Rivals Yarn?

Scraps

Hindi ko alam kung paano kami nauwi sa ganitong sitwasyon.

Bumabalot ang katahimikan sa loob ng school clinic, at tanging tahimik na paghinga lang naming dalawa ang narirnig.

Magkatabi man ngunit damang dama ko naman ang malamig niyang aurahan dahil sa hindi niya pagkibo magmula kaninang nakapasok kami dito sa silid at naupo sa pangalawang dulo na kama ng clinic.

Tinignan ko naman ang mukha ng katabi ko at nakaramdam ng konsensya dahil nakita ko ang kaitsurahan niya. Putok ang gilid ng labi, nagdudugo pa. Mga namamagang kamao na nakabilog pa rin hanggang ngayon at ang seryoso niyang mukha na kulang nalang pati kilay niya ay muntikan na ring mahati at nagkasugat. 

Malalalim ang paghinga niya kaya di ko naman maiwasang mag-alala sa katabi ko.

"Hindi mo naman kinailangan gawin yun-"

"Hindi kailangan pero dapat lang sa kanya na mabugbog." 

Hindi pa nga ako tapos sa sasabihin ko ay naputol na agad dahil sa mariin niyang pagtugon. Ramdam ko pa rin ang pagpipigil niya ng inis sa kanyang boses.

"Ayoko lang naman ng gulo. Makakausap ko naman ng masinsinan at pribado-"

"Hindi ko matanggap yung ginawa niya sayo, Karina." Matigas niyang sabi saka na tumingin sakin.

Mga seryosong pares ng mata ang sumalubong at halata sa tingin niya ang galit at inis. "Wala akong pake kung ano ang balak niyang gawin sakin pagkatapos ng nangyare pero hindi rin naman kasi ata tama yung babastusin ka nalang nung lalake, tas ako, na nandun ay walang gagawin, diba?" 

Natahimik ako. 

"Hindi mo ako masisisi." Sabi niya saka tumayo kaya nasundan ko siya ng tingin, "San ka pupunta?" tanong ko naman.

Nakita kong kinuha niya ang first aid kit sa may tabing table na malapit samin saka siya umupo sa kabilang kama; iniwan ako rito na nakatingin lang sakanya.

"Winter."

Walang kibo. 

Kitang kita ko kung gaano siya nahihirapan dahil nanginginig ang mga kamay niya na maglagay ng betadine sa bulak. Hindi ko naman natiis at lumapit na sakanya saka tinabihan ulit. 

"Ako na," pag-iinsist ko at sinubukan pang kunin sa kanya ang kit.

"Ako na. Kaya ko naman."

"Nanginginig nga mga kamay mo, matatapon lang ang betadine." 

Pero parang wala siyang narinig kaya sapilitan kong kinuha sa kamay niya ang bulak saka betadine na kanina pa tumutulo dahil hindi napapasobra ang lagay niya. Rinig ko rin ang pag-click ng dila niya dahil sa irita na rin siguro sa inasta ko.

Mairita ka lang sakin. Ang tigas tigas ng ulo mo.

"Harap ka sakin," utos kay Winter dahil kumuha ulit siya ng bulak at kinalkal ang kit. Habang ako, nakatingin lang sakanya at hinahabaan ang pasensya, "Harap ka nga kasi."

"Kim Winter, tingin ka sakin. Gagamutin ko yang labi mo." 

"Kaya ko naman sarili ko. Saka di naman kailangan gamutin to, di naman masakit." Parang lahat ata ng pasensyang inipon ko humupa at nawala dahil sa malamig niyang tugon. 

Ang tigas nga kasi ng ulo. 

Hinawakan ko siya sa mukha at hinarap na siya sakin. Di naman nakatakas ang pag-ngiwi niya nang napadiin ang paghawak ko sa pisngi niya. 

Hindi pala masakit ah.

"Wag kang malikot." Iniiwas niya pa kasi ang kanyang ulo kaya napilitan akong higpitan ang paghawak sa may baba niya.

Sinimulan ko na ang paglinis sa sugat niya mula sa may kilay niya. Dahan dahan lang ang pagpahid ko ng bulak sa kanyang sugat at paminsang minsan pang hinihipan ito. 

Hindi ko alam kung gaano na katagal ang pagtitig sakin ni Winter pero napagtanto ko nalang ito nang labi niya na ang gagamutin ko. Parang nakaabang lang siya sa susunod kong gagawin, at kung ice cream lang rin siguro ako? Baka tunaw na ako.

Natuyo ang dugo sa gilid ng labi niya pero namumula mula pa rin ito dahil sa pagputok ng kanyang labi.

Kumuha naman ako ng bagong bulak na may alcohol saka maingat na nilapat ito sa labi ni Winter. 

Ngunit wala pa man, napaiwas na siya ng ulo sakin at napahawak pa sa labi niya, "Ang hapdi naman!" 

"Ngayon ka pa magrereklamo eh ikaw nga tong nakipagbasag ng ulo?" Kunot noo kong sagot sakanya saka tinignan siya ng masama.

Nawawala na talaga ang pasensya ko.

"Hindi naman nga kasi kailangan yan." Reklamo niya pa. Di ko siya pinakinggan kaya hinawakan ko ulit siya sa mukha. Iiwas pa sana kaso, pinagbantaan ko, "Ilayo mo pa yang mukha mo at ibubuhos ko sayo tong alcohol."

Wala na siyang nagawa at bumigay nalang sa ginagawa kong panggagamot at linis sa sugat sa labi niya. Napapangiwi pa minsan dahil napapadiin rin ang paglapat ko ng bulak sa kanya.

Tahimik lang kaming dalawa at nakatingin lang naman siya sakin, ng nakakunot ng noo. Mukha na ngang malulukot ang mukha niya eh.

"Sinasadya mo namang idiin eh. Masakit nga kasi, tangina naman Karina."

"Tiisin mo yung sakit. Natiis mo nga kanina nung nakipagbugbugan ka kay Jeno, diba?"

"Kung di ko binugbog yung gagong yun baka saan pa napunta yung panghahalay niya sayo." Naiinis niyang sambit.

Konti nalang ay matatapos na ako sa pagaasikaso sa mukha niya. 

"Eh bakit parang affected ka? Ano naman sayo kung saan niya ako dalhin?" 

"Seryoso ka ba? Yan talaga isasagot mo?" 

"Ano bang gusto mong isagot ko? Thank you kasi gumawa tayo ng eksena kanina at nag-eskandalo sa kalagitnaan ng event? Saka nagtatanong lang naman ako, Winter." Seryoso kong sagot nang matapos kong lagyan ng band aid ang pisngi niya at natapos sa may labi niyang ngayon ay tatapalan sana ng ointment.

Natawa siya. Yung sarkastikong tawa. "You're ridiculous, Karina." 

Natahimik kami at nakita ko naman na sinimulan niya ang paggamot sa mga kamay niya. Which is clearly, hindi niya kaya dahil mas nangiginig ang mga kamay niya ngayon kung ikukumpara kanina.

"Look, I appreciate what you've done kanina and gets ko yung pinopoint out mo. We could've just talked to Jeno in private saka dun mo nalang sana siya binugbog sa likod ng building natin." 

"Well, sorry hindi ko napigilan. He's clearly taking advantage of you kanina, Karina. Kitang kita ko yun." tumahimik siya sandali at tumigil sa ginagawa niya, "Talk to him? I don't think madadaan sa usap lang yung mga manyakis na tulad niya. He deserved what he got." 

"Baka nakakalimutan mong may reputasyon ako bilang isang presidente ng school natin kaya I'm being careful?" Sarcastic kong rebutt. 

"Puta, yan talaga unang naisip mo? What he did was inappropriate! Now, you're being really ridiculous." 

Naiinis nako. 

Gets ko yung concern niya. But for her to burst out yung bubble niya sa akin? 

"What I did was the bare minimum, Karina. Kahit sino naman maiinis at gagawin yun." 

"And not everyone has the same temper as you, Winter. It's not like I don't know what to do and how to deal with him after the he pulled off."

Tinignan ko siya ng mata sa mata at tinanong, "Bakit ba ang affected mo masyado? Akala ko ba, wala kang pakielam sa mga rivals mo?"

Our eyes locked, walang nagtangkang umiwas at nagsalita after. 

Yes.

Kim Winter and I are rivals. Well, as for her, I am her rival daw. 

Magmula high school, hanggang college. Akala ko nga ay hindi ko na siya makakasama school, pero parang nang-aasar talaga ang langit nang makita ko siyang enrolled rin sa university na pinapasukan ko. Same block pa. 

Ang angas ng pagkakaswerte ko, diba.

Siya ang unang lumihis ng tingin saming dalawa at tinuon nalang ulit ang pansin sa kamay niyang may mga sugat sugat.

Tahimik nalang kami ulit dahil hindi na siya nakasagot right after that question. 

"Gamutin ko na rin kamay mo," 

"Wag na. Kaya ko."

Pero wala na siyang nagawa dahil kinuha ko ang kamay niya saka hinawakan ito at sinimulan na ring gamutin. May mga natitirang band aid pa naman na enough para sa mga sugat niya sa kamay. 

"Wag ka nang makulit. Take it as a thank you nalang from me." 

Di katulad kanina sa paggagamot ko sakanyang mukha, mas maingat ko namang inasikaso ang kamay niya. Yung knuckles niya parang mapupudpod. Hindi ko maimagine kung gaano kalala yung mga bugbog na natamo ni Jeno dahil sa kaitsurahan ng mga kamao ni Winter.

"Patingin nung kabila," 

Hindi naman na siya nagmatigas at inabot niya rin sakin yung kabila niyang kamay kaya sinimulan ko na ulit ang pag-asikaso rito. Mukhang eto yung mas ginamit niyang panuntok. Mas grabe yung mga sugat sugat eh.

"You really have no idea, don’t you?” Pambabasag niya sa katahimikan habang sa kamay niya nakatuon ang pansin ko.

“Ano?”

“Wala.”

Dahil sa tipid niya ring sagot, hindi na rin ako nagpasya pang ituloy ang pag-uusap namin. Baka mag-sagutan lang din kami ulit.

Naramdaman ko ang pagpisil niya sa kamay ko kaya napatingin ako sakanya, “Oh, sorry. Masakit ba?”

Nakatingin lang siya sakin.

Pansin ko lang kay Kim Winter, gustong gusto niyang tumititig sa mukha ko kanina pa.

“Okay na yan. Salamat.”

Hindi pa ako tapos sa kamay niya pero binawi na niya ito sa akin at inexamine pa ang newly aided niyang mga kamay, specifically yung right hand niya.

“Alam mo, papasa ka sana sa Art Appreciation subject natin dahil sa creativeness mo sa costume mo ngayon.” Pagpupuri ko sakanya, pero siya nakataas lang ang kilay niya sakin, “Kaso, masyado mo namang sineryoso si Kaonashi. Feel na feel mong tumakbo dahil sa paghahabol kay Jeno kanina saka ka na nagsimula ng riot.”

Totoo yan.

Dahil ang get up namin ngayon ay naka-costume para sa cosplay event na hineld ng school. Suot niya yung all black at mukhang kulto sa get up niya saka siya may mask, yung no-face sa Spirited Away.

Habang ako, get up ko naman ay si Zero Two ng Darling In The Franxx.

“Sorry not sorry. Deserve niya yun.” May pride niyang sagot.

As expected kay Kim Winter. Matigas ang ulo, matigas rin ang bungo.

“Whatever floats your boat, Kim Winter.”

 

 

 

Third day of the cosplay event ng school, mas mararami ang mga cosplayers kumpara sa mga naunang araw ng week. Isang linggo tong event na to para ma-showcase ng mga students ang kanilang talents pagdating sa pag-design at pag-craft ng mga recycled na gamit or any materials.

Pipoportray ko naman ngayon ay si Sasha Braus. All black ang suot suot saka may mga nakasabit sa mga braso, sa may balakang at hita ko. Mga gears kung tatawagin dahil isa ako sa mga Survey Corps sa get up ko today.

Medyo nire-regret ko nga dahil ang init init suotin pero keri lang naman. Minsan ko lang maranasang maging part ng Survey Corps ng Attack on Titan.

“Rina, ang hot mo naman sa get up mo! Kaso girl, hindi ka ba naiinitan?” tanong sakin ng isa kong blockmate nang mapansin niya ako.

“Mainit nga pero, kaya naman.” Half-smile ko namang sagot sakanya.

Sinali na rin nila ako sa kwentuhan nila since halos ng block namin, magkakasama pala dito sa may pwesto nila.

“Uy, tawagin niyo nga si Winter. Si Winter yun, diba? Yung naka-onesie.” Rinig kong sabi ng katabi ko at may minamataan sa may kalayuan.

Agaw pansin naman ang kanilang tinutukoy dahil sa karagatan ng bonggang bongga na costumes, namumukod-tangi ang isang pigura na naka-Hamtaro onesie at parang may hinahanap hanap pa.

Ang lilinaw ng mga mata ng kaklase ko. Si Winter nga yun.

“Winteeeeer!!”

“Hoy hamster, dito! Ditoooo!!”

Madali naman kaming nakita ni Winter dahil sa sigaw ng mga kaklase ko.

Papunta na siya sa direksyon namin at hindi ko naman made-deny na ang cute cute niyang tignan sa costume niya ngayon.

“Ang cute mo namang nilalang, vice pres.” 

Pinuri siya ng mga kaklase namin at tango tango lang naman siya saka paminsang minsang nakikisakay sa biro sakanya.

Ako, tahimik lang na pinapanood ang mga blockmates ko.

Binaling ko na ang pansin ko sa mga estudyanteng nakakalat sa gym ngayon at pinapanood pa silang ina-act ang kanilang mga kino-cosplay.

“Nice outfit.”

Tumingin naman ako kay Winter na himalang tumabi sa akin. I guess, occupied na ang seats sa iba at natyempuhan pang sa katabi ko ang libre.

“Thanks.”

Nakuntento na kami sa patingin tingin lang sa iba at pinapanood ang mga nakakalat na cosplayers dahil walang nagtangkang magsalita sa amin.

Matapos kasi nung incident na nangyare nung first day, pansin ko lang na kung nasan ako ay naroroon din tong si Winter.

Coincidence? I think not.

Hindi naman ako ganun ka-oblivious sa nangyayare around me at nadadama ko yung pag-soften niya ng slight kapag nakikitungo na siya sakin minsan minsan.

Not that being makapal ako ng mukha pero if ico-compare ang mga banter namin noon at lately, after that incident, she looked more approachable na. Though may animosity pa ring namamagitan saming dalawa.

“Okay na yung mga sugat mo?” out of curiosity kong tanong. Kahit naman nagkakasama nga kami, hindi naman kami madalas mag-usap.

“Yeah.”

“Hmmm, ‘kay.”

After that, our classmates decided to join the fun and played games na rin na inihanda for the event. May mga booths din na nakabukas.

“Uy guys, try natin yung photobooth!”

Ang lakas lang ng trip ng isa naming kaklaseng lalaki dahil ang liit liit lang nung photobooth, pinilit niya talagang ipagkasya kaming mga kasama niya at that moment.

We tried different poses and sa mga iilang shots, humiwalay na ako sakanila dahil hindi ko rin kinaya yung sikip sa booth.

Ang init init kaya.

“Oh next next naman! Asan na si Karina?? Rinaaa!” Narinig kong tawag ang pangalan ko. Tumingin naman ako kay Jarred, yung kaklase kong malakas ang trip, na kumakaway mula sa loob ng booth.

“Pres! Lika dito! Last shot na, last na talaga!”

Mabait naman ako kaya sinundan ko nalang ang gusto ng kaklase ko.

Pero may ilalakas pa pala ang trip niya dahil kinulong nila ako dito sa booth at naiwan kaming dalawa ni Winter.

Nakatingin lang sakin saka nakapamulsa sa onesie niya. Nakasuot pa yung hood sa ulo.

She looked cute kasi may lollipop pa siyang kain kain.

Nakaramdam ata siya kaya medyo umusog pa para makatabi ko siya at magkasya kami sa camera.

Walang imikan. Tahimik lang. The usual silence na namamagitan saming dalawa kapag kami kami lang ang naiiwan.

Nasanay na rin kami siguro sa kung paano i-handle ang presensya ng isa’t isa.

She can be intimidating when serious, ganun rin ako. But neither of us backed down at parang kasalanan pa kapag binaba ang pride ng isa’t isa para sa isa’t isa.

After ng ilang minuto, the screen flashed a countdown na indicating magsisimula na ang pag-take ng pictures samin; which is 6 takes.

I don’t know how to pose with her kaya I smiled nalang sa camera. We can see ourselves sa camera pala. Nakikita ko yung expression niya na parang she’s keeping a straight face.

Para sa pangatlong picture, binalik ko ang fierce ko na mukha at tinaas ko pa ang props ko na baril para in character ako sa kino-cosplay ko. Nakita ko rin si Winter na did her thing and tinaklob pa lalo ang hood niya sa ulo saka tumingala at nag-rock sign.

Pinilit ko pang di matawa kasi ang kulit niya lang.

For the fourth pic naman, we somehow felt comfortable na sa presensya ng isa’t isa at naging loose na ang pag-pose namin. Tinapat ko ang baril ko sa tapat ng camera at siya naman ay parang sinakyan pa ang pose ko dahil nag-finger gun rin siya with fierce face, at may lollipop pa rin.

Last two shots nalang pala.

Buti nalang at may interval na 15 seconds to ready ourselves to pose again. Kaya for the fifth picture, binaba ko na ang hawak ko saka scooted pa closer to her. Napansin ko na bahagya pa siyang napatingin sakin dahil sa paglapit ko sakanya through the screen. Wala akong maisip na pose kaya nung huling 5 seconds, dali dali kong pinoke ang cheeks niya using my index finger at hindi ko na natago ang pagtawa ko.

For sure, maaasar to.

Kitang kita naman kasi sa screen yung pagkunot niya ng noo ang idampi ko ang daliri ko sa pisngi niya at bahagya pang nakangisi sa shot.

Sixth shot. It’s the last shot na kaya inayos na namin muli ang mga sarili namin. I thought of pose na pwedeng mag-conclude sa photoshoot session namin kaya I decided close my eyes and flashed a smile sa camera.

Maganda pa rin naman ako kahit nakapikit, duh.

Hindi ko na nakita kung anong pose ang ginawa ni Winter kaya nung marinig ko na yung pag-process nung picture namin, minulat ko na ang mga mata ko para tignan kung ano yung kinalalabasan ng mga shots.

Kaso, kukunin ko palang yung finished product nahablot na ni Winter ito. Kunot noo naman akong tumingin sakanya.

“Sorry, first come, first serve.” Saka pa siya ngumisi sakin at bumubukol pa yung lollipop sa pisngi niya.

I playfully rolled my eyes sakanya at kinuha ang props ko na baril, “Sure. Sige sayo na yan. Alam ko namang crush mo ako kaya, I won’t mind.” Then I flashed my sweet-yet-devilish smile sakanya.

Natawa naman siya.

“The confidence huh. I like it.” Tango tango pa niyang sambit at niluwa yung candy na kanina pang nasa bibig niya, “Ikaw nga tong cute na cute sakin dahil sa onesie kong suot,”

I nearly scoffed.

Ang hambog niyang pakinggan ever talaga.

“You’re so hambog.”

As if Kim Winter was not offended, she just smiled at me cheekily and left me alone, here, sa photobooth.

 

 

Gabi na. May mga live bands namang ininvite ang school to perform para sa event. Nakapagbihis na rin naman ako from wearing all black kanina at may gear gears pang suot, casual clothes nalang ang suot ko while waiting for my friends para sabay sabay naming panoorin ang banda.

“Rina!”

Tumingin ako sa direksyon na tumawag sa pangalan ko at nakitang papalapit na sila Giselle.

“Oh my God, kanina ka pa ba? Ang tagal tagal kasi magbihis ni Ning.” Hindi pa naman kami masyadong nagkakalapit sa isa’t isa pero rinig ko na ang reklamo ni Giselle dahil sa kasama niya.

“Wow ha, sorry kasi late kaming dinismiss nung prof namin na lakas ng trip dahil pinag-meeting pa kami after ng long day kanina sa booth.” Exaggerated namang sagot netong si Ningning.

“Pareho lang naman kayong mabagal kaya wag na kayo magsisihan.” Pambabasag ko sakanila kaya inirapan ako ni Giselle at natawa naman si Ningning.

“Ako aminado, ewan ko diyan kay boss Gi.”

“Che! tara na nga. Want ko nang mag-party party!”

Right after sinabi ni Giselle yun, lumarga na kami sa area na kung saan may kalapitan sa stage.

Kaso muntanga naman kami ng mga frennies ko. Nahinto lang ako saglit, nawala na rin sila sa panimanman ko.

I can’t spot them anymore at nawala na sila ng tuluyan sa mga mata ko. I can’t catch up because of some stupid couple na nagmo-momol at nakabungguan ko pa sila. I had to say sorry to them pa kasi parang kasalanan ko pang kalat kalat silang naglalaplapan sa open area.

Own niyo yung gym, mga slapsoil? Di kayang ipasa-sogo hotel?

Ayaw ko namang tuluyang masira ang mood ko kaya hopeless naman akong nagpatuloy sa paghahanap sa mga kaibigan ko.

Pero wala talaga. Marami raming students rin kaya zero chance na rin ang makakasama ko sila ulit. I managed to message Gigi naman na saying nawala ako ng track sakanila and I’ll try to find them pa rin.

Kaso malamang, mamaya pa niya yun mababasa.

 

Gising na ang mundo

Zeppelin sa radio

Inaantok pag-uwing nagmamaneho

Bubog sa kalye, hindi na bale

Speed limit ay para sa matandang ale

 

Nagsimula na ang kanta. Kaya kinuntento ko nalang ang sarili ko na mag-stay muna dito sa may bandang likod.

Kitang kita ko pa rin naman yung tumutugtog, Shirebound and Busking ang nakasalang sa stage. One of the few bands I know dahil nakikinig kinig rin ako sa kanta niya.

 

Sila ulit ang kasama
Sayang wala ka
Ihahatid pa naman kita sana

Kahit ang bahay mo ay di malapit
Girl that I bumped into during the mosh pit

 

Medyo maingay ang kanta kaya yung iba ay nagtatatalon na rin at nakikihype sa pagtugtog ng banda. Malayo sa mga pinapakinggan ko sakanya, yung mga mellow ones.

Habang nagtatatalon ang mga estudyante sa may harapan ko, napansin ko naman ang katabi kong hindi sumasabay sa pagtalon di gaya ng nasa kabilang side ko.

I don’t know if I’ll be surprised pa rin kasi, siya na naman ang nakita ko.

Si Winter, katabi ko ngayon na nakamasid lang sa tumutugtog at walang pakielam sa paligid niya.

Napansin niya ata ang pagtitig ko sakanya kaya napatingin siya sa direksyon ko. She didn’t look surprised at all.

Sinusundan niya ba talaga ako?

“Oh, you’re here?” parang gulat niya pang tanong. Pinanliitan ko siya ng mata.

Nang-aasar ba to o ano?

“Uunahan na kita, hindi kita sinunsundan at hindi ko alam na ikaw pa mismo ang makakatabi ko ngayon.”

“Chill. You sound defensive.” I coolly replied dahil sa sentiment niya. I wasn’t even saying anything kaya.

“Oh c’mon. I know you, Karina. I was just saying lang din.”

Nagwawala na ang mga estudyanteng nakapaligid samin kaya medyo napapatulak ako sakanya dahil ang gugulo ng mga students.

Naramdaman ko naman ang hawak niya sakin sa braso dahil napalakas ang pagtulak sakin at napakapit tuloy ako kay Winter.

Damn, these students got no chill.

“Okay ka pa?” Rinig kong tanong ni Winter habang hawak pa rin ako sa braso.

Tumango naman ako. Magaayos na ulit para makatayo na sana ako ng maayos kaso nasubsob na ako ng tuluyan kay Winter dahil sa mga nagtutulakang grupo sa may bandang right ko.

Agad agad naman akong nasalo ni Winter at nalipat ang isa niyang kamay sa may likod ko.

Para tuloy akong nakakulong sa bisig niya. Kita ko rin na magkalapit ang mga mukha naming dalawa nung tumingala na ako.

And I swear, I never thought mapapalunok ako nang mapansin kong kokonti lang ang pagitan naming dalawa habang hawak niya ako.

 

Ako lang ba ang nakakaalala

Ironic kung di mo pala 'ko kilala

To bear a phrase and translate Ang Bandang Shirley

 

"Being with you feels like I'm home already…" Pagsabay niya pa sa kanta. Rinig ko dahil medyo kumalma na ang surroundings namin at nanatili pa ring ganun ang pwesto namin.

Napakurap nalang ako. Habang siya, nakatitig lang ng diretsa sa mata ko at humigpit rin ang paghawak niya sa kamay ko.

What is happening??????

 

 

 

 

“Ano pang ginagawa mo dito?” I didn’t mean to be rude nung tinanong ko yan kay Winter. Pero she’s been beside me kasi since kanina. Baka lang gusto niya nang umuwi, pero she’s staying with me-

“Hinihintay ko mga kaibigan ko.”

Oh.

Sabi ko nga.

“Ahh...” Napatango nalang ako at tinuon ang pansin ko sa cellphone ko to check if Giselle replied na.

Thank God naman at nabasa niya, saying papalabas na raw sila ni Ning.

Naghihintay pa ako rito with Winter beside me at ganun pa rin naman. Tahimik lang.

Until may nilabas siya sa bag niya. She pulled out five red and white roses then turned to me saka nakatingin lang sakin.

Nakakailang titig na siya sakin this day alone.

Tinaasan ko naman siya ng kilay at bumalik ang tingin ko sa mga rosas na hawak hawak niya. Infairness, hindi pa lanta.

Huminga muna siya ng malalim at inabot nang tuluyan sakin ang mga roses.

“Sure kang para sakin to?”

“May nakikita ka bang ibang tao dito na mapagbibigyan ko?” Pilosopong sagot niya sakin kaya nag-cross arms ako sa harapan niya at tinignan siya ng mataman, “Baka kasi ipapaabot mo lang sakin. I was just making sure.” I cheekily responded.

“Para sayo tong mga to.” I suspiciously looked at her but she kept her cool. Nakatingin lang siya sakin at nakaabang lang na tatanggapin ang mga inaabot niya.

“Look, di naman kita pinipilit na tanggapin tong mga to. Pero these are really for you.” Medyo sincere niyang sambit kaya I clicked my tongue muna before I accepted the flowers.

“Thanks. Pero why did you bother to give me though?”

Tinignan ko ang mga roses at ang kulay nila. Red and white. Buti red and white?

Binalik ko ang tingin ko sakanya saka motioned her to answer my question. But instead speaking up, she just smiled at me.

“You deserve them kasi.”

And with that, she left me na nakatayo at confused. I’m so confused. Ano bang gusto niyang iparating?

“Hoy bruha ka. Naligaw ka lang, may date ka na? Nagkadate ka na? Gaga ka talaga.” Tuloy tuloy na pangungutya sakin ni Ningning.

Nakarating na pala sila at kasama ko na sila ngayon. Masyado akong na-preoccupied sa iniwan ni Winter sakin.

Sa mga nangyari ngayong gabi actually.

“Tara na, kakain pa tayo. Gutom nako!!”

We started walking na towards sa parking lot. Giselle will drive us home naman since she insisted kanina.

Nakasakay na kami sa kotse pero hindi pa rin maalis alis sa isip ko ang mga rosas at si Winter. Parang something’s bothering me about sa roses, and their meaning behind it.

I swear, I know there’s a meaning behind the choice of colors nung mga roses. We once talked about it kasi sa art app subject namin.

I’m just remembering kung ano yung meaning nung color.

Ahh, wait. Wait!! Teka, I remember taking notes sa phone ko about it.

Scroll, scroll, tap, tap, tap. Ayun! Nahanap ko na sa mga notes ko.

‘Dark pink roses – symbolizes thank you, or pasasalamat

Light pink – sympathy

Yellow rose – freedom and joy. So if sa break up binigay, bye bye jowa na

Red and white – symbolizes unity. If nakikipagbati ang jowa mo, most likely ganito ang ibibigay’

Oh.

Oh.

Unity? Nakikipagbati? She wants to make bati sakin?

Ohh.

Okay.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
brokenheartssavior
Lah teka, teka,, maraming salamat pala sa 400k subs at sa mga nag-upvote mga pri! :"))

Comments

You must be logged in to comment
Slgyyy
800 streak #1
Chapter 8: Chapter 8: The moment I read yung "TSU", i was like, taga Tarlac author nito?
Gab_17
#2
Chapter 35: Hala kata Wintottt! Hahahaha sana may next chapttt.
yujisaurus
#3
Chapter 17: medyo may kirot 🥲😞
yujisaurus
#4
Chapter 2: rueiskdhdjdjd kinikilig rin ako!!!
yuyuyujimin #5
Chapter 6: what the this is soooo cuteeee bat ngayon ko lang to binasa 😭😭😭
CincoYoo
#6
Chapter 35: uyy!
stillintoyu
201 streak #7
Chapter 1: KINIKILIG AKO
maxiclaine #8
Chapter 3: nasa ex ba ang tru lab? pano naman akong walang ex?
maxiclaine #9
Chapter 2: ETO UNG DOWNSIDE NG FLUFF EH. NAIINGGIT AKO SOOOOO MUCH!😭 PLS UNG PUSO KO ANG BILIS NG TIBOK! SHUTAAAAA. ME, WHEN TALAGA?!😭
maxiclaine #10
Chapter 1: gusto ko magmura kasi naiinggit ako. shutaaanginaaa. me when?😭