Sketches

Words and Sketches
Please Subscribe to read the full chapter

Lumipas ang ilan pang mga buwan at nagpatuloy pa rin ang pag uusap ng dalawang dalaga.

 

Ang usapan nilang pagkikita tuwing biyernes ay naging sabado at linggo, hanggang sa humantong na ito sa pagkikita araw-araw. 

 

Subalit sa kabila nito ay para bang hindi pa rin sapat ang mga panahong iyon upang magkasawaan sila sa isa't isa. 

 

Tila kulang pa nga ang araw-araw nilang pagkikita upang sila ay makuntento sa presensya ng isa't isa.

 

Sa isip isip nila ay kailangan nila ng mas matagal pang panahon upang makilala ang isa't isa; kahit na halos na kwento na naman nila ang buong talambuhay nila sa dalas ba naman nilang magkita.

 

Hindi nila matukoy kung anong dahilan upang dumako sa isipan nila na kailangan pa nila ng mas matagal na panahon na magkasama. 

 

Alam nila sa sarili nilang kilala na nila ang isa't isa; alam nila sa sarili nilang na kwento na nila ang mga importante at walang kwentang parte ng buhay nila. 

 

Bagaman hindi pa rin ito sapat.

 

At sa tingin nila ay kailan man hindi ito magiging sapat.

 

Dahil sa kaibuturan ng kanilang puso, alam nilang ang gusto nila ay hindi lang upang makilala ng lubos ang isa't isa.

 

Na ang totoong gusto nilang kahahantungan ng kanilang pag-uusap ay ang makasama ang isa't isa pang habang buhay.

 

Nahihirapan lamang silang aminin ito, ngunit sa pinakamalalim na parte ng kanilang puso't isipan, alam nilang ito ang kanilang gustong isigaw at makuha.

 

-

 

Dumating na naman ang Biyernes at, kagaya ng dati, si Karina na naman ang unang dumating sa kanilang tagpuan.

 

Siya, katulad ng nakasanayan, ay nakaupo lamang sa upuan na palagi nilang pinagta tambayan ni Winter tuwing sila'y nagkikita. Hinihintay nitong dumating ang bulag na dalaga habang hawak hawak ang bulaklak na binili niya para rito.

 

Ang Biyernes na ito ay hindi pang karaniwang biyernes lang para sa kanilang dalawa. 

 

Hindi alam ni Karina kung natatandaan ni Winter, ngunit siya ay ni kailanman ay hindi nakalimutan na ngayon ang anibersaryo ng una nilang pagkikita.

 

Tanda pa nito kung ano ang nangyari noong araw na iyon ng detalyado; at hindi niya maiwasang magkaroon ng dalawang reaksyon habang naaalala ito.

 

Ang unang reaksyon ay mapangiwi dahil sa galit habang inaalala ang malapit na pambabastos ng isang manyak sa walang kamuwang muwang na si Winter. Ngunit ito ay napalitan rin ng matamis na ngiti habang inaalala na yun rin ang mismong araw nang maganap ang unang pag uusap nilang dalawa.

 

Hindi inakala ni Karina na hahantong sila sa ganito. 

 

Ni kailanman ay hindi sumagi sa isip ni Karina noon na ang nararamdaman niyang paghanga sa dalaga ay hahantong sa isang matinding emosyon na alam niyang hindi niya na kayang maalis pa.

 

Datapwat hindi inaakala ay hindi siya nagsisi na ganito ang kina hantungan ng pag uusap ng dalawa. 

 

Hindi siya nagsisi sa mga araw na inilaan niya upang makipag usap sa dalaga kaysa sa pag kulong sa kanyang silid kagaya ng kanyang nakasanayan.

 

Hindi siya nagsisi sa mga oras na ginamit niya upang makasama ang dalaga kaysa ilaan ito sa kanyang pagguhit.

 

Paano siya magsisisi kung nabigyan naman siya ng oportunidad na ipinta at iguhit ang pinaka magandang subject sa kanyang paningin araw-araw.

 

Paano rin siya magsisi kung ang tanging idinala lamang ng kanilang pag uusap ay walang iba kung hindi mabuting pagbabago sa buhay ni Karina.

 

Ang pakikipag usap kay Winter ay ang naging sanhi upang gumawa si Karina ng mga bagay na salungat sa kanyang nakasanayan.

 

Ito rin ang naging dahilan upang sumubok si Karina ng mga bagay na kahit kailan ay hindi niya naisipang magagawa niya sa kaniyang talambuhay.

 

Natutunan niya kung paano magsalita nang hindi natatakot sa kahit ano mang maibulalas ng kaniyang bibig.

 

Natutunan niyang mahalin ang pagsasalita dahil ito lang ang tanging paraan para magkaintindihan sila ng bulag na dalaga. 

 

Kahit na mahirap. 

 

Kahit na hindi siya sanay. 

 

Ipinilit niyang magsalita nang magsalita para kay Winter.

 

Dahil alam niya na si Winter ay maiintindihan rin siya kahit gaano man kalabo ang mga pangungusap na lumalabas sa kanyang bibig.

 

Kahit gaano man kabagal ang pag proseso ng mga salita sa kaniyang isipan, alam niyang maiintindihan at pilit na iintindihin ito ni Winter.

 

At syempre ganun rin siya sa bulag na dalaga. 

 

Sa isang taon nilang pag uusap ay marami rin beses niyang inintindi ang bulag na dalaga. 

 

Lalo na dahil sa konsiyon nito. 

 

Kaya't ilang beses rin siyang gumawa ng paraan upang intindihin ito. 

 

Kahit na mahirap.

 

Kahit na hindi niya naman ito nakagawian.

 

 Para kay Winter, gagawin niya lahat.

 

Kaya ngayong Biyernes ay napagpasiyahan niyang mamasyal kasama ang bulag na dalaga.

 

Nang tumagal tagal na simula nang sila'y magkakilala, naging komportable na silang mamasyal sa iba't ibang pasyalan dito sa village na sila Karina ang nagmamay ari.

 

Nakaugalian na nilang magpa libot libot sa kahit saan upang ma enjoy ang tanawin.

 

Nagagawa pa rin namang makita ni Winter ang paligid sa pamamagitan ni Karina.

 

Dito natutunan ni Karina ang halaga ng mga salita.

 

Dito rin niya sinubukang hamunin ang sarili niya sa pamamagitan ng pagbibigay ng detalyadong eksplanasyon tungkol sa kanyang nakikita.

 

Para kay Winter.

 

Ang kanyang mga salita ang nagsisilbing mata ni Winter tuwing sila ay napa padpad sa mga lugar kung saan maganda ang tanawin.

 

Ngunit ngayong araw ay alam ni Karina na hindi niya muna kailangang gamitin ang kanyang mga salita upang makakita si Winter.

 

Napag pasiyahan ni Karina na dalhin si Winter sa concert ng isa sa mga favorite nitong filipino artist.

 

Palagi niya kasing naririnig na bukambibig ito ng bulag na dalaga sa tuwing sila ay magkikita.

 

Hindi daw kasi ito pinayagan dahil ang kapatid niyang si Ningning ay may iba ring lakad na pupuntahan, kaya naisipan ni Karina na siya na lang ang sasama rito kahit na ayaw niyang maexpose sa maraming tao.

 

Nakabili na ito ng ticket at napag paalam na ang bulag na dalaga via call.

 

Si Winter na lang talaga ang walang alam dahil napag desisyonan ni Karina na gawin itong surprise para sa 1 year na pagkakakilala nila.

 

Nakaupo si Karina habang nasa harap niya ang kanyang kotse na siya ang magma maneho.

 

Naghintay muna ng ilang minuto si Karina bago makita ang bulag na dalaga na kanina niya pa hinihintay.

 

Nakasuot ito ng floral dress na dahilan upang mapangiti ng pagka tamis tamis si Karina.

 

Beautiful..

 

Bulong nito sa sarili bago salubungin sa paglalakad ang dalaga.

 

"Good Afternoon, Winter." Bati nito sa dalaga bago paglapatin ang kanilang kamay sa isa't isa.

 

"Good Afternoon rin sayo, Karina." Bating pabalik ni Winter habang nakangiti na siya namang nagpa ngiti pa lalo kay Karina.

 

Pagkatapos noon ay tahimik silang naglakad papunta sa harapan ng kotse ni Karina.

 

Binukas ni Karina ang pintuan sa shotgun seat bago alalayan si Winter papasok rito.

 

Hindi naman agad nag react si Winter at tumingin lang sa direksyon ni Karina, ang mga mata'y nagtatanong sa kung ano ang nangyayari.

 

"Pasok ka muna po. We're going somewhere."

 

"Nagdala ka ng car?" 

 

"Yes po."

 

"But why? Saan ba tayo pupunta?"

 

"Hindi ko pa muna pwedeng sabihin. It's a secret, Winter. You'll know rin mamaya."

 

"Okay." Muling sagot ni Winter at hindi na pinigilan ang kamay ni Karina na umaalalay sa kanya.

 

Pagpasok ni Winter ay agad ng pumunta si Karina sa driver seat at sinimulan ng paandarin ang kanyang kotse.

 

Medyo mahaba haba ang biyahe kaya't nakaramdam si Winter ng antok hanggang sa tuluyan na itong makatulog sa kanyang kinauupuan. Hindi naman maiwasang mapangiti si Karina habang pinagmamasdan ang itsura ng bulag na dalaga na ngayon ay nakasandal ang ulo sa bintana ng kanyang kotse.

 

Cute..

 

Nasa isip isip nito bago mag park sa malapit na bakanteng lote upang mailipat si Winter sa likuran kung saan siya makaka tulog ng komportable dahil mahaba haba pa ang kanilang destinasyon.

 

Bumaba si Karina sa kanyang kotse at dahan dahang binuksan ang pintuan ng side kung saan nakatulog si Winter. Dahan dahan niyang hinawakan ang likod nito at pagkatapos ay hinawakan na rin ang kanyang mga paa upang mabuhat nito ang bulag na dalaga. Mabuti na lang at magaan lang ang dalaga kung hindi ay baka nabitawan na ito ni Karina dahil hindi rin naman siya ganoon kalakasan.

 

Nang mabuhat na ni Karina si Winter ay hindi nito maiwasang tumingin sa labi ng bulag na dalaga.

 

Her lips look so soft…

 

Does it feel good when it touches mine?

 

Bulong nito na agad ring nabalik sa realidad nang maramdaman niya ang pagkapit ng mga kamay ni Winter sa kanyang leeg. 

 

Ngayon ay parang niyayakap siya ng bulag na dalaga. Dahilan upang mas lalo siyang hindi makagalaw sa kanyang kinatatayuan.

 

 

Bulong nito sa sarili bago buksan ang pintuan ng backseat para tuluyan ng ipwesto si Winter doon. 

 

Inilapag niya ang bulag na dalaga sa upuan upang makatulog ito ng maginhawa doon. Dahan dahan niya itong binitawan habang marahan ring inalis ang pagkakahawak nito sa kanyang leeg. Nang matapos ay narinig ni Karina ang paghilik ng bulag na dalaga. 

 

How cute. 

 

Sabi nito sa isipan bago bumalik ulit sa driver seat para ipagpatuloy ang kanyang pagba biyahe.

 

Kalmado lamang siyang nagmamaneho habang hindi pa rin mawala wala ang mga ngiti sa kanyang mga labi.

 

Sigurado na siya sa kanyang nararamdaman. Hindi niya na kaya pang pakawalan ang dalagang mahimbing na tutulog ngayon sa may likuran niya.

 

-

Makalipas ang ilang oras ay nakarating na sila sa arena kung saan gaganapin ang concert ng paboritong banda ng bulag na dalaga.

 

Naka park na ang kotse ni Karina sa isang lote ngunit nag pasya itong mag stay muna sa loob dahil hindi pa nagigising si Winter na kanina pa humihilik habang siya ay nagmamaneho.

 

Kinuha ni Karina ang oportunidad na ito upang titigan ang buong mukha ng dalaga nang hindi kailangang iliwas ang mata dahil sa hiya.

 

Ilang beses niya ng nakita ang dalaga ngunit hindi pa rin naaalis ang pagkahanga niya rito simula noong nakita niya itong tumatambay sa harapan ng kanyang apartment. 

 

Hindi maalis alis ang tingin niya dito na para bang ito na ang huling beses na masisilayan niya ang mukha ng bulag na dalaga.

 

Sinuri nitong mabuti ang bawat bahagi ng kanyang mukha at itinatak ang mga ito sa kanyang memorya upang kahit kailanman ay hindi nito malimutan ang itsura ng una at huling taong minahal at patuloy na mamahalin niya.

 

Mahal.

 

Masyadong malalim ang kahulugan nito na kahit si Karina ay hindi rin maunawaan kung kailan ba ang tamang pagkakataon para magamit ito upang maipaliwanag ang kanyang nararamdaman sa bulag na dalaga, ngunit ngayon ay sigurado na ito.

 

Mahal niya na ang bulag na dalaga.

 

Mahal na ni Karina si Winter nang mas malalim pa kaysa pagmamahal niya sa pagpipinta at pagguhit ng iba't ibang tanawin at mga bagay na nakapukaw sa kanyang mga mata. 

 

Ngayon nga ay parang nakakalimutan na nitong gawin ang passion niya dahil mas pinipili nitong magpokus na lamang sa mga salitang binabanggit ng bulag na dalaga tuwing sila ay magkasama.

 

Ang isang Karina Javier na kulang na lang ay magputol na ng kanyang tainga para lamang makaiwas sa mga istorya ng mga taong nakakasalamuha niya ay naghahangad na makasama si Winter araw araw para lamang masilayan ito at marinig ang mga walang ka sawaang sentimento nito tungkol sa kanyang buhay? 

 

Hindi ba yan lamang ang mga bagay na ginagawa ng isang tao nang dahil sa pagmamahal?

 

Ngunit kung hindi man, sigurado pa rin si Karina ang pag progress ng kanyang nararamdaman.

 

Hindi niya man matukoy ang dahilan, pero hindi ba ganun naman talaga ang pagmamahal?

 

Walang makaka pagtukoy kung paano basta bigla bigla mo na lang mapa pagtanto na iba na pala ang dulot ng taong iyon sa puso mo; mas malalim na pala.

 

Basta alam ni Karina sa sarili niya na mahal niya si Winter, at gusto rin nitong malaman kung mahal na rin ba ang nararamdaman ng bulag na dalaga para sa kanya.

 

Kaya't napag pasyahan niyang sa mismong concert nito ipagtatapat ang tunay na sinisigaw ng kanyang damdamin. 

 

Aaminin niya ng harap harapan na mahal na niya ang bulag na dalaga.

 

Ipagtatapat niya na ang pagmamahal na nararamdaman niya kay Winter.

 

-

 

Ngayon ay nasa loob na sila ng MOA Arena, at dahil nga mayaman ang pamilya ni Karina ay nakayanan nitong mag avail ng VIP tickets para sa kanilang dalawa ni Winter.

 

Kasalukuyan silang nakaupo sa pwesto na pina-reserve ni Karina para sa kanyang sarili at para sa dalagang kasama niya ngayong gabi. 

 

Nakita ni Karina na parang napaaga ata ang kanilang pagpunta sa venue dahil kakaunti pa lamang ang tao sa loob at hindi niya maiwasang mapamura sa kanyang isipan dahil alam niyang matagal pa ang oras na kailangan nilang hintayin bago tuluyang magsimula ang concert ng paboritong musiko ng kanyang minamahal.

 

Maikli ang pasensya ng pintor. Yun siguro ang isa sa dahilan kung bakit hindi siya mapakali sa kanyang pwesto at nanggagalaiti na sa katagalan ng paghihintay niya sa pagsisimula ng palabas. Ngunit alam ng puso ni Karina na hindi lamang iyon ang dahilan ng inis na kanyang nadarama.

 

Alam ng puso ni Karina na ang pinaka-rason ng kanyang pagmamadali ay nang dahil sa pagmamahal na hindi niya na kaya pang maitago sa sarili.

 

Na ang dahilan kung bakit inip na inip na ang pintor ay dahil sa nagu-umapaw nitong nararamdaman sa kanyang katabi na gusto niya ng mailabas sa oras na magsimula ng tumugtog ang mga simpuno na nililikha ng banda.

 

Na ang rason kung bakit gusto niya ng magsimula ang konsiyerto ay dahil gusto niya na ring magsimula ang bagong yugto sa relasyon nila ni Winter. 

 

Gusto niya ng sabihin sa bulag na dalaga na mahal niya na ito.

 

At hindi na siya makapaghintay pa na marinig ang inaasam niyang paglalahad din ng pagmamahal ng dalaga na nasa tabi niya ngayon.

 

I can’t wait to fully love you for the rest of my life, Winter.

 

Bulong nito sa kanyang sarili habang nakatingin sa mga mata ng kanyang minamahal.

 

Hindi ito naalis kahit na lumipas na ang mga minuto hanggang sa para bang naramdaman na ni Winter ang matalim niyang pagtitig na siyang dahilan upang dumako din ang paningin nito sa tao sa kanyang kaliwa.

 

Ginalaw nito ang kanyang kaliwang kamay para hawakan ang isang kamay ni Karina at ginamit naman ang kanang kamay upang hawakan ang mukha nito na siya namang nagpa-ngiti ng tunay kay Karina.

 

“Anong nangyari, Karina? Okay ka lang ba?” Alalang tanong ni Winter nang maramdaman na medyo wala sa wisyo ang dalaga.

 

Tumango lamang si Karina at ngumiti na siyang nagpaluwag naman sa kalooban ng kasama niya.

 

“Nasaan ba tayo? Ngayon ko lang naalala na hindi mo pa pala sinasabi kung ano yung plinano mo para sa atin ngayon.”

 

“Saan mo ba tayo dinala, ha?”

 

Nagtatakang tanong ni Winter habang ang kamay ay hindi pa rin inaalis sa mukha at kamay ng pintor.

 

Ngumiti lang sa Karina at hinawakan ang kamay ni Winter sa mukha niya at mas lalo pa itong nilapit para mas lubos niyang maramdaman ang init na taglay nito. 

 

“Secret, Winter. You’ll just find out about it later.” Sambit niya habang ine-enjoy pa rin ang haplos ng kanyang mahal sa kanyang kaliwang pisngi.

 

Napa-iling na lang si Winter na nagpatawa naman sa dalaga sa kanyang harapan.

 

“Ayan ka na naman sa mga surprises mo, Karina. Pinagsasamantalahan mo talaga yung pagiging bulag ko ha.” Sambit nito ng pabiro na nagpatawa din sa isa.

 

“Just, stay still, Winter. I promise you, this is going to be worth the wait.” Pagre-reassure niya habang nakatitig pa rin sa nagniningning na mata ng kanyang minamahal.

 

Napabuntong hininga na lamang ang bulag na dalaga at tumango. 

 

“Sige na nga. Dahil ikaw naman yan, I’ll trust you na lang.” Sambit niya at marahang hinaplos ang pisngi ng pintor bago ito alisin at ibaling na ang tingin sa harap.

 

Nalungkot naman ng bahagya ang pintor noong hindi na niya naramdaman ang mainit na palad ng bulag na dalaga sa kanyang mukha, ngunit ito’y agad namang nabawi nang maramdaman niyang dumapong muli ang haplos ni Winter sa kanyang kamay. 

 

Hindi maiwasan ni Karina na mapangiti habang tinititigan ang magkahawak na kamay nilang dalawa. 

 

Hindi niya mapagtanto kung bakit may iba pa ring epekto ang mga haplos nito sa kanya kahit na magi-isang taon na nila itong ginagawa. 

 

Hindi niya mawari kung ito ay dahil sa sensasyon na nadadala nito sa kanyang buong katawan, o dahil sa simpleng rason na mahal niya ang dalaga. Ngunit kahit alin pa sa mga yan ang rason, iisa lang naman ang gustong iparating nito kay Karina. 

 

Gusto pa ng pintor na makasama ng matagal ang bulag na dalaga na minamahal niya. 

 

Gusto pa nitong makasama ang dalaga sa iba’t ibang lugar para maipasyal ito kahit na sobrang nakakapagod sa parte niya,

 

Gusto pa nitong makausap ang dalaga at makinig sa mga kwentong bukambibig nito sa tuwing sila’y magkikita.

 

Gusto pa nitong marinig ang mga tawa ng dalaga sa tuwing sila’y nagkakatuwaan at nagbibiruan tungkol sa kanilang tunay na nararamdaman.

 

Gusto pa nitong masilayan ang magandang mukha ng dalaga— ang kanyang mga mapupulang mga labi, matangos na ilong, at mapupungay na mga mata. Gusto pa niya itong pagmasdan at iguhit dahil alam niyang kulang pa ang mga naipinta nito sa kanyang tahanan, 

 

Gusto niya pa itong makita at mahawakan.

 

At gusto niya pang marinig at maranasan ang pagmamahal na kayang ibigay sa kanya ni Winter sa oras na ipagtapat at ipakita niya sa dalaga ang pagmamahal na kanina niya pa gustong ibulalas.

 

Gusto niya pang makasama si Winter nang matagal.

 

Ngunit alam niyang imposible itong mangyari.

 

Nararamdam niyang imposible na itong mangyari.

 

Humigpit ang hawak ni Karina sa kamay ng kanyang kasama na dahilan para dumako ang tingin nito sa kanya. 

 

“Hey, Karina?” 

 

Umiling lang si Karina kahit alam nitong hindi siya nakikita ng dalaga. 

 

“I’m fine, Winter, don’t worry.” Berbal na sagot niya upang hindi na mag-aalala ang kanyang katabi. 

 

Naging panatag naman dito si Winter at bumalik na ang tingin sa pwesto niya kanina.

 

Ganun lang din ang ginawa ni Karin

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
kwinminjeong
#1
Chapter 6: Chapter 6: huy naghahanap ako ng bagong mababasa tapos na intriga ako dito at ang ganda ng plot!!!! unexpected lang lang itu 😔 dun ako nalungkot 'tor 😿 my hart is hurting,, ss (sobrang sakit)
hanne_ #2
Chapter 6: liea wag mo babasahin yung comments
hanne_ #3
Chapter 6: lah gagi ansaket
hanne_ #4
Chapter 5: LUH KIKAKABAHAN AKO SA COMMENTS HALA GAGI WAG PO SYUG WAG GAWINGN
ANGST LUHH
EzraSeige
#5
Chapter 6: Shuta ang ulam ko ngayon ay mapanakit ☺😢😭💙❄
stillintoyu
201 streak #6
Chapter 6: i already expected what was going to happen but it still hurts...
stillintoyu
201 streak #7
Chapter 3: dang why are they so cute 🥺
stillintoyu
201 streak #8
Chapter 2: kilig aaaa
hanne_ #9
Chapter 2: parang may epilepsy ako habang nag babasa dahil sa kilig hahshxhshsh
u_ujiman #10
Chapter 6: Andito pa rin ako. Hahahaha ano ba yan, thank you, akala ko hindi na to matatapos pero wow. Namiss ko sila.