YULYEN I (Chapter 7)

Stories Untold series (YULYEN I)
Please Subscribe to read the full chapter

Yuri's Pov

Hindi ako nakapasok nung Monday dahil hirap parin akong tumayo, kahapon naman todo alalay sakin si Yena. *Samantalang nung mga nakaraang buwan tinatanong niya pa ako kung lumpo ba ako at kailangan pa akong alalayan ni Minjoo, tapos ngayon natataranta siya kapag umaaray ako.*

"Sigurado ka bang okay ka na?" napabuntong hininga ako, ilang beses na niyang tinatanong yan.

"Oo nga." kumapit ako sa balikat ni Yena bago umupo.

"Doon lang ako sa kabilang table, tawagin mo lang ako kapag kailangan mo ng tulong." tumango ako.

"Oo na." umalis na siya.

"Todo alalay, buntis ka ba girl?" si Nako.

"Parang ganun naman talaga yung sitwasyon niya pagaktapos niyang magkaroon diba." si Hitomi.

"Pero nagagawa naman natin dati na alalayan siya nang wala si Yena diba?" natawa kami kay Nako.

"Nagseselos ka ba?" biro ni Minjoo.

"Hindi noh, hindi lang ako sanay na mabait sila sa atin." napatango kami.

"Pero diba si Yuri lang naman pinagt'tripan nila, yung dalawang babae lang naman yung mga pasmado ang bunganga sa'tin, diba?" si Hitomi.

"Pero ayos narin yun, at least kahit papaano mae-enjoy natin yung last year ng high school." saad ko, namiss ko nanaman tuloy yung mga kaibigan ko sa Busan.

"Hala, anong trip nung mga lalaking yun?" napatingin kami kela Yujin, hindi na sila malayo samin talagang  lumipat sila ng pwesto dahil nga itong si Yena ayaw akong iwanan.

"Ewan, ganiyan daw sila magreview o kaya magkabisado." sagot ni Minjoo.

Si Kkura kasi nakatingala habang naka patong yung notebook sa mukha niya, tapos kada ilang segundo ililipat niya yung page. Si Hyewon naman nakapatong lang sa ulo niya yung libro, habang tuloy pag-kain sa niya. Si Yujin naman nakapatong yung noo niya sa kopya nang report nila na nasa lamesa, tapos ililipat niya yung page kada ilang segundo. Si Yena naman nakatitig lang sa iisang page tapos ang sama pa nang pagkakatitig niya. *Kinakausap niya ata nang masinsinan.* Pero ang ikinagulat ko yung ginagawa ni Chaewon, nakabuklat kasi yung libro niya tapos para bang sinasalok niya yung nakasulat sa libro tsaka niya ipapahid sa mukha niya. *Malakas nga talaga ang amats.*

"Buti natitiis sila ni Wonyoung." bulong ni Nako.

Napatingin ako kay Wonyoung, normal na binabas niya lang yung notebook niya habang kumakain.

"Sanayan lang siguro." sagot ko, napaayos naman kami sa pagkakaupo nang nakanguso siyang tumingin sa pwesto namin, nagpanggap pa kaming busy sa mga ginagawa namin.

"Can I sit with you?" napatingin kaming apat sakaniya, tsaka tumango. "I can't really stand with their weird habits anymore." napabuntong hininga siya bago umupo sa pagitan namin ni Nako.

"Hindi ko lubos maisip na pati si Chaewon?" si Hitomi.

"Girl, hindi ko rin alam diyan sa babaeng yan. Sumisinghot ata ng droga 'yang pinsan ko nang hindi ko alam." pagmamaktol ni Wonyoung, natawa nalang kami.

Bukas na kasi yung reportings namin, tapos sila Hyewon at Kkura mamaya kagrupo daw nung dalawa si Chaewon kaya ganiyan. 

"Ikaw Wonyoung tapos mo na yung report mo?" si Hitomi.

"Excuse me girl, nakalimutan mo ata na magkagrupo tayong dalawa." natawa kami.

"Oo nga pala, ikaw kambal? Musta yung report niyo?" tumingin si Hitomi kay Nako.

"Kilala niyo naman yung mga kagrupo ko, so safe ako." natawa kami.

"Nice, sino bang kagrupo mo?" tanong ko, dahil hindi ko naman kilala yung mga yun.

"Sila Miru at Gyuri, nagpabuhat nga lang ako sakanila eh." tinaas baba niya pa yung kilay niya.

"Tamad ka talaga." pang-aasar ni Minjoo sakaniya.

"Excuse me, sila nagsuggest na ako nang bahala sa kopya at power point ng report namin.  Tsaka  ako naman yung magrereport nun bukas." inirapan niya pa kami.

"Naaawa tuloy ako kay Chaewon, kung hindi lang yan puro kalokohan hindi siguro siya nalipat ng ibang section. Okay sana kung sa section niyo nila Minjoo siya nalipat eh, ang kaso doon siya nalipat sa section nung dalawang lalaki." napatingin kami kela Chaewon, seryoso talaga sila na makakabisado at mapag-aaralan nila yan sa ginagawa nila.

"Bakit pala hindi ka pa sa grupo nila Wonyoung sumama?" tanong ko kay Nako.

"Find your height daw kasi, hahahahaha." pang-aasar ni Hitomi kay Nako.

"Ay wow, hiyang hiya naman ako sayo." binato niya ng tissue yung kakambal niya.

Natapos yung lunch time namin nang tawanan kami nang tawanan. Pagdating naman nang afternoon class hindi ako masyadong naboryo, ewan pero ang saya ko lang siguro. Nung uwian naman naghintayan kami malapit sa gate ng school, hindi ko alam kung matatawa ba ako sa itsura ni Chaewon o maaawa.

"Anyare sayo?" tanong ko, agad naman siyang yumakap saming limang babae tapos umiyak.

"Sorry na nga diba?" napakamot pa si Kkura sa batok niya.

"Anu bang nangyari?" natatawang tanong ni Yujin.

"Hindi ko naman kasi alam na kasama si Eunbi-noona sa mga mageevaluate sa report namin, edi sana hindi na ako nagpresentang magreport mula sa grupo namin." natawa naman yung tatlong lalaki.

"Okay naman na diba, ako na yung nagreport. Pasado naman yung grade natin, diba?" sabi ni Hyewon.

"Kahit na, di mo kasi alam yung pakiramdam na patayuin ka sa harap ng maraming tao at tanungin nang mga tanong na wala namang sagot." umiiyak na sabi ni Chaewon.

"Hayaan mo na yun, hindi naman totoo yung sinabi ni Teacher Yu diba." mahinahon na sabi ni Hyewon.

"Anu bang sinabi ni Teacher Yu sayo?" tanong ko.

"Ganun na ba ako katanga para si Kkura yung pinili kong magpresenta sa report ng grupo namin." humahagulgol na tugon ni Chaewon.

"Sorry na nga, natakot lang ako kay Eunbi-noona." lumapit si Kkura kay Chaewon at niyakap ang huli. "Tahan na, babawi ako sayo promise." hinagod niya yung likod ni Chaewon at hinalikan pa sa ulo ang huli.

"Hatid na muna kita." tumingin ako kay Yena.

"Huwag na, dadaanan daw ako nila dad ngayon." tumango siya.

"Andiyan na ba sila?"

"Siguro, anong oras narin naman." *Nauuna pa ngang umuwi yung mga yun sakin.*

Sinamahan naman nila ako hanggang sa labas nang school, tapos itong si Yena todo alalay parin sakin. *Bumabawi? O nagpapaimpres?*

"Tito?" yumakap siya kay dad. *Ay? Sige ikaw na anak.*

"Ang dami niyo naman atang bantay ni Yuri." natatawang sabi ni dad.

"Mahirap na tito, baka mataranta si Yena." binatukan naman ni Yena si Yujin.

"Kayo talaga, may lakad ba kayo?" si dad.

"Meron po eh." sabay sabay nilang sagot.

"Sige next time nalang." pinagbuksan na ako ni dad ng pinto nang sasakyan.

"Ingat kayo." kumaway ako sakanila, ganun din naman sila.

Sumakay na ako sa sasakyan, nakipag-usap pa sandali si dad sakanila lalo na kay Yena. Habang nasa biyahe kami nagtanong sakin si dad.

"Nanliligaw na ba sayo si Yena?" umiling ako.

"Bakit naman siya manliligaw sakin? Wala namang gusto sakin yun." tumango siya.

"Okay?"

"Si mom?"

"Nauna na sa bahay, ang panget naman kasing tignan kung dalawang sasakyan susundo sayo. Anak ka ba ng presidente?"

"Anak ng CEO." natawa siya.

"Pilosopo, manang mana ka talaga sakin." 

Tumingin nalang ako sa labas ng bintana, *Nakarating na kaya sila sa pupuntahan nila?*

"Nandito na tayo."

[KINABUKASAN]

Hiniram daw ni Teacher Yu yung oras namin sa pangalawang klase, para dirediretsyo na yung pagrereport namin. Ganun din naman yung ginawa niya sa ibang section nung mga nakaraan. Merong walong grupo sa klase namin at syempre ako na solohista *Pakiramdam ko tuloy dream come true yung pagiging solo ko, hindi nga lang solohista sa pagkanta.*

"Good morning class." pumasok na si Teacher, tapos kasunod niya si Eunbi-unnie. Ibang iba yung itsura niya ngayon kompara nung nakaraan na sinugod niya sila Kkura, nakaoffice attire siya tapos yung titig niya parang kapag nagkamali ka nang nasabi papalayasin ka sa harap niya.

"Hello everyone, I'm Lee Eunbi and I will be the one who's going to evaluate your report at some criteria for today. I want you to be confident  at your report and let's enjoy the day." umupo na siya.

May pinaliwanag pa si Teacher Yu samin bago kami nagsimula sa reportings pang anim na grupo sila Yena, at syempre dahil nga hindi ako belong at mukhang naoffend ko talaga si Teacher Yu sa sinabi ko last week ako yung pinaka huling magrereport.

Habang nagrereport si Yena hindi ko maiwasang kiligin *Bakit ba? Ang gwapo niya kaya sa uniform namin, sinong hindi kikiligin dun.* ang galing niyang magsalita sa unahan, hindi naman kami obligadong mag-eng

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Eunice_umji #1
Hi I hope you publish your stories on wattpad too:((