Chapter 10

"MY OWN STORY"
(November 16, 2013) *Dear Diary* Ang boring ng araw na ito kasi hindi ko nakita si Kris. Kala ko nga makikita ko siya ngayon. Yun pala wala silang training sabi ng mga kaibigan niya. Pero okey lang kasi nag-enjoy naman ako sa laro namin sa volleyball kahit na natalo kami. Pag-uwi ko nga sa bahay ay masakit ang legs at arms ko. Na-excite na naman ako sa prom namin kasi magiging first time ko yun na makakapunta sa isang prom. Sana makasayaw ko si Kris pero parang impossible yata yun. May possibility pa ngang imbitahin niya sa prom yung ka text niya sa ibang school dahil maganda daw yung ka text niya sabi niya. (November 17,2013) *Dear Diary* Napaka-busy ng araw na ito. Marami akong kailangan tapusin ngayon. Nakakapangsabog pa ng utak kasi yung subject na marami akong kailangan tapusin ay Noli Me Tangere at Filipino. May training ngayon pero hindi ako pumunta kasi hindi ko alam na may training. Nalaman ko na lang ng nakita ko yung mga ka-team mates ko na nag-training. Gusto ko sanang pumunta pero marami talaga akong kailangan kong ipasa bukas. Excited na nga ako sa prom. Kahit na malayo pa. Na-eexcite ako sa dress na susuotin ko pero wala pa naman akong susuotin pero may idea na ako. Gusto ko sanang Korean style yung dress kasi I love Kop. (November 18,2013) *Dear Diary* Ang init ngayon. Lalo na naka-uniform pa ako at ang ingay pa ng mga classmates ko. Walang tigil na kakasalita. Parang hindi nauubusan ng sasabihin. Lalo na si Kris. Sabi niya may ka text siyang gustong maging sila at may magkapatid daw na nag-aagawan sa kanya. Lol! Ang panget kaya niya. Joke. Hindi naman siya talagang panget. Normal lang mukha niya. Nakakairita lang kasi feeler niya. Feeling niya ang gwapo-gwapo niya pero hindi naman. Tapos yung isa daw doon sa magkapatid ay gusto daw silang maging sila pero sabi niya haggang best friend muna daw. Mag-aral daw muna bago mag-boyfriend at girlfriend. Ewan ko kung totoo yun. Naririnig ko lang kasing nag-kwekwentuhan sila kasam friends niya at ang lakas pa ng boses ni Kris. *Love from Choi Ara* <3
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
delighten
#1
Chapter 8: Update! :)