Sketches

Words and Sketches
Please Subscribe to read the full chapter

Biyernes.

 

Biyernes ng eksaktong 4:30 ng hapon, nakasulyap na naman sa bintana si Karina. Naghihintay na masilayan ang pigura ng isang dalaga na noong mga nakaraang linggo niya pa pinagmamasdan.

 

Ilang minuto pa at natapos na ang kanyang paghihintay. 

 

Nandito na siya.

 

Bulong ni Karina sa kanyang sarili habang tinitignan ang dalaga sa harap niya na naglalakad ng mabagal habang may hawak na saklay na siyang tumutulong sa kanya upang malaman ang kanyang dinadaanan.

 

Nakatingin lang siya dito at hinintay siyang umupo sa bangko na kaharap lamang ng kanyang bintana. 

 

Limang beses pa lamang nakikita ni Karina ang dalagang nasa harap niya. 

 

Kung tutuusin ay yun na ang pinaka matagal niyang nakitang bumalik ang kahit sino mang taong umuupo sa upuan sa tapat niya.

 

Sanay na si Karina na makakita ng iba't ibang tao araw araw, kaya't iba ang epekto sa kanya nang makita ang itsura ng babae sa harap ng kanyang bintana ng paulit ulit.

 

Hindi naman niya ipagkakaila. Alam niya sa sarili niya na habang tumatagal ay mas lalong nahuhulog ang loob niya sa dalagang hindi niya naman lubos na kilala. 

 

Humantong na sa puntong nalaman niya kung anong eksaktong araw at oras madalas bumisita ang dalaga. 

 

Mayroon ring mga araw na nakikita niya na lang ang sarili niyang tumingin sa bintana. Kahit na hindi pa biyernes. Nagbabakasakaling makita ulit ang mukha ng dalaga.

 

Hindi niya alam kung anong meron sa dalaga na siyang nagpabihag sa batong puso ni Karina.

 

Sa talambuhay ni Karina ay wala ni isang pumukaw ng atensyon at kuryosidad niya. Wala siyang pakialam sa ginagawa ng ibang tao sa paligid niya.

 

Ngunit nang dahil sa dalaga ay nagbago ang kanyang pananaw.

 

-

 

Nagsimula ito 5 weeks ago noong una niyang nakita ang dalaga na nakatingin sa bintana. 

 

Wala pa siyang ideya na hindi nakakakita ang dalaga kaya't dali dali siyang nagtago sa hindi kitang parte ng kanyang tinutuluyan. 

 

Kagaya ng kanyang ginagawa sa mga nakalipas na araw, kinuha niya ang kanyang sketch pad at unti unting sumisilip sa bintana upang masilayan ang pagmumukha ng kanyang paksa. 

 

Tinitigan niya ito nang limang minuto habang hindi pa nakatingin sa kanya ang dalaga at nagsimula ng gumuhit. 

 

Nagpatuloy lamang ang kanyang hasang kamay sa pagguhit ng bawat parte ng mukha at katawan na kanyang natandaan mula sa dalaga at nang matapos ay saka niya naman tinignan ang kanyang obra.

 

Doon lamang niya napagtanto na may itsura pala ang dalagang nakaupo hindi kalayuan sa kanyang apartment.

 

Tumingin ulit siya sa bintana upang maihambing ang kanyang iginuhit sa totoong itsura ng dalagang nakaupo sa harap ng kanyang apartment.

 

Maiksi ang itim niyang buhok, matangos ang kanyang ilong, mahaba ang kanyang pilik mata at ang kabuuan ng kanyang mukha ay parang inukit ng isang mahusay na iskultor. 

 

Tinignan niya ang kanyang nilikha at bumalik ulit sa itsura ng dalaga. 

 

Napailing na lang siya sa pagkadismaya dahil kahit siya na isang mangguguhit ay hindi kayang gayahin ang perpektong mukha ng dalaga.

 

Ilang beses niya itong pinalitan, ginawan ng paraan para mapaganda pa ang kanyang nilikha ngunit hindi niya pa rin makuha nang eksakto ang itsura ng dalaga.

 

She looks ethereal, my skills couldn't justify how great she looks in real life.

 

Yan na lamang ang sambit ni Karina sa kanyang sarili habang tinititigan ang dalaga sa kanyang harapan.

 

Alam niya sa sarili niya na magaling siyang mangguguhit. Meron siyang abilidad na gawing maganda ang kahit sinong lagay niya sa kanyang munting sketch pad. 

 

Marami na siyang naipinta at naiguhit na iba't ibang itsura ng tao ngunit bakit siya nahihirapan ngayon?

 

Sinubukan niya ulit na iguhit ang dalaga.

 

Ngayon ay hindi na siya nahiyang tignan ang dalaga kahit na may tsansa na makita siya nito. Ang pokus niya ngayon ay ang makuha ang perpektong itsura ng dalaga, wala ng iba.

 

Lumipat siya sa ibang pahina at nagsimulang igalaw ang kanyang kamay. Paminsan minsan ay tumitingin siya sa mukha ng dalaga para makuha ang iba't ibang detalye na kailangan niyang makamit upang mas maging kamukha nito ang kanyang iginuhit.

 

Natapos na siya sa pag guhit ng mga linya sa paa hanggang sa ibang parte ng kanyang mukha at ang tanging naiiwan na lang ay ang mata ng dalaga.

 

Tumitig ulit si Karina bago tumutok sa pagtapos ng kanyang sining. Nanatili lang siyang nakatitig sa dalaga hanggang sa tignan rin siya nito pabalik. 

 

Pareho silang nakatingin sa isa't isa at sa unang pagkakataon sa buhay ni Karina ay nagkaroon siya ng lakas ng loob na hindi iwasan ang mga nakakahilong tingin ng dalagang kanina niya pa sinusubukan gayahin. 

 

Her eyes, they're captivating. I've never seen eyes this alluring before. It's so expressive but also dull. It's so difficult to copy. 

 

Patuloy pa rin siya sa pagtitig sa dalaga na siya namang sinuklian rin ng kaharap niya. Ilang minuto na ang lumipas at hindi pa rin sila umaalis sa kanilang pwesto. 

 

Dumaan pa ang ilang segundo at naisipan na ni Karina na umiwas sa tingin ng dalaga.

 

Why are her eyes like that? I couldn't see any reaction from it. Wala ring expression. It's like she couldn't see anything.

 

Nabaling naman ang atensyon niya sa kanyang obra na hindi niya matapos tapos. Alam niya na kung ano ang hindi niya makuha. 

 

Sinubukan niyang tapusin ulit ang mukha ng dalaga at nilagay na ang pinakahuling detalye. Nang malagay niya na ang mata ng dalaga ay napasinghal na lang ng malalim si Karina.

 

It's still not perfect. 

 

Napailing na lang si Karina at binaba na ang kanyang sketch pad at lapis. 

 

Sumuko na muna si Karina sa pagguhit at tinitigan na lang ang dalaga sa harap niya.

 

Nagkatitigan na naman siya at biglang mayroong pumasok sa utak ni Karina.

 

Should I test if my assumption is right about her? There's not many people walking around so I think no one would see me naman.

 

Pangkukumbinsi niya sa kanyang sarili bago subukan na kunin ang atensyon ng dalaga sa harapan ng kanyang bintana.

 

Noong una ay kumaway kaway muna siya hanggang sa umabot na sa puntong gumagamit na siya ng iba't ibang senyas para lamang makakuha ng reaksyon sa dalaga pero walang nangyayari. Nakatingin lamang sa direksyon niya ang dalaga na parang walang nakikita.

 

Yeah, I'm right. I think she doesn't have the ability to see things.

 

Bulong niya sa sarili at tumigil na. Makalipas ang ilan pang minuto ay nakita na niyang papaalis na ang dalaga sa kanyang kinauupuan. 

 

Gamit nito ang kanyang stick na tumutulong sa kanya para malaman ang kanyang dinadaanan. 

 

Medyo nahihirapan ang dalaga at gusto sana niya itong tulungan ngunit hindi niya na lang tinuloy at hinayaan na lang.

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
kwinminjeong
#1
Chapter 6: Chapter 6: huy naghahanap ako ng bagong mababasa tapos na intriga ako dito at ang ganda ng plot!!!! unexpected lang lang itu 😔 dun ako nalungkot 'tor 😿 my hart is hurting,, ss (sobrang sakit)
hanne_ #2
Chapter 6: liea wag mo babasahin yung comments
hanne_ #3
Chapter 6: lah gagi ansaket
hanne_ #4
Chapter 5: LUH KIKAKABAHAN AKO SA COMMENTS HALA GAGI WAG PO SYUG WAG GAWINGN
ANGST LUHH
EzraSeige
#5
Chapter 6: Shuta ang ulam ko ngayon ay mapanakit ☺😢😭💙❄
stillintoyu
202 streak #6
Chapter 6: i already expected what was going to happen but it still hurts...
stillintoyu
202 streak #7
Chapter 3: dang why are they so cute 🥺
stillintoyu
202 streak #8
Chapter 2: kilig aaaa
hanne_ #9
Chapter 2: parang may epilepsy ako habang nag babasa dahil sa kilig hahshxhshsh
u_ujiman #10
Chapter 6: Andito pa rin ako. Hahahaha ano ba yan, thank you, akala ko hindi na to matatapos pero wow. Namiss ko sila.