Sa Rehearsal

Pahinga lang!! (Tagalog/Filipino) ()

Chapter 2: Sa Rehearsal

Panaginip, nais ka makapiling,

Kung ako'y nahihimbing,

Maaari bang 'wag ng gumising,

Ako'y kupkupin at gawing kasiping.

Naunang nakababa si Minho sa sasakyan, nakalakad na ng bahagya, napansing bahagyang nahuli si Taemin, at di pa nakakabababa sa sasakyan, kaya ito ay kanyang hinintay sa harapan ng gusali. May mga fans, na naghihintay sa kanila, at may mga bodyguards na nakapaligid na rin sa kanila.  Mayroong mga fans na sumisigaw at timitili, nang makita pa lang silang lahat. Sinisigaw ang pangalan ng kanilang grupo, 'Shinee, Shinee, Shinee' at mayroong sumisigaw ng pangalan ng bawat isa sa kanila, 'Onew, Key, Jonghyun, Minho, Taemin.' Nauna ng nakapasok sila Onew, Key at Jonghyun sa kanila.

Ang nahuhuli na lang ay ang cute niyang Yeobo, gusto niyang balikan, baka dumugin ito ng mga fans, pero naisipan na lang niyang maghintay. Di naman siya kalayuan sa sasakyan. Pwede niyang takbuhin ito, kung may mangyari.

Nakitang bumababa na si Taemin sa sasakyan, itinaas ni Minho ang buong braso at kamay, at hinintay na iabot ni Taemin ang kamay. Nang makita ni Taemin ang naka-extend na kamay niya, di napigilang mapangiti nito. At, naglakad itong nakataas na ang kamay papunta sa kanya. At, di nagtagal, paglapit na paglapit, iniabot ang kamay kay Minho, at, hawak kamay silang dalawang pumasok sa gusali, na-uuna si Minho nasa bandang likod si Taemin. At, nang makita ng mga fans sila'y hawak kamay, may mga tumili.

Pagpasok nila sa Concert Hall, mayroong grupo ng mga babae na gumagamit pa ng stage, kumakanta at sumasayaw.  Pumunta silang dalawa sa may bandang gilid, at, nakatayong nanood. Si Taemin ang nasa unahan at si Minho ang nasa likuran. At ung tatlo ay di naman nalalayo sa kanila, at nanonood rin.

Nag-uusap si Minho at Taemin:

"Iyan ata, ung bagong uso ngayong sayaw."

"Oo nga."

"Kayang-kaya mong sayawin yan."

'Siguro."

"Ikaw pa? Sisiw lang yan sa yo, at kay Key. Baka pasayaw sa iyo yan o ke Key, sa isa sa mga TV guesting natin, wag na sana sa akin. hahahahah Pero, kung mapilitan, kakayanin. Dapat, pag-aralan natin ung choreography."

"Dun ka ba nakatutok sa sayaw o dun sa sumasayaw?"

"Dun sa sayaw."

"Ikaw pa, e nakaladlad ung mga mapuputing mahahabang hita nila. At. in fairness, may beauty rin naman sila."

Lumapit si Minho kay Taemin at dinikit ang dibdib sa likuran nito at ini-akap ang  kanang braso, at hinawakan ang kaliwang braso nito, ang ulo niya e nasa kaliwan ni Taemin. Nakabahagyang lingon si Minho kay Taemin, bumulong sa me taenga  ng tinatakpan ng kamay ang bibig, "Yeobo, bakit, nageling-geling ka ba? Wag. Di ko naman papatulan yang mga yan. Ikaw, ang prettee Bo ko."

Yumuko, tinakpan ang bibig, at bumulong, "Ah Ang ibig sabihin, nakatingin ka nga."

"hahahahaha Yeobo naman."

"Sige lang."

"Ikaw lang, ikaw lang talaga."

"Ikaw na, Ikaw na talaga."

Huminga ng malalim, "Ang bango mo talaga."

"Pareho lang tayo ng amoy."

"Iba, pagnag-lotion ka na, at nag-moisturizer sa face. Ang bango mo talaga."

"Bolero."

Binalik ang mata sa mga grupo ng mga babae, umayos at ibinababa na ang kamay at pinagpatuloy ni Taemin ang panonood, at di na kumibo, bahagyang nakangiti. Si Minho e umayos rin, ibinaba ang kamay at nakalingon na rin sa mga grupo ng mga babae, pero di bumitaw sa pagkakahawak kay Taemin.

Di naman sila naghintay ng matagal, at sila na ang gagamit ng stage. Naghanda na silang lima, at pumunta na ng stage. Ang mga back-up dancers, na naka-abang sa di kalayuan ay naka-abang ring sumama sa kanila. Alam nilang lahat na ilang oras din ang magiging rehearsal nila.

Makalipas ang ilang oras:

Isang sandali na kapiling ka,

Isang sandali na makasama ka,

Isang sandali na panaginip ka,

Isang sandali na ligaya.

"Di pa ba tayo matatapos? Tomgo na ako, eh," bulong ni Taemin kay Minho, "pagod na rin ako, eh. Pahingi ng tubig, oh." Alam nilang may mga kamera na nakasunod sa bawat galaw nila at may mga tao rin na nakatingin sa kanila.

Di pa kumikibo, pero lumakad ng bahagya si Minho, at pagkatapos yumuko at inabot ang isang bote ng tubig na nakalaan para sa kanila sa may harap ng stage, at bumalik sa tabi ni Taemin at iniabot ang bote ng tubig sa kanya, nag-abot ang kanilang mga kamay at nagkatinginan sila, tinginang nagkaka-unawaan, na may bahid din ng pagsuyo.

"Salamat," Kinuha nung isa ang bote at binuksan at uminom. Pagkatapos maka-inom, inalok ung tubig sa katabi at kinuha nito ito at uminom na rin, at kinuha ung takip sa kamay nung isa  at ito na ang nagsara sa bote ng tubig, at nagsabi, "Sandali na lang siguro, at magla-lunch na tayo, gutom na rin ako."

Bituin, sa tanikala

Abot tanaw ka

Mga kamay nila

Nais abutin ka

Ang kalam ng tiyan ay aking ramdam,

Di man mamutawi sa aking labi,

Ang kalam ng puso iyong ramdam,

Di man mamutawi sa aking labi.

Pagkatapos nilang mag-ensayo, sila ay tutungo sa isang kainan upang mananghalian.  Pare-pareho silang mga kumakalam na ang sikmura sa gutom at dahil na rin sa pagod.Tumungo sila sa dressing room upang magpalit lamang ng pang-itaas, dahil sa sobrang pawis.  Ang bawat isa sa kanilang lima ay may umaasiste at nagpupunas ng kanilang pawis at nag-aabot ng kanilang mga gamit. Di sila nagtagal sa pagpapalit ng damit at handa na silang lahat na umalis.

Ang mga make-up artists at hair stylists nila ay inaayusan na rin silang lima bago sila lalabas ng dressing room.

Si Minho, na di kalayuan kay Taemin, napansing di maayos ang buhok nito, kaya lumapit ito sa kanya, at ito na mismo ang umayos sa  kanya sa pamamagitan ng bahagyang pagsuklay ng mga daliri nito sa buhok at sa sapatilya.  Si Taemin, na ina-ayusan ng make-up artist ay di nagpahalatang alam niyang ina-ayusan siya ni Minho, at naka-tingin sa ina-aayusang Onew.

Ang pagpansin ni Minho sa kanya ay ikinatataba ng kanyang puso, pero, di dapat ipahalata sa iba na lumulukso ang puso niya sa galak., dapat laging patay malisya lang. Pero, sa loob-loob  niya, nakangiti siya ng ubod ng laki at tamis.

Dumadagaktak na pawis,

Lawang pawis,

Dumudugundong na pawis,

Lawang pawis.

Di naglaon, sila ay lumabas na ng dressing room, at sila ay napapalibutan uli ng mga bodyguards at ng mga managers nila, upang maging bantay sa kanilang paglabas ng gusali. At sa harap ng gusali, nakahanda na ang kanilang sasakyan, mayroong pa rin mga fans na matiyagang naghihintay sa kanilang paglabas, na lalong dumami pa kaysa nung sila ay dumating. Kaya sa kanilang paglabas ng gusali, dagsa-dagsa ang mga fans, sila ay sinalubong ng mga ito, kailangang ma-ingat na hawiin ng mga bodyguards at mga managers ang mga ito para makagawa ng daan pra sa kanila. Dahil siksikan, si Onew ang nauuna, si Minho ay nasa likod ni Taemin at nakahawak sa may baywang nito,  at si Jonghyun ay nasa likod ni Key na nakahawak sa mga braso nito.  Nahirapan silang makasakay sa sasakyan, ngunit di rin nagtagal ay isa-isa silang nakasakay.

Sa likuran, si Onew, Taemin at Minho ang magkakatabi, sa ginta ng sasakyan magkatabing magka-upo sila Key at Jonghyun.

Si Minho nakahawak sa may tuhod ni Taemin, nagtanong, "Ayos ka lang ba?"

"Oo, okay lang ako. Ang daming tao, ano? Biglang mas dumami pa ang mga fans kaysa kanina."

Sumagot si Onew, "Oo nga, ano? Mas dumami kaysa kanina. Akala ko, mas kukonte na sila, baligtad ika-mo."

Si Key nagwika, "Ang tiyaga nila talaga, ano? Pero, naman, kanina, may fan na gusto akong abutin, may balak ata akong korutin, mukhang nanggigigil eh, masakit ata ang makurot. At saka ang kutis ko masisira," umikot ang mata, "wiz ko type. Buti na lang ika-mo, walang nangyaring ganun."

Si Jonghyun nagwika, "Takot lang nila sa yo, pagnagtaray ka na," nakangiti.

Key, pumihit ang ulo at nagtaas ng kilay, nakatinging nakanguso  kay Jonghyun,  at nagwika, "Tao lang ako no, kailan cute ang puno ka ng pasa at magkulay black, blue at purple, na puro sugat sa mga kurot? Kailan ever naging cute un, aber?"

Jonghyun niyakap si Key at nagsabi ng, "Baby," tumatawa, tapos bumulong kay Key, "luvs, ito naman oh."

Bahagyang lumalayo si Key, "Ewan ko sa yo,"  ngunit di binibitawan ni Jonghyun, "Kaya nga nakahawak ako sa yo kanina, di ba? Ito naman."

"Keber."

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Cherub
#1
Chapter 1: Ehhhhm WHAT!?
kpopartory
#2
Hello! @alexSHINee! Thank you for the comment! *huggles*

You made me smile and happy.
alexSHINee #3
woah!sobrang tagalog ahh!bayun di nanga engish binabasa ko dumudugo parin ilong ko....love this fic d:
kpopartory
#4
Hello! @MadameB! Thank you for the comment! *huggles*

Thank you for reading and for subscribing, I really appreciate it.

lol you, will never hear the end of it, if she finds out lololol

I'll think of an alternative for this one, in English *smile*

NotInThisWorld #5
I'll subscribe anyway,i''ll use this for my lessons >=)
NotInThisWorld #6
i want my mother to translate this for me but then i think she would have kill me for reading gay fics ;;;_;;; why oh why did I have to grow up in US??!! I'm filipino!!! TTT.TTT
kpopartory
#7
Hello! @TFVice and @soexpensiv! Thank you both for the comments. *huggles*

Thank you for reading the story.

I love comments, short or long comments are most welcomed, I hope you are enjoying the story.

As you notice, it is not a rated fic, but still a boy x boy fic, I just wanted to write a cute fic for 2Min.

I was actually thinking of translating this to English, but, it may not come out the same way, because of the way I wanted to write it, with the Tagalog/English/Filipino Gay lingo/language I wanted to incorporate into it. And, sometimes, the daily words, that are used, by the mainstream or the bakya crowd.

But, I'll think on it.
soexpensiv
#8
Teka lang 'teh nawindang ako, tagalog na fanfic, 2min pa!

Nung una medyo gusto ko nang sukuan at dinudugo na ilong ko sa napakamatalinhaga mong pagkakasulat pero pagdating naman sa first chap, eh napangiti ako ng bongga dahil naglabasan na ang mga bakla ㅋㅋ.

It's interesting though it really doesn't show what will happen next. I will be anticipating the succeeding chapters. :)
TFVice
#9
I'm so late on your last response, but thank you! ^^ Imma go reread it with the right characters in mind now! I love the 2min interaction here as well. =w= Reading aloud cuz I'm so slow in my Tagalog... *facepalm* Here's a thought I just had, why don't you make an Eng. ver of this story, and see the responses? It's under 2min, but the language barrier is preventing more readers. ._. But that doesn't mean I want you to stop with making this Tagalog! The language gives 2min a completely different charm that I can't explain...

That was long...
kpopartory
#10
Hello! @TFVice! Thank you for the comment!

IKR?! I just wanted to try a fan fiction in Tagalog or Tagalog/English version.

It's Minho who wanted to bathe together, it's Taeminnie who is not in the mood, and wanted to bathe alone, but gave in to Minho's request anyway lol