Your Name (Part I)

Scraps

"Hoy Kim Minjeong, alas siete na! Tumayo ka na diyan at malelate ka na!" 

Nagising ako sa lakas ng kalabog ng pintuan ko at sa sigaw ni mama nang pumasok siya sa kwarto ko.

"Opo ma! Gising na po!" Nakapikit pa ako sa lagay na to at tinatamad pang tumayo.

Nakarinig na naman ako ng yabag ng paa na nagmumula sa labas kaya napaupo nako ngunit nanatili pa ring nakapikit ang mga mata, "Hoy malelate ka ng bata ka. Maligo ka na!" Sigaw niya muli at tumango tango pako.

Wala pa ako sa sarili. Ayoko pang pumasok.

"Opo ma, eto na nga ho!" Napahilamos pa ako sa mukha ko at huminga ng pagkamalalim saka dahan dahan pang binuksan ang mga mata. Nakita kong medyo makulimlim sa labas at mahina ang buhos ng ulan.

Mas lalo lang akong tinatamad.

Tumingin pa ako sa relo kong nakalagay sa side table ng kama ko at nakitang 6:00 palang ng umaga. Hay nako.

Napailing nalang ako at dahil sa nakita ko rin ang panahon, wala sa sarili ko na namang humiga at niyakap pa ang unan ko. Matutulog nalang ako ulit. Mas mabuti to dahil hindi ko na rin naman malulubayan pa ang kama ko.

"Hoy batugan," nagulat ako dahil may naghampas pa ng unan sa katawan ko kaya napamulat ako ng di sa oras. Bwisit, umagang umaga eh!

"Tatayo ka diyan o iiwan kita?" Tumingin na ako sa ate kong tapos ng gumayak at bihis na bihis na. Handa na para pumasok sakanyang trabaho. 

"Eto na nga po ate, eh." Napabuntong hininga nalang ako dahil alam kong wala na rin akong kawala. 

"Kumain ka na at maligo, ihahatid pa kita." Sabi niya pa bago umalis at tumango nalang ako.

Nagdadabog pa akong nag-ayos ng kama ko dahil tamad na tamad pa talaga ako at masyado pang maaga para kumilos. Kahit araw araw pa namin itong gawin, hindi hindi ako masasanay dahil mas gusto ko pang humilata sa kama saka matulog kaysa pumasok sa school.

Sinuot ko na ang mga tsinelas ko saka tumuloy muna sa aking closet para kunin ang masusuot. Pagkatapos kong i-ready ang damit at towel ko, bumaba na ako para makapaghilamos saka makakain na rin. Naligo naman na ako kagabi kaya kahit half-bath nalang ako ngayon na pumasok. 

Malamig rin naman kasi saka, mabango pa naman ako noh.

Nadatnan ko si Mama na nagluluto pa ng almusal at si Ate naman ay sinusuot ang kanyang sapatos sa sala. 

Tumuloy na ako sa banyo para makaligo na saka kumain pagkatapos.

Eto na naman tayo sa tutulala muna bago magbuhos ng tubig sa katawan. Hinahanda ko muna kasi ang sarili ko dahil alam kong malamig ang tubig. At tama nga ako, taena. Napakalamig ng tubig.

" naman," napasambit pa ako ng malutong na mura saka napapikit. Sana, makalabas pa ako ng buhay dito sa banyo dahil nilalamig talaga ako.

Matapos ang ilang minuto ay minadali ko nang maligo dahil na rin nilalamig na ako sa loob. Baka magkasipon pa ako, mahirap na. 

Lumabas na ako ng banyo na nakabihis na rin saka tumuloy sa hapag-kainan para kumain ng almusal. Nandito na rin si Ate na mukhang hinintay pa akong matapos para sabay kaming kumain. Nakahain na rin ang dalawang pirasong itlog saka hotdog, tapos sinangag at ginisang kangkong pati pritong talong. May kape na ring nakahanda saka hot milo na mukha namang para sakin dahil hindi nila ako pinapainom ng kape.

"Halika na at kumain na tayo, malelate ka sa first day mo," pag-aaya ni ate nang makaupo na ako sa tabi niya. Nagdasal muna kami bago kumain saka na rin nagsimulang sumubo ng kanin pati ulam.

"Yan lang ang kakainin mo? Dagdagan mo nga," nakita kasi ni ate ang plato kong hindi puno ng kanin at kalahating hotdog lang. Tinignan ko nalang siya na dagdagan ang kanin ko sa plato saka na rin binigyan pa ng itlog. 

"Minjeong, nangangayayat ka na nga hindi ka pa kumakain ng maayos," litanya niya nang tapos na niya akong asikasuhin. Nakatingin lang ako sa plato ko na ngayon ay nadagdagan na. Para akong nalulula sa kanin.

Tinatamad kasi akong kumain. Parang konti lang, mabubusog na ako ganun. 

"Ate, wala akong ganang kumain saka busog pa ako."

"Wala ka pa naman kinain." 

"Okay lang ako ate." 

Natapos na kaming mag-almusal at pinilit ko talaga ang sarili kong ubusin yung nasa plato ko. Hindi naman sa ayaw ko yung ulam namin at pagkain ngayon, agad agad lang talaga ako nabubusog. 

"Ma, una na po kami," humalik pa sa Ate sa pisngi ni Mama na nasa sala at nanonood ng TV kaya sumunod na rin ako saka humalik na rin sakanyang pisngi. 

"Ma, alis na po kami ni ate." Paalam ko kay Mama nang tapos akong humalik sa pisngi niya, tumango tango naman siya at kumaway pa samin ng kapatid ko.

"Mag-iingat kayo ha. Taeyeon, wag masyadong mabilis sa daan. Umuulan ngayon." Pagpapaalala pa ni Mama habang hinahatid pa kami sa garahe. Sumang-ayon naman si Ate at sumakay na sa sasakyan. 

Pumasok na rin ako saka inayos na ang seatbelt ko. Tahimik lang kami ng kapatid ko habang hinahandang ilarga ang sasakyan. Bumusina pa si Ate kay Mama bago kami tuluyang lumabas sa garahe saka na nag-drive papalabas sa subdivision namin.

Tumingin ako sa relo ko sa kamay at nakitang 6:35 na, mamayang 7:30 palang naman ang pasok ko pero heto ako ngayon at papunta na ng university.

Isa akong college student. 2nd year na ngayong araw dahil ngayon ang araw ng pasukan namin. Kapansin pansin naman na hindi ako excited dahil una, maulan ang panahon. Mas nakakatamad pumasok. Pangalawa, hindi ba't ang tanda ko na rin para maging excited pa sa first day of classes? Hindi na ako high school. Pasakit lang ang pagpasok sa eskwela.

Tahimik lang kaming dalawa ng kapatid ko habang nagba-byahe. Hindi rin kasi siya gaanong madaldal katulad ko. Kadalasan, mas gusto naming manahimik at makinig ng playlist niya habang nagba-byahe ng kaming dalawa lang. 

Pero kahit ganun, nandun pa rin yung pagmamahal at pagaalaga niya sakin na kapatid niya. 

Ganun rin naman ako sakanya eh.

Nakatingin lang ako sa labas at pinapanood lang ang dinadaanan namin. Naramdaman ko naman na nag-vibrate ang cellphone ko kaya kinapa ko ito sa bulsa at kinuha ito.

'From: Aeri

Min, billiards mamaya?'

Hindi pa nga lumilipas ang araw, mukhang gusto ko na matapos dahil sa bilyaran na yan.

'To: Aeri

G lang' 

'From: Aeri

Sayo car ah' 

'To: Aeri

Ge' 

Tinago ko na muli ang phone ko matapos kong replyan ang kaibigan ko. Tumingin naman ako kay Ate na ang tingin ay nasa daan lamang habang nagd-drive.

"Ate, pahiram ng kotse mamaya," pagpapaalam ko sakanya saka tumingin sa harapan namin.

"Bakit?" 

"May pupuntahan lang,"

"Saan?"

"Jupiter." 

Saktong naabutan kami ng red light kaya tumingin sakin ang kapatid ko, blanko ang mukha at tumingin rin ako sakanya.

"Sige, ibalik mong maayos ha," sagot niya naman saka tumango nalang ako't binalik ang tingin sa labas. 

Ilang sandali pa ay narating na namin ang university kaya nagpaalam na rin ako kay ate. Ngunit bago ako tuluyang makalabas ng kotse, binilin niya pa sakin na sabay kaming uuwi dahil kung kukunin ko sa trabaho niya ang sasakyan, magco-commute siya at ayaw niya naman yun.

Kaya susunduin niya ulit ako dito sa campus mamayang pagka-out ko. 

Hindi naman hassle dahil milagro lang na halos magkasunod lang ang oras namin ng ate ko ang out namin sa school at trabaho.

7:15 palang at nakapasok na ako sa loob ng univ. Hindi pa rin tumitila ang ulan kaya kahit gustohin ko mang tumambay muna sa may field, naisipan ko nalang na pumunta na sa room namin kahit ayaw ko pa talagang pumasok.

No choice eh. 

Umakyat na ako sa floor namin at buti nalang, 2nd floor lang ang room na papasukan namin ngayong subject.

Humanap na ako ng pwesto pagkapasok ko sa room dahil may mga iilang estudyante na rin pala na nandito. Ang aga nila. 

Pinili ko yung sa likuran. Okay na dito, para walang istorbo.

Habang naghihintay ng oras, naisipan ko na rin na mag-soundtrip muna dahil eto lang naman ang ginagawa ko sa tuwing nabo-bored o kaya ay walang ginagawa.

Now Playing: Kung Wala Ka - Hale

Tamang tama para sa malamig at maulan na panahon. Kinuha ko na rin ang notebook ko para mag-drawing ng kung ano anong maisip kong iguhit dun nang may biglang umupo sa tabing upuan ko. 

Napatingin naman ako sakanya at nakitang nakatingin din siya sakin saka binigyan ako ng isang malaking ngiti bago niya inayos ang gamit niya sa bangko niya. 

Hindi ko nalang ito binigyan ng pansin at nagpatuloy na lamang sa pagguhit guhit ko dito sa notebook ko. 

Nararamdaman ko naman ang pagtitig netong katabi ko sakin at parang inaaral pa ang pagmumukha ko.

Cute ako, alam ko naman yun. Pero naiilang ako sa ginagawang pag-tingin netong babaeng katabi ko ngayon. Tas bigla rin siyang tatawa ng mahina. 

Nakakatakot na ah.

Nadidistract ako kaya napahigpit nalang ang paghawak ko sa ballpen ko at naisipan siyang harapan.

"May problema ba, miss?" Tanong ko sakanya at nakita siyang nakatingin na sa notebook kong puno na ng drawing.

"Ha? Ah, wala. Ang galing mo talagang gumuhit, noh?" Napakunot ako ng noo dahil sa tono ng kanyang boses. Kung makapagsalita parang kilala talaga ako? 

Sa pagkakatanda ko, ngayon palang naman kami nagkita?

"Oo?" Walang sigurado kong pagsagot at nagulat nalang ako dahil kinuha niya ang notebook ko saka tinignan ang mga drawing ko doon.

"Huy ano ba," 

"Marunong ka talagang gumuhit, Winter."

Ano raw? Winter? 

Kailan pa naging season ang pangalan ko?

"Uhh, sorry miss? Winter?" Pagtatanong ko naman sakanya at naguguluhan sa inaakto't mga sinasabi niya. 

Ano bang trip neto sa buhay niya?

"Oo. Winter. Diba yun naman ang pangalan mo?" Napataas na ako ng kilay at napakunot ulit ang noo. Ano bang pinagsasabi niyang ako si Winter?

"Miss, baka nagkakamali ka ng tao. Hindi ako si Winter."

Tumigil siya sa paglipat ng pahina ng notebook ko at tumingin na sakin saka naningkit rin ang mga mata. Naguguluhan naman akong nakatingin pa rin sakanya dahil sobra na rin ang nawe-weirduhan sa sitwasyon ngayon.

"Ikaw nga si Winter. Hindi ako pwedeng magkamali," pagpupumilit niya kaya natawa nalang ako. Sige, idadaan ko nalang sa tawa ang kalokohan na ginagawa netong katabi ko ngayon.

"Miss, hindi Winter ang pangalan ko. Minjeong." Saka tinignan siya sakanyang mga mata.

Ang ganda pala ng mga mata niya, ngayon ko lang napansin. Ang inosente nilang tignan.

"Minjeong? Hindi ba Winter? Pero sigurado akong ikaw si Winter!" Halos sumigaw pa siya dahil parang hindi pa siya makapaniwala sa pangalan ko. Medyo nawawala na yung pasensya ko sa pakikipagusap dito sa babaeng to ah.

Kahit maganda siya, walang wala yun dahil nagmumukha siyang weirdo sa mga sinasabi niya.

"Inaya mo pa nga ako ng date kahapon, Winter eh," habol niya pa at saka nag-pout. What the hell? Date?!

Saan niya ba kasi galing yung Winter na yun?!

"Miss, ang lakas naman ng trip mo. Hindi nga ako si Winter. Kim Minjeong nga ang pangalan ko," naiinis ko ng sambit dahil nawawala na talaga ang pasensya ko sakanya.

Nakatingin lang siya sa akin at parang naliwanagan. 

Nahalata na siguro ang pagkaseryoso sa boses ko.

Tinignan ko pa rin siya at binawi na sa mga kamay niya yung notebook ko saka tinago na ito sa bag. Wala na, sira na ang araw ko. Salamat sa babaeng biglang tumabi lang sakin para pagtripan ako ng husto.

"No, it can't be," rinig ko pang bulong niya at napasandal nalang sa upuan niya.

Asar kong binalik ulit ang earphones sa tenga ko saka nalang tumingin sa labas.

Nawala ang mood ko lalo dito sa katabi ko.

 

Natapos na ang dalawang subject at halos patapos na rin ang third subject namin ngayong umaga. Straight kasi ang shift ko ngayong morning, walang break kaya medyo nakakaramdam na rin ako ng gutom. 11:30am ang out namin at huling pagkatingin ko sa orasan ay 11 na. Konting tiis nalang, makakalabas na rin ako dito.

Naiinis pa rin kasi ako sa katabi ko. Magmula kaninang nag-start ang discussion namin, panay ang tingin niya sakin. Susulyap sulyap tapos kapag mahuli ko biglang babaling na naman ang pansin sa prof naming nagd-discuss sa harapan.

Wala ba siyang pakielam kung may mamiss man siyang topic o ano?

"That's all for today, class. You're dismissed." Pagkasabi na pagkasabi nun ng prof namin, inayos ko na ang mga gamit ko saka handa ng umalis sa classroom. Pagkalabas ko naman, naramdaman ko naman na sumunod ulit sakin yung babaeng nakatabi ko kanina. 

Takteng yan. Kailan niya ba ako lulubayan?

"Huy, saglit lang, huy. Huuuy, Winter!" Narinig ko pang pagtawag niya sakin dahil binilisan ko ang paglakad ko. Nakababa na rin ako at sinusubukan kong hindi niya ako mahabol pero dahil matangkad at mahahaba ang mga biyas niya, nahahabol niya pa rin ako. 

Napapikit nalang ako at hinarapan na siya,

"Miss, ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi ako si Winter. Pwede bang lubayan mo na ako?" Mahinahon ko pang pakiusap at pinipigilang wag mainis sa babaeng kaharap ko ngayon. Halos pagtinginan na rin kasi kami dahil nasa gitna kami ng hallway,

Nakatingin lang naman siya sakin at biglang napalunok. Nang maramdaman ko naman na hindi siya magsasalita, tumalikod na ulit ako sakanya at paalis na sana nang bigla niya akong hablutin sa braso at kinaladkad ako.

"Miss, ano bang problema mo?! Bitawan mo ako!" 

Hindi siya nakinig habang nagpupumiglas ako sa hawak niya. Narating na namin yung rest room dito sa first floor at bigla bigla niya naman yun nilock pagkapasok na pagkapasok namin dito.

Napatingin naman ako agad sakanya at naguguluhan na talaga sa inaakto niya. Tumingin naman siya sakin pagkatapos niyang nilock ang pintuan ng banyo.

"Winter,"

"Hindi ako si Winter." Matigas na pagtatama ko sakanya.

"Okay, sorry. Uhm Minjeong, I need you to listen carefully sa mga sasabihin ko." Mahinhin niyang sambit habang nakatingin pa rin sa akin. 

Napakunot naman ako ng noo sakanya at tumingin sa pintuan ng banyo. Mabilis akong pumunta dun at palabas na sana kaso naharangan niya ako't nahawakan sa magkabilang balikat saka isinandal sa pintuan. Napalakas pa ang pagkakasandal niya sakin kaya naramdaman ko na humampas ang likuran ko sa pinto. 

", ano ba?!" Napamura na ako dahil sobra sobra na ang kalokohan netong hindi ko naman kilala at sobrang weird na babaeng to! 

"Makinig ka lang sa akin, importante ang sasabihin ko," pakiusap pa niya habang hawak hawak pa rin ako sa balikat, humihingal pa siya at kalaunan ay humarap na sa akin.

Konti lang ang pagitan ng mga mukha naming dalawa.

Seryoso ang mukha niya ngayon at nakatingin lang ng diretso sa mga mata ko. 

Nakakunot pa rin ang noo kong nakatingin sakanya pabalik at halos nagtatagal na rin kaming naglalabanan ng mga tingin sa isa't isa.

"Ano bang trip mo, Miss? Pwede ba wag mo akong idamay?" Matigas kong sabi sakanya ngunit parang wala lang sakanya ang narinig. 

Bumuntong hininga siya at dahan dahan akong binitawan saka napapikit. 

"I'm sorry, I must went over board siguro," 

"You really did." 

Tinignan ko muna siya ng matalim at inayos ang sarili ko saka pinagpag na rin ang damit ko.

"Can you just please let me explain kahit saglit lang? Kahit yun lang," hindi ko siya pinansin at tumuloy na sa sink para maghugas ng kamay. Pupunta na ako ng cafeteria nito para kumain. Masyado na akong naiistress dito sa kasama ko ngayon.

"Win- I mean Minjeong, hindi mo ba talaga ako naaalala?" Tanong pa niya habang naghuhugas ako ng kamay.

"Hindi."

Sa totoo lang, hindi talaga. Ngayon ko nga lang din siya nakausap at nakita tapos ganito na agad yung first encounter namin. 

"Kahit yung kahapon? Yung mga nakaraang araw?" Pagtatanong niya pa kaya natigil ako sa paghugas at humawak sa gripo,

"Hindi nga. Tsaka, ngayon lang kita nakita at nakausap." Saka ko sinara yung gripo at tumingin sa salamin. Nakita ko naman ang repleksyon naming dalawa. Nakaharap siya sa akin at ako naman ay nakatingin sa sarili ko habang pinapatuyo ko ang mga kamay ko sa hangin.

Nakita ko naman siyang humarap na rin sa salamin at halata rin sa mukha niya ang pagkabigla saka pagkagulat. 

Narealize na ba niya na mukha siyang tanga ngayon? 

"Kamukha ko nga talaga siya..." Sambit niya saka pa siya lumapit lalo sa salamin at hinawakan pa ang mukha. 

Sa ganda niyang yan, may kamukha pa pala siya? Parang nag-iisa lang kasi yung tipong kagandahan niya eh.

Bumaba ang tingin niya sa may dibdib saka sa mga kamay niya na parang mainam niya talaga itong tinitignan saka binalik ang tingin sa salamin.

"Ngayon lang ba kayo nagkita?" Tanong niya bigla sakin. Naguluhan naman ako sa tanong niya.

Sino? Nino?

"Nino?" 

"Ni Jimin," Napatingin ako sakanya.

Jimin? Sinong Jimin? 

Nakita niya ata ang itsura kong naguguluhan pa rin dahil hindi ko talaga makuha ang sinasabi niya. 

"Si Jimin, yun ang pangalan ng babaeng kinabibilangan ko ngayon," simpleng sambit niya.

Ano raw? 

Kinabibilangan? Anong ibig niyang sabihin?

"You mean, Jimin ang pangalan mo?" Paninigurado ko dahil hindi ko na talaga alam ang nangyayari.

Umiling naman siya, "Ako si Karina," 

"Akala ko ba ikaw si Jimin?"

"Oo, ako si Jimin ngayon," huminto muna siya sa pagsasalita, "pero ako si Karina, ang kaluluwang naligaw sa mundo ninyo," 

What. The. ?

Parang napantig ang tenga ko.

Kaluluwa? Hah, ano yan april fools?

Hindi ko napigilan na matawa sa joke niya, yung sarkastikong tawa ba. 

Kasi hindi na talaga ako natutuwa sa mga pakulo niya. 

"Tapos na ng april fools, Karina," 

Nanatili siyang ganun pa rin ang mukha at inantay muna akong huminahon.

"Miss Karina o Jimin, baka gutom lang yan. Halika na, kumain na tayo." Pag-aaya ko naman sakanya ngunit siya wala pa ring kibo. Nakatingin pa rin sa akin at ako naman ay nawawalan na naman ng pasensya. 

"Hindi ito april fools." Tahimik lang ako na nakatingin sakanya dahil naiinip na rin ako dito sa loob ng banyo.

"Ako si Karina, ang kaluluwa na napadpad dito sa mundong kinabibilangan mo ngayon," dahan dahan niya pang sambit. Sinisiguro niyang nakikinig ako sakanya ngunit nawawalan na rin talaga ako ng interes.

"Oh bakit? Saan ba ang 'mundo' mo?" Nag-air quote pa ako dahil baka sakaling pag pinatulan ko siya, makakalabas na kami dito sa banyo.

"Sa Future."

"What kind of bull is this, miss?"

"It's not bull," lumapit siya sa kinatatayuan ko at nakatingin na ng diretso sa aking mga mata, "I'm dead serious." 

.

 

"That's ed up, Minjeong." Sambit ni Aeri habang sumasargo at ako naman ay hinihintay lang sa aking tira. 

"Damn right." Pag-sang ayon ko dahil naikwento ko sakanya ang nangyari sakin kanina sa banyo. 

Encounter with miss whatever her name is.

Buong hapon kong iniisip yung incident kaninang umaga. Hindi na rin kasi maalis sa isipan ko dahil di rin kasi madaling kalimutan yung itsura at mukha niya. 

Ang ganda niya pa naman kaso, nakakatakot siya.

"Ano nga ulit ang pangalan niya?" Tanong ni Aeri habang pinapanood na niya akong sumargo. Diretso lang ang tingin ko sa bola at saka kumukuha ng tamang pwersa para mapasok ko to sa butas.

"Jimin daw." Simpleng sagot ko lang at tinira na ang bola. Napasok naman ito at nagkalat ang mga ibang bola na natamaan dun sa tinira ko.

"Jimin? Hmmm, parang familiar yung name," inaalala pa niya at napasandal lang sa stick na hawak hawak niya habang nakabalanse ito ng maayos.

"Ahh, oo. Kaklase ko siya dun sa isang subject nung first year." Nakikinig lang naman ako sakanya dahil busy pa rin akong mag-sargo. Lahat ng tira ko kasi, pumapasok.

"She's quiet lang naman as far as I remember. Hindi kumakausap ng ibang tao or blockmates namin noon," kwento pa niya umayos naman ulit ako ng tayo dahil yung last shot ko, hindi pumasok. Si Aeri na ulit ang titira. 

Kinuha niya muna yung chalk saka niya ito pinaikot ikot sa stick niya at pumwesto na para sumargo. 

"She's the one who has a mole under the lips, right?" Pinapanood ko na ulit siya at tumango lang naman ako. 

Naalala ko kasi na may nunal siya sa ilalim ng labi niya kaninang halos magkalapit ang mga mukha namin.

"Well then kung ganon, consider yourself lucky." Napataas naman ako ng kilay sa narinig ko mula sakanya, "I'm sure she's not the type of person na makikihalubilo nalang out of the blue." Pagtutuloy niya sa sinasabi niya.

"More like cursed. I don't get her, Aeri." 

"A beautiful curse?" Sumilay pa siya sakin at nag-wink pa. Naparolyo nalang ang mga mata ko at napailing.

"I told you she's out of her mind." I blurted out and scoffed. Pumwesto na ulit ako para sa aking tira. Apat nalang ang natitirang bola, dalawa sa akin at isa kay Aeri. Yung isa ay ang number 8 kaya dapat maingat ako dito.

"C'mon, baka matagal nang may gusto yun sayo at nagpapapansin lang ngayon," 

"We haven't even met yet," 

"Maybe she's a stalker?" Hindi ako makapag-focus dahil sa mga sinasambit ng kaibigan ko ngayon kaya naman hindi ko sinasadyang mapasok ko yung kulay itim na bola.

Napabuntong hininga nalang ako at natawa naman siya sa reaction ko. Lumapit na siya sakin saka inakbayan, "Pano ba yan, you'll have to buy me lunch for a whole week?" 

Dapat hindi nalang ako nag-agree sa bet namin. Mauubos ang baon ko neto.

Naupo nalang kami sa couch at uminom ako ng juice na nakatimpla sa mini table namin. 

"So, anong balak mo?" Tanong niya sakin habang iniinom ko naman ang juice ko. 

Nagkibit nalang ako ng balikat at inubos na ang ininom ko.

"Kaklase mo siya this sem, diba?" Tumango naman ako at pinaputukan ko pa ang mga daliri ko isa isa. 

"Worst case scenario, kaklase ko siya sa halos lahat ng subjects ko." I sound defeated dahil naalala ko naman na parang magkapareho pa ata kami ng schedule sa mga subject na pnapasukan namin.

"Oh, you'll have to deal with her every day niyan." 

"Yeah." 

Natahimik naman kami muli ni Aeri at iniisip ko pa rin yung mga sinabi sakin ni Karina kanina.

She's from what? Future? That's ed up. 

Sino nalang ang maniniwala sakanya na nanggaling siya sa hinaharap? Wala pa namang nakakaimbento ng time machine tapos, sasabihin niya sakin yun?

Tsaka to be honest, she's not familiar sa akin. Akala ko nga, transferee siya sa block namin but it turns out na since first year pa pala siya nag-aaral sa univ. 

Kung naging kaklase ko rin siya last school year, yun ay ang hindi ko sigurado. Dahil sabi nga ni Aeri, tahimik lang siya at hindi rin kumakausap ng ibang tao. Pati naman ako. Hindi ako nakikihalubilo sa mga blockmates ko kaya baka hindi ko rin talaga siya napansin.

Nakaramdam ako ng pisil sa aking balikat kaya napatingin ako kay Aeri, "Let's have another round, shall we?" Pag-aaya niya at tumango naman ako. 

I need to relieve myself from stress. 

Hindi ko ma-take masyado ang mga pangyayare ngayong araw,

 

~~~~~

 

Umaga na naman at papunta na kami ni ate sa univ para ihatid ulit ako. Just like the usual, tahimik na naman kaya tanging wiper lang ng kotse at pagpatak lang ng ulan sa bubong ang maririnig ngayon. 

Hindi ako nakatulog ng maayos.

Hanggang sa pag-uwi ko ay naiisip ko pa rin si Karina. Hindi niya ako pinatulog dahil inabot rin ako ng alas tres ng umaga bago mapilit ang sarili ko na matulog.

Akala ko ay makakalimutan ko na kinabukasan ko pero yun pa mismo ang unang pumasok pagkagising na pagkagising ko kanina.

Nabibwisit ako dahil kulang ako sa tulog. Madali akong mairita.

Napahinga naman ako ng malalim dahil sa bigat ng mga iniisip ko. 

Hanggang kailan niya ba ako tatantanan? Naaalala ko siya kahit dapat wala naman akong pake sakanya at sa mga sinasabi niya kasi wala rin namang sense yung mga yun.

"Pupunta ka ba ulit ng Jupiter mamaya?" Tahimin na tanong ni Ate nang malapit na kami sa univ. 

"Hindi ko pa alam, ate. Magte-text nalang ako," sagot ko naman at hinanda na ang mga gamit ko. Tumango nalang siya. 

Nagpaalam na kami sa isa't isa nung makababa na ako sa kotse saka na ako tuluyang pumasok sa building namin. 

"Minjeong, my friend!" Nagulat nalang ako dahil may biglang umakbay sakin at napaside pa ang katawan ko dahil ang bigat ng pagkakaakbay niya sa akin.

"Ano na naman, Ryujin," walang gana kong tanong nang mapansin ko ang umakbay sakin.

"Tugtog tayo mamaya? Sa studio?" Magiliw niya pang tanong at pinanggigilan pa ako, "Miss ka na namin kasamang tumugtog," dagdag niya habang pinanggigigilan pa rin ako.

Inalis ko ang pagkakaakbay niya sakin at natawa nalang siya. 

"Pag di ako tinamad." Tipid na sagot ko nalang saka inayos ang damit ko,

"Tara na, magdadalawang isip pa eh." Pagpilit naman niya sakin at inakbayan ulit ako, pero this time maayos na. 

"Tignan ko," sabi ko nalang at tumingin sakanya.

"Nandun naman si-" Tinakpan ko na ang bibig niya at tumango tango na sakanya. 

"Oo na, sasama na." Ngumisi naman siya at inalis na ang pagkakaakbay sakin saka na naunang naglakad, "See you later, Minjeong!" Sigaw niya at tuluyan ng nauna sakin.

 

"Winter." 

"Huy Win- I mean, Minjeong," 

Bwisit. 

Hanggang ngayon, di pa rin niya ako tinitigilan. 

Kanina pang first subject nangungulit pero hindi ko talaga pinapansin dahil baka ano na naman sabihin niya at maistress ako.

Gustuhin ko mang lumipat ng pwesto para makalubay naman sa katabi ko kaso, occupied na lahat ng seats dito sa classroom namin na pinasukan ngayong subj.

"Minjeong-"

Inis na sinara ko ang notebook ko saka humarap na sakanya.

"Ano?"

"Yung about kahapon..."

"Wala yun. Kinalimutan ko na." Malamig na sagot ko at saka bumalik sa pagso-solve ng problem.

"Pero totoo yun, Minjeong." 

Hindi ko siya pinansin at pilit na finofocus ang sarili ko sa problem solving na inaasikaso ko ngayon. 

Lintek na yan. Dumadagdag pa siya sa sakit ng ulo ni hindi ko na nga magets kung ano tong pinapakuha ng problemang nakasaad sa papel namin!

"Wala ka dapat kalimutan. Dapat nga tandaan mo yun. Minjeong, ikaw lang ang masasabihan ko neto-" 

"Look, Karina. Wala akong balak na makinig sa kahit na anong explanation mo. Please, kalimutan nalang natin yun." 

"Totoo nga yun."

"Totoo o hindi, hindi ako interesado. Now will you please-" 

"Tutugtog kayo ng banda mo mamaya."

Napahinto ako sa pagsulat at napatingin na sakanya. 

Paano niya nalaman yun? 

There's no way na malalaman niya ang tungkol sa banda ko dahil wala naman akong nakakausap tungkol dito.

Paano niya nalaman?

"Nairnig mo ang usapan namin ni Ryujin?" Matigas kong tanong. Dahil hindi naman niya malalaman ito ng basta basta lang. Kami lang naman ni Ryujin kanina ang naguusap habang naglalakad sa hallway.

Unless, she heard us kanina at baka nakasabay lang namin siya na maglakad.

Umiling naman siya at nagsalita muli,

"Dun sa studio ninyo, you'll play the bass but eventually kakanta ka rin dahil pinilit ka ng mga kasama mo," 

What? 

Naguguluhan na akong nakatingin sakanya pero nanatili lang siyang stoic ang expression ng mukha. 

"Tapos, after ninyo tumugtog, aayain ka nilang mag-walwal pero hindi natuloy kasi may pasok bukas at hindi ka nakapagpaalam ng maayos kay Ate Taeyeon," 

Nagulat nalang ako sa pag-banggit niya sa pangalan ng kapatid ko. How the hell does she know my sister's name?

What is she? 

Who is she? 

Paano niya nakukuhang sambitin ang lahat ng ito na parang wala lang sakanya when it is too much for me process them? 

This is weird.

I looked at her straight in the eye at sinabing,

"You're really weird," 

 

"Guys, guess who's with me!" Masayang pagbati ni Ryujin sa mga kasama namin nang makapasok na kami sa sasakyan. Hindi ko na nahiram kay ate Taeyeon yung kotse dahil kinaladkad na rin ako ni Ryujin pagkalabas na pagkalabas ko ng room. 

Nakita kong sinusundan pa kami ng tingin ni Karina habang pababa ng building pero umiwas rin ako ng tingin sakanya. 

I don't think she'll get it everything right. 

Spontaeneous ang mga kasama ko kaya unpredictable sila kung titignan. 

"Ryu, saan tayo tutugtog?" Tanong ko naman, umaasang sa bahay nila kami tutugtog dahil may studio rin sila sakanila.

"Sa bahay sana," hindi ko alam pero parang naginhawaan naman ang pakiramdam ko sa narinig, "kaso mas gusto nila sa studio. Ang tagal mo na rin kayang hindi tumutugtog! Kaya dapat doon tayo ngayon," masayang pagpapatuloy pa niya.

Nawala ulit ang maliit na ngiti ko sa mukha dahil sa sinabi niya. 

Bat niya pa tinuloy yung sinasabi niya? 

"Eh pano kung gusto ko sa bahay niyo?"

"Kung pwede lang, kaso kasi may bisita sina daddy ngayon. Eh bawal mag-ingay." Malungkot na paliwanag niya. 

Bull. 

Baka nagkataon lang to. Marami pang mangyayare mamaya na pwedeng lumihis sa mga sinambit ni Karina. 

Nakarating na kami sa studio at gaya ng nangyare kanina, nagkamustahan lang kami ng mga iba pang members dahil nagpaiwan pala sila dito. Natutuwa rin silang makita ako ulit at makasama.

"So, ano? Dating gawi?" Panimula naman ni Ryujin nang matapos kami mag-catch up sa isa't isa,

"Game!" 

Nagsiayos na kami at nagpunta na sa kani kanilang instruments na tinutugtog. Ako sa bass, lead guitarist si Ryujin, drums kay ate Moonbyul, ryhthm guitar naman kay ate Seulgi. 

Matapos ayusin ang amplifiier ni ate Moonbyul, nag-thumbs up muna siya samin at tumango tango naman kami.

Tinetest ko pa ang bass ko dahil matagal tagal na rin akong hindi nakakatugtog. 

Sinimulan na ni Ryujin ang intro ng sobrang pamilyar na kanta at palagi naming tinutugtog dati. Ito ang pinakaunang kanta na tutugtugin namin kada magkakasama kami. 

Now playing: Antukin - Rico Blanco

Iniwan ka na ng eroplano
Okay lang, baby, huwag kang magbago
Dito ka lang humimbing sa aking piling, antukin

Nagsimula ng hampasin ni ate Moonbyul ang tambol kaya sumabay na rin si ate Seulgi after ilang beat at may pag-back vocals pa ako kay ate Seulgi habang inaantay kong pumasok ang bass line ng kanta.

Kukupkupin na lang kita
Sorry, wala ka nang magagawa
Mahalin mo na lang ako nang sobra-sobra
Para patas naman tayo, 'di ba?

Halos nakangiti kaming lahat habang tumutugtog at nagtitinginan na rin sa isa't isa habang natutuwa sa kanta.

Sasalubungin natin ang kinabukasan
Nang walang takot at walang pangamba
Tadhana'y mayro'ng trip na makapangyarihan
Kung ayaw, may dahilan, kung gusto, palaging mayro'ng paraan

Mga ilang minuto rin ang nakalipas at natapos naman namin ng maayos ang kanta at halata naman saming apat na nag-enjoy kami sa tinugtog. 

Paborito kasi namin yun.

"Next song?" Sambit ni Ryujin habang inaayos ang buhok. Napatango nalang ako dahil naalala ko yung sinabi ni Karina na kakanta raw ako ngayon. 

Eh mukhang hindi naman mangyayari kaya todo ngiti na pala ako, hindi ko namamalayan.

"Oh, makangiti si Minjeong oh, ngiting tagumpay! Porke nandiyan lang si ano eh," pang-aasar naman ni ate Moonbyul sakin dahil nahuli niya pala akong nakangiti.

Napailing nalang ako sakanya at tumingin na kay Ryujin, "Game?" 

"Game!" 

Hindi ko alam kung matutuwa ako sa narinig kong intro dahil muntikan na rin akong mapaindak at naaalala ko ang bass line neto. 

Nangagapa pa akong mag-bass ulit eh, eto na agad ang isinalang.

"Put your hands up in the air!" Pangh-hype pa ni Ryujin sa mga iba naming kasama na nakaupo at pinapanood lang kami

Now playing: Hey Barbara - IV of Spades

Swabe lang sa pagtugtog ng intro tabs si Ryujin at sinabayan na rin siya ni ate Seulgi. 

Kalaunan ay tinugtog ko na ang bass ko nang on cue na akong pumasok. Ngayon ko lang din narealize na halos pala ay ako ang tutugtog dahil sa walang tigil netong bass line at buti nalang ay kuhang kuha ko pa ang mga tabs neto. 

Olivia!
Tell me if you are satisfied
My dear Sandra!
Someday, you'll be a superstar
Hey, my Ramona!
Eyes are blue from what I can see
Hey, Margarita!
So, you wanna dance with me?

Tapos na ang second verse at buti nalang, makakapagpahinga ng pansamantala ang mga daliri ko sa pagtugtog dahil papasok na yung part na walang bass line. Tanging drums lang ang maririnig saka yung dalawang gitara.

I don't care
What they say
I'm just trying to be one of the boys
So you can't
Change your mind
You can never stand alone in the dark oh, baby, so

Napapaindak na kami rito habang nakatayo't tinutugtog ang aming mga gitara.

Malapit na ang part na kung saan ay ang solo ng bass kaya hinanda ko naman ang sarili ko. 

Sinimulan ko na ang bass solo at paunti unti akong sumasabay sa beat na tinutugtog namin ngayon habang tinutugtog ko ang bass.

"Woooh! Go Minjeong!!" Narinig kong sigaw nila habang gumagalaw ng mablis ang mga daliri ko sa pagpindot ng tabs. 

Feel na feel ko na ang kanta.

"Ang papi mo, Minjeong!!" Sigaw naman ni Yuna na nakaupo kaya napangiti na rin ako at natuwa dahil sa pangh-hype nila sa akin. 

Hanggang sa matapos namin ang pangalawang kanta. Hindi pa rin nawala ang tuwa at ngiti sa mga mukha namin habang tumutugtog.

Buti nalang, sumama ako sakanila. Kahit papano nakalimutan ko yung nangyare kahapon.

"Oh ano guys, kaya pa?" Tanong naman ni ate Seulgi dahil medyo hiningal din kami.

"Isa pa, isa pa, isa pa!!" Pag-chant naman ng mga nakaupo. Mukhang walang mapapsabak talaga ako ngayon ah.

"Dahil ngayon nalang natin nakasama si Minjeong..." lumapit pa sakin si Ryujin at inakbayan ako,

"Mas maganda kung siya ang pakakantahin natin, noh?" 

Natigilan ako at unti unting nawala ang ngiti sa labi ko.

Ano nga ulit ang sinabi kanina ni Karina? 

"Min, baka naman~" 

"Oo nga, kakanta na yan! Kakanta na yan!" 

"Kanta ka na, last lang eh! Para sa banda oh!" 

Para akong mahihilo. 

Tumingin ako kay ate Seulgi na parang humihingi ng tulong kaso nginitian niya lang ako.

"Min, sige na oh?" Tinapat na rin sakin ni Ryujin yung mic stand kaya wala na rin akong nagawa.

Napalunok nalang ako.

 

"Ayos Minjeong ah, kanino mo dine-dedicate yung kanta?" Tanong ni ate Moonbyul habang nasa sasakyan kami.

"Wala. Napilitan lang ako," pilit ngiti ko pang sagot kaya kinantyaw na naman ako, "Sus! Kunwari ka pa,"

Ngumiti nalang ako sakanila at inaaalala muli ang mga sinabi ni Karina. Dadalawa dun ay tumama na sa mga sinabi niya. 

Hindi pa rin ako naniniwala. 

Paano kung coincidence lang ang lahat ng yun? 

Tama. Coincidence lang. Imposible yung inaakala niya.

"Uy guys, g kayo sa club?" 

Parang napantig ang tenga ko sa narinig.

Tangina. Ayokong makinig dahil sa bawat pangyayare na nangyayare ngayon ay tumatama sa mga sinabi ni Karina sakin kanina.

At unti unti na rin akong naniniwala.

Ayoko.

"Hala, teka, pasukan niyo na pala Ryujin noh?" Sambit naman ni ate Seulgi, tumango naman si Ryujin.

"Sorry guys, gustong gusto ko sumama kaso, first week palang kasi ng classes eh." 

"Eh ikaw, Minjeong?" Bumaling naman ang tingin nila sakin kaya napatingin ako sakanila.

Hindi rin ako pwede.

Dahil hindi ko natext si ate Taeyeon kanina.

Masyado akong natuwa sa tugtugan namin at nakalimutan na mag-text sa ate ko kung aalis man ako ngayon.

Parang bumibilis na ang pagtibok ng puso ko.

"Minjeong?"

"Hindi. Hindi maaari," nasambit ko nalang at napahawak sa bibig ko dahil unti unti ng nagiging malinaw sakin ngayon ang mga sinabi ni Karina sakin.

Tangina.

Totoo ba? 

Kasi, malapit na talaga akong maniwala.

 

~~~~~

 

"Karina," siya agad ang hinanap ng mga mata ko pagkapasok na pagkapasok ko sa room.

I need answers.

Pinaikot ko ang tingin ko sa room kaso hindi ko siya mahanap. 

Kung kailan naman kakailanganin kong kausapin siya, doon siya wala. Ang galing!

Hindi ko alam kung saan siya hahanapin dahil napakalaki rin ng university. 

Fine. Magtatanong nalang ako kapag nagkita kami, hindi ko naman kailangan magmadali dahil may choice pa rin akong balewalain ang lahat ng yun at mas pipiliing maging bulag nalang.

"I knew you'll be here," 

Nagulat nalang ako sa nagsalita at napabalikwas sa pagkakasaklob ng mga palad ko sa mukha.

Nasa may garden ako ngayon, sa isang bench at doon nakaupo. 

"Karina."

She gave me a smile and lowered herself para mapantayan ako mula sakanyang pagkakatayo.

"Naniniwala ka na ba, Minjeong?" 

 

~~~~~

 

Tahimik lang kaming kumakain ni ate Taeyeon ngayon ng hapunan. Nakalapag pa ang laptop niya sa mesa at paminsan minsan niya rin itong sinisilipan habang sumusubo ng pagkain.

"Tulala ka na naman, Minjeong." 

Napatingin ako kay ate na patapos na sa pagkain niya saka bumalik naman ako sa pagsubo.

"May iniisip lang," tahimik na sagot ko saka napagpasyahan ng tapusin ang pagkain ko.

Makalipas ang ilang subo, tapos na rin akong kumain at kinuha ko na ang mga pinagkainan namin ni ate. Nakatoka ako ngayon para maghugas saka ayoko na rin namang abalahin siya dahil mukhang busy pa sa mga inaasikaso niya sa laptop niya.

Pagkatapos kong maghugas, tataas na sana ako para pumunta sa kwarto ko pero naisipan ko munang tabihan ulit ang ate ko na ngayon ay full-focused sa laptop niya sa dining table.

Habang naghuhugas ako kanina, iniisip ko pa rin si Karina. Tatlong araw na ang nakalipas simula nung araw na yun at nung nagkausap kami ngunit hindi pa rin ako naniniwala sakanya.

Hindi sapat ang tatlong araw. 

Hindi ko na rin kasi alam ang gagawin. Ginagawa naman niya lahat at nage-explain naman pero mas pinipili kong maging bulag at bingi dahil ayoko talagang maniwala sa kahibangan niyang yun.

Kahit nakikita ko na sa harap ko mismo na nangyayare ang mga predictions niya, hindi pa rin ako naniniwala.

"Ate, naniniwala ka ba na may parallel universe?" 

"Ano?" Hindi pa rin natinag ang tingin niya sa screen pero nakita ko naman na napakunot ang noo niya.

"Parallel universe. Yung may ibang ikaw pa sa ibang universe o dimension," 

"Kaka-Jupiter mo ba yan?" Tumingin na siya sakin at natawa dahil sa narinig niya.

"Hindi ko alam. Pero hindi naman kasi imposible dahil ang lawak lawak ng universe." Habol pa niya sakanyang sinasabi.

"Pero pano kung nakita mo yung ikaw from other dimension? Papaniwalaan mo ba?"

Natigil siya sa pagpindot sa keyboard at muling binaling ang tingin niya sakin. Nakatingin lamang ako sa kapatid ko dahil curious talaga ako sa mga tinatanong ko.

At sa mundo ni Karina.

"Edi aayain ko siyang pumunta ng Mars," seryosong sabi niya at napakamot nalang ako ng ulo. 

Paano ba kami nagkakaintindihan ng kapatid ko?

"Ate naman eh."

"Seryoso nga."

"Bakit naman? Hindi ka ba natatakot sakanya dahil may makikita kang exact na kamukha mo?" 

"Minjeong, parang wala namang pinagkaiba yun dahil araw araw naman kitang nakikita dito sa bahay," saka siya uminom ng tubig.

"Pero paano kung gumising ka ng isang araw tas hindi na pala ikaw yung nasa katawan mo?" 

Nanatili pa rin akong nakatingin sakanya at lumapit pa, "Ate, paano kung ibang kaluluwa na yung nasa katawan mo at hindi na ikaw? Yung ikaw sa ibang universe, one day, gumising nalang siya sa katawan mo?" 

Nakita kong natigilan siya at dahan dahan namang tumingin sa akin. 

"Eh di sana kung nasaan man ako nun, masaya lang ako." Kalmadong sambit niya saka siya bumali sa pagta-trabaho niya sa laptop.

Bakit ang kalmado naman niya masyado kung i-take niya ang mga tanong ko?

Hindi ba siya nagtataka?

"Hindi ka natatakot na baka ipahamak niya ang katawan mo?"

"Bakit ako matatakot eh ako pa rin naman yun, diba?"

"Pero hindi mo sigurado kung pareho ba kayo ng ugali." Pagdedepensa ko. Nacu-curious na talaga ako lalo dahil sa mga sagot ng kapatid ko.

"Ate, pano kung isang araw ganun-"

"Minjeong, magpahinga ka na. May pasok ka pa bukas," napahinto ako sa sinasabi ko dahil sa pagputol niya sakin.

Napabuntong hininga nalang ako at tumango. 

"Sorry ate. Sige, good night." Nginitian niya nalang ako at umalis na sa kusina saka na tumaas sa kwarto ko.

Pagkahiga ko sa kama ko, naisip ko na naman ang pag-uusap namin ni Karina sa garden. 

 

"Naniniwala ka na ba, Minjeong?" 

Nakatingin lang ako sakanya habang siya ay nakangiti naman sa akin.

"Bakit ba nakuha mo ang lahat ng yun?" 

"I told you, I was from the future." Saka na siya umupo sa tabi ko at hindi naalis ang tingin ko sakanya.

"Nagising ako nung isang araw and then boom, nandito na ako at iba na ang dimension na ginagalawan ko," 

Paninimula niya sa kanyang explanation. 

Kahit naguguluhan at maraming tanong, mas pinili ko nalang manahimik at makinig sa maga sasabihin niya.

Kahit masyadong surreal.

"I don't know if you'll get it but you know why I called you Winter?" 

"Oh?"

"It's because that's your name from the last dimension that I was in." 

What? Winter? Why the hell would they name their child after a season.

"She's your total opposite sa totoo lang. She's full of joy and super madaldal rin," natawa pa siya habang inaalala niya si 'Winter'. "I think that name suits you more since you're cold and mas pinipili mo nalang na mag-isa." Tuloy naman niya.

"But here you are, Minjeong pala ang name mo dito." Saka siya ngumiti sakin at nilahad pa ang isa niyang kamay. 

"I'm Karina, in the body of Yu Jimin. Nice to meet you," she's still smiling at me. 

Doon ko lang napagtanto na ang ganda niya pala talaga. Pati na rin ang pangalan niya maski ano man sa dalawa. 

Mataman kong inaral ang mukha niya at sa sobrang perkpetong pagkakahubog ng kanyang labi at ilong, tanging sa mga mata niya lamang napako ang tingin ko.

Ang ganda. Sobrang ganda. 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
brokenheartssavior
Lah teka, teka,, maraming salamat pala sa 400k subs at sa mga nag-upvote mga pri! :"))

Comments

You must be logged in to comment
Slgyyy
801 streak #1
Chapter 8: Chapter 8: The moment I read yung "TSU", i was like, taga Tarlac author nito?
Gab_17
#2
Chapter 35: Hala kata Wintottt! Hahahaha sana may next chapttt.
yujisaurus
#3
Chapter 17: medyo may kirot 🥲😞
yujisaurus
#4
Chapter 2: rueiskdhdjdjd kinikilig rin ako!!!
yuyuyujimin #5
Chapter 6: what the this is soooo cuteeee bat ngayon ko lang to binasa 😭😭😭
CincoYoo
#6
Chapter 35: uyy!
stillintoyu
201 streak #7
Chapter 1: KINIKILIG AKO
maxiclaine #8
Chapter 3: nasa ex ba ang tru lab? pano naman akong walang ex?
maxiclaine #9
Chapter 2: ETO UNG DOWNSIDE NG FLUFF EH. NAIINGGIT AKO SOOOOO MUCH!😭 PLS UNG PUSO KO ANG BILIS NG TIBOK! SHUTAAAAA. ME, WHEN TALAGA?!😭
maxiclaine #10
Chapter 1: gusto ko magmura kasi naiinggit ako. shutaaanginaaa. me when?😭