Chapter 12

"MY OWN STORY"
(November 23,2013) *Dear Diary,* Ang boring ng araw na ito. Nagbabasa lang ako sa laptop ko at gumagawa pa ng isang sulat para kay Kris.Ewan ko ba. Parang nagustuhan ko ang pagsusulat ng letter para kay Kris. Ang sarap ng feeling kapag nasasabi mo yung gusto mong sabihin. Hindi ko pa ito naramdaman sa buong buhay ko. Ang saya-saya ko ng nakita ko siyang gusting-gusto na niyang basahin yung binigay kong letter sa kanya noong camping pero hindi niya ginawang basahin sa tingin ko lang naman. Siguro ayaw niya akong makita na nakatingin sa kanya habang nagbabasa siya. (November 24,2013) *Dear Diary,* Ang lungkot ng araw na ito. Walang maka-usap na kasing edad ko. Nasa bahay lang ako. Walang magawa. Ang nagawa ko lang yata yung ginawa kong sulat para kay Kris. Pero naisip ko lang kung matutuwa ba siya o maiirita. Ewan ko. Basta kung anong mangyari. Bahala na bukas. Ang tanong na lang ay tatanggapin niya kaya o hindi. Naisip ko lang . Siya pa lang ang nabibigyan ko ng sulat sa buong buhay ko. Ewan ko ba kung bakit ko ito ginagawa. Basta kung gusto kong gawin, gagawin ko. Pero ngayon parang ayaw kong ibigay sa kanya kasi baka mairita lang siya. (November 25,2013) *Dear Diary* Masaya na nakakabad-trip ang araw na ito. Nang umaga kasi masaya pa. Nang hapon na ay nakakabad-trip si Yunho. Nahahalata ko lang sa kanya na in the past few days, nagbago na siya. Hindi na siya yung dating mabait at sweet na nakilala ko. Dati kasi hindi siya mapangbara at nang-aaway na siya ng babae. (November 26,2013) *Dear Diary* Nakakaantok at nakakaboring ang araw na ito kasi anim lang kaming pumasok. Wala si Mark, na laging tawa ng tawa, si Suho na tahimik lang, si Lay, na inaantok sa klase, si Luhan, na laging maingay, at si Kai, na laging nagpapatawa sa klase. (November 27,2013) *Dear Diary* Nakakapagod ang araw na ito dahil marami akong ginawa. Pagkatapos ng klase ay nagpunta ako sa bahay para mag-palit pagkatapos noon ay nagmamadali ako papuntang school kasi meron kaming training sa volleyball. May laban ang mga basketball players sa ibang school pero pagkatapos noon ay nalaman ko na lang kay Minho na talo sila at ang lamang ng kalaban sa kanila ay sampo. Tinanong ko si Mark kung ilang beses siya nakapasok sa laro. Ang sabi niya “Every Quarter”. (November 28,2013) *Dear Diary* Nakaka-stress ang araw na ito kasi ang dami kong kailangang bayaran. Yung sa music na props, yung sa P.E at yung ipapasa sa Health na project. Ang nakakapang-problema pa ay hindi pa nagpapadala sila Tito at Tita kaya nangungublema tuloy ako. Hindi ko kasi alam kung ano yung sasabihin k kay Min at Ms.Han kaya nakaka-stress talaga. (November 29,2013) *Dear Diary,* Ang ganda ng araw ko kasi si Kris ay nag-smile na sa akin. Hindi ko alam kung bakit siya nag-smile sa akin pero kinikilig ako doon. First time kasi yun na nag-smile siya sa akin o talagang hindi ko siya napapansin na nag-iismile sa akin. Pero may pagka-lonely nga ako ng nangyari yun kasi kailangang kausapin ni Minho si Sulli. Siguro, tungkol yata sa nararamdaman ni Minho para kay Sulli. Ewan ko lang. Basta dalawang oras nga silang nasa classroom kaya dalawang oras din akong loner. (November 30,2013) *Dear Diary* Nag-punta ako sa school para manood ng laban ng basketball sa ibang school pero hindi naman naming nakasabay silang pumunta doon nila Ms.Zang ay hindi pa nag-sisimula yung laban kaya buti na lang hindi pa kasi parang walang kuwenta ang pagpunta naming sa Visayas Avenue. Tuwang-tuwa kaya ako ng naka-3points si Kris. Sigaw kaya ako ng sigaw kapag siya yung makakakuha ng bola at nakaka-eye contact ko pa nga siya pero umiiwas ako kasi baka malaman ng iba na crush ko siya. *Love From Choi Ara* <3
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
delighten
#1
Chapter 8: Update! :)