Words
Words and SketchesNagkaroon na naman ng katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Ngunit ngayon ay hindi na awkward. Hindi na magiging awkward ngayong alam na nila kung ano ang nararamdaman ng bawat isa.
"So ehem, ikaw? Share something about yourself- if you're comfortable of course- kasi sa tingin ko naikwento ko na lahat ng tungkol sa akin." Sabi ni Winter na nagpatawa kay Karina.
"Ooppss, hindi mo ako madadala sa tawa mong yan. Marupok ako okay pero gusto ko talagang marinig yung mga kwento mo. If okay lang." Tumawa muna si Karina bago sumagot kay Winter.
"Okay, but I want to give a disclaimer na my life is boring."
"Okay lang, I'll still gladly listen." Buong sinceridad na sambit ni Winter na siyang nagpamula kay Karina.
Napaubo muna siya bago nagsimula sa pagkukwento tungkol sa kanyang boring na buhay.
Bente minuto ng pakikinig lamang sa mga kwento ni Karina ang ginawa ni Winter. Ikinuwento ni Karina ang kanyang hilig sa pagpinta at pagguhit. Sobrang nabigla si Winter sa daldal ni Karina sa pagkukwento tungkol sa mga bagay na gustong gusto niyang gawin. Hindi niye ineexpect na magiging ganito ka daldal si Karina ngunit hindi siya nagrereklamo. Gustong gusto niyang marinig ang mga kwento ni Karina.
Dumaan ang bente minuto at natapos na ring magkwento si Karina at nakapag kwento rin si Winter tungkol sa nangyari sa kanyang linggo. Nang mapagtantong gabi na ay inaya na ni Karina na umuwi si Winter na siya namang sinunod ng dalaga.
Tumayo na si Winter at nagpaalam na. Maglalakad na sana siya nang pigilan siya ni Karina.
"I'll walk with you, hanggang sa gate." Sabi niya at tinabihan si Winter.
Nahiya naman si Winter doon at marahan na tumango.
"Oh- okay." Sabi niya at naglakad na silang dalawa.
Magkatabi silang dalawa habang sabay ang ritmo ng pagtapak ng kanilang paa. Si Karina ay nakayuko habang si Winter naman ay nakahawak sa stick na tumutulong sa kanya upang matukoy ang kanyang dinadaanan.
Tinignan ni Karina ang kaliwang kamay na may hawak ng stick at tinignan rin ang kamay ni Winter na walang kahit anong hawak.
Tahimik siyang nag isip habang nakatitig sa kamay na iyon ni Winter.
I wish someday I could hold those hands while we walk. I'm willing to be her guide, I just can't bring myself to act on it. Nahihiya pa ako.
Bulong ni Karina sa kanyang sarili at inalis na ang tingin sa kamay ni Winter.
Please Subscribe to read the full chapter
Comments