Graduate na sila!

Scraps

“Oo, crush kita. Bawal ba?”

Diretsahan kong sinabi yan habang nakatingin ako sa kanyang mga mata.

Ilang minutong katahimikan bago niya tuluyang basagin ito at umuusbong ang pag-ngiti ng mga labi niya.

“I know right.”

“Of course you’ll know. Wala naman akong balak itago sayo, miss President.” saka ko siya nginitian.

Naramdaman ko ang paglagay niya ng bandaid sa sugat ko. Marahan niya pang hinaplos ang pisngi ko saka ito mahinang ni-pat pagkatapos.

Inayos naman niya yung pinanggamutan niya sakin at tinago ulit ito sa bag niya.

“Yeah. Kahit anong tago mo naman, makikita’t makikita ko pa rin.” Sagot niya while roaming around sa unit ko at tinapatan yung salamin kong nakasabit sa dingding, “The eyes never lie, Winter.”

Nakamasid lang ako sa kung anong ginagawa niya. Doon ko lang nakita na nakatingin na pala siya dun sa picture na nakaipit sa salamin, yung picture namin sa photobooth.

Kitang kita ko ang repleksyon niya sa salamin at halata naman na ang tingin niya ay nakapako lang dun sa last shot nung photo film.

Kahit masakit ang katawan, nilapitan ko siya saka pumwesto sa likod niya para tignan rin yung picture naming dalawa.

All shots were taken well pero yung last photo yung pinaka-favorite ko. Na kung saan nakapikit siya and genuinely smiling at the camera while me, I was looking at her lovingly and ready to risk it all with a smile plastered on my face.

Syempre naman noh. Ikaw kaya tumitig sa katulad ni Karina, hindi ka mapapangiti while adoring her beautiful figure?

“Ang cute pala natin together,” saka niya kinuha yung letrato. Napangiti naman ako dahil hindi naman siya nagkakamali.

Bukod sa cute kaming dalawa, we also looked good together rin. Bagay na bagay. Shet.

“Don’t you think mas cute if we will be together?”

“Hmmmm,” she tilted her head while still looking at the picture saka na tumingin sakin.

Our eyes met for the nth time and I couldn’t help but to get lost in her gaze over and over again.

“You’re not even sure kung mutual ba ang feelings tas you’re asking me that?”

“Oh please, Karina. We both know we’re not that dense sa isa’t isa. I could feel you have something rin para sakin. Sa cute kong to?” I cheekily said kaya naparoll eyes naman siya.

“Ang kapal talaga ng face mo. What are the instances that made you believe your hunch? Sige nga?” nag-cross arms pa ang ate niyo.

“Hmmm let’s just say I accidentally saw na ikaw pala yung sender nung playlist na natanggap ko noong may activity tayo sa Elective natin.”

Dahil sa tugon ko na may bahid pang pang-aasar, visible na sa mukha niya yung confusion na kalaunan ay nanlaki rin ang mga mata niya. 

Natawa na ako nung nakita ko yung reaction niya kaya napahampas na tuloy siya sa braso ko.

“Paano mo nakita yun? Ughh, sabi ni ma’am our identities will remain anonymous!” asar niyang sambit kaya natawa ako lalo dahilan para hampasin pa ako.

“Karina naman eh, masakit oy. Tama na okay stop na, eto na titigil na.” Pigil tawa kong sinasalo ang mga hampas niya.

Makahampas naman tong si miss President parang di ko lang kakagaling sa rambol ah.

“Ughh whatever. Daming alam naman kasi ni ma’am.” Tinignan niya ako ng masama nung napansin niyang hindi talaga ako matigil sa paghagikgik sa tabi niya. “Tuwang tuwa ka naman? Hindi lang ikaw yung ginawan ko ng playlist. Marami kayo prior sa activity na yun!”

Sinundan ko siya sa pag-upo sa kama ko at tinabihan ang asar na asar na Karina.

Ang cute niyang mapikon. HAHAHAHAHA

“Sana man lang sinubukan mo pang i-lowkey yung playlist, Rina. Eh kaso sa picture palang halatang halata na para sakin talaga yun eh. Winter season,”

“Gustong gusto mo naman as if na I’ll give you chance talaga noh.”

Doon ako natahimik at seryosong tumingin sa kanya.

“Fine. I like you but that doesn’t mean we we’ll be together in an instant,” hawak pa rin niya yung letrato namin saka mataman niya itong tinitignan.

“I’ll finish my studies first.” She sternly announced nang tumingin na siya ng diretso sa aking mga mata.

Hindi ako sumagot. Inayos ko ang mga humaharang na hibla ng buhok niya sa maganda niyang mukha bago siya bigyan ng masuyong ngiti.

“Walang kaso sa akin yun. I can wait for you,”

“How? Dalawang taon pa bago tayo ga-graduate. Makakaya mo ba ng ganun katagal?”

Hinawakan ko ang kamay niya at marahan itong hinaplos haplos gamit ng hinlalaki ko, “I can and I will wait for you kahit gaano pa katagal yan,” I paused muna saka dinala ang kamay niya sa mga labi ko at hinagkan ang likod nito, “Because I know damn well you’re worth it, Karina.”

Ramdam ko ang mga titig niya. Humigpit ang paghawak ko sa kanyang kamay. And the next thing I knew, hinila niya ako papalapit sakanya at yumakap sa leeg ko. Parang automatic naman na napayakap rin ang mga kamay ko sa bewang niya.

“You better stick to your words, Kim Winter. Panghahawakan ko talaga yang mga yan.”

“Para namang hindi mo ako kilala, miss president. May paninindigan ako. Kung gusto mo, panindigan pa kita hanggang sa tumanda tayo eh.”

“Che. Buhusan kaya kita ng alcohol?”

“Grabe. Ang violent mo talaga kiligin noh?”

Pareho nalang kaming natawa at bumitaw na sa yakap.

Napukaw na naman ulit ng atensyon ko yung picture na hawak hawak niya.

Tama siya. Ang cute pala talaga naming dalawa.

 

 

 

 

*2 years later*

 

 

Punong puno ang gymnasium ng kulay itim na toga at may seremonyas na nagaganap.

Mga estudyanteng halo-halo ang emosyon na dinadama habang binibigkas ng kanilang College Dean ang kanilang mga pangalan para umakyat sa entablado at kunin ang pinakamatagal na inaasam asam- ang diploma.

Graduation day na sa para sa College of Arts and Social Sciences: Psychology Department. Mga nagpapalakpakan at hiyawan ang mga iilan ring maririnig sa loob ng gym.

Maraming estudyante pa rin ang natatawag hanggang sa umabot na sa pinakahuli at pinakahihintay ng lahat, walang iba kundi ang Summa Laude ng kanilang batch na si Karina Yu kaya bonggang bongga ang palakpakan at hiyawan nang siya na ang tumanggap ng kanyang mga medalya at diploma.

Sa gitna ang mga malalakas na pagch-cheer mula sa mga estudyante, may isang tao lang naman na sakanya ay proud na proud kung makatingin at tuwang tuwa sa na-achieve ng kanilang President. Punong puno ng ngiti ang mga labi habang pumapalakpak pa ring nakatingin sa babaeng nasa entablado at binibigkas na ang kanyang speech.

Muling natahimik ang paligid ng gym nang simulan na ni Karina ang pagsasalita.

“I would like to express my gratitude as well to the person who helped me through out these past years. She’s the person who always looked over me. Yung eagerness niyang tumulong hindi lang sakin kundi pati na rin sa mga blockmates namin na nahihirapan inspired me to be a good leader and president of our batch even more.”

“But other than that, I can say this person became my companion and my other half. Hindi ako pinabayaan and laging nandiyan to remind me na okay lang magpahinga. Na may kasama at kaagapay ako. Thank you for being always there when things get rough, may it be acads or personal life. Thank you, Kim Winter. We made it.”

Matapos banggitin yun ni Karina ay siya naman ang paghiyaw muli ng mga estudyante. Yung mga katabi ni Winter? Ayun, pinaghahahampas dahil hindi kinaya yung kilig na dulot ng litanya ng kanilang presidente.

Mga ilang minuto rin bago kumalma ulit ang paligid at natapos na ni Karina ang kanyang speech na sinalubong naman ng masigabong palakpakan na nagmula sa mga faculty and staff, students, and of course Kim Winter na namumula sa gedli.

Nag-bow na si Karina bago bumaba at tumuloy na sa kanyang upuan. Pero syempre, bilang mahaharot na earthlings ang ating president at vice president, they exchanged glances muna at nagngitian na parang sila lang ang mga tao sa earth. Matatawag nating swerte para satin ang lagay nila na hindi magkatabi dahil kung nagkataon, hindi na yan sila maghihiwalay sa kanilang mga upuan.

Tapos na ang seremonyas. Nakanta na ng graduation song at iconic picture picture nalang ang nagaganap sa gymnasium.

“Winter!”

“Karina!!”

Matapos nilang makipag-picture sa mga kaklase, batchmates at mga gustong makipagletrato sakanila. At tulad ng mga nasa drama scenes, naghahanapan ang dalawang officers at nung nakita na ang isa’t isa, sila ay nagtagpo na sa gitna.

“Hi president.” ngingiting bati naman ni Winter nang nasa harapan na niya si Karina.

Parehong nakatoga, dala dala ang mga diploma at may mga medalyang nakasabit sa parehong dalaga na ngayon ay halos mapunit na sa kakangiti ang mga mukha.

“Hi vice president.” pagbabalik bati naman ni Karina at natawa dahil sa kanilang inaasta.

“Congrats!!” Hindi na napigilan ni Winter ang pagyakap sa kapwa niyang officer slash iniirog dahil sa sobrang tuwa na kanyang dinadama. Muntikan pa nga niyang mabuhat si Karina, sobra sobrang adrenaline ang dinaramdam kaya naman natawa na rin si Karina sa kacute-an ng vice president niya.

Nanggigil ba naman habang kayakap eh.

“Proud na proud ako sayo, kung alam mo lang.” All smiles ni Winter at slightly teary-eyed pang binanggit.

“Awww, iiyak ka na ba niyan?” Pilyang asar ni Karina kay Winter na hinampas lang siya sa braso. “I couldn’t have done it without you by my side, Win. So thank you.” Genuine niya pang habol at hinaplos ang pisngi ni Winter.

“Alam mo namang hindi kita pababayaan.”  Sagot naman ni Winter na ikinangiti naman ng wagas ni Karina.

Bigla namang pinahawak ni Karina ang diploma niya sa kanyang tabi at hinubad ang isa niyang medal saka sinuot kay Winter. Ikinagulat naman nito ng bagong sinabitan ng medalya at nakatingin lang kay Karina, “Thank you so much, Win. Sa lahat lahat.”

Humigpit naman ang pagkakahawak ni Winter sa medal na binigay ni Karina at nginitian siya ng matamis, “I love you and I’ll always be by your side.”

After Winter said that, Karina pulled her for another hug at siniksik pa ang mukha niya sa leeg ni Winter. Mahigpit ang pagkakayakap nila dala na rin sa pagiging emosyonal as of the moment. That’s when Winter decided to break the hug and nagsalita ulit.   

“Picture naman tayo oh? Para may remembrance ako sa Summa Laude namin.” Pag-aaya niya at naghanap ng estudyanteng mapapasuyo ng picture taking nilang dalawa, “Excuse me, pwede kami papicture?”

Mabuti naman at may willing na picturan ang dalawang top students saka kinuha yung camera kay Winter.

“Okay! Eto na, 1…. 2… 3…!”

Unang pose, all smiles silang dalawa.

“Isa pa! Oh 1… 2… 3….!”

Another pose, nakaturo si Winter sa katabi niya habang kagat kagat naman ni Karina ang medalya

Mukhang natuwa pa yung picture sa kanila dahil naka-ilang takes din at poses sila in front of the camera.

“Uy salamat ha,” pasasalamat ni Winter nang maibalik sakanya yung camera. Tumango naman yung estudyanteng nag-picture sakanila.

“Wala yun! Ang saya niyo ngang kuhanan, bagay na bagay kayo!” excited niyang sagot.

Natawa naman yung dalawa at napagdesisyunan na tignan yung mga letrato nila.

Parang hindi na talaga matatanggal ang ngiti sa mga labi nila this day. Mula sa start of the ceremony, hanggang ngayong nagtitingin sila ng pictures nila together, bakas sa mukha nila ang tuwa at galak dahil sa sobrang saya na dinarama.

“Uy, ang cute neto oh. Hahahaha” turo ni Karina sa picture nilang nakaakbay sakanya si Winter at litaw na litaw ang gummy smile ng dalaga. 

“Favorite ko to,” sambit naman ni Winter sa picture na nakayakap si Karina sakanyang leeg habang hawak hawak naman niya ang kanyang bewang.

Nagtitingin pa rin sila ng mga pictures nila hanggang sa nagsalita si Winter.

“We really made it, miss president.”

Karina smiled.

“Yeah, we made it, vice president Kim.”

“Ay teka,” napabalikwas sa pwesto si Winter nang bigla siyang may naalala. “May kulang. Picture tayo ulit.” Habol niya pa.

At naghanap ulit siya ng estudyanteng magle-letrato sakanila.

Parang nakuha naman ni Karina ang sinasabi ni Winter.

Muli, nagpose sila sa camera.

“Oh, ready na tayo ha. Dito lang ang tingin. Say cheese! 1… 2… 3…!”

Pagka-flash ng camera, saka naman ang pagtingin ni Winter sa katabi niyang si Karina na automatic ring nakapikit at nakangiti.

Parang yung pose lang nila nung sa last photo sa photobooth.

Ang kaibahan lang, iba yung ngiti ng dalawang dalaga ngayon at nakasuot na ng kanilang mga toga.

Yeah.

Both of them really made it to the top.

:”))

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

a/n: di ko alam kung necessary ba tong update na to pero ayan. di ko naman kayo pababayaang mabitin hashahsaha handog ko na rin at pasasalamat sa 200k subs! Grabe, nakakatuwa kayo pati yung mga comments. happy ako while reading them! maraming maraming salamat huhuhuhu

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
brokenheartssavior
Lah teka, teka,, maraming salamat pala sa 400k subs at sa mga nag-upvote mga pri! :"))

Comments

You must be logged in to comment
Slgyyy
800 streak #1
Chapter 8: Chapter 8: The moment I read yung "TSU", i was like, taga Tarlac author nito?
Gab_17
#2
Chapter 35: Hala kata Wintottt! Hahahaha sana may next chapttt.
yujisaurus
#3
Chapter 17: medyo may kirot 🥲😞
yujisaurus
#4
Chapter 2: rueiskdhdjdjd kinikilig rin ako!!!
yuyuyujimin #5
Chapter 6: what the this is soooo cuteeee bat ngayon ko lang to binasa 😭😭😭
CincoYoo
#6
Chapter 35: uyy!
stillintoyu
201 streak #7
Chapter 1: KINIKILIG AKO
maxiclaine #8
Chapter 3: nasa ex ba ang tru lab? pano naman akong walang ex?
maxiclaine #9
Chapter 2: ETO UNG DOWNSIDE NG FLUFF EH. NAIINGGIT AKO SOOOOO MUCH!😭 PLS UNG PUSO KO ANG BILIS NG TIBOK! SHUTAAAAA. ME, WHEN TALAGA?!😭
maxiclaine #10
Chapter 1: gusto ko magmura kasi naiinggit ako. shutaaanginaaa. me when?😭