QBAI-12

Queen and I
Please Subscribe to read the full chapter

SEULGI'S Pov

 

"Good job Seulgi, the excitement level of students and guests totally exceeded because of you" pagpupuri sakin ni Miss President na ikinahiya ko naman. Wala naman akong ginawang malaki eh, pero kung makapuri yung mga kasamahan ko akala mo may ginawa na'kong engrande.

 

"Oo nga Seulgi, nakakakilig ka talaga kanina. Sayang at may girlfriend kana" aniya naman ng isa kong kasamahang babae. Oo nga pala, akala ng lahat na meron kaming relasyon ng maarteng yon. Pinalabas na kasi ang magasin kanina at pinamigay na sa lahat ng estudyante. Wala man lang akong kamalay malay. Isama mo pa na ikinonfirm na pala ng agency ang relasyon namin kuno.

 

"Oy di kaya! Nakakakilig kaya sila kanina ni Miss Irene. Ayiee! Infairness. Ang sweet-sweet ni Miss Irene ah" kutya ng isa ko pang kasamahan. Haynako, ang arteng yon. Ang galing talaga gumawa ng eskandalo. Bumalandra ba naman ng pagkalaki-laking banner na may itsura ko lang naman at di pa nahiya sumigaw-sigaw pa ng kung ano-ano.

 

 

Kunyare ka pa. Eh kinilig ka rin naman ng husto.

 

Di ako kinilig no! Asa!

 

 

"Let's stop teasing her guys. Look oh. Pulang-pula na siya" panunukso ni miss president na mas lalong ikinapula ko.

 

"Cute!" sigaw nila. Haynako

 

"Miss Irene!" nagulat naman ako sa biglaang pagsigaw nila at dali-daling lumingon.

 

 

Kunyare ka rin eh no.

 

Tsshh. Tahimik.

 

 

"Hey guys. Would you mind kung kukunin ko siya sa inyo? May pag-uusapan lang kami ng baby Seulgi ko" tinaasan ko siya ng kilay. San na naman kaya ako hahatakin ng babaeng to. Narinig ko naman yung mga impit na tili ng mga tao sa backstage. Psh, gumawa pa ng eksena ang maarteng to.

 

 

Na gusto mo naman.

 

Alam mo, ang sarap mong sapakin minsan.

 

"Ganon mo ba'ko namiss at pati yang utak mo inaaway mo?" natauhan naman ako sa sinabi niya. Huh? Napatingin naman ako sa paligid ko. Wow. Puno ng sunflowers yung paligid. Nasa gitna kami ng field kaya halos napapalibutan kami ng mga sunflowers. Ganon ba'ko kawala sa sarili at nahatak niya'ko ng ganito kalayo. Teka, nasa school pa ba kami?

 

"Nami- este nasaan na tayo ha?" muntikan na yun ah. Oo namiss ko siya ng sobra. Pero di ko sasabihin sakanya yun. Baka mas lumaki pa ulo niya lalo.

 

"Don't worry. Nasa school pa rin tayo. Nasa sunfower farm lang tayo ng school" sagot nito habang nakatingin sa paligid.

 

"Bakit mo'ko dinala dito?" napalunok ako ng bigla itong tumingin sakin pero ibinalik rin nito ang tingin sa paligid. Ngayon ko lang siyang napagmasdan ng ganito. She looks so..serene. So perfect. Hindi ko na kasi siya nakita kanina after ng performance ko. Busy kasi kakapicture sa mga fans niya. Psh. Pero grabe! Isang linggo lang siya sa Pransya pero parang-haissh hindi pala parang kasi mas lalo pa siyang gumanda. Mas lalo siyang naging makinis at nagpakulay rin pala ito ng kulay-lila sa kanyang buhok na mas lalong ikinabagay at ikina-puti niya.

 

Haisst baby arte. Minsan yung kagandahan mo sobra-sobra rin eh no. Shhh

 

 

Luh! Tama ba yung naiisip ko? Tinawag mo siyang 'Baby Arte' 😏

 

Tahimik!

 

Pasimple ka rin eh no😏

 

Tumahimik ka nalang diyan.

 

"Stop fighting with yourself. Baka mabuang ka niyan sige ka" tinignan ko siya ng masama kahit hindi naman ito nakatingin sakin dahil nasa paligid pa rin ang tingin nito. Tsk, ikaw yung pinag-aawayan namin ng sarili ko. Psh, kung alam mo lang, sayo ako mababaliw. Alam ko kung ano ang meaning ng buang kasi nagpaturo ako ng hiligaynon kina Yeol. Taga bacolod rin kasi ang isang yun. At para malaman ko narin ang pinagsasabi minsan ng arteng to. Pwera nalang sa french dahil ayaw akong turuan ng mga gago kong kaibigan para may thrill daw. Daming alam.

 

"Eh bakit mo nga kasi ako dinala dito?"

 

Tumingin naman ito sakin saka ngumiti. "Namiss ko lang kasi. Sobra" Ngayon ko lang napagtanto na posible pa palang trumiple ang tibok ng puso. Napalunok ako.

 

"A-at a-ano naman ang kinalaman ko dito" shet. Yung mga ganitong moments talaga ako di nasasanay sakanya.

 

"Wala. Namiss ko lang" tumingin naman uli siya sa paligid.

 

"Namiss kaba?" biro ko

 

"Namiss mo ba'ko?" speechless. Magaling talaga mang first blood tong arteng to.

 

"Sabagay. Sino ba naman ang hindi makakamiss sa gandang to" kita mo to. Lakas rin ng hakot no. I'm surprise na hindi pa to naging barako sa pagbubuhat nito ng sariling bangko.

 

"Kapal" napangiti nalang ako. "Pero seryoso, namiss kita" nagulat ito at umiwas ng tingin.

 

Arte. I'm starting to love our moments like this.

 

 

"Ayayay ayayay ayayay o pag-ibig. Pagpumasok sa puso'y maligalig"

"Ako si..."

"Wendy!"

"Taga..."

"Manila!"

"At kung tatawagin..."

"Just call me Wendy or Pwendyours!(Pwede yours)Hahahaha"

"hahahaha! Landi! at kung sa inuman...

"Good girl po ako!"

"Wehhhh!"

"Hoy! Totoo! Mga gago!"

"At kung sa babae..."

"bakit babae? Diba dapat lalake?"

"Gago! Bakla ka friend. Kaya babae dapat hanap mo!" napailing naman ako. Ano bang pinang-gagawa ng mga to.

"Oh di sige! Uhmm. Dapat y at mabait!"

 

"Kagaya ko Baby?" banat ni Krystal na ikinamula naman ni Wendy.

 

"Che! Di ka mabait no!"

 

"Pero y ako. Uyyyy" sinundot-sundot pa nito si Wendy. Di ko alam kung naiinis o kinikilig lang yung isa sa pula na ng mukha nito.

 

Napapatawa nalang ako sa sitwasyon ni Wendy. Minsan gago rin tong si Krystal eh. Lakas rin ng amats

 

"Nga pala Rene, diba dapat next week ka pa uuwi? Bat napaaga?" tanong ni ata Solar. Pero oo nga. Dapat next week pa uuwi tong maarteng to eh.

 

"I know. Pero may nagtatampo kasi sakin kaya binilisan ko yung pag-uwi ko" napa-iwas naman ako ng tingin. Feeling ko lang ba yon o ako yung tinutukoy ng babaeng to.

 

"Ayiee. Sweet mo rin pala girl no. Pero mas sweet ako. Diba babylou ko?" panlalandi ni Krystal kay Wendy. At anu daw babaylou? Hahaha parang babalu yung tunog hahaha.

 

"Anuba! Sabi ng h'wag mo kong tawaging babaylou eh!" Lol. Gg na talaga tong si Wendy kay Krystal. Titiklop rin pala ang gago.

 

"Sus. Kinikilig ka lang eh" di siya

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Sianligh
Mag sh-shameless promote ako ng isa ko pang story dito. It's called APHRODITE'S FIRST LOVE. JUST CHECK IT OUT ON MY PROFILE. Hahahaha

Comments

You must be logged in to comment
moksy12 #1
Chapter 20: waiting po
Pristinemoon
36 streak #2
Chapter 20: 🥺🥺🥺
Maddox03 #3
Chapter 2: Updateeee plsss
notjoohyunn
#4
Chapter 20: Update pleathhh 🥺
notjoohyunn
#5
Chapter 13: ʕっ•ᴥ•ʔっ
IS2SEULRENE #6
Chapter 20: Gandaaa updaye juseyooo
reuxxxklp
#7
Chapter 20: authornim mag update ka please ang ganda ng stories mo 😭😭
_rtempest
1027 streak #8
Chapter 20: ganda ng mga stories mo otor! waiting w/ respect din dito sa updates mo <3
broke_asf
#9
Chapter 20: Wendy ang Krystal unexpected ship pero nakakakilig sila huhu