Vampire Encounters: Not a Love Story (?)

Scraps

Gusto kong sumigaw.

Nanginginig ang tuhod ko sa nakikita ko ngayon.

Feel ko nga rin hindi ako makahinga ng maayos eh.

“W-winter… A-ano ‘to?” takot na takot pa akong lumingon sa kanya. Nagtama ang mga mata namin at doon ko rin nakita na may something sa expression ng mukha niya ang hindi ko rin maexplain.

“Karina… It’s not what you think, let me explain…”

Natatakot na talaga ako.

Nakatingin lang ako kay Winter na ngayon ay lumalapit sa akin.

Nagmamakaawa ang mga mata, nagaalalang mukha.

“Karina…”

Sa sobrang bilis ng pangyayari, the next thing I knew is napaupo ako dahil sa sobrang sakit pa rin ng galos na natamo ko.

Hawak hawak ko ang binti, halos mangiyak ngiyak na rin.

At si Winter na mabilis makalapit sa pwesto ko.

Sobrang lapit to the point na pati mukha namin magkalapit na rin.

The moment na tinignan ko siya ulit sa mukha, kinilabutan na ako ng todo. Ang akala ko ay sobrang horror na yung nakita ko kanina, mas lalo pa akong natakot dahil sa Winter na nakikita ko ngayon.

Mabibigat na hininga ang ginagawa, halatang nagpipigil.

Pula ang mga mata saka nanlilisik ang mga ito.

Winter…

Anong klase kang nilalang?

 

 

 

 

 

 

 

 

“Uy Karina, tama na ‘yan. Mago-overtime ka na naman eh. Kawawa ‘yang likod mo, baka makuba ka na diyan sa harap ng desk mo.” Napalingon ako sa sumita sa akin, si Rowen pala, officemate ko.

“Kailangan ko kasing tapusin ‘to para hindi na ako magabihan mamaya.”

“Nako. Atleast kahit kumain ka man lang. Lunch time na rin naman girl. Masama ang nagpapalipas ng gutom noh.”

I kept on typing some documents lang naman at inaasikaso ang trabaho ko habang dinadaldalan ako ne’tong kasama ko.

Eh ayoko naman kasing umuwi na naman ng late. Napapadalas na rin these days ang pago-ot ko sa trabaho, kaya feel na feel kong tapusin ‘to ngayong hapon.

Gusto ko diretso uwi na mamaya eh!

“Alam mo kung nagugutom ka, ‘wag mo na ako idamay. Ayun oh, pasama ka kina Ningning palabas na rin naman ata sila.” Hindi pa rin natitinag ang tingin ko sa screen ng computer ko.

“Well, if you say so. Kahit take out, ayaw mo?”

“Treat mo?”

“Mukha mo, Karina. Sige na ah. Kain ka nalang mamaya. ‘Wag kang papalipas!”

At ayun na nga, umalis na rin si bakla.

Sa totoo lang medyo nakakaramdam na rin ako ng gutom. Eh ewan ko rin ba sa sarili ko, tamad ring tumayo from typing these freaking documents and s.

“Karina, kain tayo?”

“Tatapusin ko pa nga ‘tong mga ‘to diba- Oh Winter,”

Nahinto tuloy ako sa pagtatrabaho.

Nakatayo lang si Winter sa likod ko at may dala dala pang kainan.

Kainis! Nasungitan ko tuloy si Winter, isa ko pang officemate na cute.

“Ah! Sorry, akala ko kasi binalikan ako ni Rowen eh. Uhm tinatapos ko pa ‘to eh,” nahihiya kong sagot sa kanya.

I suddenly feel hiya.

“Ganun ba? Hindi ka pa naman gutom?”

“Hindi-“

Tumunog yung tiyan ko.

Nakita ko siyang nangiti ng bahagya nang marinig namin ito.

“Yung tiyan mo parang gutom na,”

“Kaya ko pa naman tiisin ‘to-“

In the end, napilit niya rin akong kumain kasabay niya. Dito nalang din kami sa office kumain.

She genuinely offered me yung isa niyang tupperware, eh dala-dalawa pala ang dala dala niya kanina.

“Uy ang sarap naman nito! Luto mo?”

“Ano lang naman ‘yan grabe ka naman makapuri.”

Ewan ko ba pero ibang lasa ‘tong adobong baboy ba ‘to or manok. Ah basta! Ang sarap, malinamnam!

“Thank you pala dito ha, ililibre kita someday.” Sa sobrang tuwa ko sa luto niya, baka totohanin ko yung ililibre ko siya.

“Talaga? Sabi mo ‘yan ah.”

“Hmmmm… ’Pag nakaluwag luwag na.” tumawa lang naman kaming dalawa.

Matagal ko nang napapansin ‘tong si Winter.

Mabait, masipag at matulungin na officemate. Kaya naman madalas na walang makakatanggi sa kanya everytime na nag-aaya siya or siya yung humihingi ng pabor.

Friendly rin naman ‘tong kasama ko sa trabaho.

Sa sobrang friendly, yung iiba naming kasamahan ay nagkakacrush na sa kanya. I mean, sino ba naman kasing hindi? Sa itsura’t ugali niyang ‘yan sinong hindi mahuhumaling.

Kung tatanungin ako about my relationship with her, hmmm, siguro I would say na she’s one of my matatawag na friends dito sa office.

Casual friend, ganun.

“Salamat talaga sa pa-lunch mo ngayon ha. Babawi ako sa’yo next time,”

“Kahit ‘wag na. Natuwa naman akong kasama kang kumain eh, sapat na ‘yun.” Sabay ngiti niya pa sa akin.

Oh, did I mention din ba na kung humarot siya ay lowkey?

“Baliw,”

 

 

 

 

 

Matapos nung isang beses na nagkasabay kaming kumain during that lunch break last week, akala ko ay isang beses lang niya ako yayayaing kumain or even pagdadala ng pagkain.

But I was wrong.

This is the third time na ayain niya akong kumain kasama niya.

At eto na naman siya sa tabi ko, dala dala ulit ang mga Tupperware niya.

“Karina, kumain ka na ba? Nagdala ulit ako ng baon, uhm baka hindi ka pa kumakain at gutom ka na.”

“Ha? Para sa akin talaga yung isa mong dala?”

“Oo. Naisip ko lang kasi baka magpalipas ka na naman ng lunch, napapadalas kasi ang pago-ot mo during lunch break.”

“Naku, nag-abala ka pa, Winter. Okay lang naman ako eh,”

Nahihiya rin ako sa kanya.

Ni hindi pa nga ako nakakabawi from last week dahil may free lunch ako from her eh.

Pero hindi siya nagpatinag. Nakatingin lang siya sa akin na parang sinisiguro talaga ako kaya, bumigay nalang din ako sa kanya.

Hindi ako makatanggi eh! Tinitigan na ako ng ganun eh!

“Hindi naman ka naman abala, Karina eh.” Sambit niya habang kumakain na kami sa may pwesto ko, “I enjoy eating with you, actually.”

Ay, ba’t may paganon. Muntikan akong masamid sa kinakain kong tokwa’t baboy na ginisa sa oyster sauce.

“Bakit? Dahil ba marami akong nakakain kaya ginaganahan ka ring kumain?”

Eh kasi naman, nauubos ko yung dala niya dahil sa sobrang sarap ng mga binabaon niya.

Natawa naman siya at umiling, “Ang cute mo lang kasing tignan when you’re stuffing the food sa cheeks mo. Mukha kang chipmunk.”

Ay, bakit naman may paganon ulit. Okay binabawi ko na. Hindi na pala siya lowkey kung humarot.

Lantaran na talaga.

“Hahahaha joke lang,” ayy, awkward…. Joke joke joke lang pala ‘yon- “You’re cute in general pala.”

Jusko ka, Winter!!!

Ba’t ka ba ganyan?

Masasamid na talaga ako!!!

 

 

 

 

 

Yung every week na sabay naming pag kain ni Winter together, naging halos every day na.

Although paminsan minsan ay sumasabay naman kaming kumain with others kapag lumalabas sila.

Pero madalas ay yung naiiwan kami sa office na kaming dalawa lang at sabay na kumain.

Salitan na rin ang pagbaon namin.

Siya ngayon, ako bukas. Nagmukha ngang contest dahil pasarapan kami sa pagluluto ng mga baon namin.

Not gonna lie rin na we grew closer to each other.

Hindi na ako nakakapag-ot tuwing lunch break dahil either automatic na siyang lalapit sa akin or ako naman yung pupunta sa desk niya.

Siguro nasanay na rin akong may kasamang kumain, unlike before na okay lang ako na kumaing mag-isa. Kahit nga hindi na tuluyang kumain eh.

Pero ngayon, parang naka-auto pilot mode ang sistema ko na naghahanap ng kasabay, certain na kasabay to be exact, tuwing lunch.

Kaso hindi ata pumasok.

Hindi mahagilap ng mga mata ko si Winter nang dumako ang panimanman ko sa desk niya.

Walang bob haired woman na nags-standout sa may pwestuhan niya at bakante ang upuan nito.

“Ning, si Winter hindi pumasok?” tanong ko sa kaibigan niyang katabing upuan niya lang.

“Wala eh. Dapat nga papasok kaso may trial- Ah! I mean may inaasikaso ata. Oo.” Naguluhan ako sa sinabi niya.

“Ha?” nataranta kasi siya ng bahagya sa pagsagot.

“May inasikaso ata sa kanila. Bakit? May kailangan ka ba?” umayos na siya sa pag-upo at kinompose ang sarili.

“Wala naman. ‘Tong dala ko kasi, pinagbaon ko siya. Sayang naman kung walang kakain,” tinignan ko ang mga dala kong pinagbabaunan, “Ikaw ba, kumain ka na?”

Mabilis siyang umiling.

“Oh tara kain tayo.” Saka ko siya nginitian.

Mabilis lang naman kaming nagkasundo ni Ningning.

Nakakausap ko na rin kasi siya noon pa dahil bukod kay Winter, siya ata ang pinakafriendly sa office.

“Balita ko, kayo na raw ng kaibigan ko?”

Napaubo ako.

Sa’n naman nanggaling ‘yang balita ‘yan?

“Hindi noh. Grabe, anong chismis na naman ‘yan?”

“Kalat kaya sa office! Hindi ba nakarating sa’yo? Ang ingay niyang chismis na ‘yan, nung isang araw pa.”

Grabe.

Kami pala yung talk of the town dito sa loob ng workplace ko.

“What do you mean nung isang araw pa? Grabe ha, kumakain lang together nagd-date na agad.”

Natawa naman siya. Anong nakakatawa sa sinabi ko?

“Chill lang. Nagtanong lang naman ako sa’yo for confirmation eh. Wala naman kasi akong makuhang matinong sagot dun kay Winter.”

“Oh, ba’t naman?”

“Tuwing tatanugin ko kasi about sa inyong dalawa, mukha siyang timang na ngi-ngiti ngiti nalang saka iiling.”

Ay, grabe siya.

Grabe sila.

“Kaya ayon. Edi malinaw na. Machismis lang talaga mga tao rito,” sumang-ayon nalang ako sa kanya kasi totoo naman.

Malaman laman ko nalang na palihim pala kaming pinaguusapan ni Winter.

Masama bang kumain kasama ang officemate?!

“Pero infairness naman kasi hindi halatang fake news ang kumakalat.” Napataas ako ng kilay.

“Madalas kayong naiiwang magkasama rito ta’s madadatnan nalang kayong tuwang tuwa sa company ng isa’t isa.”

Bakit feel ko namumula ako sa narinig.

Oh my God.

Ganun na ba kaming dalawa kapag magkasama?

Bakit hindi ko namamalayan?

“Oh, ba’t ka namumula diyan?” asar ngiti pa ne’tong si Ningning.

“Hindi noh! Mainit kasi kaya ako namumula.”

“Hmmm, mainit. Sige. Sabi mo eh.”

Saka siya humigop ng tsaa niya sa desk matapos niyang kainin ang baon ko.

Ano kayang tsaa ang iniinom niya, mukhang tuwang tuwa siya dahil nakangisi pa rin niya ‘tong iniinom.

O baka kasi ibang tsaa yung nahigop niya kaya tuwang tuwa.

Hmp!

Bahala sila diyan.

 

 

 

 

 

Nitong mga nakaraang linggo ay napapadalas na rin ang pag-absent ni Winter sa trabaho.

Kung hindi absent, late naman papasok.

Hindi ko tuloy maiwasang mag-alala. Tuwing tatanungin ko naman kasi si Ningning kung nasaan ang kaibigan niya, panay sagot lang sa akin, “Baka may inaasikaso ulit, bakit miss mo na ba?”

Oh diba, ang gaga lang.

Anong klaseng pagaasikaso ba ‘yan? Sobra sobra naman ata?

Kaya ayon. Palaging overtime sa trabaho para mabawi ang mga unnecessary absences niya these days.

“Hi, Karina.”

Hindi ko na kailangang lingunin ang tumawag sa akin dahil boses pa lang ay kilala ko na.

Nandito ako ngayon sa pantry ng office, nagtitimpla ng kape dahil mago-OT ako ngayong gabi.

Kailangan ko ng energizer!

“Oh, ba’t nandito ka pa Winter? Overtime ka pa rin?”

Lumapit naman siya sa kuhanan ng kape at inasikaso na ang sarili niya.

Tumango siya. “Maraming binigay na loads si Boss ngayon. Sa akin nalang pinasuyo,” napatango nalang ako at humigop na sa aking kape.

Hmmm, wala pa rin talagang tatalo sa Kopiko blanca.

“Ikaw? OT ka na naman?”

“Ano pa nga bang bago,”

“Ang hilig mong sagarin ang sarili mo noh.”

Hindi ako nakasagot sa litanya niya.

Ano pa ba kasing ibang gagawin ko sa buhay ko kundi ang magtrabaho.

Wala naman akong aasikasuhin sa bahay dahil tiyak na matutulog lang naman ang gagawin ko do’n.

Besides, kailangan ring kumayod para may maipadala ako kina mama. May kapatid pa akong nag-aaral.

“Hindi ka ba aware na usong magpahinga minsan?”

“Kahit naman gustohin ko, hindi pwede.” Mapait na sambit ko saka sumandal sa may island counter.

Humarap na sa direksyon ko si Winter while stirring her coffee.

Nahigop lang naman ako ng kape ko habang nakatingin lang din sa kanya.

Hanggang sa inangat na niya ang mukha niya’t nagkita ang aming mga mata.

Walang tigil siya sa pags-stir sa kanyang kape habang ako, iniinom ko naman ang akin.

Feel ko masasamid ako anytime.

Ramdam ko rin kasing lumalagkit na ang mga tingin namin.

Lumalapit na siya sa kung nasaan ako.

Lord, anong klaseng sign ‘tong binibigay mo sa akin ngayon? Hindi pa ako ready!

Ang lapit na niya sa akin.

Mas lumalapit pa.

Lumalapit pa nang hindi naghihiwalay ang mga titig naming dalawa sa isa’t isa.

Napapaatras ako pero siya, nakatingin lang sa ‘kin at mas lalo pang lumalapit.

Napahawak na ako sa counter at binaba na ang kapeng hawak ko.

Tumigil na rin siya sa paghalo ng kape niya.

“Karina…”

Napalunok ako nang marinig ko ang pagbaba ng kanyang boses.

Shet! Eto na ba talaga?! Ni wala pa nga kaming label!

“Oh?”

Akala niya aatras ako sa malalim niyang pagtitig sa akin? Wala akong inuurungan!

Papikit na ako nang marinig ko siyang,

“Yung creamer, nasa likuran mo.”

Napabalikwas ako sa narinig.

Shems naman. Ano bang mga iniisip mo, Karina?!

“Ay, sorry.”

Parang ayoko nang mag-OT at umuwi na ngayon din mismo. Hiyang hiya ako, teh!

Nakita ko siyang napangisi, “Were you expecting something?”

“Hala siya. Hindi noh. Hindi ko naman kasi alam na nasa creamer pala yung counter.”

I heard her laugh.

“Yung alin? Yung counter ba na nasa creamer o creamer na nasa counter?”

Sige mang-asar ka pa. Porke naisahan mo ako dun! Pasalamat ka, cute ka.

“Ewan ko sa’yo. Inom ka nalang ng kape mo diyan at lalabas na ako. Kailangan ko pang tapusin ‘yon, it’s getting late na rin kasi.”

Kaysa naman sa hahayaan ko pang mapahiya ng tuluyan ang sarili ko dito, mas mabuti pang mauna na akong lumabas.

Ayoko ngang makita niya akong namumula because of what happened!

Narinig ko ang malaman niyang pagtawa bago ko siya iwan doon na nagtitimpla pa ng kape niya.

Ano ba naman ‘tong mga naiisip ko. Nasobrahan na ata talaga ako sa pag-OT sa trabaho at kailangan nang makakumpleto ng tulog.

Gaya ng ineexpect ko, kokonti nalang kaming mga naririto pa sa office ngayon at inaasikaso ang mga kanya kanyang gawain.

Inabutan na nga rin kami ni Mang Julio na naglilinis around the workplace, indication na lumalalim na ang gabi para magtrabaho pa.

Tae naman.

Gusto ko nang magpahinga.

Nag-inat inat muna ako, ang sakit na ng likod ko jusmiyo. Hello back pain na naman ang salubong sa akin bukas ng umaga.

“Karina, ikaw nalang matitira dito,” pagpansin ni Mang Julio.

“Saglit nalang po ito, Manong. Konting konti nalang talaga,”

“Naku. Siguraduhin mo lang ha. Masama ang magpagabi ng mga ganitong panahon. Alam mo na, buwan ng Nobyembre pa naman.”

Nako, ‘tong si Manong talaga oo.

Sino pa bang naniniwala sa mga aswang aswang at bampira ngayong generation na ‘to?

“Manong ayan ka na naman diyan sa mga kwento mo eh,”

Tumigil siya sa pagm-mop sa may banda ko saka humarap sa akin.

“Iha mas maagam na ang nag-iingat. Wala ka pa namang kasabay umuuwi.”

“Magt-taxi naman po ako-“

“Kasama naman po niya ako, Manong. Kaya wala ng dapat alalahanin.” Singit ni Winter na readyng ready na umuwi.

“Ay iha, mabuti andiyan ka pa. Akala ko naman ay maiiwan ‘tong si Karina mag-isa. Nagsiuwian na kasi ang mga kasamahan ninyo eh.”

“Overtime pa rin po ako hanggang ngayon, Manong eh. Alam mo na, bawi bawi sa trabaho.”

Hinayaan ko nalang muna silang mag-usap ng dalawa dahil mukhang pati si Winter ay binabalaan na rin ni Manong patungkol sa mga madalas niyang nababanggit kapag may ginagabihan sa amin sa trabaho.

Mabuti nalang ay natapos ko na rin ang mga dapat kong tapusin ngayong araw.

Muntikan pa nga akong pigilan ni Winter dahil akala niya ay isasagad ko pa ang pagtatrabaho pero ako na rin mismo ang nag-aya sa kanya na umuwi na.

Syempre, hindi rin kami nakatakas kang Mang Julio na nagbabala ulit bago kami makalabas ng tuluyan sa office.

Pasakay na kami ngayon ni Winter sa elevator.

“Masyado nang late para samahan mo pa akong umuwi, Winter.”

Nag-aalala kasi ako.

Ang alam ko, mas malayo pa yung inuuwian niya kaysa sa akin. Ayoko namang mag-out of the way pa siya pauwi sa kanila para lang ihatid ako at samahan pauwi.

“Ikaw na rin ang nagsabi, masyado nang late. Baka mapano ka pa along the way.” Ang seryoso naman ng boses niya kung ikukumpara kanina.

“Mas malayo naman yung uuwian mo kaysa sa akin.”  Tahimik ko nalang sambit.

Nakasakay na kami ngayon sa elevator at pababa na ito. Ewan ko kung anong klaseng hangin ang bumalot sa ‘ming dalawa at biglang sumeryoso ang paligid.

‘Tong kasama ko naman kasi parang bigla mo nalang hindi makausap dahil sa itsura niya ngayon.

Tahimik. Sobrang unusual dahil madalas ay nagi-initiate pa siya ng usapan naming dalawa.

Ang seryoso ng mukha. Yung mukha na nakikita ko madalas  sa kanya is yung maaliwalas at all smiley na Winter na approachable dahil ang friendly niyang tignan.

Sa sobrang pagtitig ko sa kanya, napalingon na tuloy siya sa akin.

“Ihahatid na kita, okay? Kung nag-aalala ka sa ‘kin, you don’t have to worry. I insist.”

“Hindi mo ako masisisi,” napabuntong hininga nalang ako, “tsaka teka, bakit ang putla mo? Okay ka lang ba?”

Kumunot ang noo ko nang napansin ko ang pamumutla ne’tong kasama ko.

Alam kong maputi siya pero bakit sobra sobra naman ata ang pagkaputla niya tonight?

“Karina, I’m fine. I’m perfectly fine trust me.”

“Eh bakit namumutla ka? Ano bang nangyayari? Nilalagnat ka ba?” hinawakan ko ang noo niya, “hindi naman ah. May masakit ba sa’yo? Ano?”

And for the second time, nilingon niya ako saka hinawakan ang kamay kong nasa noo niya.

Ba’t parang nakuryente ako sa hawak niya.

“You worry too much. Okay lang talaga ako promise. Ano lang, nagkulangan siguro sa kape kanina.” Biro niya pa.

“Kulang pa ba ‘yon eh halos--- hoy nagpapalpitate ka ba?”

Aba. Baka mapano pa siya sa daan pauwi kapag hinatid niya pa ako ng ganito ang lagay!

Talagang hindi ako mapapalagay kung gano’n!

“Relax ka lang okay? Ayos lang talaga ako. Ano bang gusto mong gawin ko para maniwala kang okay nga lang ako?”

“’Wag mo na ‘kong ihatid. Mapano ka pa sa daan pauwi mo.”

“Kaya ko naman. Ayaw kong hayaan ka mag-isa umuwi ng ganito ka-late,”

“Pareho lang tayo, Winter. Kargo kita kapag may nangyari sa’yo!”

Nahinto ako dahil napalakas ang boses ko. Eh kasi naman masyadong mapilit ‘tong kasama ko ngayon. Bakit ngayon pa niya naisipan na i-2x yung kakulitan niya?

Humarap na siya sa akin ng tuluyan saka tinaas ang kamay naming magkahawak kanina pa.

Hindi niya pala ito binitawan magmula kanina.

Ang lambot na ng tingin niya sa ‘kin ngayon compared kaninang pagsakay namin sa elevator.

Pagsasabihan ko pa sana ulit siya pero natigilan ako sa pagsasalita nang bigla niyang hinagkan ang likuran ng kamay ko saka nakatitig pa rin sa mga mata ko ng diretso,

“Nothing will ever happen to me. Magkasama tayong uuwi.”

 

 

At ayun na nga, syempre late na kaya malamang mahirap na ring sumakay ng jeep at pumara ng taxi.

Nakaramdam naman ako ng sense of relief dahil alam kong may kasama ako pauwi.

Sa sobrang tagal mag-abang ng jeep, napalayo na kami sa kanina naming pinagaabangan dahil nagdesisyon na rin kaming maglakad lakad sakali mang may maabang na kaming jeep.

Magkahawak pa rin ang mga kamay.

Hindi niya na ‘to binitawan eh, kahit nung nakalabas na kami ng building.

Pansin ko lang na ang liwanag ng buwan ngayon. Enough na rin para magsilbing ilaw sa ‘min habang nilalakad ang daan.

“Palit tayo, dito ka,” hinila niya ako papalapit sa kanya at lumipat ng pwesto sa kabila ko.

Ako kasi yung nasa may malapit sa daan.

Kikiligin na sana ako at mas kinilig pa ako lalo dahil hinawakan niya ulit ang kamay ko.

But this time, mas mahigpit ang pagkakahawak niya rito.

“Ang ganda ng buwan ngayon ‘noh.” Kako nang mag-settle kami ulit sa gilid ng daan, nag-aantay pa rin ng masasakyan.

“Hmmm,”

Bumalik ulit sa pagseseryoso ‘tong si Winter.

Kanina pa ulit nananahimik eh.

“Uhm Winter?”

“Hmm?”

“Thank you ha,”

Mas mabuti na rin na nagpumilit siyang samahan ako pauwi. Hindi ko alam kung papaano ako ngayon kung mag-isa lang akong nag-aabang eh.

“Wala ‘yun. I wanted to walk you home nung isang araw pa pero hindi ko magawa gawa dahil mas nauuna kang natatapos sa akin.”

Grabe na talaga siya.

“Edi magmula ngayon sabay na tayong umuwi, gusto mo ba?”

Syempre pachumchum muna noh! Hiyang hiya pa akong sambitin ‘yan kasi baka masyado na ‘kong obvious na gustong gusto ko rin na kasama siya.

Tumingin naman siya sa ‘kin saka ngumiti. Litaw yung dimple niya tuloy.

Ang cute, nakakainis!

“Sino ba naman ako para tanggihan ka, Karina.”

Tumahimik kami ulit hanggang sa nag-aya ulit siya na maglakad.

Kanina pa kami lakad nang lakad. Baka makauwi na ako sa ‘min kakalakad namin.

“Winter?”

“’Wag kang lilingon. Lakad lang tayo.”

Akala ko ako lang ang nakapansin na parang may sumusunod sa amin kanina pa.

Kanina pa ‘to ah. Kung saan kami hihinto, nandoon rin siya.

Hindi ko na nga pinapansin kasi baka mamaya coincidence lang pala ‘yon diba.

Pero hindi eh.

Tulad ngayon, naglalakad na kami ni Winter nagsimula na rin siyang maglakad at nakasunod sa aming likod.

“Winter hindi ba masyado tayong mabilis?”

“Bibilisan talaga natin. Hindi niya tayo dapat mahuli.”

Tulad ng sinabi ni Winter ay binilisan nga namin ang paglalakad.

Pero ganun din ang ginawa nung creepy stalker na kanina pang buntot nang buntot sa aming dalawa. Naka-itim lahat saka pa naka-hood kaya hindi namin makilala ang mukha.

“Ay gago!”

“!”

Sabay kaming napamura ni Winter dahil may biglang lumundag sa harapan namin.

Mga taong nakasuot rin nung kagaya nung stalker kanina at marami rami na sila, apat. Excluded pa yung kanina pang sunod nang sunod.

Ngayon ko lang din nakita ang narating ng paglalakad naming dalawa kanina pa.

Walang ka-tao tao, mga poste’t nagf-flicker flicker pa ang mga iilan dito.

Tapos may malaki pang puno sa tabi.

Ano naman ‘tong dinaanan namin ni Winter?

“Winter,” tawag ng isa sakanila.

Teka…

Kilala nila si Winter?

“Siya na ba yung iaalay mo mamayang gabi?”

Nakaramdam ako ng kilabot dahil sa narinig ko, bukod sa boses ng lalaki ay yung sinabi niya mismo ang nakapagpangilabot sa akin.

“’Wag niyo siyang idamay. Wala siyang kinalaman dito.” Matigas rin ang pagsagot ni Winter.

Naguguluhan man ako sa naririnig, humihigpit na rin ang pagkakahawak ko kay Winter na tinago ako sa likuran niya.

May tiwala naman ako sa kanya.

“Kung ayaw mo siyang ialay, sa akin nalang siya. Wala pa kasi akong nahahanap.”

Tangina?

Ano raw?

Susugurin na nga rin sana ako ng isa sa kanila nang bigla akong harangin ni Winter at mas lalong humigpit ang paghawak niya sa akin.

“’Wag na ‘wag niyong dadapuan ng kamay si Karina. Ano bang kailangan ninyo? Ano na naman bang kailangan mo sa akin, Soobin?”

“Pinapatawag ka na ng nakatataas, kaya kami naririto para sunduin ka na.” Nakita kong dumaan din sa akin ang tingin nung kausap ni Winter, “at para na rin sa kanya, sige. Sa akin nalang siya Winter oh?”

Kung hindi ako nagkakamali, biglang namula ang mga mata nung kausap ni Winter habang nakatingin ng direkta sa akin.

Binaba niya ang mask na humaharang rin sa kalahati ng mukha niya saka lumitaw ang malaki niyang pagkakangisi saka may mga mahahabang pangil na nakaamba.

At doon ko na naramdaman ng todo ang takot na kanina ko pa binabalewala para pakalmahin ang sarili.

Buong akala ko ay biro lamang at kwentong barbero ang nababanggit ni Mang Julio.

Totoo nga sila.

Nanginginig ang mga kamay kong nakahawak pa rin kay Winter, ramdam ko na rin ang paglamig ng mga ito.

Hindi ako makahinga.

May mga bampirang nakaabang sa harapan ko.

“WINTER!”

“KARINA!!!”

 

 

 

 

 

 

 

Gumising ako ng hinahabol ko ang aking hininga.

Anong klaseng panaginip yun? Bampira? Na hinahabol ako’t handang lapain na ng buhay?

Ang sakit ng ulo ko. Dahil siguro ‘to sa bangungot na napanaginipan ko ngayon ngayon lang.

It feels weird kasi it all felt real.

Yung takot, yung panginginig ko at yung kilabot ko nung tumingin ako sa mga mata nilang namumula.

Aish! Ayoko nang maalala yung mga pagmumukha nilang nakakatakot!

Gusto kong kumain. Nakauwi na ba ako sa ‘min? Bakit parang hindi ko naman ata ‘to kwarto ah.

Kailan pa naging putting puti ang dingding saka may mga malalaking cabinet ang nakapwesto sa kwarto ko?

Tumayo ako para ma-check ko kung nasaan nga ba talaga ako.

Pagkaapak ko palang sa floor ay naramdaman kong may masakit sa binti ko.

Awwch…

Dali dali naman akong tumingin rito para matignan kung ano yung sumasakit.

At doon na tumambad sa akin ang tatlong malalaking galos sa dito, malalim at mahaba ang pagkakatamo ko.

. . . !!!

Hindi panaginip yung kaninang naexperience ko?!

Nang maramdaman ko ang pananakit ulit nito, napahawak ako sa isang malaking cabinet dito pero bigla naman itong bumukas.

Gusto kong sumigaw.

Nanginginig ang tuhod ko sa nakikita ko ngayon.

Feel ko nga rin hindi ako makahinga ng maayos eh.

Ano… ano ba ‘tong nakasabit sa cabinet na ‘to? Mga IV drips na kulay pula ang laman?

Narinig ko na rin ang pagbukas ng pinto, niluwa nito si Winter na nanlalaki na rin ang mga mata.

“W-winter… A-ano ‘to?” takot na takot pa akong lumingon sa kanya.

Nagtama ang mga mata namin at doon ko rin nakita na may something sa expression ng mukha niya ang hindi ko rin maexplain.

“Karina… It’s not what you think, let me explain…”

Natatakot na talaga ako.

Nakatingin lang ako kay Winter na ngayon ay lumalapit sa akin.

Nagmamakaawa ang mga mata, nagaalalang mukha.

“Karina…”

Tinulak ko siya saka sinubukang tumakbo papalayo sa kanya.

Pero nakalimutan kong may malaking sugat nga pala ako sa binti.

Ang hapdi!

“!”

“Karina!”

Sa sobrang bilis ng pangyayari, the next thing I knew is napaupo ako dahil sa sobrang sakit pa rin ng galos na natamo ko.

Hawak hawak ko ang binti, halos mangiyak ngiyak na rin dahil nagdudugo na pala ito.

At si Winter na mabilis makalapit sa pwesto ko.

Sobrang lapit to the point na pati mukha namin magkalapit na rin.

The moment na tinignan ko siya ulit sa mukha, kinilabutan na ako ng todo. Ang akala ko ay sobrang horror na yung nakita ko kanina, mas lalo pa akong natakot dahil sa Winter na nakikita ko ngayon.

Mabibigat na hininga ang ginagawa, halatang nagpipigil.

Pula ang mga mata saka nanlilisik ang mga ito.

May bahid na ring pagtubo ng malaking pangil while gritting her teeth.

Winter…

Anong klase kayong nilalang?

Anong klase kang nilalang?

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

happy debut anniversary sa ating mga girlies! <33
PS: sisihin niyo yung all black outfit nila sa eternal return, nainspire ako na gawan na sila ng vampire au haahahahaha pasensya na agad sa mga errors at kung hindi gano’n ka-jam packed kahit may bahid na action ‘to. first time ko magsulat ng ganitong genre hehehe labyu guys, salamat sa pagbabasa!

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
brokenheartssavior
Lah teka, teka,, maraming salamat pala sa 400k subs at sa mga nag-upvote mga pri! :"))

Comments

You must be logged in to comment
Slgyyy
800 streak #1
Chapter 8: Chapter 8: The moment I read yung "TSU", i was like, taga Tarlac author nito?
Gab_17
#2
Chapter 35: Hala kata Wintottt! Hahahaha sana may next chapttt.
yujisaurus
#3
Chapter 17: medyo may kirot 🥲😞
yujisaurus
#4
Chapter 2: rueiskdhdjdjd kinikilig rin ako!!!
yuyuyujimin #5
Chapter 6: what the this is soooo cuteeee bat ngayon ko lang to binasa 😭😭😭
CincoYoo
#6
Chapter 35: uyy!
stillintoyu
201 streak #7
Chapter 1: KINIKILIG AKO
maxiclaine #8
Chapter 3: nasa ex ba ang tru lab? pano naman akong walang ex?
maxiclaine #9
Chapter 2: ETO UNG DOWNSIDE NG FLUFF EH. NAIINGGIT AKO SOOOOO MUCH!😭 PLS UNG PUSO KO ANG BILIS NG TIBOK! SHUTAAAAA. ME, WHEN TALAGA?!😭
maxiclaine #10
Chapter 1: gusto ko magmura kasi naiinggit ako. shutaaanginaaa. me when?😭