YULYEN I (Chapter 12)

Stories Untold series (YULYEN I)
Please Subscribe to read the full chapter

Yena's Pov

Mahigit dalawang linggo na yung lumilipas mula nung unang magkita kami ulit ni Yuri, sa ilang araw na lumipas nasa loob lang ako nang kwarto ko at tanging si Yunjin at Yuri-yung anak ni hyung lang ang nakakapasok sa kwarto ko. Ayokong makita sila mom hindi dahil sa galit ako kundi dahil nahihiya at natatakot ako sa mga sasabihin nila, lalo na kay mom na siyang nakakita kung gaano ako nabaliw at kung gaano ko kamahal si Yuri. Pero mukhang tama si hyung, hindi pa sapat yung pagmamahal ko kay Yuri kaya ganun ko nalang sinuko ang lahat. Natatakot ako kay dad baka hindi na niya ako payagang makita pa si Yuri, lalo na at nagtiwala sila ni tito sakin na hinding hindi ko sasaktan si Yuri.

*Knock**Knock*

"Hindi pa ako gutom!" sigaw ko.

*Knock**Knock*

"Anu ba yun?!" binuksan ko yung pinto *Anak ka nang!* tinulak ba naman ako. "Yujin?" kinuwelyuhan niya ako at isinandal sa dingding *, I'm dead!*

"Anu? Masaya ka na?" tinitigan niya ako.

"Yujin, nasasakal ako." pilit kong tinatanggal yung kamay niya sa pagkakadakot sa damit ko.

"Yujin tama na, alalahanin mong pareho kayong nagloko." si Sian-hyung.

"Hindi nga ako nagloko." binitawan na ako ni Yujin at tumalon siya sa kama *Anu yun?* *Langya akala ko mapapatay na ako.* inayos ko yung damit ko.

"Anu? Nagkasuntukan ba?" si Hyewon na kakapasok lang at may dala pang pagkain.

"Kung papatulan ni Yujin 'yan." si Felix.

"Anong ginagawa niyo dito?" umupo ako sa swivel chair.

"Gigisingin ka lang sana." si Kkura, tumabi siya kay Yujin.

"Gising na gising ako, ang sakit nga 
dito eh." tinuro ko yung dibdib ko, natawa naman sila.

"Paano pa siya?" si Hyewon.

"Hyung, halos mabaliw yung tao." dugtong ni Yujin.

"Tapos ngayon sinasabihan pa siyang baliw at nagpapatansya dahil hindi naman pala totoo yung boyfriend na sinasabi niya." napabuntong hininga si Sian-hyung.

"Buti nalang yung mga kaschoolmate niyo dati pinagtatanggol siya at sinasabing totoo ka." si Felix.

"Anong patutunguhan nang usapang 'to?" walang ganang tanong ko.

"Sabi ko na sa inyo tulog pa nga 'to." natatawang sabi ni Kkura.

"Magbihis ka na, may pupuntahan tayo." napatingin ako kay hyung na nasa pintuan.

"Makikita ko nanaman si Nako-chan!!" masayang sigaw ni Yunjin at tumakbo sa kwarto niya.

"Anu hindi ka pa kikilos?" si Sian-hyung.

Tumayo na ako at kumuha nang t-shirt na itim at black and red checkered polo at pumasok sa banyo, nagpalit na din ako ng pantalon. Habang nagsusuot naman ako nang sapatos, lumabas  na sila nang kwarto ko. Kinuha ko yung susi nang motor ko at mabilis na nagpaalam kay mom and dad, nagulat naman ako dahil lahat sila nakasakay na sa sarili nilang motor pati si Yunjin.

"Anong oras na baka wala tayong maabutan." si Hyewon.

Nilagay ko sa compartment nang motor ko yung pangatlong notebook na sinulatan ni Yuri at sinuot ko sa kanang pulsuhan ko yung bagong bracelet na ginawa ko para Yuri, sumakay na ako sa motor ko at sinuot yung helmet ko. Nakasunod lang ako sakanila dahil hindi ko naman alam kung saan yung venue nila Yuri.

"Kanina pa sila nakaalis." sabi ni Felix nang makarating kami sa venue, nagdial siya sa cellphone niya. "Nasaan na kayo? Sige sige, magsisimula na ba? Sige bye, love you." binulsa  na niya yung cellphone niya. "Nasa venue na daw sila ng presscon, preparing palang tara na." 

Nauuna si Felix, para kaming susugod sa giyera halos lahat nang madaanan namin nagtitinginan yung mga tao samin. Nang makaparada na kami isa isa, sumunod lang ako sakanila.

"Doon ka sa pwesto ng mga reporters." si Hyewon, may sumalubong naman saking lalaki at sinuotan ako nang ID. Sila Hyewon, Yujin at Yunjin katulad ko ay nakipwesto din sila sa mga reporters, sila Sian-hyung, Kkura at Felix pumwesto malapit sa stage katabi nang mga guwardya.

Isa isa nang umakyat sila Eunbi-noona tinignan ko si Yuri, nakashades siyang kulay itim at hindi tulad nang mga kasama niya hindi siya ngumingiti. Napatingin ako kela Hyewon, ang sabi nila maghintay lang daw ako kapag si Yuri na ang sasagot. Sampong minuto na kaming nakatayo at naghihintay nang magtaas nang kamay si Hyewon.

"May nagpapatibok na ba sa puso mo?" si Hitomi yung tinanong niya nun.

"Pero Mister, hindi naman konektado sa album yun." sabi nang manager na kasama nila.

"Okay." simpleng sagot ni Hyewon.

"Pero sasagutin ko parin, oo meron na." nagkagulo naman yung mga reporters at yung fans na nasa second floor nitong building, napatingin ako kay Felix *Kinikilig? Hahahahaha."

"Totoo bang hiwalay na kayo nang boyfriend mo?" napatingin ako dun sa nagsalita, si Yuri na pala yung sasagot.

"Pero hi-" naputol yung sasabihin nung manager nila nang magsalita si Yuri.

"Yes." walang ganang sagot niya.

"Pagkatapos nang comeback na 'to, maghihiatus ka ba o aalis ka na sa grupo?"

"I'm planning for hiatus, but leaving the group is better." napalunok ako, nagkagulo naman yung mga tao at sinabihan siyang walang kwenta.

"Bakit hindi mo tinapos?!" sigaw ko na nagpahinto at  nagpatahimik sa paligid ko.

"Sorry Mister?"

"Choi." bahagya akong lumapit sa stage. "Bakit hindi mo tinapos yung pagsusulat sa mga pahinang nandito?" tinaas ko yung notebook na dala ko.

"Para saan pa?" simpleng sagot niya.

"Para sakin?" natawa ako. "Ayaw mo na bang ituloy?"

"Bakit ko pa itutuloy kung wala nang tayo?"

"Woaaaahhhhh." sabay sabay na sabi nang nasa paligid namin, napalunok ako *Ang sakit nun ah!*

"Sabagay, kung ipagpapatuloy natin nandun parin yung sakit ng nakaraan. Bakit hindi tayo magsimula ulit? Gumawa nang panibagong alaala?" napayuko ako, *Anu pa bang sasabihin ko, dapat daw kontektado sa album nila.* "Sabi mo sa kantang sinulat mo 'The memories are still there but the person that I'm with is never will be there', pero bumalik ako." lumapit pa ako lalo sa stage. "Sorry kung nahuli ako, matraffic masyado mula sa Busan papunta dito sa Seoul. Pwede pa ba tayo magsimula ulit? Can I be your gwapong bibe forever? Or Yena_ni_Yuri? Pero sa tingin ko mas bagay yung boyfriend mo na ako sayo lang ako?" 

"Waaaaahhhh!!!" sigaw nang mga fans sa pangalawang palapag, habang yung mga reporters walang tigil sa kakakuha nang picture at video ko.

"Pero mas gusto ko ata yung walang modong lalaki mo?" ngumiti ako, pero siya wala paring pinagbago yung itsura niya. "Pero kung ayaw mo nang lahat nang yun, pwede naman akong maging tanga ng buhay mo." tumayo siya at tumakbo palabas nung venue.

Nakipag-unahan naman akong lumabas ganun din sila Eunbi-noona at yung mga kaibigan kong lalaki, hindi naman ako nahirapang habulin si Yuri dahil binibigyan ako nang daan nung mga taong nauuna sakin.

"Yuri." hinawakan ko siya sa palapulsuhan niya, kaya napahinto siya at humarap sakin.

"Bakit ngayon? Bakit dito?"

"Kailan mo ba gusto?" sinampal niya ako.

"Nung iniwan kita sa restaurant, dapat hinabol mo ako. Bakit naman ang tanga mo." natawa ako. *Kahit medyo masakit yung pagkakasampal niya sakin.*

"Sinuntok kasi ako ni Chaewon, baka kapag sumunod ako mapatay niya ako." hinawakan ko yung magkabilang pisnge niya. "Hindi mo pa ako sinasagot." tinanggal ko yung shades na suot niya. "Nagpuyat ka nanaman ba?" hinampas niya ako sa dibdib.

"Pwede mo ba akong kidnapin? " natawa ako. "Punta tayo sa Busan." tumango ako.

"Ngayon na ba?"

"Kung pwede?"

"Nakamotor lang kami." tumingin ako sa suot niya, nakapantalon naman siya. "Wait may ibibigay muna ako sayo." tinanggal ko sa kanang pulsuhan ko yung bracelet na para sakaniya. "Bago yan, hindi ko na kasi mahanap lahat ng beads nung dati." pinalibot niya sa batok ko yung braso niya.

"Wala ka bang itatanong?" napalunok ako.

"Tayo na?" tumango siya.

"Oo." hinalikan niya ako sa labi. "Tara na." tumakbo na kami papunta sa lugar kung saan nakaparada yung mga motor namin.

"Girl akala ko mamaya pa kami dito sa initan." si Wonyoung.

"Sorry, ang tagal kasi akong tanungin nito." humarap siya sakin. "I love you."

"I miss you and I love you,  girlfriend na kita sakin ka lang." sinuotan ko sakaniya yung helmet ko bago siya halikan sa labi.

"Tara na, kuhain muna natin yung mini bus sa bahay." si Chaewon, sumakay na ako sa motor at inalalayan si Yuri.

"Yena ang gwapo ng pinsan mo bakit hindi mo pinakilala samin?!!" si Nako na nakaangkas kay Yunjin.

"Laking ibang bansa yan, hindi ko rin kilala yan dati."  sagot ko, todo kapit naman si Yuri sakin kaya binagalan ko nang konti yung pagpapatakbo sa motor ko.

Nang makarating kami sa bahay nila Chaewon, sila nalang  yung pinasakay namin dun sa mini bus pupunta pa kasi sila sa dorm nila para kumuha nang gamit. Kami namang mga lalaki, umuwi nalang muna para makakuha nang damit at yung iba dadaan pa sa bahay nang mga magulang nila para magpaalam. Dumaan na muna ako sa bahay ng mga magulang ni Yuri.

Pagbukas nang gate bumungad sakin si tito. "Tito?"

"Son." agad niya akong niyakap nang mahigpit, napayakap ako sakaniya tsaka humagulgol nang iyak.

"Tito I'm sorry, I'm really sorry." halos hindi na ako makapagsalita nang maayos dahil sa paghikbi ko.

"Shh, ayos na diba? Alam kong babalik ka, kahit nasa

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Eunice_umji #1
Hi I hope you publish your stories on wattpad too:((