QBAI-17

Queen and I
Please Subscribe to read the full chapter

SEULGI'S Pov

 

Hanggang ngayon ay tulala parin akong nakatingin mula sa stage na pinagsayawan nila arte.  Kung hindi pako kinalabit ng dalawang unggoy, tiyak hindi ko pa mamamalayan na tapos na pala ang palabas. Umalis na kami sa event area at nagsimulang tumungo sa back stage kung nasaan sila arte.

 

Masyado yata akong nadala sa pagkindat ng maarteng yun *sigh*

 

"Singkit,  ano na? Okay ka lang ba? Kinindatan ka lang, halos mawala na iyang kaluluwa mo" panunukso ni Wanda sakin. 

 

"Eh ikaw nga eh. Tumulo nga yang laway mo sa body roll ni Krystal. Akala mo di ko napansin.  Kadiri ka" namumulang sinamaan niya ako ng tingin.  Tsk.  Hanggang ngayon in denial parin ang gagang to.

 

"Hindi kaya!  Sa magnanakaw pa na yun tutulo laway ko? Hell no!  Sa mga masasarap na pagkain lang tutulo laway ko no!" pagdedeny niya pa. 

 

"Krystal is hella a snack tho" sabat naman ni Yeol.  Sinamaan siya ng tingin ni Wendy at pinagpapadyak ang paa. Amused naman kaming tumingin sakanya. Alam namin kung bat nagkakaganito tong gagang to.  Nagseselos yan. Ganyan na ganyan kase yan pag nagseselos. Nag th-throw ng tantrums haha. 

 

Pano ba naman kasi nang sumayaw ng solo si Krystal ay biglang may lumapit na lalaki sa kanya na mukhang dancer din at tsaka sumayaw. Naging duo na ang kaninang solo act ni Krystal.  Dikit pa ng dikit ang lalaki sakanya sa pagsasayaw.  So sinong hindi mababadtrip right?  Especially pag gusto mo yung taong sumasayaw. 

 

Mabuti nalang at walang ka-partner si arte kanina ng sumolo siya at baka magkarecord pako sa guidance for 'punching' char.  As if naman marunong akong sumuntok. Kahit nga langgaw ay hindi ko man lang kayang mapatay haha. 

 

"Selos ka lang eh." tukso namin sakanya. Napikon ang gaga,  ayun nag walk-out.  First time gumanon ni Wendy.  Kadalasan kase magseselos lang yan pag hindi namin siya sinasama sa mga gala namin ni Yeol or sa mga foodtrip namin dahil unavailable siya or may iba siyang lakad.  Ni minsan hindi yan nagselos dahil sa babae.

 

"Baklang yon. Ang arte. Hindi nalang sabihing nagseselos. Arte arte" napapailing na sabi ni Yeol. 

 

"Hayaan mo na. In denial pa eh" sabi ko.

 

"Speaking of In denial. For real naba kayo ni Arte mo?" ngiting aso na tanong ni Yeol.  Sinabi ko kasi sakanila ang totoo. Na hindi naman talaga kami magjowa nila arte.  Assuming lang talaga yung mga tao at press. 

 

Nahagip ng aking paningin ang nakangiting mukha ni arte na ngayon ay masayang nakikipag-usap sa kanyang mga kaibigan. Nafeel naman niya ata na may nakatingin sakanya kaya tumingin rin siya sa direksyon ko, still with that breath-taking smile of hers.

 

Napapayukong tumango ako kay Yeol. Ayokong ipakita na namumula't kinikilig ako.  Knowing them,  paniguradong isang banderang tukso ang aabutin ko sa dalawang unggoy.

 

"Yun oh!  Biruin mo! Sa kapangitan mong yan,  nakabingwit ka nang isang perlas" biro nito.  "Pero ihhhhh!  Kinikilig talaga ako sa inyong dalawa! ArteManyak for the win!" aray! Kikiligin na ngalang,  manghahampas pa. Nakakalimutan yata nito na mabibigat yung palad niya. 

 

"Tsk,  Yeol. Please pakihinaan ang boses." suway ko sakanya. Malakas pa naman ang boses ng higanteng baklang to. 

 

Kahit na maraming sumosuporta saming dalawa ni arte bilang magkaloveteam,  syempre hindi rin maiiwasan ang mga taong taliwas ang opinyon. Tsaka,  gusto rin namin ni arte na iprivate ang dating life namin. Pero hindi namin idedeny. Kumbaga, open-secret kind of thing?

 

"Oops, sensya na haha. Naexcite lang ako dahil sa wakas!  Hindi kana straight! Kumpleto na ang #teamBakla" mahinang sigaw niya. Oo nga pala haha. Akala ko nga rin nong una hindi ako baliko. Pero ano nangyari,  binunggo ako ni arte kaya naging baliko haha. 

 

"Tsk, unang-una palang, wala nang naniniwala sakin na straight ako in the first place." tumawa siya ng malakas. Bwesit na to.  Ayaw ko mang magmukang hambog, pero mas sikat pa'ko sa mga babaeng estudyante dito sa university or kahit na saan kesa sa mga lalaki. Magugulat nalang sila pag sinasabi kong straight ako.

 

"Pasensya ka na ha, nang dahil sa pag sama-sama mo samin ni Wendy,  nadadamay ka pa tuloy sa kabaklaan namin" kumibit balikat ako. 

 

"Okay lang yun ano ka ba.  Sa katunayan nga hindi ako naoofend in fact na aamused pa nga ako.  Maybe simula pa nung una baliko na'ko pero hindi ko lang namamalayan. " although hindi ko sinasabi na okay ang mag assumed ng preference ng tao ha. In the end, ang tunay lang na may karapatan na mag-assumed o magdikta ng preference ng isang tao ay ang kanyang sarili mismo.  You can't change people's preference ika nga. Unless kapag isa ka sa mga factor ng pagbabago ng preference ng isang tao and in my case, si arte yun.

 

"Masyadong seryoso naman yata yang pinag-uusapan niyo" napatingin kami sa gawi ni arte. Nakabihis na ito ng shirt at jeans at hindi na yung kaninang outfit niya sa pagsayaw. 

 

"Winewelcome ko lang si Seulgi sa #teamBakla Miss Irene haha.  Anyways, congrats! Haha." Arte looked at me, tinanguan ko naman siya.  "Although Seulgi is quite handful sometimes tsaka may pagkahalaman yan. Please take care of our newly baby gay okay. Ciao! " tinadyakan ko si Yeol. Mahina lang ang pagkakasabi niya pero rinig ko parin ito.

 

"I'm guessing he knows about our relationship" I nod. Mas lumapit pa ito at inangkla ang braso sakin.

 

"But you never court me though. So hindi mo pa ako girlfriend" nanlaki ang mata ko.  Seryoso ba siya? Tumingin ako sakanya at seryoso nga ang mukha nito. Sasabat na sana ako nang bigla siyang tumawa. Confused akong tumingin sakanya. Tsk. Sinasapak na naman ang maarteng to. 

 

"Arte, ano ba" I sighed. Nagmemental breakdown na ako dahil akala ko babawiin na niya ang 'in a relationship' status namin.

 

"Just kidding. You can still do some courting stuffs to me even when we're together. I'm not some typical girl na kelangan pang ligawan. I like you,  you like me and that's enough for me to be your girlfriend" may sinabi pa itong french words pero hindi ko na pinansin dahil kinikilig ako sa mga pinagsasabi niya.

 

Sigh arte.  Ikaw lang ang may kakayahan na bwesitin ako at pakiligin at the same time. 

 

Kinuha ko ang kamay niya at hinalikan yon.  So much for being private haha. Wala namang tao tsaka medyo private naman ang pwesto namin so...

 

"Alam mo, you're unpredictable" naiiling kong sabi at hinila siya papunta sa mga kaibigan namin. 

 

"Oh,  tapos na kayong maglandian? Tara na't nagugutom na'ko" panira ni Wendy. Epal talagang abnoy na to. 

 

"Krys, girl,  landiin mo nga yang baklang yan. Masyadong epal eh" irap na sabi ni Yeol. Hindi nalang gayahin si Yeol na kahit walang lovelife ay masaya parin. 

 

"Hays, hubby,  halika nga dito. Bat ba ang sungit sungit mo ngayon?  Meron kaba?" bagay nga sila ni Wendy. Parehong mapang-asar pero asar talo naman. 

 

"Bahala nga kayo diyan! " irap nito sabay walk-out ulit. We looked at Krystal.  She shrugged and went after Wendy. 

 

"Meron nga siguro yon. Masyadong sensitive eh" natatawang sabi ni Yeol.  

 

"Let's go? I'm hungry" yaya ni arte kaya sabay-sabay na kaming pumunta ng canteen. Ayaw nilang kumain sa perfomer's lounge sa backstage dahil hindi daw nila bet ang mga pagkaing inihanda don. Ang aarte talaga. 

 

"Arte,  ano order mo?  Ako nalang kukuha" paniguradong pagod to. Kaya I'll just be her slave for now (kahit lagi naman)

 

"Hmm, the usual. Thank you" tumango ako at bumili na ng kanyang 'usual' gustong pagkain which is pasta and baked salmon. Paborito niya talagang kainin yan dito sa canteen.

 

Pagkabalik ko, tahimik lang na kumain ang grupo. Galit galit muna. Nakakagutom naman kasi talaga ang ginawa nila arte (no pun intended ha).

 

"Oh guys! That reminds me nga pala. So,  my brother was having an opening on his new bar tonight and he wants to invite us all" pukaw ni ate Solar. Hmm bar? Pwede ba kami don? 17 palang kami ni Wendy, Yeol at Moonbyul "So what do you guys say?  Are you in?" dagdag niya. 

 

"About that,  I can't come with you guys. I promise Sana that I'm gonna take her out to dinner tonight" sagot ni Tzuyu.  Malimit ko na nga lang siya nakita dahil masyadong busy siya sa family business nila. Naging Ceo na kasi ito ng maikasal sila ng long time girlfriend niya na isa ring heiress. Isa yun sa mga rason kung bakit hindi siya minsan nakakasabay sakanila ni arte. 

 

"Ayiee. Sige na nga basta hubby duties talaga" sabi ni Solar.  Tumingin siya sakin.

 

Napakamot ako ng batok. "Pwede ba kami don?  Underage pa kami" sagot ko. That's their fault for dating someone younger than them haha. 

 

"Don't worry, I already told my brother that haha. Mix juice lang sainyo at no alcoholic drinks" sabat niya. 

 

I looked at arte confirming kung gusto niya bang sumama. She looks like she's in deep thought dahil magkatalukbong pa ang kilay nito. 

 

"We're going. Matagal-tagal narin naman tayong hindi nakakapagbar" sagot ni arte. She looked back at me. I can sense some mischievousness in her eyes. Nako! Ito na bang sinasabi nila na 'basta may alak,  may balak'?

 

"Sama na tayo Seuk. Mukhang masaya don at tsaka panigurado maraming mga fafa don" excited na sabi ni Yeol. Nakalimutan ko nga pala, kaya to single si Yeol dahil masyadong malandi haha char. 

 

"Sige, paalam lang ako kay nanay." sagot ko. 

 

~

 

"Arte,  baka hindi ako payagan ni nanay mamaya" alam ko namang hindi mahigpit si nanay saming magkakapatid pero bar parin yung pupuntahan namin. Kahit saang anggulo tingnan, inuman at alak parin ang naroroon. 

 

"Ako magpapa-alam sayo. And besides, hindi ka iinom, heck kahit na subukan mo pa hindi rin naman kita papayagan" she smirked at hinapit ako papalapit sakanya sabay kabit ng kamay sa batok ko. 

 

"Besides, you should be drunk on love for me, not for alcohol." bumitaw ako sakanya. I can't take her cheesy but cringy pick up. 

 

"Tangina arte, sobra nayun" umakto ako na parang nasusuka at tinawanan siya. Hahaha.  She pouted.

 

Pota! Ang cute tangina!

 

"Ah so, ganyanan na pala ha" she sulked na ikinagulat ko. Honestly,  she never fails to amazed me everytime I see a different side of her everyday.

 

"Hahaha to naman. Tumatampo si ate oh. Halika nga dito teh haha" sinamaan niya ko ng tingin habang ako eh tawa parin ng tawa.  Ang sarap niyang asarin haha. 

 

Tumakbo ako ng akmang susuntukin niya'ko. Brutal! Tumakbo rin siya para habulin ako. Kaya ang ending n

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Sianligh
Mag sh-shameless promote ako ng isa ko pang story dito. It's called APHRODITE'S FIRST LOVE. JUST CHECK IT OUT ON MY PROFILE. Hahahaha

Comments

You must be logged in to comment
moksy12 #1
Chapter 20: waiting po
Pristinemoon
36 streak #2
Chapter 20: 🥺🥺🥺
Maddox03 #3
Chapter 2: Updateeee plsss
notjoohyunn
#4
Chapter 20: Update pleathhh 🥺
notjoohyunn
#5
Chapter 13: ʕっ•ᴥ•ʔっ
IS2SEULRENE #6
Chapter 20: Gandaaa updaye juseyooo
reuxxxklp
#7
Chapter 20: authornim mag update ka please ang ganda ng stories mo 😭😭
_rtempest
1027 streak #8
Chapter 20: ganda ng mga stories mo otor! waiting w/ respect din dito sa updates mo <3
broke_asf
#9
Chapter 20: Wendy ang Krystal unexpected ship pero nakakakilig sila huhu