Walking Kilay

Payatas Princess and I

Lumipas ang araw at napapansin ni Taeyeon na bihira na sumama si Tiffany sa Bubble gang. Isang buwan na nung huling Makita nya si Tiffany. Miss na miss na nya ang jejemon, miss na nya ang kakaibang amoy ni Tiffany at tingin nya ay mahal na nya talaga ito. Ngunit nang magkita silang muli ay may iba na itong kasama. May kasamang itim na askal na puro galis si Tiffany na pinangalanan nyang ginger.

“Wow, ang cute naman nyang aso mo. Parang ikaw” sabi ni Taeyeon.

“Shet ang korni naman dito. Alis na nga tayo, Yuri at Seohyun di ko take ang cheese.” Sabi ni Hyoyeon. Tumango si Yuri at sabi ni Seohyun “lfhdsufh askfhde.”

“GingeR nGaH PLa nAm3 nYa. BiNiGay ni…. Jejejejejejeje,,,!!” sabi ni Tiffany.

“sino nagbigay? Bakit tuwang tuwa ka?” wika ni Taeyeon.

“BeGay yAn ni BHEbeLaBz sWeeTiEhUn Koh. T3yOn, maY b0yfrAn na koh! mAtatanGaL na aTah ang Zumpaah!”

Sumakit ang esophagus ni Taeyeon sa kanyang narinig. Hindi pwede to. Hindi! Ako dapat ang mahalin mo kasi mahal kita maging sino ka man! Inisip nya. Parang nadurog ang mundo ni Taeyeon at gusto nyang maiyak…….…… kasi tumae sa paa nya ang askal na si Ginger. (At dahil na rin nasasaktan sya)

“TeYoWnN? WLa kHa ba sAsabHin?”

“Ah.. e di congrats. Ano pa bang gusto mo sabihin ko?” pinagtakpan ni Taeyeon ang kalungkutan kaya tumawa nalang sya nang malakas. May biglang lumapit na lalaki kay Tiffany. Oo, tama ka. Siya nga si Nikon. Matagal na palang may crush si Tiffany kay Nikon na kapitbahay nya malapit sa may septic tank. “TeYon, eToH nGa PLA b0yfRan hUnnYBucHzzz K0h! Sya c nichkHun. DaTii sYanG LumuLUSonG Sa Pos0 NegRo.”

“Nako Taeyeon, madaming kinukwento tong si Tiffany sakin tungkol sayo. Sabi nya, ikaw daw ang bestfriend nya eh. Na kwento nya din nung pumunta kayo sa Peryahan ni Dizzney, parang ang saya nyo.”

Hindi naka sagot si Taeyeon. Aray. Bestfriend lang pala. Gusto nang mag give up ang kanyang bone marrow. Para syang nagka arthritis sa mga narinig nya. Bestfriend. Bestfriend lang. Masakit.

Masakit ang paa nya, naapakan kasi ni Nichkhun eh. Naglandian pa ang mag jowa sa harap nya at may pa kiss kiss pa ang lalake kay Tiffany. Napakanta nalang ng Pusong bato si Taeyeon sa isip nya.

Pag minamalas nga naman no? at talagang sumama pa ang mokong na walking kilay na ito sa kanilang pagbo-bote. Ayun tuloy, naging 3rd wheel sya at si Ginger nalang ang palagi nyang kasama. Hindi na nga napansin ng mag jowa na pati si Taeyeon ay nahawa na sa galis ni Ginger. Tanghalian na nang nag stop over sila sa Basura mountain basecamp no. 3, isa sa pinaka mataas na tuktok ng basura sa Payatas. Doon na sila nagtagpo nila HyoYulSeo. “Mga girls, ako na ang bibili ng tanghalian natin. Mahirap bumaba sa bundok, matarik, baka mahirapan lang kayo. Sige, bye!” namaalam si Nikon.

“Hoy tangina si Seohyun! Ano nanaman ginagawa nyan at pagulong gulong taas baba ng basura mountain no. 3?!” sigaw ni Yuri. Sinundan nya si Seohyun at nakitang naghuhukay ito, sabay kumuha ng panis na tira-tirang chicken joy. “JuuuuicccyLicious, chhhiikkheenn jooyy!” sabi ni Seohyun.

Nakahanap ng tyempo si Taeyeon para ma solo si Tiffany. Buti nalang at umalis si Kilay. Nginitian sya ni Tiffany at sobrang kilig naman si Taeyeon. “dBa aNg BaET ni MuncHKIn KuHHH? sNa hALikAn na NyA ko naNg mAtangaL Na AnG SUMpaHhh!” Nagalit si Taeyeon. Sinampal ni Taeyeon ang babae. “aRay KuH p0w bkET mo Koh sinamPaL?”

“sorry….. di ko kasi matiis eh. Di ko matiis makita kang ganyan. ”

“Di ko matiis yang langaw na yan sa ilong mo. Kanina ka pa kasi nilalangaw.” Pagpatuloy ni Taeyeon.

“aY gNun bAh. KaLahh Kuh kunG Anu Nah.” Sabi ni Tiffany. Habang wala si Nichkhun ay nagkwento si Tiffany kay Taeyeon tungkol sa lalake. Ayon kay Tiffany, si Nichkhun pala ay may Hacienda De Payatas. Tatlong bundok nang basura ang pagmamay ari ni Nichkhun. Madami pang ikniwento si Tiffany pero hindi na nakikinig si Taeyeon. Ang tumatakbo lang si isip nya ay bakit hindi sya ang nagustuhan ni Tiffany. Sana ako na lang. Ako na lang. Ano ba nagustuhan mo sa kanya? Yung kilay nya? Aba, meron din naman ako nu- ay wala pala akong kilay. Tanginang buhay to. Kapag ako yumaman, magpapa eyebrow transplant ako kay Belo.

Di nagtagal ay bumalik na si Nikon, may dalang adobo at kanin para sa kanilang lahat. Inabutan nya ang lahat ng ulam ngunit nakalimutan nyang bilhan si Taeyeon. “Ay nako, Taeyeon pasyensya na. Nakalimutan ko yung iyo. Sandali lang bababa ulit ako ng bundok at bibilan kita.”

“Wag na. Okay na siguro tong isang kilong asin na binili mo. Ito nalang uulamin ko.” At yon nga ang ulam ni Taeyeon.

 

                                                                                         _____________________________________

Isang araw nanaman ang nagdaan sa Payatas city. Pagod na pagod na silang lahat at gusto na nilang umuwi. Pauwi na sana ang Bubble gang nang biglang nasilayan ni Taeyeon ang mag jowa sa tuktok ng basura mountain no. 7. Ang mag jowa ay inaantay ang paglubog ng araw at ang malamig at umaalingasaw na hangin de Payatas ay ine-enjoy nila. Magkayakap sila nang pumunta si Taeyeon doon para magpaalam. “Tiffany, uwi na kami. Una na kami sa inyo ha.” Niyakap nya ng mahigpit si Tiffany, ayaw nang kumalas sa kanyang mga galamay. Tiniis nya ang kakaibang baho ni Tiffany. “Nikon, ingatan mo si Tiffany ha?”

“Do I ever not? Never = ]”

Lumakad na palayo si Taeyeon. Medyo napapa iyak na ata sya. Tumingin sya ulit, ng isang huling pagkakataon nang pumasok sa utak nya na siguro ay mahal na talaga………………. ang tawas at deodorant ngayon.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
rabbitjiu
#1
Chapter 4: aray! pighati! h3rt b3in br0k s0 m4nY tiM3s </3
pepz00 #2
Chapter 4: packingsheet... aray aray nakuuuuuuu!!!!!
pepz00 #3
Chapter 3: your the man hyo!!! yeah men!!! tusukin mo pa more!!!
pwede bng ahitin natin yung potek na kilay ni nikon??? LOL
pepz00 #4
Chapter 2: hahahah potek naman oh jejemon si panyang!!! LOL at talagang napakahalagang karakter ang gagampanan ni fafa heechul!!! geh taeyeon push mo lng yan sana magtagumpay ka!!! y0w!!!
pepz00 #5
Chapter 1: potek na yan!!! ruby girl and bebe seohyun ko!!! hahaha LOL