Malas

'Pag Nga Naman Minamalas
Please Subscribe to read the full chapter
Nakatunganga lang si Seulgi sa Lover's Lane, inaantay parin hanggang ngayon yung tropa nya na tinalk na ata sya. Sabi nila na by 10:00 AM daw andito na sila para sa group project na kailangan nila gawin. 60% pa man din yun ng grade nila.
  Pinapanood nya nalang yung mga tao na naglalandian sa ibang mga benches. Onti nalang ata magmomomol na sila. Medyo na-awkward si Seulgi. Ano kayang naiiisip nila habang nagp-PDA sila? Di kaya sila nahihiya sa pinaggagawa nila?
  Kinuha nalang ni Seulgi yung text book nya mula sa laptop bag nya, para subukang intindihin yung topic sa Physics na hanggang ngayon eh di nya parin magets. Paano ba naman, kapag nagdidiscuss yung teacher nila, eh parang yung isang side lang ng classroom yung kausap.
  May magandang bata na tumabi sakanya.
  Ang bango nya, wow.
  Di na makafocus si Seulgi sa pinagbabasa nya sa text book nya. Para bang sa sobrang bango ng shampoo na kinombohan pa ni ate ng pabango nya, natanga nalang si Seulgi.
  Napahikab si ateng katabi ni Seulgi. Napa-stretch sya ng arms, at nung binaba nya ay para bang umakbay siya kay Seulgi.
  Sa totoo lang, bakit nga ba hindi nagreklamo si Seulgi nang tumabi ng ganito kaclose si ate? Dahil ba maganda at mabango sya?
  May inaantay din kaya syang mga kagrupo?
  Kabatch nya kaya 'to na pinagtitripan ang sya?
  Nang walang ano-ano'y biglang hinablot nung babae yung laptop bag ni Seulgi, at tumakbo ng mabilis.
  Luh puta! Yung test paper ko nandun pa sa laptop bag! Kailangan ko 'yon para sa portfolio! Baka di ako mabigyan ni Ma'am ng grade pag kulang laman ng portfolio ko!
  "Ate, wait lang!" Pilit na hinabol ni Seulgi yung babae.
  Tumakbo sya, at feeling nya pwede na sya maging susunod na Usain Bolt, pero feeling lang naman.
  Nagulo na tuloy buhok nya gawa nung hangin. Pinagtitinginan na rin siguro sila ng ibang mga tao. Nakarating na sila ng papunta sa Engineering building, palabas na ata si ate ng Espanya.
  "Ate, yung test paper ko!" Sigaw ni Seulgi. "Kailangan ko yon para sa grades ko!"
  Buti naman at narinig sya nung babae, kaya napatigil pa sya.
  Binuksan nung ate yung bag, tas kinuha na lahat ng papel na nasa loob ng laptop bag at inabot kay Seulgi.
  Tumakbo na uli sya palayo, at nasaktuhan na naka stop light sa kalsada. Tumawid na sya palayo at sumakay sa isang taxi.

---
  "Sorry na, Seulgi," Bulong ni Sehun. "'Di ko naman inexpect na makikipagdate saakin si Luhan hanggang 12:00, sabi nya kasi may iaabot lang sya saakin, eh. I-extend nalang natin yung practice hanggang 5:00."
  "Luh, uy 'wag naman!" Sigaw ni Kai. "May practice pa mamaya grupo ko para sa Work The Floor. Sayang naman kung 'di pa kami manalo this year, eh last year na namin dito eh."
  "Kumag talaga kayo," Sabi ni Wendy. "Nanakawan na nga 'tong si Seulgi, ayaw nyo pa makipag-cooperate."
  "May narinig ka ba?" Napatingin si Sehun sa paligid. Para bang may hinahanap sa himpapawid. "Nagsasalita ata yung hangin."
  "Oo nga eh, ang creepy." Bulong ni Kai, kunwaring kinilabutan.
  "Parang narinig ko rin," Sabi ni Seulgi, na nagsimulang maghanap na katulad ni Sehun, "Pero parang tama yung hangin, bwiset kayo nanakawan ako mga gago."
  Napa-pout nalang si Wendy, kunwari hindi nahurt. "Ge, oo, okay lang. Ayos lang."
  "Uy yun na narinig ko na." Sabi ni Kai nang biglang lumapit kay Wendy. "Ayos lang daw yung hangin,"
  "Nanakawan ako guys!!"
  "Buti pa yung hangin, ayos lang." Sabi ni Sehun na para bang nahurt.
  "Yung laptop ko nanakaw..."
  "Ulol Sehun, anong hinuhugot mo dyan eh super swerte mo na nga kay kuya Luhan. Sumbong kita dyan eh." Sabi ni Kai habang piningot tenga ni Sehun. Napa-ouch ng malakas si Sehun.
  "Tangina mo wag!"
  "Yung laptop ko..."
  "Grabe sige oo di talaga nila ako papansinin." Parinig ni Wendy.
  "Lul wag ka kase humugot," Sabi ni Kai. "Ang corny mo tuloy lalo. Lul."
  "Inggit ka lang na nagdate kami ni Luhan kasi LQ kayo ngayon ni Krystal eh."
  "Suntukan nalang oh?"
  "PUTA, NANAKAWAN AKO NG LAPTOP!!" Sigaw ni Seulgi. At finally, narinig na sya nung dalawang muntikan na magsapakan sa Quadri. Napatingin yung ibang mga nasa paligid nila na para bang na-alarm nang marinig na nanakawan sya.
  "Ba't kasi di mo tinatago ng maayos mga gamit mo?" Sabi ni Sehun na inirapan si Kai.
  "Eh ba't kasi di kayo pumunta ng maaga no," Sabi ni Seulgi na para bang wala nang emosyon.
  "Nakipag-date nga daw sya kay Luhan," Sabi ni Kai. "Hayaan mo na yung dalawa, sana langgamin sila for real."
  "Luh yan ka nanaman," Tinignan ng masama ni Sehun si Kai.
  "Hinabol mo sana yung nagnakaw, Seulgi?" Tinry ni Wendy na makisingit muli sa usapan.
  "Sino nagsabi nun?" Si Sehun, muntik na ma-headlock si Kai. "Hala, ganito na ba talaga ka-haunted ang UST ngayon?"
  "Hinabol ko naman sya..." Buntong-hininga ni Kai. "Pero--"
  "O, shut up ka nalang," Tinakpan ni Sehun yung bibig ni Kai. "Pero hinabol mo nga ba, Seulgi?"
  "Oo, syempre kailangan kong mabawi yung test papers ko dun sa bag. Alam mo namang di nirerecord ni Ma'am yung mga scores natin, eh san nalang sya kukuha ng ipapanghugot ng grades ko kung mawala ko pa mga papel ko?"
  "Sus bagsak ka lang din naman," biro ni Kai.
  "Lakas ng loob mo, sumayaw ka na nga lang, andami mo pang sinasabi eh." Asar ni Sehun.
  Si Wendy naman, naiinip na sa mga /gago/ nyang kagrupo. "Ano, magpapractice pa ba tayo? May gagawin pa kong PeTa eh."
  "So kumpleto naman ba yung binigay sayo na test papers?" Tanong ni Sehun, sabay akbay kay Seulgi. "You know, sayang kasi eh. Kasi kung pinagsama sama yung lima mong 20/50 na quiz, 100 na rin yun."
  "Tanga, edi kung pagsama-samahin man yun, 100/250 lang yun."
  "Oo nga Sehun." Tango ni Seulgi. "Kai, you make sense today. Sana pala lagi kayo nag-LQ ni Krystal para lagi kang matino, no?"
  "Break nalang kayo, syinota mo pa kase ex ni Seulgi eh." Panukso ni Sehun.
  "Gago..." Hampas ni Kai sa braso ni Sehun. Lutong nun, friend.
  Nalungkot pa tuloy lalo si Seulgi. Nanakawan na nga ng laptop, naalala pa na nanakawan din sya ng girlfriend.
  "Huy, sorry na. Napag-usapan na natin 'to diba?" Sabi ni Kai. "Hanap nalang kita ng girlfriend. Promise, alam mo naman siguro na maraming kilalang chix si Krystal, diba?"
  Um-oo nalang si Seulgi.
  "Makipag-ayos ka kaya muna kay Krystal bago ka mag-promise dyan kay Seulgi na hahanapan mo sya ng chix? O kaya ipaubaya mo nalang lahat ng mga naging ex mo para quits na kayo."
  "Timang." Binatukan ni Seulgi si Sehun.
  "Uy guys ano na?" Di mapakali si Wendy. "Kung di naman tayo magpapractice, kain nalang tayo. Libre ko kayo."
  "Uy Wendy, andyan ka pala?" Napalingon si Sehun. "Kelan ka pa dumating? Tara, kain nalang tayo!"
  Hinampas ni Wendy si Sehun. Grabe, ilang beses pa bang masasaktan si Sehun ngayong araw na 'to?

Nagsimula nang maglakad si Wendy papunta sa Carpark. Sinundan naman sya ng tatlo nyang /gagong/ mga kaibigan.

"Bait talaga ni Wendy, kaya love ka namin eh!" Sabi ni Sehun, habang sinusundan ang rich kid nilang katropa na napapansin lang pag kopyahan sa exam o kaya sa mga libre.

"Dyan kayo magaling!"

---
"Nga pala, Seulgi." Simula ni Kai habang pinapapak ang spicy chicken ng KFC. Bucket kasi yung inorder ni Wendy, kaya okay lang kung may iba na papakin. "Ano ba tipo mo sa babae? Para mahanap naman kita ng pamalit."
  "Ay alam ko mga tipo netong si Seulgi. Sa ilang taon namin naging magkaklase, kabisado ko na ngayon mga gusto neto sa buhay." Banggit ni Sehun.
  "Ako rin, alam ko rin. Yung tipo ni Seulgi yung mga mala-Krystal." Sabi ni Wendy, pero mukhang wala nanamang nakarinig sakanya.
  "Alam mo kasi, yang mga tipo ni Seulgi, yung mga mala-Krystal." Sabi ni Sehun na para bang kabisado nya na lahat ng bagay sa mundo.
  "Gago," Bulong ni Seulgi habang sumubo ng mashed potato. "Tangina mo talaga Sehun no, balak mo ba kami pag-awayin ni Kai?"
  "Oo, siguro ang cute nyo mag-away. Hehe." Tumawa si Sehun. Pero matapos ng limang segundong pagtawa, bumalik sa seryosong mukha yung ekspresyon ni Sehun. "Pero honestly, Seulgi. Diba yung mga type mo yung mga tulad ni Krystal? Yung mga mataray na sophisticated. Tsaka yung mga mayaman para you know..."
  "Grabe naman sa mataray..." Para bang mas nasaktan pa si Kai sa narinig nya tungkol kumpara sa mga pananakit ni Sehun sakanya. Wow, true love. "Pero, Seulgi. May kilala na ata akong ganyan. Ireto ko nalang sya sayo. Bi ata yon eh."
  "Uy seryoso ka?" Tanong ni Seulgi.
  "Uhaw!" Tawa ni Sehun.
  "Oo na, kayo na may love life..."
  "Ako din Seulgi, wala akong ka-love life." Malungkot na sinabi ni Wendy.
  "Ano ka ba, meron ka namang love life eh. Siguro meron pa sana hanggang ngayon, kung di lang mang-aagaw 'tong si Kai. Alam naman nating lahat na type na type parin ni Krystal si Seulgi hanggang ngayon eh, pareho lang kayong pabebe yan
Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
stillintoyu
190 streak #1
UPDATE PO HUHU
prism4tic
#2
Chapter 4: LT mx. zekrom ang babakla 😭😭😭 sana po macontinue nyo to
PineappleSeulgi
#3
Chapter 4: Wuhuhuhu :'<
_awesomeanj #4
Chapter 4: UPDATE POOOOO
hahahaharlequin
#5
Chapter 4: EONNIE PLEASE UPDATE PO
pringlesniseulgi
#6
Chapter 4: Jusmiyo author-nim! Pwede ba pasabi kila Mama Lu at Papa Lu na ibalik sa sinapupunan 'tong si Jackson. Tsaka Kai, mahal kita ng lubos, sakin ka nalang magkwento di ako magsasawa pakinggan yan hahahahaha.
ANNMATSUMOTO #7
Chapter 4: Laptrip tong story mo otor! Hahahahaha
future_mrs_liu #8
Chapter 4: Ang ganda talaga nito author. The best ka talaga. Alam mo bang binabada ko palang first chapter napatigil ako para lang mag upvote?? Galing!