Sumpa

Payatas Princess and I

Alas syete palang ng umaga ay nasa Payatas na ang Bubble gang. Dala-dala na nila ang mga sako at iba pang kagamitan para pangkuha ng mga plastic, bote at iba pang pwedeng mabenta sa junk shop. Nilakad nila ang bawat bundok ng basura ng Payatas, nang makita ni Taeyeon ang isang magandang dilag. “Mga tol, bilisan nyo maglakad! May nakita akong chix” sabi nya sa tatlo pang kasama. Dali-dali naman sumunod si Yuri at Hyoyeon. “Wait lang Taeyeon, nawawala si Seohyun!”

“Tang ina yang adik na yan! Asan ba yun baka nag rugby nanaman”, sagot ni Taeyeon.

Tama nga ang hinala ni Taeyeon. Nakita nila si Seohyun na gumagawa ng “basura snowman” habang sumisinghot ng rugby. Feel na feel ni Seohyun ang pag acting ng Frozen. “Do you wanna be Basuraman? Come on lets go and play~!” kinakanta nya ng malakas. First time maintindihan nila Taeyeon ang pinagsasabi ni Seohyun.

“Ano ka bang adik ka! Tumigil ka na nga kaka rugby, di ka na nga maka usap ng matino eh” sabi ni Yuri.

“hannanhnguungpakknikulbiido regen pak shu”

“Ano daw?” sabi ni Hyoyeon.

“eng sebeh khyuuweg kayoow manga ilam shhha buuuhey ko!”

Di nalang pinansin nang tatlo si Seohyun at tinulungan nila itong tumayo at lahat sila ay nagmadali puntahan ang dilag. Hindi na nag aksaya ng oras si Taeyeon at nilapitan nya agad ang babae. “Hi miss”, sabi ni Taeyeon sabay kalabit. Tumingin ang babae sa kanya. Parang na inlove sa isang tingin si Taeyeon. Bumilis ang tibok ng kanyang puso. Hindi nya alam kung mabaho lang talaga sa Payatas o mas mabaho ang babae, wala syang paki alam. “h3LLow P0wzzz”.

“ZhiNnOooo kAhH PoWHz? mAgKaKiLaLa fOW Ba tAyoW?”

Parang nahulog ang puso ni Taeyeon. Ma i-inlove na nga lang sya, sa jejemon pa. Dapat ay nalaman na nyang jejemon ang babae, ang sombrero palang at gangster shirt nito ay clue na. Napakanta nalang si Taeyeon ng “I know you were trouble when I walked in” sa kanyang isip. “Ah hindi tayo magkakilala. Naisip ko lang lumapit kasi…… ano kasi..”

Hindi masabi ni Taeyeon na type nya ang babae dahil baka lumayo ito kaya gumawa nalang sya ng palusot. “Ano kasi…..kailangan naming ng tour guide sa Payatas kasi first time naming dito. Baka pwede ka? Mukhang bihasa ka na kasi sa ganitong trabaho andami mo nang basurang nakuha oh.” Pinagpatuloy nya.

“Ah gAnuN FoW bAhhhh? ZzzigeH pOh pwEde k0 p0 keu sAmahaNzzz. Ako nga pALa zi TiffAny.” Nag alok ng handshake ang babae sa Bubble gang. Parang may spark ang mga kamay nya, at kahit na amoy bulok na pagkain ang kamay nya ay feeling ni Taeyeon ay sya na talaga ang “the one”. Nagpakilala ang Bubble gang kay Tiffany at pinagpatuloy nila ang Payatas tour.

Buong araw ay magkakasama silang lima kumukuha ng bote dyaryo. Pero madalas na naiiwan si Taeyeon at Tiffany ng magkasama. Sinasadya ito nila Hyoyeon at Yuri upang maka score si Taeyeon. Si Seohyun naman, ayun as usual walang pake basta may rugby sya. Napaka importante talaga ang karakter na ito sa istoryang ito. Buong araw ay nagtatawanan sila Tiffany at Taeyeon, at palaging kiligers si Taeyeon. Hapon na nang sila ay nagpahinga sa tuktok ng basura mountain no. 1. “Oh eto softdrinks at regla, kain ka muna”, sabi ni Taeyeon.

“ExcHkyuHz Meee? AnOng rEgla?” nandiri si Tiffany.

“Yung tinapay na regla kasi yung sinasabi ko. Treat ko na yan.” Sabay smile ni Taeyeon. “Pwede ba akong magtanong? Kung okay lang.”

“0wKhiE pOh.”

“Bakit ganyan ka magsalita? Ano bang problema mo sa buhay mo?”

“MaHabAng iStoRya eH. NuNg bAtA Kc AquH iSinumpA akO nAng isANG MatRonang bakLa na part time aLbuLaryo, HeecHuL ang pAngaLan nyaHHHh.”

“Sinumpa? Totoo pa ba yung ganyan eh 2014 na?”

“uu 22o yun. SinuMpa nYa ko kc di nagustuhan nG naNay kOh yUng Gupit Nya. KaYa yun geni2 na Koh magZalita. PeRo nAgpatingiN na Ko zAh ibang albularyOw aT zabi nila ay mAtataNgal Lang ang ZumpAhhh kApaG Mey humaLik at naGMahal saKin kHit Pah Ganito Aquwhhhz.”

“Ah. Ganun pala.” Hindi mapigilan ni Taeyeon na mapatawa at makilig.

Balang araw, ako ang makakatanggal ng sumpa na yan.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
rabbitjiu
#1
Chapter 4: aray! pighati! h3rt b3in br0k s0 m4nY tiM3s </3
pepz00 #2
Chapter 4: packingsheet... aray aray nakuuuuuuu!!!!!
pepz00 #3
Chapter 3: your the man hyo!!! yeah men!!! tusukin mo pa more!!!
pwede bng ahitin natin yung potek na kilay ni nikon??? LOL
pepz00 #4
Chapter 2: hahahah potek naman oh jejemon si panyang!!! LOL at talagang napakahalagang karakter ang gagampanan ni fafa heechul!!! geh taeyeon push mo lng yan sana magtagumpay ka!!! y0w!!!
pepz00 #5
Chapter 1: potek na yan!!! ruby girl and bebe seohyun ko!!! hahaha LOL