Only One Chapter 1

Only One

 

CHAPTER 1

 

  “Alex! Bilisan mo na!”Sigaw ni Sandeul na naghihintay sa sala.

  “Eto na! atat ka masyado ano, hindi ka naman halatang excited” sambit ni Alex habang papalapit kay sandeul.

“Eh kasi isang oras mo lang naman ako pinaghintay ano” reklamo ni Sandeul.

“Bakit kasi kailangan mo pa akong isama sa recording studio nyo?”tanong ni Alex. “Ipapakilala kita sa mga papa ko…ayee..” Malakas na batok inabot ni Sandeul bago nakalabas ng bahay.

         Sa loob ng 20 minuto narating nila ang MBC Bldg. “Pare!” may sumigaw somewhere. “Oh pareng Gongchan beybe! hehe” sabay apir ang dalawa. “Sino yang cute chick na kasama mo? Girlfriend mo ba?”tanong ni Gongchan. Namula sina Alex at Sandeul.”Ayt pare si Alex nga pala bestfriend ko, haha baliw ka talagang palaka ka ano? kumusta naman kayo ni Jek?” tanong ni Sandeul. “Ayon OK naman, we’re happy, Nice to meet you Alex^^”sabi ni Gongchan. “Nice to meet you too Gongchan”. Dumating na rin sina Baro at CNU at ganon din ang nangyari. Pinakilala ni Sandeul si Alex sa dalawa at pagkatapos, “Si Jinyoung pala asan?” tanong ni Baro. “Kanina pa nandito ang Leader nating cute” sagot ni Gongchan. Kaya pumasok na silang lima. Pasimpleng kinurot ni Alex si Sandeul.

“Ouch!,Bakit?” tanong ng nag-iinarteng si Sandeul

“Pinapaalala ko lang, sabi mo diba lilibrehin mo ako after natin dito?”sabi ni Alex

“Ay sinabi ko ba yun? Pwede bang bawiin?” panloloko ni Sandeul

“Ah ganun ha jinojoke mo lang ako?” at kinurot ulit ni Alex si Sandeul.

“Wah~ sige hindi na talaga kita lilibrehin” ganti ni Sandeul

“Sige uuwi na ako”-alex

“Joke lang Alex, Peace na tayo please?”

“Eh bakit parang natatawa ka, niloloko mo yata talaga ako eh.Gusto mo ba sabihin ko kay Jiyeon lahat ng kalokohan mo?”-alex

“Uy, bati na tayo, wag mo akong siraan dun”-sandeul

“Ahemm!” singit ni Baro

“May naamoy akong isda” banat ni Gongchan

“Loko ka pala eh! nasa opisina tayo, hindi to palengke” makabuluhang sagot ni Sandeul

“O asan na si Jinyoung?”tanong ni CNU

“Hi guys!” bati ng papasok na si Jinyoung

“O pare lumabas ka pala!” sabi ni Gongchan

“Oo, tagal nyo eh, kumain lang ako” sagot ni Jinyoung at napatingin sa kasama ni Sandeul.

“Pare, bestfriend ko pala, si Alex” pakilala ni Sandeul

“Hello Nice to meet you Jinyoung” bati ni Alex

Hindi kaagad nakasagot si Jinyoung pero agad niyang inabot ang kamay niya kay Alex.”Nice to meet you too, Alex”

   “O s’ya game na!” at nagpractice na nga ang mga gwapong members ng B1A4. Nakaupo habang naghihintay si Alex. Matapos ang recording, inalok na papunta ng mall ni Sandeul si Alex. “Oras na para tuparin ang pangako” “O  sige tara na”

“WAIT!!” sigaw nina Gongchan. “Sama kami!”

“Hindi pwede!” sigaw ni Sandeul

“Ang damot mo talagang pato ka!” reklamo ni Baro

“Sige na Sandeul sama mo na sila” sambit ni Alex at nagsiunahan ang apat na pumasok sa kotse.

“Aba hinay-hinay lang kayo, baka magcollapse ang brand new car ko!” reklamo ni Sandeul

“Ser, sa Lotte World po ba tayo?” extra ng driver

“Ay hindi hindi manong! sa langit…dun tayo sa langit pupunta”  pamimilosopo ni Sandeul at siniko ni Alex si Sandeul. “Baliw ka talaga! Bata pa ako, di ako pwedeng sumama sayo” sagot ni Alex at nangingiti si Jinyoung. “Parang di kita bestfriend ah! dapat magkasama tayo noh!” pangungulit pa ni Sandeul.

“Ayee…ang sweet niyo naman, pwede na kayong bida sa next koreanovela” banat ni Baro at nagpatuloy ang asaran sa loob ng kotse.

Pagdating sa Mall, sa Food Court agad dumiretso. Inalok ng Ice Cream si Alex ni Gongchan at di rin nagpatalo si Baro at Ice Cream din ang kinulit. “Anong gusto mo Alex?” tanong ni Gongchan. “Ha? lilibrehin mo ako?” tanong ni Alex. Sumingit si Baro “Oo Alex libre kita..”

“Oy ako nauna ah!” reklamo ni Gongchan

“Hephep! para walang away, ako nalang librehin niyo!” pambibiro ni Sandeul at nagpatuloy ang tatlo sa diskusyon. Pasimpleng kinalabit sa likod si Alex ni CNU at inabutan ng strawberry shake. “Ha? saken to? Salamat CNU” at ngumiti si Alex.

“Ba, inunahan tayo o,” parinig ni Baro. Habang magkakasama sila palihim na binibigyan ng mga tingin ni Jinyoung si Alex. Dumating ang oras ng uwian, hiningi ng apat ang cp # ni Alex at natapos ang araw nang masaya.

Sa school…

“Alex Sis!” sigaw ni Jing

“O bakit?” tanong ni Alex

“Haler!!” Sikat ka na ha! kasama mo raw mga members ng B1A4 kahapon! ang bongga mo sis!!” At biglang may kumalampag sa pinto, Ang tatlong babaeng tinaguriang Jinyoung #1 FANS! , sina Blue, Red at Pink. Sigawan. At niyakap nila si Alex.

“Please Alex, gagawin namin ang lahat makagawa ka lang ng paraan para makasama namin si Jinyoung!”

“Ha?! hindi kami close nun noh!” sambit ni Alex

“Eh kahit na di ba bestfriend mo si Sandeul? Sige na sis! promise! kapag nakasama namin si Jinyoung hindi na kami magkacutting class at magtitino na kami” pagmamakaawa ni Blue.

“Wala pa bang mas deep don?” -alex

“Alex!!!”

“O s’ya bahala na si Batman at Robin Hood” sambit ni Alex

Breaktime. May tumatawag sa cellphone ni Alex. Si Jinyoung.

“Hello?”

“Hi!”

“Jinyoung bakit napatawag ka?”

“Gusto lang kita kumustahin”

“Ah hehe Ok naman ako, ikaw?” tanong ni Alex

“Ako din” sagot ni Jinyoung

“Ahmm Jinyoung pwede ka daw ba sa Friday night?” tanong ulit ni Alex

“Hmm siguro bakit?” sagot ulit ni Jinyoung. At nagpatuloy sa pag-uusap ang dalawa.

“Sige papayag ako pero may isang kondisyon” sabi ni Jinyoung

“Ano yun?” -alex

“”Dapat kasama ka…”

Dumating ang Friday night. Naunang dumating syempre sina Red, Blue at Pink at pagkalipas ng ilang minuto dumating na rin sina Alex at Jinyoung. Sigawan at tilian ang eksena. “JINYOUNG!!!!!!!!!”. Matapos magkakilala dumiretso na sila sa World of Fun. Halos hindi magkamayaw ang tatlo at parang naiilang na din si Jinyoung.

“Girls, behave..” pabulong na sabi ni Alex sa tatlo.

“Eh kasi naman ang cute cute ni Jinyoung eh!”. pabulong din na sagot ni Blue.

Bumili ng mga tokens ang lima. Nahiwalay si Alex sa apat. “Asan na yung apat na yun?” tanong ni Alex.

Sa rollercoaster ride nandun ang apat.

“Asan na si Alex?” tanong ni Jinyoung

“Baka naglalaro lang yun somewhere” sagot ni Pink

“Sasakay kayo sa rollercoaster?” tanong ulit ni Jinyoung

“Oo, eto na tickets o.” pacute na sabi ni Blue

“Ah eh hindi ako pwede sa mga ganyang rides eh” palusot ni Jinyoung

“Sayang naman nito papa Jin” pangungulit ni Red.

“Sige na kayo nalang 3 sumakay dyan. Maghihintay nalang ako sa Food Court” sabi ni Jinyoung.

At walang nagawa ang tatlo.

Hinanap ni Jinyoung si Alex at nakita niya ito na naglalaro sa stuff toy machine. Nagtago muna siya at tinignan si Alex.

“Wah Please!! Bumigay ka na! pang siyam na token na to eh!” sambit ni Alex sa pink teddy bear na gusto niyang  makuha. Umabot sa tatlong token at di nya parin nakuha kaya dumiretso muna siya sa CR. Pinalipas ni Jinyoung ang isang minuto at at naglaro din sa Stuff toy Machine. Unang subok palang sablay na. “Mahirap talaga pala to” Pero nang umabot sa pang-pitong token nakuha niya ang Pink Teddy Bear. Sobrang tuwa niya at nilagay niya sa bag.

 Muling nagkasama ang lima at kumain muna. “Uhm Alex punta muna kami sa CR.” sabi ni Red.

“Sige lang”

At natira ang dalawa sa table. Speechless pareho. Nagpapakiramdaman. At di nagtagal kinuha ni Jinyoung ang Pink teddy bear sa bag niya at kinaway-kaway sa table sa harap ni Alex. Ngumiti si Alex. “Wow! nakuha mo pala yan?”

“Oo at para sayo to.” sagot ni Jinyoung

“Nagbibiro ka ba Jinyoung?”

“Hindi ah” pangiting sagot ni Jinyoung.  At kinuha na rin ni Alex. “Salamat Jinyoung ah, Ang cute nito masyado, gustong-gusto ko talaga ‘to” nangingiting sabi ni Alex.

At uwian time na. Di na naman maawat ang tatlo.

“Jinyoung, sayo lang ang puso namin” banat ni Blue.

“Kami #1 Fans mo forever!” dagdag ni Pink.

“Mahal na mahal ka namin” pagtatapos ni Red.

Naiwan sina Alex at Jinyoung

“Uhm pwede ba kitang ihatid Alex?” tanong ni Jinyoung

“Ha?! nakakahiya na sayo Jinyoung, dapat nga eh nagpapahinga ka ngayon pero pinagbigyan mo pa ako” sabi ni Alex.

“Ok lang yun” sagot ni Jinyoung.

“Wah Jinyoung ok lang , medyo malayo kasi samen eh, uhmm.. salamat ulit ha, hindi ko makakalimutan ang araw na to” sambit ni Alex. Ngumingiti si Jinyoung “Ako rin Alex. Mag-ingat ka ha.” At umuwi na sila pareho.

 Sa bahay nina Alex.

“Bakit ngayon ka lang? Saan ka galing?” tanong ni Detective Sandeul

“Ayon sinamahan yung tatlong baliw na makasama si Jinyoung” sagot ni Alex.

“Oh kasama mo pala siya”

“Yah”

At makalipas ang isang oras. “Hmm sige uwi na ako Alex, bukas susunduin kita ha..” sambit ni Sandeul.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet