YULYEN I (Chapter 6)

Stories Untold series (YULYEN I)
Please Subscribe to read the full chapter

Yuri's Pov

Sinampal sampal ko yung sarili ko, napuyat kasi ako nung isang araw at kagabi!! Hindi dahil dun sa solo report ko ahh, nakakainis kasi 'tong isip ko, nakapikit na ako't lahat yung mga eksena parin namin ni Yena nung isang araw yung iniisip. Alas tres na tuloy ng umaga gising parin ako!!

"Babangon ka diyan o bubuhusan kita ng tubig?" napatingin ako kay mom.

"Ito na nga po, maliligo na." tumayo ako bago yumakap sakaniya at pumasok sa banyo, kahit sa pagligo tinatamad ako!

Sabay kaming nag almusal ni mom, pero nauna parin siyang umalis dahil may isa daw sa doktor sa hospital ang wala sa ngayon, kaya kailangan niyang agahan ang pasok niya. 

Wala sa sariling nakarating ako sa school, habang papasok ako sa classroom napayuko nalang ako nang makitang nandun na si Yena. Hindi naman siya nakatingin sakin, pero nahihiya parin ako sa mga pinag-usapan namin nung isang araw. Buti nga hindi siya pumasok kahapon, kaya hindi ako gaanong nagambala lalo na at puyat ako. *Tsaka pumasok ba talaga sa isip ko na papakasalan ko siya? Sobra kasing nakakahiya yun.*

Pagkaupo ko sa upuan talaga ni Yena, agad ako sumobsob sa lamesa. *Inaantok talaga ako.* 

"Pasa niyo na nga yan, akala niyo naman may maisasagot pa kayo. Pinapahirapan niyo lang ako eh, may balak pa akong kumain pwede ba?" nagtaas ako nang ulo *Teka, anong nangyayari?!* napatingin ako sa class monitor namin, nakaupo siya sa teacher's table at may hawak na mga papel.

"Okay ka lang?" napatingala ako sa lalaking nasa gilid ko, medyo pinatagilid ko naman siya dahil nakaharap sakin yung anu niya *Basta yun na yun.*

"Anong meron?"

"May maikling quiz lang naman." umupo siya sa bakanteng upuan na nasa unahan ko, naglalabasan na yung mga estudyante.

"One to?"

"Fifty." hinampas ko siya sa braso.

"Maikli lang sayo yun?" tumango siya.

"Lalo na kung tinitigan ko lang yung test paper, hahahahaha."

"Ahn Yujin?" di makapaniwalang sabi ko. "Hindi niyo man lang ako nagawang gisingin?"

"Sabi ni Yena sa mga teacher nilalagnat ka daw, kaya walang nagtangkang gisingin ka. Baka mapatay sila ni Yena." hindi ko narinig yung huling sinabi niya, basta may Yena sa dulo.

"Hindi ba ako magkuquiz?" umiling siya.

"Nagawan na ni Yena ng paraan yun, tara? Nasa cafeteria na si Minjoo." tumayo na ako at sumunod sakaniya.

"Okay ka na?" salubong sakin nung tatlo.

"Okay naman talaga ako." nilapag ko muna yung gamit ko sa lamesa, bago bumili ng pagkain ko.

"Sigurado ka, sabi ni Yena nilalagnat ka daw." tanong ni Minjoo pagkabalik ko sa pwesto namin, umupo ako sa tabi ni Nako.

"Ayos nga lang ako, medyo napuyat lang ako kagabi." nagsimula na akong kumain. "Bakit pala hindi kayo sumama sa table nila? Hindi ba masaya yung lakad niyo nung isang araw at kagabi?" *Hindi rin ako nakasama kahapon dahil nga puyat ako.*

"Hindi naman sa ganun, nakakahiya lang kasi baka isipin nila feeling close na kagad kami." si Hitomi.

"Oo nga, kahit naman nag-enjoy kami kasama sila hindi ibig sabihin nun magkakaibigan na kami." dagdag ni Nako, napatango naman ako.

"Sabagay." 

"So may lakad ba kayo mamaya?" napatingin kami kay Chaewon.

"Saan?" si Minjoo.

"Videoke?" umupo siya sa tabi ni Nako.

"Friday naman, game kami." si Nako.

"Hindi ka talaga maaawat sa kantahan noh." pang-aasar ng kapatid niya.

"Masama kasi pakiramdam ko, sa susunod nalang." wala sa sariling usal ko.

"Edi silang tatlo nalang ulit?" tinignan nila akong apat.

"Kung gusto naman nilang sumama, basta ako pass muna."

"Sige, kita nalang tayo sa gate mamaya." tumayo na siya at bumalik sa pwesto nila.

"Akala ko ba ayos ka lang?" tumingin ako kay Hitomi.

"Ewan, basta wala ako sa mood gumala ngayon." *Lalo na kung kasama si Yena!*

"Pero ayos ka lang ba talaga?" si Nako, tumango ako at tinuloy na yung pag-kain ko. 

Wala akong ganang umattend nang afternoon class, gusto ko na nga lang tumambay sa cafeteria. Hindi naman boring yung klase ngayon, wala lang talaga akong gana.

"Yuri-noona?" lumapit sakin si Yujin.

"Ow?"

"Ayaw mo talagang sumama samin?" umiling ako.

"Hindi naman sa ayaw, bigla kasing sumama yung pakiramdam ko." *Sa tingin ko alam ko na yung dahilan.*

"Hatid ka muna namin gusto mo?" umiling ako.

"Huwag na, kaya ko naman. Magtataxi nalang ako pauwi." 

Tinulungan naman nila akong makahanap ng taxi.

"Boss paki ingatan." sabi ni Yujin dun sa driver.

"Sige ingat kayo." kumaway na ako sakanila bago isara yung bintana, nakita ko pang kumaway sila habang papalayo yung taxi.

"Boyfriend niyo po ba yun ma'am?" napa-iling ako.

"Yung isa, yung aquamarine po yung kulay ng buhok." napatango siya *Naniwala naman si manong driver.* *Si Kkura yung tinutukoy ko, hahahahahaha. Ang gwapo niya kasi sa bagong kulay ng buhok niya.* "Nahihiya lang sa mga kaibigan namin."

"Bakit naman ganun? dapat maging proud siya." natawa ako *Kabit po kasi ako, char.* *Alam ko naman na mahal na mahal nun si Chaeyeon eh, yun yung sabi ni Chaewon sakin nung isang araw sa pagkukwentuhan namin.*

Nang makarating na ako sa bahay agad na akong nagbayad at nagpasalamat bago bumaba.

"Ayos ka lang?" salubong sakin ni mom.

"May bisita ako ngayon mom."

"Sige, dadalhan nalang kita ng pagkain sa kwarto mo." tumakbo na ako paakyat sa kwarto ko at pagpasok ko sa  banyo *Surprise!!*

"Happy weekends Yuri." sarkastikong sambit ko.

Agad na akong naligo, tatlong araw na pagpapahirap nanaman. *Susulitin ko na 'tong huling gabi ko bago ang tatlong masasakit na araw.*

Paglabas ko nang kwarto agad akong nagbihis at humiga sa kama.

[KINABUKASAN]

"MOOOOOOOOOM!" namimilipit na ako sa sakit. 

"Hindi mo ba ininom yung gamot mo kagabi?" umupo siya sa tabi ko. 

"Uminom ako mom." kumapit ako sa unan dahil sa sakit, tinulungan niya akong umupo.

"Here." inabot niya sakin yung gamot ko.

"Ahhhhhh." namilipit nanaman ako sa sakit nang humiga na ako ulit, hinilot ni mom yung puson ko.

"Thank you, mom." ngumiti siya.

"Sandali kukuha lang ako ng agahan mo." tumango ako.

Tumingin ako sa kisame, ang sabi ni mom ganito rin daw siya dati. Kaya nahirapan siyang magkaroon nang anak, kaya mag-isa lang din akong anak. Nawala lang yung katulad nang ganito kay mom nung ipanganak niya ako.

"Lagnat ba 'to?" sinapo ko yung noo ko.

Nang maihatid na ni mom yung pagkain ko, binantayan niya ako habang kumakain.

"Paano kita iiwan nang ganiyan?" 

"Tatawagan ko nalang po sila Minjoo, wala naman pong pasok."

"Sigurado ka?" tumango ako. "Tawagan mo lang kami ng daddy mo kung sakali." 

"Sige po."

Kinuha ko yung cellphone ko at tinawagan si Minjoo, agad naman niyang sinagot yung tawag ko.

:Anu? Okay ka na ba?
"Hindi."
:May lagnat

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Eunice_umji #1
Hi I hope you publish your stories on wattpad too:((