Words

Words and Sketches
Please Subscribe to read the full chapter

tw//harrassment

 

Dumaan na naman ang ilang linggo at walang biyernes na hindi pumupunta ang dalaga sa upuan sa harap ng bintana ni Karina.

 

Wala rin namang biyernes na hindi sumisilip si Karina para kunan ng konting sulyap ang dalagang palagi niyang hinihintay.

 

Nakasanayan na ito ni Karina, ang magmasid na lang sa malayo habang mapayapang nakaupo mag isa ang dalaga sa harap ng kanyang bintana. 

 

Simula noong insidente ay hindi na sinubukan pang lapitan ni Karina ang dalaga. Natakot siya na baka nainis sa kanya ang dalaga kahit na hindi naman siya nito nakilala o namukhaan. 

 

Mayroon pa ring parte sa kanya na gustong makausap ang dalaga ngunit ipinapasawalang bahala niya na lamang ito at hindi pinagtutuunan ng pansin. Ang mahalaga ay nakikita niyang mabuti ang kalagayan ng dalaga at masaya ito.

 

Tutal yun naman na ang ginagawa niya simula noong pinili niyang magkulong dito sa apat na sulok na kanyang apartment.

 

Ang magmasid at hayaan na lamang na dumaan ang sino mang taong dumadaan sa kanyang harapan. Sanay naman na siya sa ganun. Wala rin naman siyang pakialam sa kahit kanina. 

 

Nagbago lang iyon dahil sa dalaga. 

 

Ngunit kuntento na muna siya sa pagsilay. 

 

Bahala na. 

 

Hindi rin naman niya alam ang sasabihin sa dalaga. 

 

Kaya't mananatili na lamang siya sa kanyang silid. 

 

Mag isa. 

 

Habang ang mga posibilidad na mangyari ay pumapasok sa kanyang isipan. Na alam niyang malayo ng matupad. Kaya't kanya na lang hinahawakan ang kanyang sketch pad at mga gamit sa pagguhit upang maisabuhay ang mga imahinasyon niyang hanggang imahinasyon na lang.

 

Alam niyang wala na siyang pag asang makasalamuha pa ang dalaga. 

 

I'll just stay here. Basta she's fine, okay na ako dun. 

 

Yan ang kanyang patuloy na sinasabi sa sarili. Palagi naman niyang nakikitang nasa maayos at maganda ang kalagayan ng dalaga kaya't nanatili na lamang siya sa kanyang munting silid. 

 

Ngunit nagbago iyon nang makita niya ang isang nakakatakot na lalaking tinatabihan ang bulag na dalaga. 

 

Nangyari ito sa ikasampung linggo ng pagbisita ng dalaga sa kanilang lugar.

 

Kagaya ng mga nakaraang biyernes, hinintay ni Karina na mag 4:30 ng hapon at binuksan ng konti ang kanyang bintana. Nang makita niya na ang dalaga ay nagmasid siya ng ilang minuto at saka kinuha ang kanyang sketch pad at lapis upang iguhit na ang dalaga. 

 

Nakaugalian ng iguhit ni Karina ang dalaga dahil dito niya na lamang nakakasama ang dalaga ng mas malapitan. 

 

Pagkatapos ng ilang minuto ay naisipan niyang muling silayan ang dalaga. Hinawi niya ng bahagya ang kurtina at nakita ang dalaga. Ngunit hindi katulad ng nakasanayan, hindi nag iisa ang dalaga. Mayroon itong kasamang lalaki.

 

Noong una ay nakaramdam ng konting hapdi sa puso si Karina. Katulad ng naramdaman niya noong akala niya ay hindi niya na muling makikita ang dalaga. 

 

Hindi niya alam kung bakit. O sadyang ayaw niya lang aminin sa kanyang sarili. Alam niyang nagseselos siya. Ayaw niya lamang aminin dahil hindi niya alam kung saan ito nanggaling. Hindi niya pa lubos na kilala ang dalaga. Sa tingin niya ay wala siyang karapatan na maramdaman ang mga nararamdaman niya habang nakatingin sa dalawa mula sa kanyang bintana. 

 

Masyado ng nag iinit ang ulo ni Karina at isasara na sana ang kanyang bintana nang makitang hinawakan ng lalaki ang binti ng dalaga. 

 

Makikitang naging hindi komportable ang dalaga. Senyales na mali pala ang iniisip ni Karina tungkol sa relasyon nilang dalawa. 

 

Who the is that guy?

 

Nagmasid muna ng ilan pang minuto si Karina at nang napansing may masama talagang intensyon ang lalaki ay agad na itong lumabas at dinampaan ng suntok ang lalaking binabastos ang dalagang walang kaalam alam sa mga nangyayari sa paligid niya.

 

Galit na galit na pinagsusuntok ni Karina ang lalaki na siya namang ginantihan ng lalaki. At dahil mukhang mas malakas ang lalaki kay Karina ay mabilis itong nakabawi at sinuntok rin nang malakas si Karina. 

 

Ang dalaga naman ay sumigaw na lamang at humingi ng tulong kahit na wala siyang kamalay malay sa nangyayari sa gilid niya. 

 

Malapit ng mapuruhan si Karina nang may dumating na mga security guard sa lugar na tila narinig ang mga sigaw ng dalaga. 

 

Agad nilang inawat ang dalawa at inembistigahan tungkol sa nangyari.

 

Sinabi ni Karina ang mga detalye tungkol sa kanyang nakita at ang dalaga ang nagpapatunay sa mga salitang kanyang nabanggit. Tama si Karina, hindi nga kilala ng dalaga ang lalaking paunti unting nagnanakaw ng haplos sa kanyang binti kanina. 

 

Dahil sa mga ebidensya na nakuha ay dinala na nila sa labas ang lalaki at pinagbawalan ng makapasok pa sa compound na tinutuluyan ni Karina. 

 

Pinilit ng mga gwardya ang lalaki na umalis na at hindi naman nakapalag ang lalaki dahil sa lakas ng pwersa ng mga gwardyang humihila sa kanya. Tinanong naman nila si Karina kung okay lang siya na siya namang sinagot niya lamang sa pamamagitan ng pagtango. 

 

Umalis na ang mga gwardya at nagpasalamat ang dalaga sa kanila habang si Karina naman ay nakatayo lang. Ang tingin niya ay nasa dalagang muntik ng mapunta sa panganib dahil sa bastos na lalaking muntik na siyang pagsamantalahan. 

 

Ang dalaga naman ay pinakiramdaman ang paligid upang malaman kung nakaalis na ba ang mga gwardya at saka naman umupo nang hindi na makarinig ng kahit ano pang tunog sa paligid. 

 

Nang nakaupo ay doon niya binuhos ang takot at pangangambang naramdaman na hindi niya magawang mailabas kanina pa.

 

Umiyak siya ng umiyak habang si Karina naman ay tinitignan lamang siya. 

 

Dumaan ang ilang minuto ay napag pasayahan ni Karina na umupo rin katabi ang dalaga. Nangangawit na ang kanyang mga paa ngunit ayaw naman niyang iwan ang dalaga kahit na nanginginig na ang kanyang katawan dahil sa nakaharap niya ulit ng harap harapan ang dalaga, dagdag pa ang sakit na dulot ng suntok ng lalaking ginulpi niya kanina. 

 

Nabigla si Karina nang marinig na sumigaw ang dalaga nang makaupo na siya sa tabi nito.

 

"No, please! Huwag po!" Yan ang sabi ng dalaga nang maramdamang umupo si Karina. 

 

Naestatwa na naman si Karina sa kanyang kinauupuan dahil hindi niya alam ang kanyang gagawin. Gusto niyang sabihin na wala siyang balak na masama at nandito siya pars tulungan ang dalaga ngunit walang mga salitang lumalabas sa kanyang bibig. Nakatingin lamang siya sa dalaga habang nag aalburoto ito.

 

"Help!" Sigaw ulit ng dalaga na siyang nagpaalarma kay Karina. Sa lakas ng boses ng dalaga ay hindi malabong marinig ulit siya ng mga gwardya at puntahan siya dito para bigyan ng tulong. Ayaw mapa alis ni Karina sa kanyang lugar dahil wala naman siyang ginagawa masama ngunit hindi niya alam ang gagawin. Hindi niya alam ang mga salitang sasabihin at lalo ng hindi niya alam ang gagawin para pakalmahin ang dalaga.

 

"Help!!" Sigaw ulit nito.

 

Karina, do something!

 

"Help!!" Pangatlong ulit na sigaw ng dalaga na siyang naging rason para magsalita na si Karina.

 

"Please, shut up for a second." Hindi nag iisip na sabi ni Karina na siya namang pinagsisihan niya pagkatapos. 

 

Nabigla naman ang dalaga sa narinig at mas lalo pang napasigaw at pinipilit na ambahan ng suntok ang kanyang mga nasa paligid. Hindi naman siya nagtatagumpay sa paghahanap kung nasaan ang pwesto ng boses na narinig na siya namang nagpatawa kay Karina.

 

"Bakit ka tumatawa! Walang nakakatawa!" Sigaw ng dalaga pagkatapos marinig ang tawa, halata ang galit sa kanyang mukha na siya namang ikina guilty ni Karina. 

 

Bumalik na ulit ang dalaga sa pagpalo nang maramdaman niya na ang mga braso ni Karina. Hinila niya ito at pinagsusuntok ngunit hinayaan lamang siya ni Karina. 

 

"Manyak ka! Manyak!" Ang sabi ng dalaga habang hila hila pa rin ang braso ni Karina. Hinayaan na lamang ni Karina ang dalaga ngunit naisipan niya ng klaruhin ang sarili niya. Ayaw niyang isipin ng dalaga na masama siyang tao kaya't pinilit niya ang sarili niya na magsalita.

 

"Miss." Yan muna ang mga salitang lumabas sa bibig ni Karina. Hindi na alam ni Karina ang susunod na sasabihin kaya't tumigil na muna siya, habang ang dalaga naman ay napahinto sa kanyang ginagawang pagbugbog sa braso ni Karina dahil sa narinig niyang boses.

 

Bakit ganun yung boses niya. Ang lalim. Sobrang lalim. 

 

Yan ang sumagi sa isipan ng dalaga nang marinig ang boses ni Karina na napalitan na naman ng inis at galit dahil akala niya ay manyak ang taong kausap niya ngayon. 

 

Nagpatuloy lang sa paghampas ang dalaga na hindi na ipinasa walang bahala ni Karina dahil nararamdaman niya na ang mga hapdi na dala nito. 

 

"Wait, Miss, stop. Stop." Mababang sambit ni Karina ngunit hindi pa rin tumigil ang dalaga. 

 

"Hindi ako manyak." Matipid na eksplanasyon ni Karina na hindi naman pinaniwalaan ng dalaga.

 

"Hindi mo ako maloloko! Alam ko na yang mga modus niyo!!" Sabi ng dalaga at patuloy na hinahampas si Karina.

 

"Hindi ako yun." 

 

"Bulag ako pero hindi ako tanga! Siguro kasama ka nung lalaki kanina no?!!"

 

"No." Sambit ulit ni Karina. Gusto niya na lamang magpakain sa lupa dahil sa mga walang kwentang salita na kanyang sinasabi. 

 

You and your incredible social skills, Karina. Never misses on getting you into trouble.

 

"Sinabing hindi ako tanga eh!!" Malakas na sigaw ng dalaga na sinamahan naman ng malakas rin na paghingi ng tulong. Mistulang narinig naman ito ng gwardya dahil bigla bigla silang lumapit sa kinaroroonan ng dalaga at ni Karina.

 

Nakatingin ang gwardya sa dalaga at kay Karina na nagtataka.

 

"Sir, ito pong lalaking 'to minamanyak ako!!" Sigaw ng dalaga sa mga gwardya. Bakas naman ang pagtataka sa mga mukha ng gwardya at ibinaling ang kanilang atensyon sa katabi ng bulag na dalaga.

 

"Ma'am Karina, ano po ang sinasabi niya? Ang akala po namin ay yung lalaki kanina ang may kasalanan?" Takang tanong ng isang gwardya.

 

"Ma'am? Karina? Babae ang manyak na 'to?" Malakas na tanong ng dalaga.

 

"Hindi ako manyak." Malamig na sabi ni Karina.

 

"Hindi manyak pero nakaupo ka sa tabi ko!"

 

"What's wrong with that?"

 

"Muntik na akong pagsamantalahan ng isang taong nakiupo lang sa tabi ko kanina tapos tatanungin mo ako kung anong mali!" Galit at takot na sigaw ng dalaga. 

 

Napatahimik naman ng dahil doon si Karina at kinausap ang sarili.

 

. Why can't I explain myself nicely. I can feel that she's still scared of what happened earlier. I just wanted to comfort her. What am I doing?

 

"Ma'am kalma po, napaalis na po namin sa compound na ito yung lalaki kanina. Safe na po kayo." Kalmadong sabi ng isang gwardya.

 

"Safe? Paano itong babaeng boses lalaki na ito? Anong gagawin niyo dito?"

 

"Ma'am safe naman pong kasama si Ma'am Karina. Siya nga po ang nagligtas sa inyo mula sa lalaki kanina." Sambit ng gwardya na siyang nagpatahimik sa dalaga.

 

Oo nga pala, yung nagkwento ng mga details about sa nangyari. Bakit ko ba nakalimutan yun?

 

"I just wanted to help you." Maayos na sabi ni Karina sa unang pagkakataon ngayong araw. Kanina niya pa gustong sabihin ang mga salitang iyon ngunit hindi ito lumalabas sa kanyang bibig.

 

"Totoong hindi ka manyak?"

 

"I'm not, I promise. You're safe with me." Buong sinceridad na sabi ni Karina na siyang nag wala ng takot sa dibdib ng dalaga ng ilang segundo.

 

"Yung mga magulang po ni Ma'am Karina ang may ari nitong compound kaya't masisigurado po naming hindi siya masama." Sabi ng gwardya na nagpa gulat sa dalaga. Biglang nakaramdam ng hiya ang dalaga at nagpaulan ng paumanhin sa pangalan na nabanggit. 

 

"Sorry, sorry. I was just paranoid kasi akala ko mangyayari na naman yung kanina! Sorry!!" Paumanhin ng dalaga at mabilis na niyuko ang kanyang ulo. Hindi niya alam kung saan niya ihaharap ang kanyang mukha kaya't iniyuko niya na lamang ito.

 

"It's fine, I understand." Mahinahong sambit ni Karina sa dalaga. Bigla naman silang tinignan ng mga gwardya, naghihintay na paalisin sila sa harap ng dalawang nag uusap.

 

"Ma'am, kailangan niyo pa po ba ang tulong namin?" Tanong ng isang gwardya.

 

"Sorry kuya sa abala, sorry talaga."

 

"Okay lang po yun Ma'am. Pero sigurado pong safe kayo kay Ma'am Karina, siya pa ang naglakas ng loob na gulpihin yung manyak na lalaki para sa inyo Ma'am. Hindi po siya masamang tao." Sambit ng gwardya at nagpatuloy na sa paglalakad.

 

Pagkatapos nun ay bumalik sa pagiging tahimik ang dalawa. 

 

Pareho lamang silang nakaupo hanggang sa nauna ng nagsalita ang dalagang tinulungan ni Karina.

 

"Sorry, sorry. Akala ko… akala ko may mangyayari ulit na masama sa akin." Sambit ng dalaga at nagpakawala na ng iyak.

 

Hindi na naman alam ni Karina ang gagawin at nanatili lamang sa kanyang pwesto. Hinayaan niyang ilabas ng dalaga ang mga nadarama niya dahil sa mga nangyari sa kanya ngayong hapon.

 

"Hindi ko alam, it's my first time being in this situation and hindi ko alam." Umiyak na naman ng malala ang dalaga habang si Karina ay tinitignan lamang siya.

 

Nang malabas na ng dalaga ang kanyang nadarama ay bigla niyang pinosisyon ang kanyang tingin sa harap.

 

"Alam mo, sobrang galing mong mag comfort." Naiinis ngunit pabirong sabi ng dalaga. 

 

Nagulat naman si Karina dahil doon at hindi alam kung ano ang sasabihin. 

 

"Sorry." Natawa naman ng bahagya ang dalaga dahil doon.

 

"Joke lang yun, pinapagaan ko lang yung atmosphere. Pero half pala nun totoo kasi hindi ka talaga marunong mag comfort. Patatawarin na lang kita kasi tinulungan mo ako. Plus points dahil gwapo yung boses mo kahit babae ka." Natatawang sambit ng dalaga na siyang nagpa mangha at mas lalong nagpalala ng hiya ni Karina.

 

She still smiles kahit na halatang she's broken. Wow. 

 

"Hindi ka na naman nagsasalita. Sabihin mo lang kung ayaw mo akong kausap aalis na lang ako." Sabi ng dalaga at unti unting tumayo mula sa kanyang pagkakaupo.

 

"No. Don't." Maikling sambit ni Karina na siya namang sinunod ng dalaga. 

 

"Marga is that you?"

 

"What?"

 

"Wala wala, halata namang wala kang kasaya saya sa katawan kaya siguradong hindi mo magegets yung joke." Sinabi ng dalaga at tahimik na tumango na lang si Karina na hindi nakita ng dalaga dahil nga bulag ito.

 

"Wala ka talagang imik no?" 

 

Tahimik pa rin si Karina.

 

"Ayaw mo talagang magsalita?"

 

Tahimik na naman galing kay Karina.

 

"Paano tayo magkakausap niyan kung hindi ka nagsasalita."

 

Wala na namang imik si Karina.

 

"Paalala lang ha. Bulag ako okay, hindi kita nakikita. So kailangan ko talagang marinig kang magsalita para man lang malaman ko kung buhay pa ba yung kausap ko." 

 

Hindi pa rin umiimik si Karina. 

 

Halata na ang inis sa mukha ng dalaga pero halata ring nagtitimpi ito. Kung wala lamang utang na loob ng dalaga ay iniisip niya ng iwanan ditong mag isa si Karina. Hindi niya lamang ito magawa dahil nga siya ang tumulong sa kanya para paalisin ang lalaki at naramdaman niyang nagiging komportable siya sa tabi ni Karina.

 

She's comfortable to be around, hindi ko alam kung bakit. Kaya nag stay rin ako dito para makilala siya, hindi ko na idedeny yun.

 

"Hay nako. Hindi talaga tayo uusad sa usapan nito." Dismayadong sambit ng dalaga na naging dahilan kung bakit nagiguilty si Karina.

 

"Sorry."

 

"Hays. Okay lang, gets ko naman na parang you're a quiet type of person eh. Pero sana kapag nagtanong ako sumagot ka naman kahit oo o hindi lang. Kapag kasi nakatahimik ka lang diyan iisipin ko talaga na tinakbuhan mo na ako."

 

"I'll never do that." 

 

"Paano mo naman nasabi?"

 

Tumahimik na naman. 

 

I have been waiting for this moment to come. Hinding hindi ko na hahayaang mangyari ulit yung nangyari last las last week.

 

"Tahimik na naman. Pero at least nalaman kong buhay ka." 

 

Tumawa lang ng bahagya si Karina dahil dun.

 

"Alam mo ang gwapo talaga ng boses mo. Tawa ka nga ulit." Hindi na naman nakaimik si Karina. 

 

Hindi talaga sanay na makipag usap si Karina kaya't naninibago siya sa ginagawa niya ngayon kasama ang dalaga. Ngunit para sa dalaga ay kaya niyang mag adjust, kahit pa hi

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
kwinminjeong
#1
Chapter 6: Chapter 6: huy naghahanap ako ng bagong mababasa tapos na intriga ako dito at ang ganda ng plot!!!! unexpected lang lang itu 😔 dun ako nalungkot 'tor 😿 my hart is hurting,, ss (sobrang sakit)
hanne_ #2
Chapter 6: liea wag mo babasahin yung comments
hanne_ #3
Chapter 6: lah gagi ansaket
hanne_ #4
Chapter 5: LUH KIKAKABAHAN AKO SA COMMENTS HALA GAGI WAG PO SYUG WAG GAWINGN
ANGST LUHH
EzraSeige
#5
Chapter 6: Shuta ang ulam ko ngayon ay mapanakit ☺😢😭💙❄
stillintoyu
202 streak #6
Chapter 6: i already expected what was going to happen but it still hurts...
stillintoyu
202 streak #7
Chapter 3: dang why are they so cute 🥺
stillintoyu
202 streak #8
Chapter 2: kilig aaaa
hanne_ #9
Chapter 2: parang may epilepsy ako habang nag babasa dahil sa kilig hahshxhshsh
u_ujiman #10
Chapter 6: Andito pa rin ako. Hahahaha ano ba yan, thank you, akala ko hindi na to matatapos pero wow. Namiss ko sila.