YULYEN I (Chapter 5)

Stories Untold series (YULYEN I)
Please Subscribe to read the full chapter


Yuri's Pov

Pagkapasok ko palang sa bahay agad na ako sinalubong ng mabangong amoy nang niluluto ni mom, pumunta ako sa kusina at nakita siyang may kausap na babae at sabay silang nagluluto.

"Mom?" lumapit ako sakaniya at yumakap.

"Ito na pala yung anak ko." sabi ni mom dun sa kausap niya.

"Sayang hindi sila nagkita noong bunso ko nung mga bata pa sila, siguro magkaibigan parin sila hanggang ngayon kung nagkataon." hinaplos niya yung pisnge ko *Uhm, tama ba yun? Hindi ko nga alam pangalan niya tapos hindi rin siya pamilyar sakin, tama bang gawin niya yun sa maganda kong mukha?* *Oops, Yuri medyo OA ka sa part na yun.* "Anu nga palang pangalan mo?" 

"Yuri po." ngumiti siya.

"Isang taon ka palang nung huli kitang nakita, pero ngayon dalaga ka na." napangiti nalang din ako.

"Naku, may nanliligaw na nga ata dito sa batang 'to. Kamakailan lang may lalaking panay panay ang dalaw sakaniya, taga diyan lang sa kalapit bahay." napatingin ako kay mom.

"Mom naman, kaibigan ko lang yun." natawa sila pareho.

"Naku diyan naman nagsisimula ang lahat." *Hindi ba pwedeng yung laging nambabadtrip sakin yung makatuluyan ko?* *Ay anu bang klaseng tanong yan, kung sa bibe na yun lang huwag nalang.* "Anu bang panagalan ng lalaking yan? Baka kilala ko?" natatawang dagdag ng bisita namin.

"Hyewon? Oo tama Hyewon." tumango yung babae.

"Mom naman, hindi ko nga manliligaw yun." napanguso ako. "May iba akong gusto, okay?" natawa silang pareho.

"Magpapalusot ka pa, sige na at magpahinga ka na tapos maligo ka narin. Medyo matagal pa naman 'tong niluluto namin." humalik na ako sa pisnge ni mom at nagbow sa bisita namin. 

Pumunta ako sa sala at nakita si dad na may kasamang lalaki habang nanunuod ng baseball sa t.v.

"Hi dad." yumakap at humalik ako sa pisnge niya.  "Hello po?" nagbow ako sa kasama niya.

"Ayan na ba si Yuri?" tanong nung lalaki.

"Oo."

"Bagay sila nung bunso ko, hahahahaha." *Nakakatawa yun?*

"Ang kaso lang may nanliligaw na ata dito sa anak ko, ang sabi kasi ng mom niya may lalaki daw ang panay panay ang dalaw sakaniya dito."

"Naku kung gayon, mukha hindi tayo magiging magbalae." napakamot ako sa ulo ko *Sino ba yung anak nila? Gwapo ba? Kung kasing gwapo ni Yena, okay lang naman.* *Hahahahaha, bakit ka ba puro Yena? Andiyan naman si Hyewon, si Yujin, si Kkura bakit si Yena pa? Yung bibe na yun? Oh my BABY!!* *OKAY SHUT UP YURI, SHUT UP!!* nagpaalam na ako sa kanila at umakyat sa kwarto ko.

Nagpahinga lang ako sandali at naligo na, nagshort shorts lang ako at sweater na green. Nagbasa basa muna ako at inaral yung pwede kong maging report next week. Mapapadali siguro 'to kung merong tutulong sakin para mag research, gumawa ng notes para dito, tapos may magtatype din sa laptop, magpaparint nang hard copy, gagawa nang power point at syempre magrereport. *Kaso maganda at matalino nga kasi ako sabi ni Chaewon, dapat talaga hindi ako nagpapaniwala dun eh. May amats ata talaga yun araw araw, haysss.*

"Yuri?" napatingin ako sa pintuan. "Dinner is ready." tumango ako at iniligpit muna yung mga gamit ko. *Babalikan ko kayo mamaya.*

Pagbaba ko naka-upo na sila sa harap nang hapagkainan.

"Honey, yung anak mo nasaan na?" napatingin ako dun sa bisita naming babae.

"Kakatext lang, naligaw daw siya." walang ganang sabi nung lalaki. *Naligaw? Anu yun pusa?* 

"Pwede na po ba tayo magsimula, o kailangan pong hintayin natin siya?" nilibot ko yung paningin ko sakanila. "Okay lang naman po kung hihintayin natin siya, natanong ko lang po." natawa sila *Okay, sa araw na 'to lahat nang sabihin ko ay biro. Tawa sila nang tawa.*

"Sige lang hija, kumain na tayo." sabi nung bisita naming babae.

Magkaharap kami ni mom at sa kanan niya yung bisita naming babae, at nasa magkabilang dulo naman ng lamesa si dad at yung bisita naming lalaki.

"Sa tingin ko siya na yan." tumayo si dad at yung bisita naming lalaki nang tumunog yung doorbell namin.

"Ang alam ko, parehas kayo nang school ng anak ko. Siguro naman nagkita na kayo,  hindi naman ganun kadami ang high school students dun dahil ang alam ko mas maraming college students ang nagaaral dun." napatango nalang ako. *Kumakain kasi ako, alangan namang magsalita ako na puno ang bibig ng pagkain.*

"You look good and handsome." dinig kong sabi ni dad.

"Thank you po." halos mabilaukan ako nang mar

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Eunice_umji #1
Hi I hope you publish your stories on wattpad too:((