YULYEN I (Chapter 11)

Stories Untold series (YULYEN I)
Please Subscribe to read the full chapter

Yena's Pov

Nagising ako dahil sa mahihinang tapik sa mukha ko, sa swivel chair na pala ako nakatulog. Tumingin ako sa orasan na nakasabit sa dingding ko *Maski 'to hindi pinalitan.* may bibe kasi yun sa gitna.

"Hindi pa ba tayo bababa? Nagugutom na ako." napatingin ako sa batang nasa harap ko.

"Bakit hindi ka bumaba mag-isa?"

"Bahay mo kaya 'to." ngumuso siya.

"Tara na nga." naghilamos at nagmumog muna ako. 

Nauuna siyang maglakad, papunta sana siya sa sala nang hawakan ko yung ulo niya at hinarap siya sa direksyon ng hapagkainan. 

"YURI!!" sigaw ni hyung kaya napa lingon ako, pero wala naman siya.

"Daddy!!" tumakbo yung bata papunta kay hyung, nanlaki naman yung mata ko *Kaya siguro kamukha ko siya.* 

"Saan ka ba nanggaling, yung mommy mo nasaan? Bakit ngayon ka lang bumalik?" tanong ni hyung sa bata.

"Ye-yena?  Anak!" yumakap sakin si mom.

"Mom, I'm sorry." yumakap din ako sakaniya.

"Son." lumapit si dad samin at yumakap din.

"Mga anak na nawala?" napatingin kami kay Yunjin. "Peace." natawa nalang  kami.

"Hindi ka naman nagsabing uuwi ka na." si mom, umupo na kami sa harap ng hapagkainan.

"Hindi ko rin po alam na uuwi na ako." napakamot ako sa ulo ko.

"Saan mo nga pala nakita si Yuri." napatingin ako kay hyung.

"Hindi pa kami nag ki-"

"Yung anak ko kasi." napatingin ako dun sa bata.

"Bakit naman kasi Yuri yung pangalan niya?" napabuntong hininga ako.

"Tanong mo sa mommy niya, oo nga pala nasaan ba yung mommy mo?" agad namang kinuwento ni Yu-nung bata yung nangyari. "Bakit naman niya gagawin yun?!" napahilamos si hyung sa mukha niya. "Buti naisipan mong isama siya." tumango ako.

"Wala namang masama diba?" nagkibit balikat ako.

"Oo nga pala hyung, nakita ko 'to dun sa kwartong tinutulugan ko. Hindi mo naman sinabing tropa mo yung ACE ONE." kinuha ko yung inaabot niya.

'For Yena, gwapong bibe' tinignan ko yung laman nun, litrato namin nung graduation yun. Tapos yung iba, mga litrato namin ni Yuri sa mga gala naming magkakaibigan at pati narin nung mga date namin.

"Hays, I miss them." nilapag ko muna yun at kumain na, di ko naman maiwasang maluha.

"Edi makipagkita ka sakanila." si dad, tumango ako.

"Bakit hindi ka makipagkita muna kay Yuri, para magkalinawan kayo." si mom.

"Hindi po ba tayo mahihirapan? Sobrang busy niya na kasi." uminom ako nang tubig.

"Sabihin mo lang kung kailan at saan, ako nang bahala." nakangiting sabi ni mom.

"Kayo na pong bahala kung saan." tinapos ko na yung pag-kain ko at bumalik sa kwarto ko.

Naligo na ako tsaka nagshave ng balbas at bigote ko. Simpleng t-shirt at pantalon tsaka sapatos yung sinuot ko. *Wala naman siguro siya sa bahay nila diba?*

"Hyung yung susi ng motor ko?" agad naman siyang may hinagis, buti nalang at nasalo ko. "May pupuntahan lang po ako." paalam ko kela mom. "Yunjin yung mga gamit natin nasa sasakyan mo, kuhain mo nalang." tumango naman siya.

Binuksan ko na yung gate para ilabas yung motor ko, nung sinasara ko na yung gate namin natanaw ko si Yujin at Minjoo. Nakahelmet na ako kaya ayos lang kung mapatingin sila sakin.

"Ngayon mo talaga balak bumisita kela tita?" sabi ni Minjoo.

"Ngayon lang kayo nagkaroon nang free time." sagot ni Yujin. *Ibig sabihin kaya nun nasa bahay din si Yuri ng mga magulang niya?* *Bahala na*

Dumaan muna ako sa pastry shop. 

"Himala, napadaan ka ulit." kilala parin pala ako ng may-ari. "Yung dati parin ba?" tumango ako.

"Salamat po." nagbow ako at nag-abot ng bayad, pagkabigay ng sukli sakin lumabas na ako.

Sumilip muna ako sa loob ng bahay nila Yuri mula sa labas ng gate bago nagdoorbell at tumakbo palayo, pero sapat lang para makita ko parin siyang kuhain yung pasalubong ko.

"Nandun nga siya sa kanila." tinignan ko lang siyang kuhain yung bulaklak na nakasandal sa gate nila at yung plastik na nakapatong sa bulaklak, nakita kong napangiti siya nang basahin niya yung nakasulat sa card. "I love you." sumakay na ako sa motor ko at umuwi na.

"Mom, bukas po pwede na?" natawa siya.

"Pwede naman tatawagan ko lang siya." nagdial na siya sa cellphone niya. 

"Hello Yuri." niloud speaker naman ni mom yung tawag.<

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Eunice_umji #1
Hi I hope you publish your stories on wattpad too:((