Chapter 3

The story behind a STAR

"Hana? Ikaw ba yan?" Nagtatakang tanong ni Jackson. 

"Huh? Magkakilala kayo?" Tanong naman ni Mark.

"Uh-uh.Uhm. Oo, ako to." Ang nanginginig kong sagot. 

"Anong ginagawa mo dito??" Tanong ulit ni Jackson.

Gusto ko ng lumubog sa kinakatayuan ko sa mga oras na ito. Natutulala nalang ako habang nakatingin sa simento.

"Teka nga. Naguguluhan ako. Jackson, pano mo nakilala si Hana?" Tanong nanaman ni Mark.

"Uhm. Kaibigan ko siya na taga Hong Kong rin."

"Talaga?? So ibig sabihin Chinese karin Hana? Akala ko taga dito ka lang."

"Uhm. Oo, chinese rin ako at galing ako sa Hong Kong."

Pinipilit kong ilayo ang tingin ko kay Jackson. Ayokong mabasa nya ang iniisip ko sa pamamagitan ng mga mata ko.

"Uhm. Mark, dito na ba yung opisina ni Mr. Park? Mauna na sana ako. Kelangan ko na siyang puntahan eh."

"Ay oo nga pala. Osige. Kumaliwa ka lang at makikita mo na yung opisina nya."

"Osige. Maraming salamat ha. Jackson, mauna na ako. Masaya ako na makita ka ulit."

 


 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
huggasaur #1
gonna love this