Chapter 11

"MY OWN STORY"
(November 19,2013) *Dear Diary* Pumunta kami sa DCRC para tulungang magre-pack para sa mga nasalanta ng bagyong Yoland. Hindi naman masyadong marami ang ginawa ko kasi nahuli akong nakapunta doon habang yung iba ay kanina pa tumutulong. Ang swerte ko nga kasi dalawang oras lang akong tumulong. Pag-dating ko ay kain kaagad ako kasi 12pm na. Pagkatapos nun ay tumulong na kaming magtiklop ng mga plastic at tumulong na magre-pack. Yung iba nagtatali at yung iba ay nillagyan yung pastic ng mga toothbrush , toothpaste,sabon,sabong panlaba, at napkin. Masaya rin namang makatulong at worth it din naman. (November 20,2013) *Dear Diary* Nakaka-excite ang araw na ito kasi bukas na yung camping pero 1 night lang. Kung atleast naging 3 days matutuwa pa ako pero sa tingin ko naman ay masayang mag-camping sa school kasi kahit anong gusto mong gawin pwede. Nakaka-stess lang kasi marami kaming gagawin sa subject ni Mr.Kim next week. Hindi ko nga alam kung makakapasa ako pero itratry ko yung best ko para magawa yun kasi gusto kong maging proud yung mga magulang ko at Tita at Tito ko na nag-papaaral sa akin. Lagi kaya nila akong sinasabihan na huwag mung mag-boyfriend at mag-concentrate sa pag-aaral. (November 21,2013) *Dear Diary* Ang saya ng araw na ito kahit na 1am na kami nakatulog. Ang nakakatuwa pa ay ang dami ng games na nalaro naming at binasa namin lahat ng teachers namin dahil trip lang nung iba. Ewan ko lang. Basta nakita ko na lang yung mga teacher ay basa na. Ang panget nga lang kasi ay wala silang pangpalet. Ang saya talaga ng araw na ito kasi nagbigay kami ng letter sa gusto naming bigyan. Ang binigyan ko ay si Sulli, best friend ko, si L.joe, yung laging nag-proprotect sakin kay Changmin, si Mark, mabait kong friend, at si Kris na dati kong best friend. (November 22,2013) *Dear Diary* Nakakapagod ang araw na ito pero nakaka-sad kasi ngayon na magtatapos ang camping. Naisip ko lang yung binigay ko na letter. Sana nagustuhan nila kasi sinabi ko talaga yung gusto kong sabihin. Kinakabahan ako sa sinulat ko para kay Kris kasi hindi ko alam kung magugustuhan niya yung sinulat kong message para sa kanya. Pag-uwi ko sa bahay ay agad-agad akong pumunta sa CR para maligo at pagkatapos at kumain na ako at pagkatapos ay natulog na ako. *Love From Choi Ara* <3
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
delighten
#1
Chapter 8: Update! :)