Nagkataon

'Pag Nga Naman Minamalas
Please Subscribe to read the full chapter

"Lumalamig na sopas mo, Seulgi." Sabi ni Hani sabay higop ng sabaw mula sa bowl nya. Maglilimang minuto na mula nung huling galawin ni Seulgi yung sopas nya.

Si Yuri naman, dinadaganan parin si Seulgi. Pano ba naman, gusto makita ni Yuri kung sino katext nung 'bunso' nila, kaya naman patuloy na itinatago ni Seulgi yung cellphone nya habang nakikipagtext sya kay Irene.

"Grabe ka na, Seulgi." Di parin umaalis si Yuri sa pagkadapa nya sa likod ni Seulgi. "Nakipagmeet up ka lang nung Sabado di mo na kami kinukwentuhan ni Hani. Snob ka na."

Napatigil si Seulgi. "Grabe, di naman po..." Tinago nalang ni Seulgi yung phone nya sa bra nya, dahil confident na confident sya na di yon magagawang makuha ni ate Yuri nya.

Pero wrong move. May pagka reckless nga pala tong dalawang kasama nya.

Dinukot ni Yuri ang cellphone ni Seulgi mula sa bra nya na para bang yun ang pinaka normal na bagay sa buong mundo.

"A-Ate Yuri!!" Napatili si Seulgi.

"Wag ka mag-alala, medyo wala naman akong nakapa eh, promise!"

"Sira," bulong ni Hani habang inubos na ang sopas nya. "Ikaw Yuri, yung sopas mo rin malamig na. Di ko na yan iinitin, matutulog muna ako."

"Ay puta may passcode pala cellphone mo." Napa-facepalm si Yuri, at medyo napalakas pa ata kasi ang lutong nung tunog. Hinagis nalang ni Yuri yung cellphone.

Kumabog bigla yung puso ni Seulgi.

Una sa lahat, nanakawan na nga sya ng laptop. Tapos ngayon, mababasag pa cellphone nya? Deds na sya sa magulang nya pag-uwi nya sa Marikina sa susunod na Sabado.

Pinanood nalang ni Seulgi yung paglipad ng cellphone nya sa ere at

"Kabado ka no!" Hampas ni Yuri sa likod ni Seulgi.

Sumakto naman ng bagsak yung cellphone ni Seulgi sa kama ni Yuri. Buti nalang talaga eh naging athlete si Yuri nung high school sya kundi baka sa bintana na mahulog yung cellphone nya.

"Wala ka talagang tiwala saakin," Pacute na sinabi ni Yuri. Nagkunwari pa syang mag-pout. "Dapat mag-team building tayong tatlo eh. Ikaw Hani, alam ko may tinatago ka rin samin ni Seulgi."

"Ba't tayo magteteam building tapos tayong tatlo lang?" Natawang sabi ni Hani. "Para namang di pa tayo sawa sa mukha ng isa't isa dito araw araw. Tsaka sabi ko naman sainyo na dun sa ref nakatago yung mga chocolate na pinauwi ni Mama mula Singapore eh."

"Ay ganun ba," Napa-kamot ulo si Yuri. "Ah... Nung Huwebes ko pa kasi hinahanap... Andun lang pala."

Tumayo na si Yuri para kainin yung /lumamig/ nya na sopas. "Hoy, Seulgi, mamaya ka na makipaglandian dyan. May lumilitaw nang sebo sa sopas mo."

"Opo, opo." Tango ni Seulgi. Tumayo na sya mula sa sarili nyang kama para kunin yung sopas nya.

Pabalik na si Yuri sa kama nya nang biglang umilaw yung cellphone nya. Mukhang nakapagreply na yung kausap nung bata.

"Oy!!! Kang Seulgi!!!" Muntik nang mabitawan ni Yuri yung bowl nya. Napalingon si Seulgi, kabado. "Manyakis tong kadate mo ah!!"

"Huh? Bakit?"

Irene: Seulgi, kita tayo sa Sabado ulit? ;)

---

"Landi," Pang trentang beses na atang sinambit ni Sehun yon ngayong araw na to. Matapos ipabasa ni Seulgi kina Kai yung text nila ni Irene, yun nalang ang pambati ni Sehun sakanya.

Kalagitnaan ng klase, sinabi nanaman yon ni Sehun. Eto kasing si Seulgi tumuwad para pulutin yung ballpen nya. Lahat nalang di pinatos ni Oh Sehun.

"Grabe ka talaga Sehun," chineck muna ni Seulgi kung gumagana pa ba yung ballpen. Oki doki pa naman. "Di naman ako yung nagtext nun eh..."

"Pero kinilig ka tsk. Excited ka pa nga nung pinakita mo sakin eh." Medyo napalakas ng sabi si Sehun kaya naman

"Mr. Seahoon, anong inaatupag ninyo ni Ms. Soolji dyan sa likod?" Tinuro pa talaga sila nung guro nila, na para bang may iba pang 'Seahoon' at 'Soolji' sa klase.

Ngumisi si Kai na nasa harapan nilang dalawa. Buti nalang eh di nalang sya nakisagot sa pagkasuplada ni Sehun na for sure eh may pek squared na dahil mukhang legit na nireregla nga ata to.

"Ser, Sehun po." Sinabi ni Sehun in his best monotone voice. "Wala po ser, nakikinig po kami ser."

Nag-isip ng sandali yung guro nila.

"Sige, mukhang nakinig naman ang lahat sa discussion ko." Nag-'yessirrr' ang lahat. "Dahil dyan, maglabas ng isang-kapat ng papel, magpapashort quiz ako."

Lahat ay nagalit kay Sehun nung oras na iyon.

~

"Tanginaaaaaa," Para bang ito na ang pinaka masaklap na kaganapan sa buhay ni Sehun. "Ano score nyo mga gago. Pinakamababa manlilibre ah."

"6/20," simpleng bulong ni Kai na may bahid ng hiya. "Seulgi, ikaw?"

"6/20 din. Hala, nagkopyahan ata tayo ah."

"TANGINA 6/20 DIN AKO, ANONG KAPAKSHETAN TO?!" Napatayo si Sehun. "MGA DEMONYO TAYO. 666! 666!"

Syempre, may pagkatanga 'tong si Sehun.

Bagsak na nga sila, at dahil pa sakanya (ulit), pinalabas ang tatlo mula sa classroom nila.

"Namo, demonyo pa more." Tumawa nalang si Kai.

---

You: Uy, need ko lang to go dito sa echos ni Seulgi. Kitain nalang kita later, patutor kthx.

TruLuLu: Hahaha sige sige. Saan ba kayo? Sundo nalang kita, text mo ko pag tapos na kayo.

You: Jollibee lang. Kuripot si Seulgi eh. Libre mo ko peach mango pie mamaya pagsundo mo sakin.

TruLuLu: Ay, wow, Jabee din? HAHA pupunta kasi dyan si kapatid deerest, makikipagkita ata sa crush nya daw. Ewan ko ba dun. Pakibantayan nalang, bawal pa mag perskiss yung batang yon.

TruLuLu: Pero sige, libre kita peach mango pie kung ililibre mo ko ng Chicken Joy.

You: Ge, wag na nga. See u

Naglakad na si Sehun mula Espanya (mula pa sa bano na imprastraktura aka yung The One), patungong Dapitan kung saan kikitain daw ni Seulgi yung jowa nya.

Ngayon kase balak ipakilala ni Seulgi yung tropa nya dito kay Irene, kung sino man yon.

Di naman excited si Sehun na makita yung pinagkakaabalahan netong si Seulgi (kapal naman nung Irene, walang kukuha ng atensyon ni Seulgi kundi si Kai at Sehun lang!), pero more like excited syang malaman kung pwede ba sya asarin at mapagtripan. Mas masaya kase kung ganun. Para close close na.

On the way, nakasalubong nya nga yung kapatid ni Luhan.

Mukhang handang handa makipagkita tong si ate Joohyun sa crush nya eh. Naka blusang puti (tsaka black na bra, medyo manipis kasi yung fabric), skinny na ripped jeans, tsaka rubber shoes na mukhang may takong pa ata sa loob.

Amoy na amoy pa yung Scandalous Fragrance Mist ng Victoria's Secret nya na pinampaligo nya ata imbis na ipabango.

"Uy, ate!" Nag-smile si Sehun. "Papunta ka daw po ng Jollibee?"

"Ah, sabi ni kuya?" Tanong nya pabalik. "Oo eh. Ikaw? Saan punta mo? Practice para sa projects?"

"Ah, 'di po. Sa Jollibee din lang po." Medyo okay naman kausap 'tong kapatid ni Luhan, pero di kasi sila close ni Sehun masyado kaya at this point, medyo naa-awkward na yung binata. "Uhh... May kikitain ka

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
stillintoyu
191 streak #1
UPDATE PO HUHU
prism4tic
#2
Chapter 4: LT mx. zekrom ang babakla 😭😭😭 sana po macontinue nyo to
PineappleSeulgi
#3
Chapter 4: Wuhuhuhu :'<
_awesomeanj #4
Chapter 4: UPDATE POOOOO
hahahaharlequin
#5
Chapter 4: EONNIE PLEASE UPDATE PO
pringlesniseulgi
#6
Chapter 4: Jusmiyo author-nim! Pwede ba pasabi kila Mama Lu at Papa Lu na ibalik sa sinapupunan 'tong si Jackson. Tsaka Kai, mahal kita ng lubos, sakin ka nalang magkwento di ako magsasawa pakinggan yan hahahahaha.
ANNMATSUMOTO #7
Chapter 4: Laptrip tong story mo otor! Hahahahaha
future_mrs_liu #8
Chapter 4: Ang ganda talaga nito author. The best ka talaga. Alam mo bang binabada ko palang first chapter napatigil ako para lang mag upvote?? Galing!