Words

Words and Sketches
Please Subscribe to read the full chapter

Napakabilis dumaan ng mga araw. Ang pangalawa nilang pagkikita ay nadagdagan pa ng ilang linggo hanggang sa umabot na sa isang buwan.

 

Hindi masasabing matagal na silang nag uusap dahil sa totoo niyan ay apat na beses pa lang silang nagkikita sa loob ng isang buwan. Dahil nga sa tuwing Biyernes lamang namamalagi si Winter sa upuan sa labas ng bintana ni Karina kaya't hindi rin sila madalas magkita. Ngunit kahit ganoon ay nararamdaman nilang mas gumagaan ang loob nila sa isa't isa.

 

Pagkatapos noong pangalawang usap nila ay mas lalong naging pursigido na pag salitain ni Winter ang tahimik na si Karina. Hindi niya alam kung bakit ganito ang dulot sa kanya ng kaswal na pag confess ni Karina, hindi niya alam bakit simula noon ay mas lalo pa siyang nagalak na makasama ang madalas na walang imik na dalaga. Simula noon ay mas lalo pang naging malaki ang parte ng pagka curious ni Winter kay Karina. 

 

Ngunit kahit anong pilit niyang pagtatanong ay wala pa rin itong nakukuha na kahit anong detalye sa dalaga. Hindi niya rin naman masisi si Karina dahil nasabi rin nito na hindi siya sanay na makipag usap sa ibang tao kaya't tumigil na siya sa pagtatanong ng mga malalim na detalye tungkol sa buhay ni Karina. Hinahayaan niya na lamang na magkwento si Karina upang hindi ito maging awkward sa kanya. 

 

Si Karina naman ay pilit pa ring iniintindi ang mga bagay na nararamdaman niya tuwing kausap at katabi niya ang bulag na dalaga. Hindi niya mawari kung bakit sa bawat pagkikita nila ay mas lalo lamang lumalala ang pagtibok ng kanyang puso at napapadalas ang pagbuntong ng kanyang hininga. Sigurado siyang hindi ito dahil sa kaba, dahil kung dahil ito doon ay hindi niya magagawang makapagsalita sa tabi ng dalaga. Alam ni Karina ang kanyang sarili, alam niyang hindi na siya kinakabahan sa tuwing makakasama niya si Winter, ngunit hindi niya matukoy kung bakit hindi pa rin napapawi ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso tuwing makikita ang dalaga. 

 

Siguro dahil ito sa mga naibulalas niya noong nakaraang linggo. At napansin niya rin na simula noon ay mas dumaldal ang bulag na dalaga sa kanya. Madaldal na naman si Winter ngunit napapansin niyang mas dumaldal ito noong sinabi niyang may gusto siya sa dalaga. 

 

Madalas na bumabalik kay Karina ang mga eksenang iyon. Palagi niyang iniisip kung bakit niya nasabi ang mga salitang iyon kahit na hindi niya naman alam ang kanilang mga ibig sabihin. Buti na lang at hindi na ibinalik ni Winter ang mga salitang sinabi niya dahil kahit siya ay naguguluhan pa rin sa mga nararamdaman niya. 

 

Si Karina ang tipo ng tao na direkta sa nararamdaman niya. Yung tipong lahat ng mga lumalabas sa bibig niya ay totoo at galing sa puso niya, kahit na hindi siya madalas na magsalita.

 

Ngunit bakit pinagdududahan niya ang mga salitang sinabi niya sa bulag na dalaga? Ilang beses niyang ginugulo ang sarili niya dahil dun. Hindi niya alam kung saan nanggaling ang mga salitang iyon. 

 

Halata naman na may gusto siya kay Winter, sa loob loob niya ay alam niyang totoo ang mga naibulalas ng kanyang bibig. Ngunit pilit niya itong isinasawalang bahala at itinatapon. Hindi niya matanggap na agad siyang nahulog sa dalaga.

 

Hindi ito dahil sa may mali sa bulag na dalaga. 

 

Nararamdaman niya lang na parang may mali sa sarili niya. Hindi niya gusto ang ideya na nahulog siya sa taong hindi niya pa lubos kilala dahil natatakot siya na baka gawa gawa lamang ito ng isipan niya. 

 

Natatakot ito na baka kapag nagtagal ay mag iba ang ihip ng hangin at baka magsisi siya na sinabi niya ang mga nararamdaman niya kay Winter. 

 

Natatakot siya na baka mabilis magbago ang nararamdaman niya kay Winter dahil nga mabilis rin itong dumating. 

 

Ngunit lumipas ang mga araw at buwan, unti unti ng nawawala ang pagdududa at takot ni Karina sa kanyang nararamdaman para kay Winter. 

 

Unti unti niya ng natatanggap na may posibilidad na mahulog siya sa bulag na dalaga. Kahit na halata namang hulog na hulog na siya dito dati pa. 

 

At least ngayon may progress na siya. Nagkakaroon na siya ng ideya sa totoong nararamdaman ng puso niya. Kaso ang problema ay masyado siyang mabagal.

 

Habang nagdududa pa lamang siya sa kanyang nararamdaman, si Winter ay gumagawa na ng paraan para mag tagpo ang landas nilang dalawa. 

 

Hindi katulad ni Karina, mabilis lang na naintindihan ni Winter ang sinasabi ng kanyang damdamin. Noong isang buwan na pagsasama nilang dalawa ay alam niya na kung ano ang nararamdaman niya para kay Karina. 

 

Noong pangalawang beses pa lang na pag uusap nila ay inamin na ni Winter sa kanyang sarili na nagkakaroon siya ng gusto kay Karina. Syempre yung mababaw na pagkagusto pa lamang dahil nga hindi niya pa ito lubos na kilala, ngunit mayroong parte na gusto niyang mas makilala pa ang tahimik an dalaga.

 

Marami siyang tanong na si Karina lang ang makakasagot ngunit hindi niya ito makuha dahil nga sa tahimik ang dalaga. Hindi rin naman niya magawang pilitin ito dahil kahit papaano ay naiintindihan niya si Karina, kaya't siya na lang ang laging nagkukwento sa kanilang dalawa habang tahimik na pinakikinggan lang siya ng isa. 

 

Ngunit tila kumampi ang langit sa side ni Winter ngayong biyernes. 

 

Pumatak na naman ang alas kwatro ng hapon ngayong biyernes at kagaya noong mga nakaraang linggo ay nauna na namang makarating si Karina sa tagpuan nilang dalawa ng bulag na dalaga.

 

Naupo siya sa may bench sa harap ng kanyang apartment at iniyuko ang kanyang ulo upang mag isip isip.

 

Dalawang buwan nang ganito ang set up nilang dalawa ngunit hindi pa rin nawawala ang excitement and kagalakan sa tuwing darating na ang araw na makikita na muli ni Karina si Winter.

 

Noong una ay hindi niya malaman kung bakit hindi pa rin maalis alis ang kasiyahan sa kanyang puso tuwing nakikita ang dalaga kahit na ilang linggo na nilang ginagawa ito. Akala ni Karina ay mawawala na ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso pagkatapos ng ilang linggo pero hindi ito nangyari. Doon na nagsimulang mag isip isip si Karina.

 

What is this?

 

What am I feeling?

 

Why am I always excited to see her? Why is my heart always beating fast whenever I'm waiting for her to be beside me?

 

Why?

 

Yan ang mga tanong na sumagi sa utak ni Karina habang nakaupo na naghihintay kay Winter na dumating.

 

Yun naman ang palagi niyang tanong sa kanyang sarili sa tuwing nakikita na ang bulag na dalaga. Mga tanong tungkol sa kanyang nararamdaman na hanggang ngayon ay hindi niya pa rin maintindihan. 

 

Ngunit unti unting nalinawan si Karina sa isasagot sagot nang makita ang bulag na dalaga na paparating sa kanyang kinaroroonan.

 

Sa bawat pagtibok ng kanyang puso, sa pagkislap ng kanyang mga mata, sa pagbagal ng ikot ng mundo noong nakita niya ang dalaga, unti unti niya ng natutuklasan kung ano ang kasagutan.

 

I have fallen.

 

Completely.

 

Hindi pa rin na aalis ang mga tingin ni Karina at mas lalong lumalala ang kanyang nararamdaman habang papalapit sa kanya ang bulag na dalaga.

 

Palagi namang ito ang nararamdaman niya sa tuwing nakikita ang dalaga ngunit parang may iba ngayon.

 

Iba talaga sa pakiramdam kapag may idea ka na sa nararamdaman mo. Kagaya ngayon, mas lalong naging maganda sa pakiramdam ang mga sensasyon na kanyang nararamdaman ngayong napagtanto niya ng nahulog na siya kay Winter.

 

Ang mga bagay na linggo linggo nilang ginagawa ay mas lalong naging espesyal kay Karina. Kahit ang simpleng pag upo lang ng dalaga sa kanyang tabi ay nakapagbigay na ng ngiti sa kanyang mga labi. Ang mga ngiti na dati niya pa pilit na pinipigilan, na ngayon ay hindi niya na napagtagumpayan na gawin dahil sa matinding kaligayahan na namumutawi sa kanyang puso pagkakita niya pa lang sa dalaga.

 

Ngayon, sigurado na si Karina, hindi na siya natatakot na umamin. 

 

Inamin niya na sa kanyang sarili na gustong gusto niya nga talaga ang bulag na dalaga.

 

Damn.

 

I really have fallen huh?

 

I never expected to be attracted to anyone but I'm not complaining. Si Winter yun, imposibleng hindi mahulog ang sino man sa kanya.

 

That's Winter's effect, she's just likeable. Her face, her personality, lahat. 

 

This is my first time being attracted to a person and hindi ako magtataka na it's Winter. 

 

I wouldn't let myself fall for a person if it wasn't Winter. 

 

I don't really think that I would be feeling this way for a person that isn't her. It's just, hindi ko alam, siya lang ang gusto ko. 

 

Sigurado na akong siya lang ang magugustuhan ko.

 

Wala ng iba.

 

Siya lang.

 

Si Winter lang.

 

Natapos lang ang kanyang malalim na pag iisip nang maramdaman ang malalim na paghinga ng kanyang katabi na si Winter. Napatingin naman siya rito at nanatili lang na nakatitig sa dalaga habang ang dalaga naman ay parang estatwa lang na nakaupo habang ang tingin ay nasa kanyang harapan. 

 

Nanatili lamang silang tahimik. Si Karina'y wala na namang imik, palagi naman, ngunit ang nakakapagtaka ay pati si Winter hindi pa rin nagsasalita. Dahil dun, kinabahan si Karina.

 

Ang kanyang pagka saya dahil sa pagka mulat niya sa kanyang nararamdaman ay biglang napalitan ng kaba dahil sa inaakto ni Winter. 

 

Kinakabahan siya na ngayong magsisimula pa lang siyang mas ipakilala ang sarili niya sa dalaga ay saka naman ito mawawala. 

 

Natatakot siyang lumayo sa kanya ang dalaga, natatakot siyang manatili muli sa kanyang munting silid habang hawak hawak ang kanyang sketch pad habang gumuguhit ng mga tao na bigla bigla na lang dumadaan sa kanyang harapan, natatakot siya na baka hindi niya na ulit maguhit ang perpektong mukha ng dalagang katabi niya. Dahil unti unti lang nagkaroon ng saysay ang kanyang mga iginuhit simula noong ang dalaga ang naging paksa ng kanyang mga obra. 

 

Simula noong nakita niya ito tuwing biyernes sa kanyang bintana hanggang sa makausap niya ito ng masinsinan tumatak na sa isipin ni Karina na wala ng iba pang paksa ang mas gugustuhin niyang iguhit kung hindi ang dalaga. 

 

Doon lang nakita ni Karina ang silbi ng talento ng kanyang mga kamay. Ang sketch pad na puno ng mga taong hindi kilala ay napalitan ng mga eksena na naganap sa pagitan nilang dalawa ni Winter habang sila ay nag uusap.

 

At kahit paulit ulit lamang ang mga eksenang nangyayari sa kanila tuwing biyernes, hindi pa rin mawawala ang saya sa puso ni Karina sa tuwing iginuguhit niya ito gamit ang kanyang kamay. 

 

Doon niya lamang naintindihan ang tunay na saya na naipapadala sa kanya ng pagpipinta. 

 

At dahil yun sa bulag na dalaga. 

 

Natuklasan niya ang tunay na depinisyon ng saya at pagmamahal sa talentong ipinamalas sa kanya nang dahil kay Winter. 

 

Naranasan niya ring magkaroon ng interes sa isang tao na nasa katauhan ni Winter. At unti unti niya ng gustong ilabas ang totoong siya sa dalagang nasa tabi niya ngayon. 

 

Kaya't lubos na nalugmok ang kanyang puso nang maramdaman na parang nagsasawa na sa kanya ito. Hindi pa sinasabi ni Winter na ayaw niya ng makasalamuha si Karina ay lubos na niyang pinag aalala ang mga mangyayari. Hindi kasi ito sanay na tahimik ang bulag na dalaga kaya't kung ano ano ang pumapasok sa kanyang utak. Basta bigla na lamang siyang natakot na hindi na ulit siya kausapin ni Winter. Hindi niya kayang dumaan ang mga biyernes na hindi nakakausap ang dalaga. Naging routine niya na ito, hindi na makumpleto ang kanyang linggo kung hindi sila nag usap kahit isang araw lang.


 

Nanatili lang na tahimik ang dalawa at nagpapakiramdaman. Ilang minuto pa lamang sila na nasa ganoong posisyon ngunit hindi na mapakali si Karina sa kanyang kinauupuan. Buti na lang at hindi siya nakikita ng kanyang katabi kung hindi ay makikita niya kung gaano na siya kinakabahan. Madalas kasing nagsasalita agad si Winter kaya't hindi na sanay na maghintay pa si Karina ng kahit 5 minuto lang. 

 

Nagtataka siya sa ikinikilos ng dalaga. Kaya't hindi niya na napigilan ang sarili at huminga ng malalim. 

 

Karina, you can do this.

 

Pagkatapos ay ibinuka niya na ang kanyang bibig at umaktong magsasalita na ngunit hindi ito natuloy. Ito ang unang beses niyang mag initiate ng usap sa kahit na sino ngunit para kay Winter ay susubukan niya itong gawin, kahit hindi pa ito komportable para sa kanya. 

 

Basta para lang malinawan siya sa nararamdaman ni Winter, para malaman niya kung may nagawa ba siyang mali, kung lalayuan na ba siya ng dalaga, kung ano ang pwede niyang gawin para maging komportable sa kanya si Winter, gagawin niya ang lahat kahit na hindi siya sanay sa para hindi tuluyang magsawa ang dalaga sa kanya. 

 

Huminga ulit siya ng malalim at bumulong.

 

Ah , here we go.

 

At tuluyan ng bumuka ang kanyang bibig para magsalita.

 

"Winter." Mababang sambit niya sa pangalan ng dalaga habang ang kanyang mata ay nakadako sa harap ng kanyang apartment. Hindi niya magawang tumingin kay Winter dahil siguradong mas mahihirapan siya sa pagsasalita kung nakatitig siya sa mala kristal na mga mata nito. 

 

Hindi naman sumagot si Winter ngunit makikita na sumilay ang maliit na ngiti sa mga la

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
kwinminjeong
#1
Chapter 6: Chapter 6: huy naghahanap ako ng bagong mababasa tapos na intriga ako dito at ang ganda ng plot!!!! unexpected lang lang itu 😔 dun ako nalungkot 'tor 😿 my hart is hurting,, ss (sobrang sakit)
hanne_ #2
Chapter 6: liea wag mo babasahin yung comments
hanne_ #3
Chapter 6: lah gagi ansaket
hanne_ #4
Chapter 5: LUH KIKAKABAHAN AKO SA COMMENTS HALA GAGI WAG PO SYUG WAG GAWINGN
ANGST LUHH
EzraSeige
#5
Chapter 6: Shuta ang ulam ko ngayon ay mapanakit ☺😢😭💙❄
stillintoyu
202 streak #6
Chapter 6: i already expected what was going to happen but it still hurts...
stillintoyu
202 streak #7
Chapter 3: dang why are they so cute 🥺
stillintoyu
202 streak #8
Chapter 2: kilig aaaa
hanne_ #9
Chapter 2: parang may epilepsy ako habang nag babasa dahil sa kilig hahshxhshsh
u_ujiman #10
Chapter 6: Andito pa rin ako. Hahahaha ano ba yan, thank you, akala ko hindi na to matatapos pero wow. Namiss ko sila.