Chapter 1 [Introduction]

The story behind a STAR

Ako si Hana.

20 taong gulang.

Chinese.

Kasalukuyang nagtratrabaho sa isang malaking kumpanya sa Hong Kong. 

Pero...SINO NGA BA AKO?

Anong papel ko sa buhay ng isang sikat na singer na ngayon?

.

.

.

15 taong gulang ako ng makilala ko ang pamilya WANG. Ipinakilala sila sakin ng mga magulang ko dahil matalik nilang kaibigan ang mga ito. Nung mga panahong iyon, nakilala ko rin ang anak nilang lalake na si Jackson. 

Isang araw, narinig kong naguusap ang nanay ko at ang nanay ni Jackson. Tuwang tuwa sila habang pinaguusapan nila ang isang kasal. Nabigla ako ng marinig ko ang pangalan namin ni Jackson. 

Kinabukasan, tinanong ko ang nanay ko, "Ma, narinig ko yung pinaguusapan nyo ni tita kahapon, anong tungkol samin ni Jackson?"

"Anak, alam ko na mabibigla ka, pero ang totoo nyan, pinaplano namin na ipakasal kayo ni Jackson pag dating nyo sa tamang edad."

"Ha?? Seryoso ba kayo Ma? Bakit nyo naman biglang naisip yan?!"

"Ayaw mo ba nun Anak? Ang importante, sigurado kami na galing sa matinong pamilya ang mapapangasawa mo."

Bigla akong natahimik. Hindi ko na alam kung anong sasabihin ko. Parang ang bilis naman ata ng mga pangyayari. Kakakilala ko lang sakanya tapos biglang siya na pala ang mapapangasawa ko?

-

Ilang araw na ang nagdadaan pero hindi ko parin matanggal sa isip ko ang plano ng mga magulang ko. 

Sinubukan kong mapalapit kay Jackson. Inisip ko na kailangan kong gawin yun para mas maging madali para saming dalawa ang nakatadhanang mangyari samin sa hinaharap. 

Pero habang napapalapit ako kay Jackson, hindi ko namamalayan na unti-unti narin pala akong...

.

.

NAHUHULOG SAKANYA.

Nung una akala ko ayos lang, kasi yun naman talaga ang dapat, ang matutunan naming mahalin ang isa't isa.

Pero habang tumatagal, alam ko na may mali. Nararamdaman ko na iba ang nararamdaman ko para sakanya sa nararamdaman nya para sakin.

Pinilit kong dedmahin, kasi umasa ako na pag mag-asawa na kami, wala naman na siyang magagawa kundi mahalin ako, pero...NAGKAMALI AKO. 

-

 

 

 

"Hana, pasensya ka na. Pero hindi kita kayang pakasalan."

Hinding hindi ko makakalimutan ang mga salitang yan. Ang mga salitang sinabi nya sakin bago sa umalis. 

Iniwan ako ni Jackson at pumunta sya sa Korea para tumaparin ang mga pangarap niya. 

Gumuho ang mundo ko nung mga panahong yun. Alam ng mga taong nakapaligid sakin kung gano ako naging nalungkot..

Mula nuon, wala na akong narinig mula sakanya.

Paminsan-minsan napapanuod ko siya sa TV, at may kirot parin akong nararamdaman sa puso ko.

Pero sa gitna ng lahat, masaya parin ako para sakanya dahil natupad niya ang mga pangarap nya. 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
huggasaur #1
gonna love this