Chapter 2

The story behind a STAR

Bakit nga ba muling bumabalik sa isipan ko lahat ng mga pangyayaring to?

Dahil nga ba sa luluwas na ako papuntang Korea bukas?

Handa na ba ako?

Handa na ba akong makita siya ulit kung sakali?

Ilang taon narin ang nakakaraan pero hindi parin ako sigurado kung kaya ko na bang harapin siya kung sakali mang idulot ng tadhana na magkita kami ulit. 

 

-The Next Day-

 

Nandito na ako ngayon sa Korea. Mula kanina pa bago kami lumapag, hindi ko na mai-pinta ang nararamdaman ko. Kung pwede lang nga umatras, kanina ko pa ginawa.

Sa mga oras na to, kailangan ko na puntahan ang boss ko para malaman kung ano nga ba talaga ang sinadya ko dito sa Korea.

-

"Welcome sa Korea, Hana!" Bati sakin ng boss ko.

"Salamat po sa pagbati, Sir."

"Maupo ka, Hana."

Naupo ako. Kinakabahan. Nanlalamig ang mga kamay.

"Ayos ka lang ba, Hana? Bat namumutla ka?" Tanong ng boss ko.

"Ayos lang po ako, Sir."

"Osige, sabi mo yan ha? Eto nga pala ang dapat mong gawin..."

Kumuha siya ng isang kapirasong papel na may kasamang litrato.

"Pamilyar ka ba dito?"

Pinakita nya sakin ay litrato ng isang sikat na artista at singer dito sa Korea.

"Kilala mo ba siya? Siya si Mr. Park Jin-Young"

Pakiramdam ko nahulog bigla yung puso ko. 

"Uh..uh-uhm. Oo, Sir. Kilala ko po siya. Pero ano po ba ang kinalaman niya sa ipapagawa nyo sakin?"

"Siya ang target client natin dito sa Korea. Kelangan mo siya kumbinsihin na mag-invest ng negosyo sa Hong Kong."

Hindi ko naiintindihan ang lahat ng nangyayari sakin ngayon. Bakit sa dinami-rami ng tao sa mundo, bat siya pa?

"Uhm. Sir, sigurado po ba kayo? Uhm. Hindi po ba pwedeng iba nalang?"

Halos lumuhod na ako sa harap ng boss ko sa kagustuhan ko na hindi ituloy ang proyekto ko kay Mr. Park. 

"Bakit naman, Hana? Malaki ang maitutulong ni Mr. Park sa kumpanya natin."

Mukhang wala na nga akong magagawa kung hindi sumunod.

"Sige, Sir. Gagawin ko po ang makakaya ko para sa proyektong ito."

"Maraming salamat, Hana."

"Ay, Sir, san ko nga po pala pwedeng puntahan si Mr. Park?"

"Ang sabi nya sakin madalas siyang nags-stay opisina ng kumpanya nya. Hanapin mo nalang ang JYP Bldg. at dun mo sa makikita."

Muli nanamang tumibok ng mabilis ang puso ko sa mga narinig ko.

"Sige po, Sir. Hahanapin ko na po ngayon."

"Sige, Hana. Balitaan mo lang ako sa mga mangyayari ha? Ingat ka sa byahe!"

-

Lumabas ako sa opisina ng boss ko na balisang balisa. Maliban sa malamig, naninigas pa ang buong katawan ko sa kaba. Sa takot na baka makita ko ulit si Jackson. Pero wala naman akong magagawa. Hindi naman habambuhay na matatakasan at matataguan ko siya. Isa pa, wala namang dahilan para mahiya ako. Hindi ako nangiwan, kundi SIYA.

-

Matapos ang isang oras na pagbyabyahe. Nakita ko narin sa wakas ang JYP Bldg. Hindi ako halos makalakad papalapit sa pinto. Pero tulad nga ng sabi ko, kailangan kong lakasan ang loob ko.

Inayos ko ang sarili ko. Inangat ko ang ulo ko at lumakad papalapit sa pinto.

Isang lalaking tumatakbo papalabas ng bldg. ang nakabangga sakin. 

Sa sobrang bigla at takot ko, hindi ko na mai-angat ang ulo ko para tignan kung sino ang taong nakabangga ko.

Pero wala naman akong choice. Nahulog ang mga papeles na hawak ko kaya kailangan kong gumalaw sa kinakatayuan ko.

Tinulungan ako ng lalaking nakabangga ko sa pagpulot sa mga papeles na dala ko. Napilitan akong tumingin sakanya at laking gaan sa pakiramdam na hindi si Jackson ang taong ito. 

Pero teka... hindi nga siya si Jackson, pero alam kong miyembro rin sya ng grupo kung san kabilang si Jackson. 

"Miss, okay ka lang ba?" Tanong niya sakin.

"Ah.. Oo, ayos lang ako, salamat sa pagtulong."

"Walang anuman. Sino ka nga pala? May hinahanap ka ba? Ako nga pala si Mark."

"Ay, hello Mark. Ako naman si Hana. Uhm. Oo eh. Hinahanap ko si Mr. Park. Andyan ba siya?"

"Oo nandito siya. Tara samahan kita."

Habang naglalakad kami ni Mark sa loob ng bldg., masinsin akong nagmamasid sa paligid. Hinahanap ko ang mga labasan kada palapag para alam ko kung sana ko tatakbo kung sakaling makita ko sa Jackson. 

"Oh. Mark. Akala ko ba may bibilhin ka? Sino yang kasama mo?"

Naka-tingin ako sa gilid ng marinig ko ang pamilyar na boses na ito.Pagharap ko, nabaliwala rin pala yung paghahanap ko ng mga labasan kanina, dahil nanigas ng sobra sobra ang katawan ko nung makita kong nakatayo sa harapan ko si...JACKSON. 

 

 

 

 

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
huggasaur #1
gonna love this