Pagbabanta

'Pag Nga Naman Minamalas
Please Subscribe to read the full chapter

Lumipas ang isang buwan na para bang normal ang lahat; nag-aasaran sina Sehun at Kai, iniisip nina Yuri at Hani na minamanyak parin si Seulgi, at pinapaglaban parin ng mga magulang ni Irene na kung ‘di parin magkatuluyan si Sehun at Seulgi, itutuloy na talaga nila yung permanenteng paglipat ni Jackson sa UST High School.

Speaking about which, kaya pala pinatawag si Seulgi nung nakaraan, kasi kinita sya ng mga magulang ni Irene para lang sabihin na on the process na ng pagpapalipat si Jackson.

So ayun nga.

Isang araw, pagpasok ni Seulgi sa classroom, may ‘di kilalang mukha na kumakausap kay Sehun.

Aaminin ni Seulgi; may itsura yung lalaki. ‘Di nya naman alam na meron pa palang mga kakilala ‘tong si Sehun. Akala nya eh forever loser na sya. Pero wow, mas pogi pa yung lalaki kaysa kay Sehun (or at least, sa paningin ni Seulgi).

Napatingin si Sehun sa direksyon ni Seulgi, at dahil doon, napatingin narin si kuya. Bago pa man tumayo si Sehun sa kanyang upuan, agad na lumapit si kuya pogi kay Seulgi.

“You’re Seulgi, diba?” Sabi nya, na medyo pa-conyo yung tono ng boses. “Hi, nice to meet you. You look as wonderful as your name, Seulgi.”

Medyo na-confuse si Seulgi. Kilala nya ba ‘to? Pinakilala na ba ni Sehun ‘to sakanya?

“A-Ah, hello…” Yun nalang ang nasabi ni Seulgi since ‘di naman sya gaanong ka-confident sa English nya. Baka mapahiya sya nang wala sa oras.

“Di mo pa ata ako kilala.” Pout ni kuya. Oo, ‘di pa nga kita kilala pero wooh, ang pogi mo! “I’m Jackson, pero you can call me yours.” Sabi nya, sabay kindat.

Tinapik ni Sehun si Mr. Pogi. “Hoy, hinay hinay lang ha. ‘Di nyo pa nga kilala isa’t isa, ganyan ka na agad makipag-usap. Wag ka ngang breezy, pwede?”

Nginitian nalang ni Jackson si Seulgi, at medyo kinabahan si Seulgi.

Nakalimutan nya nang may tao palang nagngangalang Joohyun.

Joohyun who?

Jackson, anakan mo ko!!!

“Are you free later at lunch?” Tanong ni Jackson kay Seulgi. “If you don’t mind, samahan mo naman ako libutin yung building. I still don’t know all the places here kasi eh.”

Binatukan na ni Sehun ang bagong kaklase. “Tangna mo ka,” sabi neto. “Ako na magtotour sayong hinayupak ka. Isama ko pa si Kai kung gusto mo. May projects pang tatapusin si Seulgi. Wag kang maharot.”

Napakamot si Seulgi. “Huh? Eh natapos ko naman na yung--”

“Bale, ano palang gusto mong malaman tungkol sa school na ‘to? Gusto mo ba pakilala kita sa mga naging teacher ko? Blah blah blah blah.” At tuluyan nang iniba ni Sehun ang usapan, habang nilalayo si Jackson kay Seulgi at pinapakilala sa iba pa nilang mga kaklase.

 

---

 

Nung nakaraang Linggo, bago pa man lumipat ni Jackson, kinausap na ni Irene si Sehun. Sinadya nya talagang wag ipasama si Seulgi, well, kasi sya yung pag-uusapan.

“Sinabi na saakin ni mommy na bukas na papasok si Jackson officially bilang kaklase nyo.” Mahinahon na sabi ni Irene.

“Ah, edi swerte nyang may magiging kaklase sya na kasing pogi ko.” Tawa ni Sehun, pero agad naming tumigil ito nung sinapak na sya ni Irene sa braso.

“Nakaka… ewan, gaano man kataas ang pride ko, aaminin ko na medyo nath-threaten talaga ako kay Jackson eh. Pogi kasi sya tapos--”

“Mas pogi ba sya sakin?” Tanong ni Sehun na para bang concerned na concerned.

Napaisip si Irene. Ano bang mas gustong marinig ni Sehun, yung katotohanan? Isususgarcoat nya pa ba yung sasabihin nya?

“Um… Sabihin na natin na magkalevel lang kayo, pero mas lamang lang sya ng isang ligo.”

“Aba!” Nathreaten na din si Sehun. Walang ibang pogi sa buhay ni Seulgi kundi siya lamang! At yung kapatid ni Seulgi. Pati narin si Kai, kahit na usangot sya sa lipunan. Mas pipiliin na ni Sehun na tawagin si Kai lagi na pogi, wag lang syang makakita ng mas pogi sakanya. Ayaw nyang maging friend yun.

“So ayun nga, Sehun. Pogi sya, mayaman, matalino. Nakakatawa din minsan. Kaya naththreaten ako. Isang kindat nya lang maaagaw nya na sakin si Seulgi. Ganun yun kapogi.”

Nagliyab ang ilong ni Sehun. “So ano, kikindatan ko na din ba lagi si Seulgi? Para di nya na mapansin si Jackson na yon?”

“Babatukan ka lang nun, malamang.” Sabi ni Irene. “Pero I have an idea. Since ‘di pa naman ganun kakilala ni Jackson si Seulgi, I bet wala pa syang nareresearch about sa personal info ni Seulgi.”

Tumango si Sehun, na para bang hinahayaan lang si Irene na magsalita.

“Hihingi sana ako sayo ng pabor.” Mahinang sabi ni Irene. “Please lang… Kung ‘di naman sya masyadong hassle sayo… Pakilayo si Jackson kay Seulgi and vice-versa. Wala akong pake kung paano mo gagawin. Kahit magkunwari ka pang jowa ni Seulgi, payag ako. Basta wag mo lang hahayaan si Jackson na magpakahigad kay Seulgi…”

Hinawi ni Sehun ang mala-Dyos nyang buhok. “Sige, akong bahala dyan. Bago pa man malaman ni Seulgi, kami na.”

“Huy, pero wag mo naming seryosohin! Baka magtampo na nyan si kuya sayo. Basta hangga’t nasa paligid nyo si Jackson, gawin mo lahat ng makakaya mo para mawalan sya ng interes kay Seulgi. Promise ko sayo, ililibre kita.”

“Nako ate, wag na po.” Sabi ni Sehun. “Ang importante, mapalayas ko yun. Mas boto ako sayo pagdating kay Seulgi, noh!”

 

---

 

“So, mahili

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
stillintoyu
190 streak #1
UPDATE PO HUHU
prism4tic
#2
Chapter 4: LT mx. zekrom ang babakla 😭😭😭 sana po macontinue nyo to
PineappleSeulgi
#3
Chapter 4: Wuhuhuhu :'<
_awesomeanj #4
Chapter 4: UPDATE POOOOO
hahahaharlequin
#5
Chapter 4: EONNIE PLEASE UPDATE PO
pringlesniseulgi
#6
Chapter 4: Jusmiyo author-nim! Pwede ba pasabi kila Mama Lu at Papa Lu na ibalik sa sinapupunan 'tong si Jackson. Tsaka Kai, mahal kita ng lubos, sakin ka nalang magkwento di ako magsasawa pakinggan yan hahahahaha.
ANNMATSUMOTO #7
Chapter 4: Laptrip tong story mo otor! Hahahahaha
future_mrs_liu #8
Chapter 4: Ang ganda talaga nito author. The best ka talaga. Alam mo bang binabada ko palang first chapter napatigil ako para lang mag upvote?? Galing!