Psych Majors Niyong Mahaharot

Scraps

'From: Roommate Winter

Karina, gusto mo bang makinig ng music? Mas nakakatulong daw yan habang nagrereview.'

 

'To: Roommate Winter

Ahh haha hindi. Ayos lang naman ako.'

 

'From: Roommate Winter

Sige. Basa well at wag ka pa-stress ha. :)'

 

Tinignan naman ni Karina ang kasama niyang si Winter na nasa kabilang kama lang at nakasuot ang mga airpods sakanyang tenga. Magkalapit lang sila pero tinext pa siya nito na parang hindi kilala ang isa't isa.

Sabagay, hindi mo rin naman kasi makakausap si Winter sa lagay niya ngayon. Kahit hindi na samahan ni Karina ang roommate niya sa pakikinig, rinig na rinig niya pa rin yung pinapatugtog nung isa.

Yung paborito niyang playlist.

Tahimik lang naman kasi ang kwarto nilang dalawa. Kaya maririnig talaga yung mahina yet malakas na tugtugan ni Winter na nanggagaling sa airpods niya.

Naisip nga ni Karina bakit parang hindi sumasakit ang tenga nito kakapakinig sa malakas na music. Inaalala nga rin baka masira ang ear drums niya. 

Bumalik naman ulit ang pansin niya sa mga index card na hawak niya at librong nakapatong pa sa study table na malapit sakanyang kama.

Tig isa sila ng study table ng roommate niya at pareho ay nasa gilid lang ng mga kama.

Kailangan niyang magsunog ng kilay para sa mahabang quiz nila bukas sakanilang major subj kaya hindi niya dapat hinahayaan na madistract ang sarili sa ibang bagay. 

"Padayon, future Sikolohista." 

Bulong ni Karina sakanyang sarili habang mataman na minamataan ang mga terms at theories na nakalahad sakanyang reviewers at libro.

Sa mga binabasa niya ngayon, mukhang mararamdaman pa niya na mas magiging isang pasyente kaysa sa isang Psych major graduate. 

Halos masiraan na siya ng bait kasi sa dami at kinakailangan pa ang malalim na pang-iintindi.

"Kaya natin to, self, ano ka ba. Konting tiis nalang at matatapos na rin ang sem."

Isa pang motivation ni Karina sakanyang pag-aaral ng kanyang kurso ay ang kagustuhan niyang makatulong sa iba. Not physically but mentally. 

Dahil naniniwala siyang katumbas ng physical aspect ng isang tao ang kanyang mental aspect. May mga sakit tayong nakikita physically at meron ding illness na hindi visible sa ating mga mata.

3rd year college sa kursong AB Psych. Isang year bago grumaduate na isang Psych major. 

Patuloy pa rin naman sa pagre-review ang dalaga nang mapansin niyang may naglapag ng isang basong tubig sa may mesa niya. 

Dahil sa iisa lang din naman ang kasama niya sa kwarto, alam niyang si Winter ang nagbigay nung baso saka pa siya binigyan ng isang ngiti saka na bumalik sa kama at tinuloy ulit ang pakikinig.

Napakurap nalang si Karina sa inasta ng roommate pero nainom rin siya kasi kanina pa nanunuyo yung lalamunan at ramdam na ring drained ang utak kakabasa magmula kaninang pagkauwi sa boarding house. 

 

'To: Roommate Winter

Salamat sa tubig haha'

 

'From: Roommate Winter

Wag mong kalimutang uminom minsan. 

Nadedrain yung utak at nangangailangan rin ng oxygen. :)'

 

'To: Roommate Winter

Nawala sa isip ko pero, salamat ulit. :)'

 

'From: Roommate Winter

Sure. :)'

 

 

Panibagong araw, panibagong pagkakataon ulit para bumangon. 

Nagising sa tamang oras si Karina at halos kasabay lang din niya ang pagtunog ng alarm niya sa phone. 

7am ang pasok niya ngayon. 6am palang pero gising na siya dahil halos isang oras ang kailangan para magawa niya ang kanyang morning routines bago pumasok sa university.

Walking distance lang naman ang pinagb-board niya kaya hindi niya inaalala kung malelate ba sa klase. Sampung minuto lang ang lakaran mula sa boarding house papuntang sa univ— at sa building niya mismo.

Umupo na sa kama si Karina at nag-inat inat pa. Pinaputukan ang mga daliri at inistretch stretch pa ang ulo para madaling makagalaw.

Kinuha na niya ang tuwalya na nakasabit sa may bintana saka sinukbit yon sakanyang balikat. Lumabas na ng kwarto ang dalaga saka na tumuloy sa may lababo para magsipilyo. 

Papikit pikit pa siyang nagt-toothbrush dahil tinetesting niya muna ang sarili niya kung may naalala talaga siya sa mga nareview niya kagabi. 

Nire-recall ang mga terms at inaapply din paminsan minsan sa mga naiisip niyang situational cases habang nagsisipilyo. 

'Lalabas kaya yung theory ni B.F Skinner mamaya sa quiz? Yun ang hindi gaanong malinaw sa akin eh.'

Sa lahat ng ni-review niya, eto ang kanyang pinakainaalala. 

Ang complicated lang naman kasi talaga. Yung theory niyang behaviorism.

Patapos na siya sakanyang pagsisipilyo at nagmumugmog nalang nang biglang bumukas ang banyong nasa may gilid lang ng lababo kaya napatingin siya rito.

Si Winter.

Bagong ligo at nakabihis na rin tapos nakabalot pa ng tuwalya ang kanyang buhok. 

'Wow, mas maaga pa pala siyang nagising sakin?'

Nagkatinginan muna sila ng ilang segundo at sabay ring umiwas sa isa't isa saka na pinunasan ni Karina ang bibig matapos niyang ibuga ang minumugmog niya kanina.

Nagpapasalamat nalang ang dalaga dahil hindi niya ito naibuga kay Winter sa pagkakagulat niyang biglang bumukas ang banyo at siya yung niluwa.

Kagulat gulat naman kasi talaga. 

Sakanilang dalawa, si Karina ang palaging nauunang kumilos at gumising habang yung isa naman ay parang walang hinahabol ng oras at ayos lang sakanya kung ma-late sa first subject.

"Good morning, Karina." Bati ni Winter saka inalis ang pagkakabalot sa tuwalya ng kanyang buhok. 

Parang napatulala pa si Karina sa itsura ngayon ng kanyang roommate. 

Wet look at sobrang fresh. 

Ang lakas ng dating? Check.

"Good morning rin." Pagbabalik bati ni Karina nang napagtanto niyang may katagalan na rin pala ang katahimikan niya't nakatitig nalang kay Winter na ngayon ay binigyan lang siya ng ngiti at tumango.

Umalis na si Winter at tumuloy na sa kusina. 

Nung pagkaraan ni Winter sa dalaga na ngayon ay parang estatwa, natigilan siya dahil amoy na amoy yung shampoo na ginamit ng kanyabg roommate.

Ang bango bango. 

Sunsilk pink at hindi rin nakatulong yung suot niyang damit na ang lakas din nung amoy ng downy passion, yung mystique.

Parang naligo sa sabon na literal yung roommate niya sa sobrang bango. 

Habang naliligo naman si Karina, dumako tayo sa lagay ni Winter na ngayon ay naghahanda ng almusal. 

Mabuti nalang ay maaga talaga siyang nagising at nakabili pa siya ng bente pesos na pandesal kanina habang nagj-jogging sa labas.

Nagtitimpla siya ng milo ngayon at iniisip kung ano ba ang gustong inumin nung isang dalaga. 

Milo ba? Energen? O kape?

3in1? Brown o yung black coffee? 

Nakakahiya naman kasi kung siya lang yung maga-agahan. Lalo na't ngayon lang sila nagkasabay ng roommate niya sa hapagkainan. 

Dahil sa hindi alam kung ano ba ang gusto ng dalaga, minabuti niyang tanungin muna ang kasama niyang naliligo ngayon at kinatok ito sa banyo.

"Karina?"

Walang sagot. Rinig rin mula sa loob ang tuloy tuloy na pagbukas ng gripo kaya medyo maingay ito.

"Karina?" 

May kasama ng pagkatok kaya narinig na rin niyang humina ang gripo sa loob dahilan para magsalita siya ulit,

"Karina, tanong ko lang sana kung ano yung trip mong inumin? Kape o milo??" 

"Ha?" 

Hindi mawari ang boses ni Karina dahil may bahid itong pagtatanong at hindi sigurado.

Lahat naman kasi, bago kay Karina ngayon. Kaya hindi talaga sanay ang dalaga.

"Gusto mo ba ng milo? Pagtitimpla kita." Paguulit naman ni Winter.

Nanahimik ang dalagang nasa loob ng banyo na tila ba ay nagiisip kung ano ba ang gusto niyang inumin sana ngayong umaga.

Kapag Milo, masyadong matamis. Hindi niya trip ang magmatamis sa umaga.

Kapag kape naman, baka atakihin siya ng tuluyan dahil sa roommate niyang fresh na fresh ang mood ngayon at blooming ring tignan. 

Baka mag-palpitate siya sa mga maaari pang susunod na gawin ng dalaga.

"May Energen ba?" 

"Meron naman. Yun nalang ba?"

"Oo, sige. Salamat."

Bubuksan na sana ulit niya ang gripo kaso nagtanong muli ang babaeng nasa labas ng banyo, 

"Anong gusto mong palaman?"

"Butter?"

Natawa si Winter sa hindi siguradong sagot ni Karina. Mukha pa ngang nahihiya dahil sa gusto niyang palaman sa pandesal.

"Oh sige butter."

"Sige salamat."

Tumuloy naman si Winter sa paghahanda ng kanilang simpleng agahan pagkarinig niya sa sagot ng dalaga. 

Wala namang kaso sakanya ang pagiging maasikaso sa roommate niyang halos tatlong taon nang magkasama sa iisang kwarto.

Same boarding house, same roommate. 

Kung tatanungin niyo if close sila well, in between siguro?

Hindi sobrang close at hindi rin naman hindi sobrang close.

Neutral lang. Casual ganun. Acquaintance ang isa't isa.

Magkaklase rin naman kasi sila sa isang subject. Tutal pareho ng kurso, magkaiba nga lang ng block. Kaya nag-uusap pa rin naman sila kahit papano.

School related nga lang.

Nang maihanda na niya ang mga inumin nila sa mesa at may mga palaman na rin ang pandesal, umupo na siya sa isa sa mga upuan at napagdesisyunang hintayin muna ang kanyang kasama.

'Bihira lang to kaya sabayan ko na siya'

Isip isip ni Winter na pakonti konti pa ang paghigop niya sa kape niya para hindi naman halatang masyado na hinihintay niya nga si Karina.

Patapos na sa pagliligo si Karina. Aabutin na niya ang damit niya na akala niyang dala dala kanina pagkapasok sa banyo pero, each a frank, tanging tuwalya niya lang pala ang nadala niya kanina. 

Napabuntong hininga nalang siya at naisipang sa kwarto nalang magbihis dahil sa nakalimutan niya yung pagbibihisan niya. 

Isip isip naman niyang ayos lang naman kung magtapis lang muna siya. Sigurado naman siyang wala na yung kasama niya eh at sure na ring nauna na siyang pumasok. 

Kaso, pagkadaan niya sa kusina halos mapatalon na siya ng napansin niyang may tao pa palang nakaupo sa dining table. 

Si Winter. Nandito pa rin at sumisipsip sakanyang kape nang dumako rin ang tingin niya sa dalagang bagong labas lang ng banyo.

Mga matang nagkatitigan.

Napahinto sa pag-inom ng kape yung isa,

Habang ang isa naman ay halos lumuwa na ang mga mata.

Agad agad namang nag-iwas ng tingin si Winter dahil baka ma-choke siya sa nakita niya. Atsaka naman ang madaling pagpasok ni Karina sakanilang kwarto saka mabilisang sinara ang pinto.

Parang maling desisyon rin ata na kape ang ininom niya today.

Yung kabog kasi ng dibdib niya, ang lakas lakas at parang biglang hindi makalma.

Sa halos tatlong taon nilang magkasama sa iisang bubong, ngayon lang nangyare iyon. 

Basa ang buhok at nakabalot ang katawan ng tanging tuwalya lang.

'Karina naman, why naman ganon?'

Tanging nasabi niya lamang at halos lagukin na ang kape niya.

Nang makapasok naman si Karina sa kwarto, napasandal pa siya sa likod ng pinto at mga kamay ay nakahawak sa pagkakatapis ng twalya. Mabilis rin ang kanyang pahinga dahil hindi niya alam kung ano ang mararamdaman.

Hiya? Kaba? 

Napaismid nalang siya sa naiisip niyang hiyang hiya siya dahil sa kung ano pang nakita ng roommate niya eh umagang umaga. 

'Bat ba kasi nandito pa siya? Hays bat ko ba inassume kasi na wala na siya?'

Sinisisi ang sarili habang binibihisan na niya ang sarili niya. 

Mukhang wala pa siyang mukha na maihaharap ngayon sa kasama niya dahil sa sobrang hiya na dumadaloy ngayon sa sistema niya.

Sumilip naman siya sa labas bago tuluyang pumunta at samahan si Winter sa hapagkainan. Nakita niya rin kasi na mukhang hinihintay siya ng dalaga at nakatulala lang sa mga pandesal na nasa harapan niya.

'Jusko, kaya ko ba today?' 

Napabuntong hininga nalang siya ng malalim at nilakasan na ang loob para makaupo sa harapan ni Winter.

Awkward.

Yan lang naman ang uri ng silence ang meron sakanila ngayon at bumabalot sa atmosphere ng dining room.

Yung isa, naka-focus lang sa pagkain ng pandesal.

Habang yung isa naman ay nakayuko at walang tigil sa pag-stir ng kanyang Energen habang nakain rin ng pandesal.

"Uhh.."

"Uhmm..."

Napatingin sila sa isa't isa at bahagya na ring natawa saka napaiwas rin ng tingin tong si Winter.

"Hindi ko alam na nandito ka pa pala..." 

Mahina lang ang pagkakasabi ni Karina dahil ramdam na ramdam pa rin niya yung kahihiyaan ngayon.

"O-okay lang yun. Naisipan ko kasing hintayin ka para sabay tayong pumasok." Nahihiya ring sagot ni Winter saka kumagat ulit sa pandesal.

Muling bumalot ang katahimikan sa pagitan nila at tanging pagtunog ng ng kutsara sa baso ni Karina ang maririnig.

"Ang aga mo ata ngayon?" Natanong ni Karina. 

Kahit papano naman para maging light yung aurahan ng atmosphere nila ngayon at hindi awkward.

"Ahh, oo. Ewan ko ba. Bigla nalang akong nagising tas akala ko, late na," napataas naman ng kilay si Karina asking Winter to continue her sentiment dahil bigla siyang huminto, "for second subject."

Pagtatapos ni Winter sa sinasabi niya kaya napatawa naman ng bahagya si Karina at napailing. 

"Ang carefree mo noh?"

"Hindi naman. Saks lang." Cool na sagot ni Winter at humigop muli sa baso niya. 

Kaso, naubos na niya pala yung kape niya kaya agad agad niya ring binaba ito at nilunok nalang yung pandesal niya kahit walang pantulak dito. 

"Winter?"

Napansin niya kasing namumula ang kaharap niya ngayon at nananahimik.

"Winter ayos ka lang?"

Nag-aalala ng tanong ni Karina dahil napansin niyang parang hirap rin huminga si Winter. 

"Tu-tubig..."

Naramdaman naman ni Karina ang hirap sa pagsasalita ni Winter kaya medyo nataranta siya at walang sabi sabing inoffer niya yung Milo niya sa babaeng nabilaukan sa pandesal ngayon.

Kung kukuha pa kasi siya ng tubig, aba eh baka matagalan pa ito.

Kahit nahihiya at nagdadalawang isip na tanggapin niya yung baso, ininom naman niya ito dahil hindi na niya kaya yung pagkabilaukan niya sa pesteng pandesal.

"Salamat Karina..."

Nag-aalalang nakatingin lamabg si Karina sa kasama niya at hinihintay tong makalma ang paghinga.

Para na rin talaga kasi siyang mahuhugutan ng hininga kanina kung di pa biya binigay ang milo niya.

"Okay ka na?"

Tumango lang naman si Winter at napatingin sa basong ininuman niya na ngayon ay kalahati nalang ang laman saka nasa harapan na ulit ni Karina.

Ramdam niya ulit ang pamumula niya. Hindi sa mukha kundi sa tenga.

'Wait, uminom ako sa baso niya... Oh my god, nag-indirect kiss kami?!'

 

 

"Kamusta araw mo?" Napabalikwas sa pagbabasa ng readings si Karina nang marinig niya ang pagsasalita ni Winter na nasa study table niya rin at nagsusulat.

"Ayos lang naman." 

"Hmmmm." Tango tango pa ni Winter sa tipid na sagot ni Karina.

Parehong busy ang mag-roommate ngayon. 

Yung isa, may readings habang yung isa naman ay nagsusulat ng assignment na reflection paper dahil sa isang Psychological film. 

"Kamusta yung quiz mo?" 

"Ayun, kahit papano naman umabot sa passing grade."

"Inaral mo na ata yung buong libro eh." Pagbibiro naman ni Winter. 

"Hindi noh. Grabe ka naman." 

Natawa siya sa pagbibiro ng kanyang roommate at napatingin rin sa gawi niya. 

Nakapasak ulit ang airpods at malamang nakikinig na naman ng mga kanta. 

But this time, isang pares lang ang suot at hindi malakas yung tunog.

"Nakakapagsulat ka habang nakikinig ng mga kanta?"

"Hmmmm? Oo. Mas ginaganahan ako kapag ganito eh." 

"Hindi ko kaya yung ganyan. Pero kung sa discussion, pwede pa." 

Bumalik sa pagkakabasa si Karina after niyabg chumika bg bahagya sa katabi niya. 

"Pag ganito kasi, ramdam na ramdam mo talagang buhay yung utak mo." litanya ni Winter habang nagsusulat pa rin at hindi naaalis ang tingin sa papel. 

Masakit na nga ang kamay niya dahil isa't kalahating page na ang naisusulat niya. Okay lang naman sana kung magta-type nalang sa word kaso yung prof nila, mas bet yung hand-written.

Pasakit sa buhay. 

Charot.

Napagpasyahan naman ni Karina na magpahinga muna matapos niyang masigurado na naiintindihan niya yung readings na kanyang nabasa. Inobserbahan niyang mabuti ang binasa para sa recitation bukas ay makasagot siya. 

Alam na alam na niya kasi yubg prof niyang situational kung magpa-recite. Kaya nakatulong yung reading na pina-assignment nila ngayon sa block nila para mahasa yung mga theories na pwedeng iapply sa sitwasyon.

"Karina?"

"Hmmm?"

"Gusto mo bang makinig ng kanta?"

Napaisip siya sa paga-alok ng kanyang katabi. 

Sa tagal nila sa pagsasama sa iisang kwarto, palagi rin siyang natatanong ng dalaga kung gusto ba siyang samahan sa pakikinig ng kanta.

Minsan ay inaalok pa siya nito pero madalas ang pagtatanong.

Hindi niya alam pero siguro dahil mahilig talaga sa music tong kasama niya, naiintindihan niya yung paga-alok niya ng makinig ng kanta kasama niya.

At sa pagkakataong ito, ito rin ata ang unang beses na pumayag siya sa alok ng dalaga.

"Okay lang ba?" Paniniguradong tanong ni Karina na ikinangiti namang maluwang ni Winter.

"Oo naman ah! Ngayon ka nga lang pumayag eh."

Ramdam na ramdam yung kasiyahan sa boses ni Winter at excited niyang kinuha ang isang pares ng airpods niya saka ito binigay kay Karina. 

"Naisip ko nga baka nakukulitan ka na sakin." Nahihiya pang sabi ni Winter habang pumipili ng kanta na mas swak sa pandinig ng katabi niya ngayon.

She can't fail this. 

Big deal kasi rin talaga na mapapayag niya si Karina na makinig ng music with her.

She's been crushing on her roommate for a while now.

Kaya excited na excited siyang iparinig ang kantang alam niyang maglalahad ng damdamin niya lowkey sa babaeng katabi niya ngayon.

"Hindi naman. Madalas kasi, mas gugustuhin kong bumawi ng tulog kaya narereject ko ang mga alok mo sakin." Sagot naman ni Karina habang hinihintay ang pagplay ng music.

"Ano ba yung usual na pinapakinggan mo?" Curious naman na tanong ni Karina dahil nakikita niya ang pagka-indecisive na pagpili ng kanta ni Winter. 

Hindi mapakali ang dalaga dahil taas baba lang siya sa playlist niyang usual niyang pinakikinggan ngunit at this moment, parang hindi niya alam kung alin sa mga kantang ito ang ipapakinig niya.

"Indie pop, mga ganyan. May kinahihiligan rin akong banda lately. Yung Brisom. Ang chill sa tenga kasi eh," excited niyang sagot. 

"Eto, eto yung isa sa mga pinakapaborito ko." 

Sabay pindot niya sa Balewala ng Brisom.

Nakatingin lang siya kay Karina at inaantay ang expression niya sa napili niyang kanta. Habang ang isa naman ay nakatingin pa rin sa phone ni Winter at mataman na pinakikinggan ang kantang nagsimula ng tumugtog.

"Gusto ko yung beat ha," 

Napangiti naman si Winter sa narinig.

"Diba? Ang chill lang nila. Sila yung pinapakinggan ko kapag gabi na." 

Tumango tango naman si Karina at sumang-ayon rin sa pagmu-music review ni Winter.

Napansin niya rin na ang enthusiastic tignan ng kanyang roommate kapag pinaguusapan niya ang mga kantang gusto niya at bandang kinahihiligan habang nagsusulat pa rin sa assignment niya.

Hindi maipagkakaila ni Karina na parang lumiliwanag ang paligid nila sa tuwing tumitingin siya sa mga matang kay saya ni Winter habang nagkekwento rin kung gaano niya kagustong makapunta sa isang gig ng paborito niyang banda.

Ikaw palagi ang hinahanap
Ngunit 'di mo alam
Baka magsisi kung hahayaan
Na 'di mo alam

"You really love music, noh?" 

Napahinto naman si Winter sa litanya ni Karina at parang naconcious bigla dahil nagiging madaldal na pala ito sa pagshe-share ng kung ano anong banda at kanta ang nakakahiligan niya lately. Maski instruments na kaya niyang tugtugin, nabanggit na rin niya.

"Uhm, oo. Actually nagbabalak ako dati na mag-music major nalang." 

Nakinig lamang si Karina sa kwento ni Winter na ngayon ay bumalik ulit sa pagsusulat.

"Pero ayaw nila mama. Wala naman daw kasi akong mapapala dun at mas mabuting iba nalang yung kunin kong course," nalungkot nalang si Karina sa narinig.

Ang hirap kayang tapusin yung kursong hindi mo naman gusto in the first place.

"Gusto nilang sumunod ako sa yapak nilang maging doktor. BS Psych nga dapat ang ite-take ko para mas nasa med field na siya mismo kaso, itong AB nalang ang kinuha ko." 

Mas lalo naman siyang nacurious dahil sa narinig niya. Base sa kwento ni Winter mukhang may kaya naman sila para makuha yung BS Psych na program, sa ibang univ nga lang.

"Mas convenient kasi kung sa state univ, diba? Ayoko ng gumastos sila mama. Kaya nag-settle ako sa AB Psych dito sa TSU para kahit papano, ako pa rin yung masusunod sa gusto ko." 

"Itutuloy mo pa ba sa pagiging doktor? Eh di, kukuha ka rin ng bridging subjects tulad ng science related subjects if ever na isusundo mo sa med?" 

"Hindi ko alam. Wala akong balak eh. Basta ang gusto ko lang, maka-graduate sa course ko ngayon." 

Napatango naman si Karina sa sagot ng kanyang katabi.

"Pero actually, natutunan ko ring mahalin ang course natin." 

"Malaking tulong rin sa panahon ngayon ang pagiging Psych major graduate." 

Ngumiti naman si Karina sa huling sinabi ni Winter dahil totoo naman ito. 

"Totoo yan. Masayang aralin ang Psychology." pag-sang ayon ni Karina at sumandal sa braso niyang nakatukod sa study table niya. 

Nahanap nalang niya ang sarili niyang nakatitig na pala sa katabi niyang busy pa rin sa pagsusulat at nakikinig pa rin sa kantang naka-play.

 

Ikaw palagi, laman ng isip
Ngunit 'di mo alam
Walang masisi kung 'di sarili
'Pagkat 'di mo alam

Ikaw palagi ang siyang dahilan
Oh, bakit ikaw, sinta?
Ikaw palagi ang siyang dahilan
Oh, bakit ikaw pa, sinta?

 

"Winter?" 

"Hmmm?" 

"Pwede bang eto yung pakinggan natin every time na aalukin mo ako?" 

Dahil sa mga binitawang salita ni Karina, napatingin sakanya si Winter at doon nagkasalubong ang kanilang mga mata.

Ngumiti naman sakanya si Winter at tumango.

Para siyang nanalo sa lotto.

"Oo naman, pwede. Pwedeng pwede." 

Habang si Karina naman ay pinanood lang na magsulat ang kanyang roommate at paminsang minsang binabasa ang mga nasusulat niya sa yellow pad.

Isip isip ni Karina, bakit ngayon lang sila nagkalapit ng ganito at nag-usap?

Maganda naman palang kasama tong roommate niya. 

 

 

"Mamaya na ba talaga yung byahe mo pauwi?" 

"Oo. Pinapauwi rin kasi ako nila mama eh," 

Tumango nalang si Winter sa sagot ng kanyang kasama sa kwarto. Busyng busy na magtupi ng damit at mag-ayos ng mga gamit.

"Ikaw ba? Hindi ka uuwi?" 

"Dito nalang muna siguro ako hanggang sa opening of classes," 

Tumayo si Winter at lumapit kay Karina saka tinulungan siyang mag-impake ng gamit niya. "Salamat ha." 

"Ayos lang. Para di ka gabihin sa terminal. Delikado na noh." 

Sa loob ng dalawang buwan, mas naging malapit na sila sa isa't isa at naging magkaibigan na rin. 

Di tulad sa lagay nila dati na magkakilala lang. Ngayon, masasabi na talaga nilang kaibigan na nila ang isa't isa.

Ngunit di rin naman mapagkakaila na may namumuong something sa dalawa. Mga palihim na sulyap, tingin at maski ang lowkey na pag-aalaga.

Parang si Winter.

Hulog na hulog na tuloy sa kasama niya sa kwarto.

Asikasuhin ba naman sa araw araw at sinasabayan ng kumain every meal time eh?

For some reason, nakaramdam rin siya ng takot dahil baka masyado na siyang halata minsan sa mga actions niya. 

Pero tong si Karina naman, parang wala lang sakanya dahil hinahayaan niya lang si Winter. Isip isip tuloy nung isa kung mutual ba talaga o sadyang hindi makaramdam si Karina? 

"Hatid na kita." Paga-alok ni Winter kay Karina nung tapos na silang mag-impake at mag-ayos ng gamit.

"Gabi na, baka mapano ka pa sa daan pabalik mo dito." 

"Malapit lang naman yung terminal dito eh, tsaka maliwanag pa mamaya pagkabalik ko panigurado." 

Saka tumayo si Winter at nagsuot na ng hoodie para readyng ready nang lumabas.

"Sure ka talaga? Kaya ko naman eh."

"Karina," tinignan niya ang mga gamit ni Karina na tatlong bag, yung isa ay laman pa na laptop, "Ambibigat niyan. Tatatlo tatlo yang mga bag mo oh," 

"O sige na nga. Mabigat rin naman tong isang bag."

"Napilitan ka talaga noh? Ayaw mo ba akong makasama for the last time?" 

Nag-akto pa na parang nagtatampo si Winter kaya natawa naman si Karina.

"Kasi naman gabi na. Oh tara na, baka maiwan ako nung bus." 

 

Habang naglalakad, tahimik lang ang dalawa bitbit bitbit ang mga gamit ni Karina. 

Bigla namang nakaramdam ng mainit na palad ang bumalot sa kamay niya si Karina kaya napatingin siya sa katabi, ngumiti lamang ito saka na hinawakan ng mabuti ang kamay at pinag-intertwine ang mga ito.

'Winter naman... Bakit ka ba ganyan?' 

Walang nagsasalita habang naglalakad pa rin silang magkahawak kamay at narating na ang bus terminal.

"Oh paano, hanggang dito nalang tayo." 

"Loka ka hahahaha para namang matagal tayong di magkikita eh," Madrama kasi yung pagkakasabi ni Winter kanina kaya natawa nalang tong si Karina.

"Ingat ka ahh! Gagraduate pa tayo." 

"Oo naman. Babalikan pa rin naman kita." 

Nagpapaalam na sila pero ang kamay nila, hindi pa rin bumibitaw sa isa't isa.

Humigpit pa nga ang paghawak ni Winter kay Karina eh.

"Karina..." 

"Hmmmm??" 

"Mamimiss kita." 

Ngumiti lang naman si Karina dito at hinila ang kamay ni Winter para bigyan siya ng isang mahigpit na yakap.

"Babalik naman ako, to naman. Di naman ako mawawala eh." 

Naramdaman niya nalang din ang mahigpit na pagyakap pabalik ng kanyang roommate slash kaibigan slash iniirog na si Winter.

"Text text pa rin ah!" Pinipilit na maging kaswal ni Winter ang pagsasalita niya dahil di niya kinakaya ang biglaang pagkakalapit ng kanilang mga katawan.

Humiwalay na sila sa yakap at unti unti na ring bumitaw sa pagkakahawak sa kanilang kamay.

Bago pa tumalikod si Karina ay tumingin muna ulit sa direksyon ni Winter para masilayan ang taong nagpasaya sa buhay niya sa mga nakaraang araw at buwan. 

Kumakaway naman ito sakanya at nakangiti rin. 

Ang ngiting hindi siya magsasawang tignan.

'Hays bahala na.' Bungad ni Karina sa sarili at naglakad na ulit.

Ngunit sa isang sandali

Magkaharap silang muli 

Mata ni Winter ay nanlalaki nang dumampi ang labi ni Karina sakanyang pisngi.

"Alis na talaga ako, babyeeeee~!"

Napako lang si Winter sakanyang kinaroroonan.

Namumula at hawak hawak ang mukha saka sinabi sa sariling, 

'Karina, bakit ka ba ganyan?! AAAAAAAAAaaaAAaA' 

 

'From: Winterrr <3

Bat ka ba biglang nanghahalik????!!

Akala mo ba natutuwa ako ngayon????'

 

Napakunot ang noo at biglang kinabahan si Karina sa nabasa niya habang nakaupo sa may likuran ng bus. 

 

'From: Winterrr <3

Kung ganon, tama ka!!! Tuwang tuwa ako.

Kulang ang isa hmp bigyan moko ng marami pag nakauwi ka na rito ah! ;)'

 

'To: Winterrr <3

Hahahahaha :P :*'

 

Itatago na sana ni Karina ang phone niya ng nag-vibrate ulit ito. 

 

'From: Winterrr <3

Oh eto, playlist habang nasa byahe ka. Ingat ka, madam ah! :*

playlist #1'

 

Sa kabilang banda naman, tumunog ang cellphone ni Winter.

 

'From: Crush <33

Salamat hahahaha ikaw ahh. Eto pakinggan mo habang naglalakad

pabalik sa board house. :P  playlist'

 

 

 

 

 

 

 

a/n: click niyo yung link para naman may audience participation hshshasha

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
brokenheartssavior
Lah teka, teka,, maraming salamat pala sa 400k subs at sa mga nag-upvote mga pri! :"))

Comments

You must be logged in to comment
Slgyyy
817 streak #1
Chapter 8: Chapter 8: The moment I read yung "TSU", i was like, taga Tarlac author nito?
Gab_17
#2
Chapter 35: Hala kata Wintottt! Hahahaha sana may next chapttt.
yujisaurus
#3
Chapter 17: medyo may kirot 🥲😞
yujisaurus
#4
Chapter 2: rueiskdhdjdjd kinikilig rin ako!!!
yuyuyujimin #5
Chapter 6: what the this is soooo cuteeee bat ngayon ko lang to binasa 😭😭😭
CincoYoo
#6
Chapter 35: uyy!
stillintoyu
213 streak #7
Chapter 1: KINIKILIG AKO
maxiclaine #8
Chapter 3: nasa ex ba ang tru lab? pano naman akong walang ex?
maxiclaine #9
Chapter 2: ETO UNG DOWNSIDE NG FLUFF EH. NAIINGGIT AKO SOOOOO MUCH!😭 PLS UNG PUSO KO ANG BILIS NG TIBOK! SHUTAAAAA. ME, WHEN TALAGA?!😭
maxiclaine #10
Chapter 1: gusto ko magmura kasi naiinggit ako. shutaaanginaaa. me when?😭