'Di Talo

'Pag Nga Naman Minamalas
Please Subscribe to read the full chapter

"Napansin ko lang, Seulgi," mahinang sinabi ni Irene. Ang dalawa ay nasa kwarto na ni Irene, dahil tuluyan na talaga syang iniwanan ng kanyang tatay. "Kanina sa kotse, nung tinignan kita, may tinga ka pala."

Namula si Seulgi at tinakpan ang bibig. "Saan po yung CR mo?"

Itinuro ni Irene yung pintuan na puti sa kwarto nya, bilang senyales na iyon ang kanyang CR.

Ang cute rin pala ni Seulgi, no?

Parang napaka exaggerated ng pagtakip ng bibig nya, habang nanlaki yung mata nya.

Shy type?

Ganito rin kaya sya nun kapag kasama nya si Krystal?

Panandalian naman nagpalit ng pantalon si Irene, dahil mas komportable mag shorts sa bahay.

Ang tagal naman ata magtanggal ng tinga ni Seulgi? Ano, tinanggal nya na rin kaya lahat ng ngipin nya?

Naisipang humiga ni Irene sa kama nya at pumikit.

Naaalala nya pa tuwing makikitulog dito si Krystal, tuwing may misunderstanding sila ng ka-frat ni Irene aka yung ate nyang si Jessica. Tapos, si Irene yung iiyakan nya tuwing ikukwento ni Krystal na hindi lang sya naintindihan ng ate nya kaya ganoon.

Iniiyakan din kaya ni Krystal si Seulgi?

Sa totoo lang, minahal nga ba talaga ni Krystal si Irene, o ginawa lang nyang iyakan at takbuhan tuwing may problema sya? Baka naman ate lang talaga ang naituring ni Krystal kay Irene?

Habang naiisip itong lahat ni Irene, lumabas na si Seulgi mula sa CR.

"Hehe, sorry napatagal." Sambit nya. "Hirap kasing tanggalin nung tinga eh..."

Cute naman nito!

Kaya siguro nakayanan ni Krystal na i-two time sila. Kapansin-pansin naman kung anong nagustuhan ni Krystal sakanya eh.

"Okay lang! Inaantok ka ba?"

"Medyo." Sabi ni Seulgi. "Ikaw po ba?"

"Wag ka na mag-po!!" Sabi ni Irene. Una, ayaw nya lang talaga maalala kung gaano kalaki yung nilang dalawa. Ang tanda nya na kasi kumpara kina Seulgi. At pangalawa, gusto nya maramdaman na tunay na close na silang dalawa. Hindi yung mag-aalinlangan pa sya kung feeling close lang ba sya kay Seulgi o okay na ba sila sa isa't isa. Di tulad nung ginawa ni Krystal, na tinawag syang ate Irene, kasi ate lang naman pala talaga ang turing nya sakanya.

"O-Okay po..." Tas nahampas ni Seulgi sarili nya dahil nag-po nanaman sya.

Ang cute nya talaga, ang sarap i-hug.

"Pero inaantok ka nga?"

"Eh... Kung may extra bed naman po... Opo, inaantok ako."

Ngumisi si Irene. "Pwede namang dito ka nalang sa kama ko eh."

Namula naman si Seulgi. "Eh..! Sure ka po ba?"

"Sure ako na..?"

"Ako..." Umiwas ng tingin si Seulgi. "Tsaka ikaw... sa kama mo..."

Tumawa si Irene. "Sinabi ko ba na matutulog ako?" Tumawa pa sya lalo nang makitang mas namula pa sa pula si Seulgi. Taray, pwede nang gumawa ng lipstick shade tong si Seulgi mula sa pagkapula ng pisngi nya. "Kunin mo na yung kama, sasamahan ko nalang muna si kuya sa pagtutor kay Sehun. Baba ka nalang sa sala pag gising ka na."

Tumango si Seulgi, at tumayo narin si Irene sa pagkahiga nya sa kama.

Pinanood nyang humiga si Seulgi habang papalapit na sya sa pintuan.

May alinlangan si Seulgi sa mukha.

Napansin nya kaya na pareho kami ng shampoo ni Krystal?

Naamoy nya ba na iisa ang fabcon na gamit nila ni Krystal para sa panlaba?

---

"So bale," Panimula ni Luhan. Naabutan ni Irene na tinuturuan ng kuya nya si Sehun tungkol sa Physics. "Para makuha yung force dito, kailangan mo imultiply yung values of current, velocity, field tsaka sin theta, yun na yon."

"Eh pano kung yung current yung kailangan?"

"Revise mo yung formula. Transpose mo 'to dito, tas para ma-isolate to, multiply mo both sides diba."

Wala nang maintindihan si Irene sa kanilang dalawa. Kinalimutan nya na lahat ng tungkol sa Pysics. Pero mukhang electromagnetism pinag-uusapan nila.

Napalingon si Luhan sa direksyon ni Irene. "Uy! Gusto mo rin ba magpatutor, Irene?"

"Ayoko, di naman connected yung Physics sa course ko eh, aanhin ko yan?"

Business kasi ang kurso ni Irene. Aanhin nga naman nya ang Physics?

"For wider knowledge lang," Sabi ni Luhan. "Malay mo magpatutor sayo balang araw si Seulgi. Edi ano, nganga ka? Mas makaka-damoves pa ako kumpara sayo?"

Napa-tsk nalang si Irene. Nung high school kasi sya, kahit na parte sya ng student council, tinulugan nya lang yung Physics. Hina kasi nung boses nung teacher nya eh, yan tuloy inantok sya. Buti nalang talaga eh 20/20 yung vision nya, kaya kahit yung valedictorian sa kabilang row, nakokopyahan nya.

Pinagsisisihan ni Irene na di nalang sya tumabi kay Seulgi.

Inaantok din sya, kaso natatakot sya na baka pag niyakap nya ng paaksidente si Seulgi, maalala nya lang yung pakiramdam ng kayakap si Krystal sa kama.

Yak, nag-cringe si Irene.

'Di nya na dapat 'to drinadramahan.

Puta bahala na.

Umakyat uli si Irene papunta sa kwarto nya.

---

Pagkagising ni Seulgi, tatayo na dapat sya, pero naramdaman nyang may humila sakanya pabalik.

"Dito ka muna,"

Katabi pala ni Seulgi si Irene. Parang kanina lang sinabi ni Irene na di sya matutulog ah?

"Unless gusto mo rin magpatutor kay kuya." Tuloy nya.

"Ah, hindi..." Sabi ni Seulgi. "Akala ko kasi nasa baba kayong lahat... Kaya bababa sana ako para di ako mag-isa dito."

Niyakap nalang ni Irene si Seulgi, with matching patong pa ng isang hita sa bewang ni Seulgi.

"Dito ka nalang muna," Sabi ni Irene. Parang inaantok pa sya. Nagising lang ata sya nang subukang tumayo ni Seulgi.

"Okay."

~

"Bumangon na kayo mga batugan," binuksan ni Luhan ang pintuan ng kwarto ni Irene. "Nagluto si mama ng adobo."

Piningot pa ni Luhan yung nakababatang kapatid nya. Simula pagkabata, yun lang talaga ang paraan para mapagising si Irene, kasi magagalit pa yan, at mabubuhayan ng loob para habulin ang kanyang kuya para lang mabatukan nya pabalik.

"Oo," sinigaw ni Irene, nakabaon ang mukha sa ilalim ng kanyang unan. "Alis,"

"Andito na sina papa," sabi ni Luhan. "Alas sais na, dinner time na."

Napaupo bigla si Irene.

Napatingin sya sa tabi nya at namalayan na wala na pala si Seulgi.

Hala, bumaba na ba sya?

...

! Baka kung ano nang nabanggit nya kina mama.

Bawal malaman nina mama na

Babae

Yung

Dinedate ko...

Dali-daling bumaba si Irene. Di na sya nagsuot ng tsinelas para lang makababa agad.

Andun na sa dining room yung mga magulang nila, pati narin si Sehun at Seulgi.

Mababasa sa mukha ng kanyang ina na para bang nakikipagclose na sya kay Seulgi.

"Naku Hyun, parami ng parami ang mga bata sa bahay!" Nakangiting binanggit ng mama nya. "Ang cute cute nitong kasama ni Sehun. Tawagin mo na kuya mo, andami nya palang tinutuor, no?"

Yun pala ginawa nyang palusot.

"Joohyun, ba't di ka rin magtutor ng mga high school students?" Tanong ng tatay nya. "Diba mahilig ka naman sa math nung high school ka? Mukhang maraming m

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
stillintoyu
190 streak #1
UPDATE PO HUHU
prism4tic
#2
Chapter 4: LT mx. zekrom ang babakla 😭😭😭 sana po macontinue nyo to
PineappleSeulgi
#3
Chapter 4: Wuhuhuhu :'<
_awesomeanj #4
Chapter 4: UPDATE POOOOO
hahahaharlequin
#5
Chapter 4: EONNIE PLEASE UPDATE PO
pringlesniseulgi
#6
Chapter 4: Jusmiyo author-nim! Pwede ba pasabi kila Mama Lu at Papa Lu na ibalik sa sinapupunan 'tong si Jackson. Tsaka Kai, mahal kita ng lubos, sakin ka nalang magkwento di ako magsasawa pakinggan yan hahahahaha.
ANNMATSUMOTO #7
Chapter 4: Laptrip tong story mo otor! Hahahahaha
future_mrs_liu #8
Chapter 4: Ang ganda talaga nito author. The best ka talaga. Alam mo bang binabada ko palang first chapter napatigil ako para lang mag upvote?? Galing!