QBAI-19

Queen and I
Please Subscribe to read the full chapter

SEULGI'S Pov


 Last day na ng foundation week kaya todo gala na ang mga estudyante sa kaliwa't kanang booths sa school. Nagtext na rin ako kay arte na mauuna na muna ako sa paaralan kesa sakanya. May photoshoot pa kasi siya ngayong umaga pero ipinahatid niya pa rin ako sa isa pa niyang driver papuntang paaralan. 


Ipapasa ko na kasi ang research thesis namin kay sir. Mabuti nang advance magpasa kesa late. Atleast chill na sa mga susunod na araw. 


"H-hi po, p-pwede po ba m-magpapicture?" Nahihiyang sambit ng babae sakin habang nakayuko. Simula ng maging modelo ako kasama ni arte ay marami na ring nakakakilala saakin. Mabuti nalang at mahigpit ang seguridad ng school kaya di kami masyado dinudumog ng mga tao dito. Nakita ko na rin ang mga magazines kung saan ako nakafeature. Naging best selling din ito sa bansa. 


"Hello po, sige po" magalang na sagot ko. Ngumiti naman ng malapad ang babae at ibinagay ang cellphone sa kasama. Pagkatapos niya ay ang kanyang kasama naman. Kahit na hindi ako mahilig magpapicture ay okay lang dahil supporters ko rin naman sila. Peymus eh. Char. 


After nilang magpapicture, tumuloy na ako sa office kung nasaan si Sir Park aka Sir Sungit. Pagpasok ko, nakita ko na agad siyang may ginagawa sa kanyang assigned table. Grabe, foundation na foundation week. Talagang napakasipag ni sir. 

 

"S-sir" kinakabahang tawag ko. Lumingon ito sakin at tinaasan ako nang kilay. Nakakatakot siya guys sa totoo lang. Yung noo niyang palaging nakakunot. Pero di maipagkakaila na gwapo si sir ha. Sadyang masungit at palaging galit yung itsura. 

 

"H-here's my thesis po" iniabot ko sakanya ang gawa naman ni arte. Tinanggap niya ito at tsinek kung merong mga revisions. Nako pag pinarevise niya samin lahat yan, ipupukpok ko talaga sakanya yan.  Pero syempre joke lang. 

 

"Very good, as expected of you and miss Bae. So far, wala namang revisions" sabi nito na ikinaginhawa ng damdamin ko. "Just make sure that you can defend your thesis next week" agad namang pinanghinaan ako ng damdamin ko wala pang one second yung sir eh. "So better know your thesis kung ayaw niyo mazero" dagdag nito. 

 

Lugmok akong sumagot "okay po sir. Salamat po" Hindi naman sa hindi ako ready sa defense ha, sadyang nahihiya lang talaga ako. Che! Kahit model na ako, mahiyain pa rin ako no. It's in my nature. 
At isa pa, baka mabulol ako at kung ano-anong salita pa ang lumabas sa bibig ko. 


Maaga pa naman, mga 8:30 palang pero marami nang estudyante't mga tao sa loob. Paniguradong wala pa sila nila Wendy nito. Pumunta nalang ako sa cafeteria. Ichecheck ko muna yung paborito kong limited edition cupcakes kung nabake na ba. Ilang araw ko na ring hindi natitikman yun simula nang unang kita namin ni arte. Nadismaya ako nang sabihin nila na wala pa daw yung tindera, mamaya pa daw siya dadating kaya maghihintay nalang muna ako. Tuwing foundation week lang kasi sila araw-araw na nagtitinda. Pero kung regular school days, tuwing biyernes lang talaga. 

 


Arte calling


"Hi arte!" Masiglang bati ko. Bakit ba, namiss ko siya eh. 


"Hello baby, where are you in school?" Tanong nito. Siguro papunta na siya dito. 


"Nasa cafeteria ako arte, hinihintay ang cupcakes ko" sagot ko dito. 


"Dadating yan pag andiyan nako" kumunot ang noo ko. Pinagsasabi nito? "dahil kulang pa yan sa icing at ako ang icing sa ibabaw nang cupcake mo" pagkasabi niya non parang biglang tumigil ang lahat...sa kakornihan!

 

"HAHAHAHA Awit baby ang dami kong tawa mga apat. Korny mo" walang emosyong sagot ko. Pero di ko mapigilan matawa kasi nai-imagine kong nakasimangot na ito. Hindi ko rin namalayan na natawag ko pala siyang baby. 

 

"Awts gege" feel kong nagpout ito sa kabilang linya. 

 

"I love you" napatigil ako nang narealize ko agad ang sinabi ko. Feel kong napatigil din siya. Ilang araw na kaming mag jowa pero ni isa samin, wala pang nag sabi nang L word. 


"Uh a-arte?" Baka natakot na yun. 


"I love you too Seulgi" 

 

.

 

"Singkit!" Sigaw ni Yeol sa pintuan ng cafeteria habang tumatakbo papunta sakin. Di na nahiya. 
Sa likuran niya ay si Krystal na nakakapit sa braso ni Wendy at nakangiti at si Wendy na nakabusangot. Ang badtrip talaga niyan palagi pagdating kay Krystal. Wala pa yung ibang tropa, busy siguro sa kani-kanilang clubs. 


"Kamusta naman ang peymus na kaibigan namin ha?" Tinignan ko sila isa-isa nang may suspetsya.


"Kelangan mo?" Bara ko. 


"Grabe ka sakin!" Mag pout ito. Inikutan ko lang siya ng mata. Mukha siyang pato. "Arte is that you? Haha mag jowa nga naman nakukuha na ang traits ng isa't-isa" sabi nito. Umiling ako. Ano na naman kayang kalokohan ang gagawin nila?


"So kamusta Seul? Ano feeling? hehe" mukhang manyak na tanong ni Wendy. Pinaningkitan ko sila ng mata. 


"Honey, kung gusto mo malaman kung ano yung feeling, tara gawin rin natin" segwey ni Krystal tsaka ngumiti ng y kay Wendy na siya namang ikinapula nito. 


"Che! Tumahimik ka nga!" Sigaw naman ng isa. Mabuti hindi nag walk out. 

 

"Pinagsasabi niyo?" Kunot noong tanong ko. 

 

"Yung ano" turo ni Yeol sa kamay ko. Mas lalo ko pa silang kinunutan ng noo. Magkaka wrinkles na ata ako nito. 


"Hindi kasi kayo pumasok yesterday. Napagod ba kayo?" Ah, nagtatanong sila kay arte. 


"Oo napagod ako." Nag gasp sila "bakit?"


"Sino yung galaw ng galaw?" Huh? Malamang ako. Ikaw ba naman mag alaga ng lasing diba. 


"Malamang ako" irap ko sakanila. Mas lalo silang napa gasp. 


"Sinasabi ko na sainyo eh. Ayaw niyong maniwala" ani ni Yeol. 


"Masunurin lang yan si Seulgi pero ibabaw yan no" proud na sabi ni Wendy. Huh ibabaw?


"Damn, I gotta pay up huh. I always thought it's Ivo since she always have a dominant personality" aniya ni Krystal. 


Dominant? Ibabaw? 


Ay putcha! Ang slow ko! "Hoy h-hindi namin ginawa y-yung iniisip niyo ha!" Muntik na. "Mga bastos!" Sigaw ko na ikinagulat nila. Namumula na rin ang aking mukha sa hiya. Tumawa naman sila. Nakakahiya. 

 

May yumakap sa leeg ko mula sa likuran ko. Ako lang kasi ang nakaupo sa isang upuan sa table samantalang yung tatlo ay nasa kabila. Base sa pinakapaborito kong amoy, si arte to, ang girlfriend ko. Ipinatong niya ang kanyang baba sa pinakatuktok ng ulo ko. Hinawakan ko naman ang dalawang braso niya na nakapulupot sakin. Mahirap na baka mamaya sakalin ako nito. Mabuti nang cautious. "My baby's right, sa birthday pa niya daw namin gagawin yun" kumalas naman ako sa yakap niya at lumingon sakanya tsaka siya sinamaan ng tingin. 

 

Ang babastos ng mga tao ngayon!

 

"Wow. Nex

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Sianligh
Mag sh-shameless promote ako ng isa ko pang story dito. It's called APHRODITE'S FIRST LOVE. JUST CHECK IT OUT ON MY PROFILE. Hahahaha

Comments

You must be logged in to comment
moksy12 #1
Chapter 20: waiting po
Pristinemoon
36 streak #2
Chapter 20: 🥺🥺🥺
Maddox03 #3
Chapter 2: Updateeee plsss
notjoohyunn
#4
Chapter 20: Update pleathhh 🥺
notjoohyunn
#5
Chapter 13: ʕっ•ᴥ•ʔっ
IS2SEULRENE #6
Chapter 20: Gandaaa updaye juseyooo
reuxxxklp
#7
Chapter 20: authornim mag update ka please ang ganda ng stories mo 😭😭
_rtempest
1027 streak #8
Chapter 20: ganda ng mga stories mo otor! waiting w/ respect din dito sa updates mo <3
broke_asf
#9
Chapter 20: Wendy ang Krystal unexpected ship pero nakakakilig sila huhu