Ang Pagod na si Taemin (2 Bahagi)

Pahinga lang!! (Tagalog/Filipino) ()

Chapter 1: Ang Pagod na si Taemin (2 Bahagi)

Ang pagal kong katawan

naghahanap ng pahinga

Ang pagal kong isipan

naghahanap ng pahinga

Ma-minsan man lang

nais ko ay kaluwagan

Ma-minsan man lang

nais ko ay kalayaan

"Hoy, bumangon ka na dyan at me lakad tayo, pupunta tayo dun sa rehersal natin."

"hmmmm Antok pa ko."

Sabay tapik sa balikat, "Bumangon ka na dyan, sabi e."

"Pwede bang, next time na lang?"

"Parang pwede, ano? Sige na, tayo na."

"hmmm Wizz ko type. Feel kong mag-beauty rest pa. Gusto ko talagang matulog maghapon."

"Me topak ka ano? Ang tita, emotera."

"Bakit, di ka ba napapagod?  Kasi ako pagod." Sabay taas ng kilay.

"Tao lang, syempre napapagod din."

"Eh so, eh di pahinga muna tayo. 'Wag na tayong pumunta, tambay na lang tayo"

"Parang ganun lang un, na pagna-isipan mong 'wag pumunta, 'wag na lang."

"Phweedeee naman, di vaaa?"

"Sira! Lakas ng topak mo, ha.  Hoy, sige na, bangon na dyan, maliligo ka pa at mag-aalmusal."

"Sige, asarin mo ako. Sige."

Parang wala akong lakas

na buhatin ang sarili

Parang wala akong takas

na para lang sa sarili

Na ibigay ko na ng lubos

na pawawala na

Ako na na-uubos na upos

na pawawala na

Di pa rin tumatayo sa pagkakahiga sa kama, bahagyang nakatingin na kikisap-kisap ang mata sa ka-usap na nakakatanda, "Wizz akong nuclear plant. Feelingera muah, magkakachuva ek ek ako. PAK"

Kumunot ang nuo ng bahagya, "At me ganun, hmmm vakit, ano ba ang fini-feelingera mo dyan?" Yumuko at bahagyang hinawakan ng magaan sa may noo ang mas nakababata, "May sinat ka ba? O Sisipunin ka ba?" Umayos ng pagkakatayo, at pinagmamasdan ang ka-usap.

Umiwas ng tingin, "Wizz ko, basta ang emot ko, napapagod ako."

"Baka naman tomgo ka. Nagluluto na si Key ng almusal. Mamaya-maya lang nakaluto na un. Hayaan mo, mamaya, ibibili kita ng maiinom na energizer."

Bumulong, "Bo," huminga ng malalim, "di ka ba nagsasawa sa ginagawa natin? Di ka ba napapagod?"

"Ask ko lang," pinagpatong ang mga braso sa harapan ng dibdib, habang pinagmamasdan sa nakahigang ka-usap, "bakit mo na-isipang pumasok sa mundo ng showbiz?"

Di agad nakasagot ang nakababatang ka-usap, at bahagyang nag-isip,"Dahil, sa umpisa pa lang e carry ko  ang mag-sing at dance. Syempre, datung, gusto kong makatulong sa pamilya ko. At, honest lang, nag emot ako na aabutin ko ang star, na magiging sikat ako."

"At, di ba, go naman lahat un?"

"Okay, totoo 'yun, nagfla-fly ako ngayon. Pero, para akong basang sisiw. Di ba maaaring magrest ang beauty ko, habang kinakarir un?"

"Talaga naman, ang lola emotera, Halika nga at maligo tayo, baka mabawasan ang lowtage ng energy mo."

Nakataas ang kilay, "Kanina lang, tita, ngayon lola na, ang bilis naman nun. Ganun na ako? Ha? Ganun? Makatayo na nga, at makaligo mag-isa." Sabay kilos na tatayo na.

"Teka muna, sabay nga tayo e, sasabay na ako sa yo." Yumuko at humawak sa braso.

Naka-upo nakatingala sa kausap, bahagyang nakasimangot, "Hay, ewan ko sayo, dahil lola naman ako, maghanap ka ng bagay sa yo." At tuluyang tumayo.

Yumakap, pero tinulak ng kausap, "Oy, my Pretty Bo, forgive mo na ko," at yumakap uli sa kausap, at di naman umaakap ung isa, "Pretty Bo, sige na ligo na tayo."

"Wala ako sa mood, maligo ka mag-isa mo."

"Promise, ligo lang."

"Ewan, ikaw pa, pag-andun na tayo, di ka mapakali."

"Promise."

Lumayo ang mukha ng bahagya, hahalik sa me pisngi, kaso umiwas ung kausap, "Di mo ko madadaan sa halik."

Hinahaplos ang likod, hinabol ang mukha nung kausap, at nakanakaw ng halik sa me bandang tenga at pisngi, "Pretty Bo, luv you, ikaw lang ang Bo ko," nilalambing ang kasuyo.

"O sige, promise mo muna, ligo lang talaga. At walang hokus pokus na mangyayari."

"Konting hokus lang, sige na, payag ka na."

"Anong konte? E ung konte mo, super un."

"hahahahaha Love mo naman ako di ba, sige na."

"Ewan sa yo, basta wala ako sa mood, di pwede, maliligo na lang akong mag-isa."

"Sige-sige, go ako sa gusto mo, walang hokus pokus, basta ligo tayo ng sabay."

"Promise? Totoo yan?" Nakataas ang kilay, na nagtatanong, di pa rin kumpinsido.

"Promise!" Nakangiti ng ubod ng tamis.

"Okay na nga. Ano magagawa ko, me choice ba talaga ako?" Umikot ang mata.

Nagnakaw ng halik sa me labi.

"Tamo, andito pa lang tayo, nakaka-isa ka na."

"hahahahaha Luv you, Pretteee Bo," sabay halik uli sa labi, "Halika na, baka biglang magtawag si Key na nakaluto na, di tayo makaliligo ng matagal."

"As in, talaga lang, me plano kang maligo ng matagal?"

Sinagot ng matamis na ngiti, at nag-wink.

"Hay naku."

Kumuha lang ng dalawang twulya at hinila na si Taemin ni Minho sa banyo, "Bilis."

"hahahaha di makapaghintay ang loko. Feel mo ang beauty ko no?"

"Syempre pa."

Writer's Note:

Iniba ko ung gawa ko, ano ang mas okay ung una o itong huli?

Salamat sa pagbasa.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Cherub
#1
Chapter 1: Ehhhhm WHAT!?
kpopartory
#2
Hello! @alexSHINee! Thank you for the comment! *huggles*

You made me smile and happy.
alexSHINee #3
woah!sobrang tagalog ahh!bayun di nanga engish binabasa ko dumudugo parin ilong ko....love this fic d:
kpopartory
#4
Hello! @MadameB! Thank you for the comment! *huggles*

Thank you for reading and for subscribing, I really appreciate it.

lol you, will never hear the end of it, if she finds out lololol

I'll think of an alternative for this one, in English *smile*

NotInThisWorld #5
I'll subscribe anyway,i''ll use this for my lessons >=)
NotInThisWorld #6
i want my mother to translate this for me but then i think she would have kill me for reading gay fics ;;;_;;; why oh why did I have to grow up in US??!! I'm filipino!!! TTT.TTT
kpopartory
#7
Hello! @TFVice and @soexpensiv! Thank you both for the comments. *huggles*

Thank you for reading the story.

I love comments, short or long comments are most welcomed, I hope you are enjoying the story.

As you notice, it is not a rated fic, but still a boy x boy fic, I just wanted to write a cute fic for 2Min.

I was actually thinking of translating this to English, but, it may not come out the same way, because of the way I wanted to write it, with the Tagalog/English/Filipino Gay lingo/language I wanted to incorporate into it. And, sometimes, the daily words, that are used, by the mainstream or the bakya crowd.

But, I'll think on it.
soexpensiv
#8
Teka lang 'teh nawindang ako, tagalog na fanfic, 2min pa!

Nung una medyo gusto ko nang sukuan at dinudugo na ilong ko sa napakamatalinhaga mong pagkakasulat pero pagdating naman sa first chap, eh napangiti ako ng bongga dahil naglabasan na ang mga bakla ㅋㅋ.

It's interesting though it really doesn't show what will happen next. I will be anticipating the succeeding chapters. :)
TFVice
#9
I'm so late on your last response, but thank you! ^^ Imma go reread it with the right characters in mind now! I love the 2min interaction here as well. =w= Reading aloud cuz I'm so slow in my Tagalog... *facepalm* Here's a thought I just had, why don't you make an Eng. ver of this story, and see the responses? It's under 2min, but the language barrier is preventing more readers. ._. But that doesn't mean I want you to stop with making this Tagalog! The language gives 2min a completely different charm that I can't explain...

That was long...
kpopartory
#10
Hello! @TFVice! Thank you for the comment!

IKR?! I just wanted to try a fan fiction in Tagalog or Tagalog/English version.

It's Minho who wanted to bathe together, it's Taeminnie who is not in the mood, and wanted to bathe alone, but gave in to Minho's request anyway lol