003
FLAMES
=Min Jung’s Pov=
Nakita ko na si Hae dun sa tambayan namin, pero parang di pa din niya ako nakikita.. kaya ginawa ko tumakbo ako papunta sa kanya pero may biglang sumulpot sa harap ko at natumba ako… una ung bottom ko.. yung paa ko tumama pa sa bato.. what a lucky day.. .!
“Aray!”
“Ano ba!?” sabay naming nasabi
=end of POV=
=Key’s POV=
“Aray!”
“Ano ba!?” sabay naming nasabi. Tumayo ako para Makita kung sino yung nabangga ko, si Min Jung lang pala. Huh. Buti nga sayo.
“Hoy. Min Jung, di ba sabi ko sayo wag kang mapapakita sakin”
“…”
“Alam mo, dapat lamg sayo yan e., sabi ko din sayo diba na wag kang lalapit sakin.. Bat ka ba kasi di tumitingin sa dinadaanan mo? ginawa mo bayan para magpaawa??Di tatalab sakin Min Jung. Huff.. Bahala ka na nga dyan.” walk-out ako. tsk. di ko talaga alam kung bakit ako galit nag alit sa babaeng yun. basta galit ako sakanya.
=end of POV=
=Minho’s POV=
“Alam mo, dapat lamg sayo yan e., sabi ko din sayo diba na wag kang lalapit sakin.. Bat ka ba kasi di tumitingin sa dinadaanan mo? ginawa mo bayan para magpaawa??Di tatalab sakin Min Jung. Huff.. Bahala ka na nga dyan.” sabi ni Key tapos umalis na siya. Milapitan ko si Min Jung.
“Min Jung, halika na. Tulungan na kita.” Sabi ko sakanya. nakakapagtaka lang, bat di pa kasi siya tumatayo. lumuhod ako tapos pinantayan ko siya. tapos hinawakan ko yung dalawa niyang balikat.
“Umalis ka muna,” sabi niya sakin,
“Pero, pero gusto lang naman kitang tulungan e” gusto ko talaga siyang tulungan.
“ Sino ka ba para magalala sakin. !!sabi ko umalis ka na e.!!!” sinigawan niya ako at bigla siyang tumayo at umalis. pero may nalaglag siya.
=end of POV=
=Min Jung’s POV=
Kahit na masakit yung paa ko, di ko pinansin yun… gusto ko lang talagang umalis dun. ayoko Makita nilang umiiyak ako. Tsaka sino ba yung lalaking yun?? di ko naman siya kilala. bat niya ko tutulungan. sigurado akong pakana ni Key yun. Ugh!
Pumasok ako sa powder room tapos nakita ko si Hae.
“Hae? anung ginagawa mo dito?” tanong ko sakanya.
“Huh, mag Cr lang. Ikaw??-(napatingin siya sa paa ko)- anong nanyari sayo??” nagulat ako sa sudden outburst niya.
“Hae ayos lang ako. wag ka magalala.” sabi ko sakanya sabay bigay ng reassuring smile.
“Hindi, hindi ka ok. dyan ka lang. hihingi ako ng tulong sa labas para mabuhat ka papuntang clinic.” sabi niya saakin.. ano ba itong napasok ko…
lumabas si Hae para manghingi ng tulong. tapos after ilang minutes narinig ko siyang may kausap. di ko narinig yung pangalan niya.
“(toot)-ssi, pwede mo bang tulungan yung kaibigan ko? nagkasprain ata siya e. dadalhin ko sana siya sa clinic kaso di ko siya kaya.. pwede mo ba siyang tulungan papunta dun?” sabi ni Hae.. haist. grabe. mahal na mahal talaga niya ako.
“sige, asan ba siya?” tanung nung lalaki,
“Andun siya sa loob ng powder room.” sabi ulit ni Hae. tapos nakarinig ako ng mga footspets papunta sa loob ng room.
“Hey, halika na may tutulong na sayo.” sabi saakin ni Hae RIn.. waaa nakakahiya dun sa tutulong sakin.
“pwede ka nang pumasok.”
nakarinig ako ulit ng mga footsteps tapos pagkakita ko sakanya.
“IKAW!” sigaw ko.
“IKAW!!”
=end of POV=
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Short chapter.. sorry sa mga errors. :))
Comments and Subscriptions are LOVED!!
~~~~~<3<3<3~~~~~~
Comments