilagay sa dibdib n’ya sabay sabing “Hawak mo ang puso ko Alex” sambit ni Jinyoung. Ngumiti si Alex at binigyan ng kiss sa cheeks si Jinyoung.

“Mag-iingat ka Jinyoung”

Umabot hanggang tenga ngiti ni Jinyoung at saka lang s’ya umalis nang nakapasok na sa bahay si Alex.

Sa malayo pero walking distance lang naman ng ilang segundo, nasaksihan lahat ni Sandeul ang mga naganap. Nililigawan ba ni Jinyoung si Alex? “Aigoo!! hindi p’wede yun!!” sa isip-isip ni Sandeul.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet