QBAI-11

Queen and I
Please Subscribe to read the full chapter

SEULGI'S Pov


~I get so weak in the knees, I can hardly speak

I lose all control and something takes over me

In a daze and it's so amazing, it's not a phase

I want you to stay with me, by my side

I swallow my pride, your love is so sweet

It knocks me right off of my feet

Can't explain why your loving makes me weak~

 

"Nice work guys!" puri ng school council president namin. Kasalukuyan kasi kaming nagrerehearse para sa upcoming foundation week ng school na gaganapin na bukas. Haissh. Kung bakit nasali pa ko dito eh. Pesteng Wendy kasi! Ano bang pumasok sa utak non ay wala palang utak yon tsk at sinali-sali pa'ko sa ganitong gig. Ni hindi ko man lang alam na naisulat niya pala ako na isa sa mga performer ng gig na to. Ang gago lang. Kung hindi pa'ko ipinatawag eh wala talaga akong kaide-ideya. 

 

At isa pa, si arte. Gago rin ang isang yun eh. Ni hindi man lang nagpaalam na aalis pala siya papuntang France para sa photoshoot niya. Ni isang text man lang kahit na artehan niya'ko ay wala. Huli na ng malaman ko kina ate Solar na aalis pala siya. Tsk. 

 

Miss mo na?😏

 

Miss? Miss niya mukha niya! Sus! Ni paalam nga hindi niya magawa. Tsk

 

Makareklamo to! Jowa ka niya ha! Jowa ka niya!

 

Pakyu ka gago! 

 

"Oy Seul! Alam naman namin na namimiss mo na yung arte mo pero brad naman tama na oh. Nagugutom nako oh. Kanina kapa nagde-daydream diyan. Iwas muna sa kalibugang pag-iisip tol" pota. Pigilan niyo ko kundi mapapatay ko tong hayop na Wendy na to. Ang gaga. Ibalandrada ba naman eh may hawak pa siyang mic. Rinig tuloy ng lahat yung sinabi niya. 

 

"Wends...hahahaha tumakbo kana gago!" sigaw ni Yeol. Nanlaki ang mata ni Wendy at tumakbo pero naunahan kona ito at binatukan siya ng pagkalakas-lakas. Tsk. Mukhang mahina pa nga eh dahil hindi lumipad yung ulo niya. Eh puro hangin naman ang laman non. Tsk.

 

"Aray! Shet Seulgi! Mababagok yata ako sa pambabatok mo!" reklamo nito habang hinihimas ang kanyang ulo. 

 

"Gago ka kasi!" bagay lang sakanya yun.

 

"Haha. Osige na. Umalis na kayo. Magta-time na mamaya oh" tumatawang pangtataboy samin ni SC President. Haisst. Maganda rin tong presidente namin oh. Sikat rin to dahil sa angking katalinuhan niya. Idagdag mo pa na anak siya ng isa sa mga pinakanirerespetong angkan. 

 

"Salamat Miss Jisoo. Sige po alis na po kami" mukhang tupang ulol na paalam ni Wendy.  Tumango lang si Miss President at ngumiti. 

 

"Haisst. Ang ganda talaga ni Miss President no. Diba Singkit?" wika ni Yeol habang lumalakad kami. Tumango ako. Di naman maipagkakaila eh. 

 

"Yaan mo na Yeol. Halaman iyang kaibigan natin eh. Hahaha" pinagsasabi nito.

 

"So...kamusta na kayo ng arte mo?" tanong ni Wendy

 

"Ewan ko" eh sa ewan ko naman talaga. Psh. Badtrip parin ako sakanya. Ang hilig niyang mang-iwan(hugot ba yon?😁)

 

"Alam mo. Di ko na alam sayo eh no. Obvious naman na may gusto ka sakanya. Bakit hindi mo pa aminin?" napahinto ako sa sinabi ni Wendy. 

 

"A-ako may g-gusto sa maarteng yun?! No way!" sige tanggi pa more Seulgi.

 

"Ulol mo! Sino niloloko mo? Lelang mo? Hahaha" 

 

"Gaga! Wala nga talaga! Straight ako!" straight pa nga ba ha Seulgi? Aiiish!

 

"Straight daw. Pano mo nasabi. Eh kung makaasta ka ngayon para kang iniwan na jowa niya. Deny kapa diyan" inirapan ko ito

 

"Tama si Wendy, Seul. Ngayon ka lang namin nakita na ganito kasaya. Kita naman sa mukha mo na masaya ka t'wing kasama mo si arte mo eh" haisst. Sino ba ang niloloko ko. Kahit na muntanga tong mga kaibigan ko, basta pagdating sa lovelife ay nagiging matalino. Bakit hindi nalang sila naging matalino sa academics. 

 

"E-ewan ko. Di ko na talaga alam ang nangyayari sakin" napayuko ako. Nagagandahan lang dapat ako sakanya diba. Pero bakit tumitibok yung puso ko. Bakit?!. 

 

"Haay Seulgi. Baby ka pa nga talaga pagdating sa mga ganito. At tsaka ayaw mo non? Squad goals na tayo. Tatlo na tayong bakla. Hahahaha" Haynako

 

"Hahahaha! Tara na nga! Drama natin. Kanina pa'ko magugutom eh" tumawa naman kami dahil narinig namin yung tunog ng tiyan niya.

 

"Okay class! I reremind ko lang ulit sa inyo yung thesis project niyo. A deadline is a deadline okey. I mean business here. Wala akong paki sa whatever reason niyo kung hindi niyo man nameet yung deadline ko. Okey!" Aissh napakaterror talaga ni Mr. Yoo. Para siyang pinaglihi sa sama ng loob. 

 

"Psst...Seul." tawag sakin ni Wendy kaya nilingon ko siya. 

 

"Oh?" walang ganang sagot ko at tumingin  ulit sa harapan. Mahirap na at baka mahuli pa ako ni Mr. Yoo

 

"Sali ka mamaya? May friendly game daw ang basketball women mamaya. Pinapasali tayo" ano ba to. Wala ba silang ibang mayaya at bakit ako pa?

 

"Ayoko. Tinatamad ako" walang lingong sagot ko sakanya. 

 

"Sige. Sayang naman. Manunuod pa sana si Miss Ivory." automatikong nalihis yung ulo ko sakanya. Ngising aso ko namang naabutan siya. 

 

"Tsk. Tsk. Ang bilis ah. Atat lang teh. Joke lang naman yun. Ikaw ah. May pa straight straight ka pang nalalaman. Psh" inirapan ko siya at sinamaan ng tingin. Paasa rin ang isang to eh. Inusnos ko siya kay Krystal eh. 

 

"Ayyyyyy dissapointed. Huwag kang mag-aalala. Namimiss karin ng arte mo. Tiwala lang." as if no. Ni text  nga hindi niya magawa. Ang mamiss pa kaya ako. Psh

 

Oo na inaamin ko na. Hindi na simpleng pagtingin to okey. Namimiss ko na ang kaartehan ng babaeng yon. Psh. Siguro masyado siyang nawiwili sa mga pransyes don. 

 

"so ano? Sali kana?" pangungulit ni Wendy. 

 

"Tinatamad ako. Kaw nalang" wala talaga akong ganang gumawa nag kung ano-ano today. Gusto ko lang yung mag mukmok at matulog eh no. 

 

"Sus. Kj mo" di ko nalang siya pinansin. Eh sa wala akong gana eh. Bakit ba ang hilig nilang pumilit kahit na ayaw na nga(hugot ba ulit yun?😁)

 

Pinagpatuloy ko nalang yung pakikinig ko sa mga guro hanggang sa matapos na ang lahat ng subject. 

 

 

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Sianligh
Mag sh-shameless promote ako ng isa ko pang story dito. It's called APHRODITE'S FIRST LOVE. JUST CHECK IT OUT ON MY PROFILE. Hahahaha

Comments

You must be logged in to comment
moksy12 #1
Chapter 20: waiting po
Pristinemoon
36 streak #2
Chapter 20: 🥺🥺🥺
Maddox03 #3
Chapter 2: Updateeee plsss
notjoohyunn
#4
Chapter 20: Update pleathhh 🥺
notjoohyunn
#5
Chapter 13: ʕっ•ᴥ•ʔっ
IS2SEULRENE #6
Chapter 20: Gandaaa updaye juseyooo
reuxxxklp
#7
Chapter 20: authornim mag update ka please ang ganda ng stories mo 😭😭
_rtempest
1027 streak #8
Chapter 20: ganda ng mga stories mo otor! waiting w/ respect din dito sa updates mo <3
broke_asf
#9
Chapter 20: Wendy ang Krystal unexpected ship pero nakakakilig sila huhu