Words

Words and Sketches
Please Subscribe to read the full chapter

Dumaan ang ilang linggo pagkatapos ng kanilang pag aaminan at tama nga ang kanilang mga hula, marami nga ang nagbago sa pagitan nilang dalawa. 

 

Sa kanilang pakikitungo sa isa't isa, sa mga kwento na kanilang ipinahahayag at sa paraan ng kanilang pagsasalita. 

 

Maraming nagbago.

 

Ngunit lahat ng iyon ay naging dahilan para mas lalo pang mahulog ang loob nila sa isa't isa. 

 

-

 

Biyernes na naman at kagaya ng dati ay nauna na namang dumating sa kanilang tagpuan si Karina. 

 

Nanatili lamang siyang nakaupo habang nakayuko ang ulo at suot suot ang kanyang makapal na hoodie at sweatpants kahit na sobrang tindi ang init ng araw sa kanyang kinauupuan. 

 

Palagi naman ganun ang kanyang suot sa tuwing lalabas siya ng kanyang munting silid. 

 

Hindi siya sanay sa maraming tao at ayaw niyang may nakakakita sa kanyang ibang tao ngunit hindi niya maiwasang lumabas para sa bulag na dalaga kaya't napili niya na lamang na itago ang kanyang sarili sa loob ng makapal na kasuotan para lamang makasama si Winter kahit na hindi siya komportable sa lugar kung saan maraming taong dumaraan at nakakakita sa kanya. 

 

Hindi pa rin maalis ang hiya at nerbyos na nararamdaman ni Karina kapag siya ay lumalabas ng kanyang tahanan ngunit tila ito'y naglalaho sa tuwing masisilayan niya ng papalapit na ang dalaga sa kanya. 

 

Kagaya ngayong biyernes ng hapon. 

 

Pagkatapos ng ilang minutong paghihintay ay sa wakas at nakarating na rin ang dahilan ng bawat paglabas ni Karina sa kanyang nakasarang tahanan.

 

Ang mga tunog na nililikha ng naglalakad na dalaga nang siya ay papalapit sa pwesto ni Karina ay ang naging indikasyon upang makilala niya kung sino na ang paparating. 

 

Ang nakayuko niyang pigura ay unti unting naging tuwid upang tuluyang makita ang buong pigura ng dalagang kanina niya pa hinihintay. 

 

Nang masilayan si Winter ay hindi maiwasan ni Karina na mapangiti. 

 

Mapangiti na parang walang ibang nakikita. Ngumiti na parang wala ng iba pang nasa paligid kung hindi sila lang.

 

Mga ngiti na nagpapahiwatig ng kanyang pagkamangha sa kagandahang taglay ni Winter kahit na hindi naman ito makikita ng bulag na dalaga.  

 

Mga ngiti na nagpapahiwatig na wala ng bahid ng takot sa puso ni Karina.

 

Mga ngiti na tanging si Winter lang ang nakakapag dulot. 

 

Ang mga takot na tanging si Winter lang ang makakaalis. 

 

Sa bawat mga hakbang ng bulag na dalaga ay siya rin namang pagdagdag sa lawak ng ngiti ni Karina. 

 

Ang indikasyon na nawalan na siya ng pakialam sa mga tao sa paligid niya. Basta ang nasa utak niya lang sa mga oras na ito ay makakausap na niya ulit pagkatapos ng ilang araw ang babaeng nagpapatibok ng kanyang puso. 

 

Hindi na nahintay ni Karina si Winter dahil medyo mabagal itong maglakad dahil sa kanyang kapansanan kaya't naglakas ng loob na siyang lapitan ang bulag na dalaga at tulungan upang hindi na ito masyadong mahirapan. 

 

Nang makalapit na si Karina kay Winter ay marahan niyang tnapik ang balikat nito na siya namang ikinagulat ng bulag na dalaga. 

 

Napatawa ng konti si Karina na mabilis namang napalitan ng malawak na ngiti nang marinig niyang bigkasin ni Winter ang kanyang pangalan.

 

"Karina! Bakit ka nanggugulat!?" Madiing sabi ni Winter sa nakangiti na si Karina na nasa kanyang tabi ngayon. 

 

"You're walking so slow. I already want to talk to you." Saad ni Karina na sinadyang hinaan ang pangalawang pangungusap. 

 

"Ha?"

 

"Sabi ko ang bagal mo." Pagkatapos banggitin iyon ni Karina ay napahinto naman si Winter at umakto na parang nasaktan sa sinabi ni Karina sa kanya.

 

"Wow, try mo kayang maglakad habang walang nakikita." Sabi ni Winter na parang naoffend. 

 

Bigla namang naalerto si Karina dahil doon na naging sanhi para mag isip na naman suya ng kung ano ano. 

 

. Did I offend her?

 

, why did I say that kasi?

 

Ahh, Karina. Kahit kailan talaga, you still never learned. 

 

"Sorry." Nang marinig iyon ay biglang napalitan ng softness ang mukha ni Winter.

 

"Joke lang. Hindi ako na offend, okay? Nag overreact lang talaga ako. Huwag ka na maging sad girl." Sabi nito na nagpatawa ng bahagya kay Karina.

 

"Sure?" Tumango si Winter at binigyan si Karina ng matamis na ngiti bago nagpatuloy sa paglalakad. 

 

Humabol naman si Karina dito at nakarating na sila sa upuan na palagi nilang tina tambayan tuwing biyernes. 

 

Nang nakaupo ay unang nagsalita si Karina. 

 

"I didn't mean to say that." Paninimula niya habang si Winter naman ay nakinig lang sa kanyang sasabihin.

 

"I just wanted to say that I-" Hindi niya na natuloy ang kanyang sasabihin dahil pinangunahan na ulit siya ng kaba. 

 

Ngayon na lang siya ulit natakot na magsalita dahil sa akala niya ay nasaktan niya na naman si Winter dahil sa tabas ng kanyang dila. 

 

Here you are again, Karina. Hindi ka pa rin marunong makipag-usap. 

 

Hinintay ni Winter na matapos ni Karina ang kanyang sasabihin ngunit hindi na ito natuloy. 

 

Hala, she's stuttering again. 

 

Natakot ba siya na na offend ako? 

 

Tanong niya sa sarili bago magsalita. 

 

"Hey." Mahinhin niyang saad na nakaani ng tingin mula sa nag ooverthink na si Karina. 

 

"Hindi ako na offend, okay? Okay lang naman yung mga birong ganun, diba napag usapan naman natin na ganun naman talaga kapag magkaibigan?" Sabi nito ngunit ang tanging nakaagaw lang ng atensyon ni Karina ay ang salitang 'magkaibigan'.

 

"Hmm, friends." Mapait na sambit ni Karina nang hindi niya namamalayan. 

 

Napangiti naman si Winter nang dahil dito. 

 

"Bakit?"

 

"Nothing." Mapait pa rin na sambit nito at tuluyan ng tumahimik. 

 

Si Winter naman ay na aamaze na lang sa nangyayari. 

 

Akala ko ba ako yung dapat na susuyuin? Bakit parang ako pa ata ang kailangang manuyo. 

 

Pagkatapos mapagtanto ang tono ng kanyang boses ay mas nagulo na naman ang mga boses sa utak ni Karina. 

 

, what am I doing?

 

Why am I acting like this?

 

Why am I offended sa salitang magkaibigan?

 

I didn't even apologize sincerely for what I have said tapos I'm going to sulk because Winter treats me as her friend?

 

What kind of mind do you have, Karina?

 

"Sorry. Again." Paninimula ni Karina na ikinangiti ni Winter. 

 

Cute naman ng Karina Javier nato. 

 

"Why?"

 

"For acting like this. I didn't mean to be offended. I also don't know why I'm acting this way. I don't know why I felt like this when you just called me as your friend. Hindi ko alam bakit. Hindi ko alam." Tuloy tuloy na sabi niya habang nakayuko na naman ang ulo. 

 

Sinasakop na naman siya ng hiya, ng takot, kagaya ng mga unang tagpo nilang dalawa. 

 

Ngunit bigla itong nawala nang maramdaman niya ang malambot na kamay ni Winter na nakapatong sa isang kamay niya. 

 

Mas lalong nawala ang takot at kaba nang makita niyang bahagyang nakangiti sa kanya si Winter. 

 

Yun lang naman ang gusto ni Karina, ang hindi masaktan yung taong laman ng puso niya. 

 

Hindi siya galit, right?

 

She's smiling, she's not angry that I voiced out my feelings, right? 

 

"Gusto kita, you already know that right?" Tumango naman si Karina dun kahit na hindi ito nakikita ng kausap niya. 

 

"So yun, gusto kita." Sabi ni Winter sabay tawa dahil hindi niya na rin alam ang kanyang sasabihin. 

 

"Gusto kita as a friend, and gusto rin kita romantically. So, huwag ka na tatampo."  Sabi ni Winter na nagpatawa ng bahagya kay Karina. 

 

"Alam mo, ang cute mo." Sabi nito na siyang nagpapula sa pisngi ni Karina. 

 

"Hindi ko alam ang sasabihin to make you not feel what you are feeling right now. But I want to tell you that I genuinely like you more than as a friend. I have told you that before, right?" 

 

"Hmm."

 

"So, don't be worried. Ikaw lang ang gusto ko, Karina. Ikaw lang." Mas lalo naman namula si Karina nang dahil dito.

 

"Me too." Sabi nito at tinitigan sa mata si Winter.

 

"Hmm?"

 

"Ikaw lang rin ang gusto ko, Winter." Pagkatapos niyang sambitin ang mga salitang iyon ay iniwas ng dalawang dalaga ang tingin nila sa isa't isa. 

 

Parehas na namumula ang kanilang mga mukha at pilit na pinapaypay ang sarili upang pahupain ito. 

 

Nang maka recover ay napatikhim na lamang si Winter upang mawala ang tensyon sa pagitan nilang dalawa ni Karina ngunit pagkatapos nun ay nanatili pa ring tahimik ang kapaligiran. 

 

Ngunit nabasag rin ito nang matapang na nagsalita si Karina. 

 

"I missed you." 

 

"That's what I have been wanting to say earlier kaso hindi ko masabi."

 

"I mean, you don't need to answer it naman. Kasi hindi ko rin naman nare reciprocate yung mga ganyan mo before pero ayun-" Medyo anxious na sabi niya na biglang naputol dahil sa genuine na ngiti na ipinakita sa kanya ni Winter. 

 

Ilang segundo pagkatapos nun ay nagsalita rin si Winter.

 

"I missed you too, My Karina." 

 

Pagkatapos niyang sabihin yun ay nagkaroon ng katahimikan. Ngunit ito ay dahil lamang sa kilig na pilit na tinatago ng dalawa. 

 

I'm Winter's. 

 

Karina's mine. 

 

Bulong nila sa sarili habang tinatatak sa kanilang isipan ang  pagtaas ng hakbang ng relasyon nilang dalawa.

 

-

 

Isang linggo na naman pagkatapos ng mga pangyayari ay nagbalik na naman silang dalawa sa upuan na palagi nilang pinagtatambayan. 

 

Pareho lang silang nakaupo habang si Karina ay gumuguhit sa kanyang sketch book na naisipan niyang dalhin pagkatapos ng mga usapan nila noong nakaraang biyernes. 

 

"Hey, question lang. Nagsketch ka pa rin ba? Sa 5 months nating pag uusap you still haven't introduced me with your art works yet."

 

"Uhm, but."

 

"I know na hindi ko sila makikita, okay? Pero I just like to meet yung mga babies mo."

 

"Babies?"

 

"Yeah, yung mga works mo. I'm sure they're important to you kaya babies yung tawag ko sa kanila. The things that are important for you ay importante na rin sakin, you know. Kaya, I would like to meet them, introduce mo sila sakin."

 

"But, they can't talk."

 

"Hahaha, silly. Basta dalhin mo na lang, and then I'll introduce you rin sa mga babies ko."

 

"Your poetries?"

 

<
Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
kwinminjeong
#1
Chapter 6: Chapter 6: huy naghahanap ako ng bagong mababasa tapos na intriga ako dito at ang ganda ng plot!!!! unexpected lang lang itu 😔 dun ako nalungkot 'tor 😿 my hart is hurting,, ss (sobrang sakit)
hanne_ #2
Chapter 6: liea wag mo babasahin yung comments
hanne_ #3
Chapter 6: lah gagi ansaket
hanne_ #4
Chapter 5: LUH KIKAKABAHAN AKO SA COMMENTS HALA GAGI WAG PO SYUG WAG GAWINGN
ANGST LUHH
EzraSeige
#5
Chapter 6: Shuta ang ulam ko ngayon ay mapanakit ☺😢😭💙❄
stillintoyu
201 streak #6
Chapter 6: i already expected what was going to happen but it still hurts...
stillintoyu
201 streak #7
Chapter 3: dang why are they so cute 🥺
stillintoyu
201 streak #8
Chapter 2: kilig aaaa
hanne_ #9
Chapter 2: parang may epilepsy ako habang nag babasa dahil sa kilig hahshxhshsh
u_ujiman #10
Chapter 6: Andito pa rin ako. Hahahaha ano ba yan, thank you, akala ko hindi na to matatapos pero wow. Namiss ko sila.