Oppps ooopps, hurttt huurrt

Payatas Princess and I

Tila nalungkot nang lubusan si Taeyeon simula ng maging mag jowa si Nikon at Tiffany. Araw-araw ay iniisip nya kung ano ba ang nagustuhan ni Tiffany kay Nikon. Siguro nga ay “birds with the same feather flocks together”, kaya sa jejemon din nauwi si Tiffany. Hindi na nya matiis makita ang dalawa na magka holding hands at pa sway-sway pa sa Payatas. Samantalang dati, yun ang gawain nila ni Tiffany. Hindi na nya matiis ang ka kornihan nang mag jowa, ang kanilang couple jeje cap, couple butas butas shirt at ukay-ukay pants. Hindi niya na din matiis ang sakit…….. ng kanyang mga galis. Kaya ayun, ibinaling nalang nya ang atensyon sa pag a-alaga ng mga cactus.

Nag deactivate na rin si Taeyeon sa facebuko at ni- report as spam at unfriend na rin nya ang dalawa. Sa bawat araw nalang kasi ay nag p-post ang dalawa ng mg aka kornihan na status at iba-ibang style ng jeje poses. Tama na. Ubos na ubos na ang pasyensya ni Taeyeon pati na rin ang pambayad nya sa internet ay ubos na. Pinili nyang magpakalayo upang makalimot kaya hindi na siya pumupunta nang Payatas. Balik buhay tambay nanaman sya sa tindahan ni Aling Sooyoung. Ngunit ang mga ka member nya sa Bubble gang ay patuloy parin sa Pamamayatas upang magkapera.

Nakaupo si Taeyeon at nagbabantay ng kanyang cactus stand nang may lumapit sa kanya. “Hi Taeyeon. Eto na pala ang pangkabuhayan mo ngayon. In fairness, ang laki ng cactus mo!” sabi ni Sunny.

Hindi talaga maiwasan ni Taeyeon na mapatingin sa hinaharap ni Sunny. Eh kung kalahati ba naman ng katawan mo eh s, di ka ba mapapatingin. “Oo, malaki nga.”

“Uy, sorry nga pala nung pinalo kita ng isda ha. Nagselos lang naman ako eh. Pero I moved on from you. Peace na tayo ha, bibili ako ng cactus mo para makabawi sayo.”

“Sus. Oks lang yun. Ngayon, alam ko na feeling ng nagseselos. Alam mo may isang tao nga na gustong gusto kong ahitin kilay nya. Anong klaseng cactus ba gusto mo?”

“Hmmmm. Uuhh— gusto ko yung mataba at mahaba. Actually kahit ano, okay lang basta cactus mo”, pabirong sinabi ni Sunny. Naglagay ng 3 piraso ng cactus si Taeyeon sa plastic. “Ooooh, yeah sige pa, sige pa!!!” sigaw ni Sunny.

“Dagdagan mo pa!”

“Wag mo pigilan!”

“Ipasok mo na yang mahaba mong cactus!”

“Shet Taeyeon ang sarap talaga……………

nitong fishball na kinakain ko. Gusto mo?” sabi ni Sunny.

(Ikaw ha. Anong iniisip mo? Innocent cactus talk lang ito.)

 

                                                                          ----------------------------------------------------------------------------------------

“Tol, araw-araw ka na hinahanap ni Tiffany samin. May sasabihin daw sya sayong importante. Bumalik ka na sa Payatas, hindi namin maintindihan pinagsa-sabi nung jejemon na yun eh. Kailangan naming ng translator”, sabi ni Hyoyeon habang nagtagay ng lambanog sa baso.

“Oo nga Taeyeon, bumalik ka na.” sabi ni Yuri.

“osdshf skaqeu haansjengobehkcklu” sabi ni Seohyun.

“Sabagay, miss ko na din sya…. Sige, sasama ko sa inyo bukas.”

Patuloy ang kwentuhan ng barkada sa tapat ng tindahan ni Aling Sooyoung nang lumabas ang unica ija na si Jessica at nagtungo ito sa kanilang table. “Eto nga pala chichirya pang pulutan nyo. Libre ko na.” sabi nya.

“Wow! Himala libre! Siguro wala si Aling Sooyoung sa bahay nyo no kaya may libre kami”, sabi ni Yuri.

“Ah, hindi. Andyan lang si mama inaalagaan si Tatay Kyungho. Alam nyo naman, medyo matanda na si Tatay at nahihirapan na makalakad.”

(I-k kwento ko pa sana ang love story nila Yuri at Jessica at pano sila nagka developan sa puntong ito pero ibang istorya na yun. Now back to Payatas princess!)

Kinaumagahan, sumama nga si Taeyeon sa Bubble gang. Pagdating nya sa Payatas, napapikit nalang sya sa amoy. Shet nakaka miss ang amoy na to. Sa sobrang pagka miss nya sa lugar ay dumakot sya ng basura at ginawa itong confetti. Akala ni Seohyun ay basura fight ang nagaganap kaya kumuha sya nang panis na ulam. Bago nya ito binato kay Taeyeon ay tinikman nya muna ito. “Bbboooovvvooom Faaaneessh! Vvvoom bbooom paaennes pnase!” kanta nya.

Asar na asar na si Yuri kay Seohyun kaya binatukan nya to ulit at kiniskis ang ulo nya sa basurahan. “Hoy, tama na nga yan!”

“Awwrraay koo nnnamman! Baaakiit ba palllaggi ka gaallleet?” Sabi ni Seohyun.

“EH KASI TANGINA MO!” sagot naman ni Yuri. Nagpatuloy ang kanilang pag a-away parang Tom & Jerry.

Tatlumpung minuto ang lumipas at hindi parin nila nakikita si Tiffany. Asan na kaya ang babaeng jejemon? Biglang nagulantang si Taeyeon nang may dumila sa kanyang paa. “Ginger!”

Aba, kahit pala askal na galisin tong si Ginger ay matalino naman pala. Kinagat nya ang shorts ni Taeyeon at para bang inaaya nya itong pumunta sa isang lugar. Sumunod naman si Taeyeon sa aso. Ilang kilometro pa ang kanyang nilakad nang na-amoy nya ang isang pamilyar na amoy. Nako, tiyak na malapit na si Tiffany!

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
rabbitjiu
#1
Chapter 4: aray! pighati! h3rt b3in br0k s0 m4nY tiM3s </3
pepz00 #2
Chapter 4: packingsheet... aray aray nakuuuuuuu!!!!!
pepz00 #3
Chapter 3: your the man hyo!!! yeah men!!! tusukin mo pa more!!!
pwede bng ahitin natin yung potek na kilay ni nikon??? LOL
pepz00 #4
Chapter 2: hahahah potek naman oh jejemon si panyang!!! LOL at talagang napakahalagang karakter ang gagampanan ni fafa heechul!!! geh taeyeon push mo lng yan sana magtagumpay ka!!! y0w!!!
pepz00 #5
Chapter 1: potek na yan!!! ruby girl and bebe seohyun ko!!! hahaha LOL