PROLOGUE
Queen and IMayroong iba't- ibang klase ng istudyante. Merong masipag, meron ring pa chill-chill lang. Merong hagard at meron ding canvass haha. Merong matalino at meron ring mga tamad mag-aral. Pero ako, ako yung tipong simple lang. Nag-aaral kung kinakaylangan haha. Gumagawa ng assignments. Nagpapasalamat tuwing may group projects
At kahit papaano'y naidadaraos rin ang quiz.
Simple lang akong tao. Friendly na may pagka-shy type hehe. Idagdag mo pa na cute at maganda raw ako pero hindi ko naman yon ipinagmamalaki. As in hindi talaga. Sila lang naman ang nagsasabi nun.
Sabi ng mga kaibigan ko playgirl daw ako. Pero hala! Di ko alam ibig sabihin nun oy! Playgirl? Hmmm yun ba yung babaeng mahilig sa laro? Pero sabi nila di daw maiiwasan yun dahil maganda, cute, charming at ma-appeal daw ako. Sadyang habulin lang talaga daw ako ng mga Puso kung ano man ang ibig sabihin non.
Kagaya nga ng sabi ko kanina. Simpleng tao lang ako at natutukso rin lalo na sa pagkain. Pagkain lang ang hilig ko. Di ako mahilig sa lablyp na yan. Naku! Allergic ako diyan. Pagkain lang talaga ang mahal ko. Pagkain lang at wala ng iba-.
"Hoy Seulgi! Bumangon kana nga diyan! Malelate ka na naman sayong klase! Nakong bata ka!" pagsisigaw ng nanay niyang pinaglihi ata sa armalite. Pero huwag kayo. Mahal ko yang si nanay kahit na mapanakit.
"Kapag hindi kapa bumangon diyan maliligo ka talaga ng makulong tubig diyan mismo sa kama mo" kita niyo na ang bayolente. Kawawa naman ang magandang mukha ko daw kung malilogo ako ng kumukulong tubig no.
"Seulgi isa" hindi nay dalawa. Haha
" Eto na po! babangon na po!. Woohh! Good morning to the world! Good morning nay!" at humalik siya dito sa pisnge.
"Buti naman at gising kana. Osya! Maligo kana. Nakahanda na ang almusal sa baba. Dalian mo bago ka pa maubusan." sabi nito.
Dali-dali naman akong pumunta sa banyo at naligo. Aba! Pagkain yun! Mahirap na baka maubusan pa ako no. Malalakas pa naman kumain ang mga kapatid ko.
"Oh eto na pala si Singkit eh. Tara samahan niyo na kaming mag-almusal"
"Oo nga Yabs, dali na. Masarap pa naman ang luto ni mommy Kang"
"Anong ginagawa niyo dito!? Hoy! Ang aga-aga nambubulabog kayo!" kung tinatanong niyo kung sino ang mga gagong ito well sila lang naman ang mga walang kwenta kong kaibigan. Sina Wendy at Chanyeol. Mabuti nalang matino si Moonbyul, dahil kung hindi mamamatay talaga ako. Haha.
"Oh easy, nakikikain lang eh. At tsaka namiss narin namin ang luto ni Mommy Kang" sabi ni Chanyeol na may pakindat-kindat pa kay mama. Kadiri talaga tong yoda na'to. Tsk.
"Tse! Tigilan niyo nga ako ha! Araw-araw kayong nakikikain dito. Ano kayo?! Walang bahay na pwedeng pagkainan?" tsk ke-yayamang mga tao pero kung maka-asta parang hindi nakakain ng isang linggo.
"Tama na nga yan. Ang iingay niyo. Seulgi, kumain ka nalang diyan." pag-aawat ni nanay sa'kin. Tsk wala man lang ka concern-concern. Kaya parati kami nawawalan ng stock ng pagkain sa bahay eh. Tsk maupo na ngalang at makakain.
"Siya nga pala. Today's the start of your part time job diba?" tanong ni Chanyeol.
"Ay oo nga pala. Haha muntik ko nang makalimutan"
Dahil simple lang akong tao ofcourse simple rin yung buhay ko. Di kami gaanong mapera. Sapat lang para matustusan ang pangangailan namin sa pang-araw-araw na gastusin. Buti na nga lang at scholar ako eh.
Comments